INTRODUCTION: Bakit Ito Mahalaga Para Sa Atin?
Maraming Pinoys ang na-reach na ng Oneness Pentecostalism—’yung doctrine na nagsasabing si Jesus lang daw ang buong God: Siya ang Father, Son, at Holy Spirit all at the same time, without the three distinct Persons. Dito sa Pilipinas, kilalang-kilala sila through organizations like the UPCI (United Pentecostal Church International) at iba pang groups na nagtuturo ng "Jesus Only" view ng Diyos.
Ang main claim nila? "Ito ang original teaching ng mga Apostol! Ang Trinitarian theology ay inimbento lang ng tao—isang pagan influence daw from Nicea!" In short: sila lang daw ang may hawak ng tunay na apostolic faith.
Pero ito ang big question for this blog post: Is this actually true? Ang Early Church ba ay Oneness? O Trinitarian talaga from the start?
Ang Approach Natin
Hindi lang tayo basta aasa sa Bible alone (kahit na ito ang ating highest authority). I-eexamine din natin ang mga writings ng earliest Christian leaders right after the Apostles ’yung tinatawag na Apostolic Fathers.
Logically, kung Oneness talaga ang original doctrine, dapat Oneness din sila. At dapat, may makikita tayong nag-defend sa Oneness nung time na "pinalitan" na raw ito ng Trinitarian heresy. Hahanapin natin ang sagot.
TANONG #1: Bakit nga ba important ang testimony ng mga Apostolic Fathers?
ONENESS CLAIM:
"Ang Trinitarian theology ay nagmula lang sa Council of Nicea (325 AD). Bago 'nun, Oneness theology ang pinaniniwalaan ng buong Iglesya."
Simple lang ang logic dito. Isipin niyo ito: Kapag may isang religion o sekta, ang mga religious traditions ay sobrang bagal magbago. History proves na ang mga tradisyong panrelihiyonkapag naitatag na ay isa sa mga pinaka-conservative at matibay na aspeto ng human culture. Hindi 'yan nagbabago overnight.
Kaya ang simpleng tanong: Kung Oneness talaga ang turo ng mga Apostol, bakit walang naiwang record o patotoo nito sa susunod na isa o dalawang henerasyon? At bakit walang nag-protesta nung "pinalitan" daw ng mga Trinitarians ang Oneness doctrine? Kahit isang sigaw man lang ng "HERESY!" ay wala tayong makita!
TERM TO KNOW: Apostolic Fathers
Ang Apostolic Fathers ay mga Christian writers na nabuhay sobrang lapit sa panahon ng mga Apostol. Ang ilan sa kanila ay personal pang nakilala ang mga Apostol mismo (gaya ni Polycarp na disciple ni Apostle John).
Kasama rito sina:
Clement of Rome (c. 95 AD)
Ignatius of Antioch (c. 110 AD)
Polycarp (c. 110-155 AD)
Justin Martyr (c. 150-165 AD)
Athenagoras (c. 177 AD), at iba pa.
Ang kanilang mga sinulat ang nagsisilbing pinaka-earliest record ng Christian faith right after the New Testament was written.
Ang "Missing" Protest
Kung Oneness talaga ang original doctrine, ito ang dapat nating makita: dapat may naiwang protesta, reklamo, o depensa para sa Oneness noong 100-200 AD. Pero ang totoo, WALA.
Ang Modalism (ang view na pinakamalapit sa modern Oneness theology) ay hindi lumitaw bilang isang controversy hanggang sa dulo ng ika-2 o simula ng ika-3 siglo. At nung sumikat na ang turo nina Praxeas at Sabellius, doon pa lang nagkaroon ng malaking gulo at matinding resistance mula sa Church!
LOGICAL FALLACY: Argument from Silence (Selective)
Ang mga Oneness historians ay mahilig mag-Cherry-Picking. Kumukuha sila ng iilang text na "tunog" Oneness para suportahan ang posisyon nila, pero hindi nila binabanggit ang daan-daang iba pang texts mula sa parehong Church Fathers na napakalinaw na nagtuturo tungkol sa tatlong Persona ng Diyos. Selective presentation ito ng evidence para lang magmukhang tama ang claim nila.
TANONG #2: Ano nga ba ang sabi ng pinakamaagang Apostolic Fathers?
Sa usapang ito, hindi tayo pwedeng basta "guess" lang. Kailangan nating balikan ang mga resibo mula sa mga taong mismong nakasama o nakarinig sa mga Apostol.
A. Clement of Rome (c. 95 AD) — Halos Kasabayan ng Bagong Tipan!
Isipin niyo, sumulat si Clement noong 95 AD! At sa sulat niya, kitang-kita na ang Trinitarian language ay parang "normal" at common na sa kanila.
1 Clement 58:2: “For as God lives, and as the Lord Jesus Christ lives, and the Holy Spirit, the faith and hope of the elect…” (First Epistle of Clement to the Corinthians, Chapter 58)
Gumamit si Clement ng isang solemn oath formula na nag-i-invoke sa kanilang tatlo nang sabay-sabay.1 Clement 46:6: “Or have we not one God, and one Christ, and one Spirit of grace poured out upon us? And is there not one calling in Christ?” (First Epistle of Clement to the Corinthians, Chapter 46)
Binigyang-diin ni Clement dito ang pagiging isa ng Diyos, Kristo, at Spirit of grace bilang sandigan laban sa pagkakahati-hati o schism sa loob ng church.
