Friday, February 20, 2026

Investigating Adventism: "Pro-Catholic ka pa din Bro. Johnson Amican?"

 


Panimula: Hindi Tayo Nagtatagpo sa Tamang Isyu

Bago tayo sumabak sa mismong nilalaman ng ating talakayan, nais kong linawin ang isang mahalagang bagay mula sa simula: hindi tayo nagtatagpo sa tamang isyu.

Si Bro. Johnson Amican, sa kanyang programa, ay tila nalito sa tunay na pinag-uusapan. Sa halip na direktang tugunan ang mga ebidensyang ibinigay ko mula sa kanilang mga opisyal na aklat, ang ginawa niya ay gumawa ng straw man fallacy binago niya ang aking argumento para mas madali akong matalo. Pinalabas niyang hindi raw ako updated sa kanilang mga turo, pero ang katotohanan ay siya mismo ang hindi nakabasa ng kanilang sariling mga opisyal na dokumento.

Nais kong maging malinaw sa lahat: ang aking target sa debate na ito ay ang "Traditional SDA" position hindi ang personal na pananaw ni Bro. Johnson Amican. Ito ay isang napakahalagang paglilinaw. Bakit? Dahil ang posisyon ni Bro. Johnson ay isa lamang sa dalawang magkaibang pananaw na kinikilala ng SDA Church at wala sa dalawang ito ang itinanghal na opisyal na turo ng General Conference ng SDA Church sa buong mundo. Ibig sabihin, hindi niya kayang sabihin na ang kanyang pananaw ang nag-iisang tama, dahil kahit ang kanyang sariling simbahan ay hindi pa nagbibigay ng final ruling sa usaping ito.

Ang Palmdale Conference (1976): Ang Kasaysayang Dapat Malaman

Napatunayan ang sitwasyong ito sa Palmdale Conference noong 1976, kung saan nagtipon ang mga SDA scholars at church administrators mula Australia at United States upang talakayin ang isang kontrobersyal na tanong:

Ang "Righteousness by Faith" ba ay tumutukoy lamang sa Justification, o kasama rin ang Sanctification?

Ang resulta? Walang nanalo. Nagkasundo silang mag-"agree to disagree." Nanatiling buhay ang dalawang magkaibang posisyon sa loob ng SDA Church hanggang ngayon.

Ang Conference na ito ay dinaluhan ng siyam na scholars at church administrators mula Australia at labing-isa mula United States, na naganap sa Palmdale, California, noong April 23–30, 1976. Ang layunin nito ay talakayin ang isang kontrobersyal na tanong na nagdudulot ng malawak na pastoral problems sa mga churches sa America at Australia:

  1. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng Pauline expression na "righteousness by faith"?
  2. Tumutukoy ba ito nang eksklusibo sa justification, o kasama rin ang sanctification?

Ang sampung formal papers na binasa at tinalakay sa nasabing conference ay kinabibilangan ng mga kontribusyon mula kina D. F. Neufeld, A. P. Salom, R. W. Olson, R. Dederen, D. Ford, K. H. Wood, H. K. LaRondelle, at A. S. Jorgensen mga kilalang SDA scholars na may malalim na kaalaman sa paksa.

Ayon sa Online Encyclopedia of Seventh-day Adventists (ESDA), nagtapos ang conference nang may statement of consensus na hindi nila gustong ituring na "official pronouncement by church leaders." Ganito ang unang pahayag:

"We agree that when the words righteousness and faith are connected (by 'of,' 'by,' etc.) in Scripture, reference is to the experience of justification by faith. God, the righteous Judge, declares righteous the person who believes in Jesus and repents. Sinful though he may be, he is regarded as righteous because in Christ he has come into a righteous relationship with God. This is the gift of God through Christ."

Ngunit tatlong talata pagkatapos, may isang ambiguous na pahayag: "Seventh-day Adventists have often used the phrase 'righteousness by faith' theologically to include both justification and sanctification."

Tulad ng nabanggit ni Gerhard Pfandl, walang naging paliwanag kung tama ba o biblical ang ganitong paggamit. Bilang resulta, parehong panig ang nag-claim na sinusuportahan ng consensus statement ang kanilang posisyon. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nahahati pa rin ang SDA Church sa usaping ito.

Dalawang Magkaibang Posisyon sa Loob ng SDA

Mahalaga na maunawaan nating malinaw ang dalawang magkasalungat na pananaw sa loob ng SDA Church:

Una, ang Last Generation Theology (LGT) o "Traditional SDA" ay nagtuturo na ang Righteousness by Faith ay parehong Justification at Sanctification na ang dalawa ay magkasama bilang iisang proseso ng kaligtasan.

Pangalawa, ang mainstream SDA kasama sina Desmond Ford at ang Australian Division ay nagsasabi na ang Righteousness by Faith ay Justification by faith alone, hiwalay sa Sanctification. Ito ang posisyong ipinagtatanggol ni Bro. Johnson Amican.

Kaya nga, malinaw ang sitwasyon: walang opisyal na nanalo sa Palmdale Conference. Nanatiling lehitimo ang parehong posisyon sa loob ng SDA Church hanggang sa kasalukuyan.

Dito natin dapat marinig ang isang maingat na paalala kay Bro. Johnson: kung tunay niyang nirerespeto ang SDA Church, hindi niya dapat bigyan ng impresyon na ang totoong "pro-Adventist" ay yung nasa panig niya lamang. Sapagkat ayon sa naging kasunduan ng Palmdale Conference, walang tama o mali sa magkabilang panig. Ang hindi namamalayan, ito ay nagpapakita ng isang malalim na "identity crisis" sa loob ng SDA Church pagdating sa doktrina ng kaligtasan.

Sino Talaga ang "Pro-Catholic"?

Dito naman pumapasok ang isang napakaimportanteng punto. Sa aking mga naunang artikulo at videos, tinawag ko ang SDA position na "pro-Catholic" sa konsepto. Nais kong linawin ito nang maayos.

Si Alwyn Philip Salom, isa sa mga presenter sa Palmdale Conference at isang kilalang biblical scholar na nakatuon sa New Testament studies, ay nagsabi nang malinaw sa kanyang papel:

"Ipinakita niya sa Scripture na ang ibig sabihin ng righteousness ay 'essentially a matter of right status in the sight of God.' At kapag binigyan ito ng kahulugan na kasama ang ideya ng 'to make righteous,' iyon ay isang Catholic interpretation, hindi Protestant."

Sinusuportahan din ito ng pananaw ni Robert Brinsmead noong early 1970s. Ayon sa ESDA, ipinakilala niya sa debate ang mga sulat ng Lutheran reformer na si Martin Chemnitz (1522–1586), na nagbigay-diin sa matinding pagkakaiba ng Protestant soteriology kumpara sa Roman Catholic teaching.

Ayon kay Chemnitz, ang Protestant soteriology ay nakikita ang justification bilang isang forensic concept at binibigyang-halaga ang imputed righteousness of Christ. Ang Catholic doctrine naman ay pinagsasama ang imputed at imparted righteousness, kaya't nagiging bahagi ang sanctification sa ground of salvation. Para kay Chemnitz, ito ay isang katiwalian ng ebanghelyo na na-codify ng Catholic Church sa Council of Trent (1545–1563), at taliwas sa turo ni Apostol Pablo at ni Martin Luther.

Maliwanag kung gayon: para sa mga SDA scholars mismo, ang tinutukoy na "pro-Catholic" ay ang panig ng "Traditional SDA" o Last Generation Theology hindi ang mainstream SDA.

May katuwiran si Bro. Johnson na tanggihan ang tawag na "pro-Catholic" sa puntong iyon. Ngunit hindi ito nililinaw sa kanyang mga videos, at hindi rin niya itinama ang aking pagtukoy sa wastong konteksto nito.

Ang Unang Argumento ni Bro. Johnson: Hindi Siya "Updated"?

Sinabi ni Bro. Johnson sa kanyang programa:

"Ito po yung sabi niya, ang SDA righteousness by faith ay pareho ng sa Catholic dahil ang SDA ay naniniwala na ang Justification ay may kasamang Sanctification... napansin ko lang na hindi ka updated sa aming mga video lalo na po sa righteousness by faith."

Ang katotohanan ay ito: habang pinagtitiyagaan kong panoorin ang kanilang programa, ni minsan ay hindi nila binanggit o tinugunan ang mga references na binasa ko mula mismo sa kanilang opisyal na mga aklat. Hindi ito nagulat sa akin, dahil kilala ko na ang estilo: kapag nakaharap sa mga argumento na hindi nila kayang sagutin, ang laging fallback ay ang straw man fallacy palabasing hindi updated ang kalaban, para mas madaling ma-refute.

Ngunit ang mga aklat na ginagamit ko laban sa kanila ay authorized mismo ng General Conference ng SDA Church para mag-represent ng SDA teachings hindi ang kanilang programa. Halimbawa, sa aking unang video response na may pamagat na "Pro-Catholic ka pala!", nilaktawan lang nila ang aking mga ebidensya mula sa kanilang mga aklat. Kaya hindi sila nagtagumpay na buwaguhin ang katotohanan na ang SDA righteousness by faith ay katulad ng konsepto ng Roman Catholic Church.

Ang Ikalawang Argumento ni Bro. Johnson: "Pro-Adventist" Daw Siya

Sinabi rin ni Bro. Johnson:

"So brother Ronald natalakay na namin yan... nagkaroon ng linaw po ito na ano magkasama at iisa ay ang righteousness by faith at justification by faith kaya sinasabi ko po na pro-Adventist ako."

Habang sinasabi niya ito, ipinakita niya sa slide ang article ni Gerhard Pfandl na "The Righteousness by Faith Controversy" mula sa Perspective Digest.

Ngunit narito ang problema: hindi iyon ang conclusion ng article ni Pfandl. Sa katunayan, ganito ang tunay na sinabi ni Pfandl:

"Malinaw naman ito [ang unang bahagi]. Ngunit sa section na 'Justification and Sanctification' may ilang ambiguous statements... Walang paliwanag kung dapat bang ipagpatuloy ang paggamit ng phrase na 'righteousness by faith' sa ganitong paraan."

Ang tunay na "nilinaw bandang huli" sa Palmdale Conference ay hindi ang sinasabi ni Bro. Johnson. Sa halip, pareho ang dalawang posisyon ang kinilala, at ang naging resulta ay isang draw walang panalong tama o talunang mali. Nagkasundo ang Conference na maaaring pagpilian ng mga SDA kung alin sa dalawang pananaw ang sa tingin nila ay tama.

Malabo pa rin ang claim ni Bro. Johnson na siya ay "pro-Adventist" na parang ang kanyang posisyon lamang ang tunay na Adventist. Hindi ba't "pro-Adventist" din ang mga SDA na nasa panig ng Traditional/LGT? Hindi ba't draw lang naman ang naging resulta ng Palmdale Conference para sa dalawang panig?

Bakit Hindi Pa Rin "Lulusot" si Bro. Johnson

Mayroon pang isang malaking blunder si Bro. Johnson. Pilit niyang ipinaliwanag na, bilang sagot sa akin, sinasabi ko raw na isinasama niya ang Sanctification sa initial Justification. Binasa pa niya ang SDA Dictionary para patunayan na hindi daw iyon ang stand nila.

Ngunit hindi iyon ang aking argumento. Ito ay straw man fallacy muli nilalagay niya ang kanyang salita sa aking bibig para mas madali akong ma-refute.

Kahit ang Roman Catholic Church mismo ay naniniwala na ang initial grace o initial Justification ay nagmumula sa ritual ng infant baptism at malinaw na wala namang kamalayan ang mga sanggol para makagawa ng mabubuting gawa. Kaya ang RCC ay hindi nagtaturo na ang initial justification ay may kasamang works.

Ang aking punto ay iba: ang tinutukoy kong "pro-Catholic" na posisyon ay ang pagsasama ng Justification at Sanctification bilang proseso ng kaligtasan hindi ang initial justification lamang.

Ganito ang malinaw na sinasabi ng kanilang sariling Pocket Dictionary for Understanding Adventism (p. 117) sa ilalim ng article na "Justification/Justification by Faith":

"This Protestant understanding differs from the Roman Catholic heresy that sees justification as both regeneration and sanctification."

At narinig ko mismo sa isang YouTube video ni Bro. Johnson na ang dahilan kung bakit siya sumusunod sa Sampung Utos at nag-oobserve ng Sabbath ay upang ma-maintain ang kaligtasan (Justification) na kanyang tinanggap by grace mula sa Panginoon. Dito mismo nakikita ang pro-Catholic na posisyon hindi sa initial justification, kundi sa proseso ng kaligtasan.

Ang Katibayan mula sa mga Opisyal na Aklat ng SDA

Sinusuportahan ng kanilang sariling mga opisyal na publikasyon ang aking argumento:

SDA Believe, p. 381: "Sabbathkeeping ay bunga ng Kanyang righteousness sa justification at sanctification."

SDA Believe, p. 175: "Ang justification at sanctification ay malapit na magkaugnay — magkaiba pero hindi kailanman hiwalay. Ipinapakita nila ang dalawang yugto ng kaligtasan: Justification ay kung ano ang ginagawa ng Diyos para sa atin, samantalang sanctification ay kung ano ang ginagawa ng Diyos sa loob natin."

SDA Believe, pp. 186–187: "Kaya't mahalaga na iwasan ang sobrang spekulasyon sa pagtatangkang ihiwalay nang detalyado ang justification at sanctification... Hindi lamang tayo lubos na na-justify kundi lubos ding na-sanctify sa Kanya."

Ang Katulad na Turo ng Council of Trent

Kapuna-puna ang pagkakatulad ng SDA position sa opisyal na turo ng Roman Catholic Council of Trent (ika-6 na Sesyon, January 13, 1547, "Decree on Justification," Chapter VII):

"This disposition, or preparation, is followed by Justification itself, which is not remission of sins merely, but also the sanctification and renewal of the inward man, through the voluntary reception of the grace, and of the gifts, whereby man of unjust becomes just, and of an enemy a friend, that so he may be an heir according to hope of life everlasting."

Tatlong malaking problema ang makikita rito mula sa perspektibo ng Bagong Tipan:

Una, sinasabi ng Trent na "Justification is not remission of sins merely." Ito ay direktang kumokontra sa Pauline doctrine na ang justification ay primarily isang legal declaration (Roma 4:5–8; 5:1). Si Pablo ay nag-equate ng justification sa non-imputation of sin at imputation of righteousness hindi sa proseso ng sanctification.

Pangalawa, kasama raw mismo sa justification ang pagiging banal at pagbabago ng loob. Pinagsama ng RCC ang justification (legal standing) at sanctification (moral transformation). Sa Protestantismo, magkaiba ang dalawa: ang Justification ay instant at complete na legal status; ang Sanctification ay progressive na paglago.

Pangatlo, ang turo ng infusion vs. imputation. Ang turo ng Roma ay na-infuse ang righteousness na ibinubuhos sa loob ng tao, kaya nagiging inherently righteous siya. Sa Protestant view, ang righteousness ay imputed credited to your account through Christ (2 Corinto 5:21).

Talahanayan ng Paghahambing

Aspeto Council of Trent SDA – Official Position
Kalikasan ng Justification Hindi lamang remission of sins  kasama ang sanctification at renewal May forensic aspect (declared righteous) at subjective aspect (personal experience)
Faith at Works Faith must be "formed by love"  works are inseparably linked Justification at Sanctification ay "magkaiba pero hindi kailanman hiwalay"
Transformation Justification ay kasama ang aktwal na pagbabago ng buhay Hindi lamang status kasama ang personal na lived experience ng pagiging justified
Kaugnayan sa Protestant View Explicitly rejects sola fide bilang purely forensic Dual aspect ng justification ay nagpapakita ng katulad na posisyon sa Catholicism


Isang Mahal na Paalala sa Kapwa Katawan ni Kristo

Sa konklusyon, nais kong magsalita nang may pagmamahal hindi bilang kaaway, kundi bilang isang kapatid na nagmamalasakit sa katotohanan ng ebanghelyo.

Kay Bro. Johnson Amican: mas mabuti siguro kung mag-consult muna kayo sa mga SDA professors at theologians sa AUP o AIIAS. Ipakita nila ang mga dokumento at references na hawak ko, at kumunsulta nang maayos bago pa man subukan na i-refute ang aking mga ebidensya. Ito ay para maging patas sa lahat ng panig. Higit sa lahat, mas mabuti pang aminin na ang SDA Church ay may tunay na "identity crisis" pagdating sa Righteousness by Faith kaysa piliting palabasin na ang lahat ay "updated" na at maayos.

Ang mga opisyal na aklat tulad ng The Ellen White Encyclopedia at SDA 28 Beliefs ay hindi nagsisinungaling at ang mga ito mismo ay nagpapakita ng malalim na pagkakatulad ng SDA soteriology sa konsepto ng Roma.

Sa lahat ng nagbabasa: huwag tayong padala sa mga terminolohiyang mukhang "Evangelical" sa pandinig pero "Legalistic" naman sa ilalim. Ang tunay na ebanghelyo ay hindi nangangapa. Kung ang iyong katiyakan ng kaligtasan ay nakadepende pa rin sa iyong "record" na dadaan sa audit sa langit  hindi iyon ang kapayapaan at katiyakang ibinigay ni Kristo sa Krus.

Ang Kanyang finished work ay sapat. Walang kulang. Walang dagdag.

"Samakatuwid, yamang tayo ay inaring-ganap na sa pananampalataya, tayo ay may kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo." (Roma 5:1)

Bumalik tayo sa sapat na gawa ni Jesus hindi sa isang kaligtasang nangangailangan pa ng ating sariling kontribusyon upang mapanatili ito. Iyan ang tunay na Ebanghelyo. Iyan ang Protestantismo. Iyan ang Bagong Tipan.

Former Adventists Philippines

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

Former Adventists Philippines Association, Inc
SEC Registration No: 2025090219381-03


Help keep this content free for everyone. I am committed to sharing these truths and resources freely. If you have found value in my articles since 2021 and would like to partner with me in this ministry, your support on Ko-fi would be greatly appreciated. It helps cover the costs of maintaining this blog and creating new content.

❤️ Partner with me on Ko-fi
Gcash# 09695143944 

PayPal: paypal.me/formeradventistsph

Ko-Fi: https://ko-fi.com/ronaldobidos 

No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

Investigating Adventism: "Pro-Catholic ka pa din Bro. Johnson Amican?"

  Panimula: Hindi Tayo Nagtatagpo sa Tamang Isyu Bago tayo sumabak sa mismong nilalaman ng ating talakayan, nais kong linawin ang isang ma...

MOST POPULAR POSTS