Bakit importante ito ? Hindi ito debate para kay Clement. Ginamit niya ang wikang ito casually parang natural na pananalita ng isang mananampalataya. Kapag gusto mong magkaisa ang mga nakikinig sa iyo, hindi ka gagamit ng "bagong imbento" na words; gagamit ka ng language na alam at tanggap na ng lahat.
B. Ignatius of Antioch (c. 107-110 AD)
Si Ignatius ay disipulo mismo ng mga Apostol. Bago siya naging martyr sa Rome, nag-iwan siya ng pitong liham. Dito, paulit-ulit niyang ipinapakita ang kaibahan ng Ama at ng Anak hindi sila iisang Persona na nagpapalit-palit lang ng "mask" (gaya ng claim sa Oneness), kundi distinct Persons.
Magnesians 6:1: “…Jesus Christ, who was with the Father before the beginning of time, and in the end was revealed.” (Ignatius of Antioch, Epistle to the Magnesians, Chapter 6.
Ina-affirm dito na pre-existent na si Jesus kasama ang Ama bago pa man nagsimula ang panahon. Hindi lang Siya biglang lumitaw nung Incarnation; nandoon na Siya from the very beginning.Magnesians 7:2: “…There is one Jesus Christ, than whom nothing is more excellent. Therefore run together as into one temple of God, as to one altar, as to one Jesus Christ, who came forth from one Father, and is with and has gone to one.” (Ignatius of Antioch, Epistle to the Magnesians, Chapter 7)
In-emphasize naman dito ’yung origin ni Jesus mula sa Ama at ang pagbabalik Niya sa Kanya. Pinapakita nito ang kanilang eternal relationship—isang ugnayan na hindi napuputol.Ephesians 9:1:“…Jesus Christ, who was crucified for you, making use of the Holy Spirit as a rope, and being borne up by faith, while exalted by love from earth to heaven… For the Father has founded you upon the rock, as being chosen stones, well fitted for the divine edifice.” (Ignatius of Antioch, Epistle to the Ephesians, Chapter 9)
Gumamit si Ignatius ng isang vivid construction metaphor: ang Ama ang architect, si Kristo ang crane, at ang Holy Spirit naman ang rope. Napakagandang illustration nito ng kanilang cooperative roles sa ating salvation at sa pagtatatag ng foundation ng Church.
Theological Fact-Check: Sa Oneness theology, ang "Anak" ay ang physical body lang, at ang "Ama" ang Spirit. Pero sabi ni Ignatius, si Jesus ay kasama na ng Ama bago pa Siya nagkatawang-tao. Direct hit ito sa Oneness view!
LOGICAL FALLACY: Special Pleading May mga Oneness teachers (gaya nina Bernard o Chalfant) na pilit kinukuha ang isang verse ni Ignatius para magmukhang Oneness siya. Pero "Cherry-Picking" ’yan tinatago nila ang daan-daang verses kung saan malinaw na Trinitarian ang point ni Ignatius.
C. Polycarp:Ang Disipulo ni Apostol Juan!
Ito ang "heavy hitter" natin. Si Polycarp ay personal na naturuan ni Apostle John (ang nagsulat ng Gospel of John at Revelation). Kung Oneness ang turo ni Juan, dapat Oneness din si Polycarp, 'di ba? Pero tingnan natin ang huling dasal niya bago siya sunugin nang buhay:
Martyrdom of Polycarp 14:1-3: “O Lord God Almighty, the Father of Thy beloved and blessed Son Jesus Christ, by whom we have received the knowledge of Thee, the God of angels and powers, and of every creature, and of the whole race of the righteous who live before Thee, I give Thee thanks that Thou hast counted me worthy of this day and this hour… Wherefore also I praise Thee for all things, I bless Thee, I glorify Thee, along with the everlasting and heavenly Jesus Christ, Thy beloved Son, with whom, to Thee, and the Holy Ghost, be glory both now and to all coming ages. Amen.” (Martyrdom of Polycarp (c. 155–160 AD)
Ang dasal ni Polycarp ay nagbibigay ng glory sa Father, Son, at Holy Spirit nang magkakasama. Patunay ito na ang early Christian worship ay Trinitarian na talaga mula pa nung una. Mula ito sa mid-2nd century, kaya isa ito sa pinakamalakas at pinakamaagang extra-biblical witnesses para sa Trinitarian belief bago pa man magkaroon ng Roman Catholic church noong 6th century. Binigkas ang prayer na ito habang nakatali si Polycarp para maging martyr. Dahil dito, mas lalong tumitindi ang solemnity at authenticity ng kanyang huling patotoo.
TANONG #3: Paano nga ba in-interpret ng Early Church ang Genesis 1:26?
Sa usapang ito, may "clash" ng interpretations. Pakinggan natin ang magkabilang side bago tayo pumunta sa mga "resibo" ng kasaysayan.
ONENESS CLAIM
"Ang plural na 'Nating' at 'Ating' sa Genesis 1:26 ay plural of majesty lang (parang 'Royal We' ng mga hari). O kaya naman, baka ang mga anghel ang kausap ng Diyos. Hindi ito proof ng Trinity."
Pero teka lang. Imbes na mag-hulaan tayo, tingnan natin kung paano ito naintindihan ng mga taong pinakamalapit sa panahon ng mga Apostol. Sila ang nakakaalam ng "original context" ng turo.
Ang "Resibo" mula sa Kasaysayan
Epistle of Barnabas (c. 70-132 AD): “Before He suffered, He was Lord of the whole world… When He says, ‘Let us make man after our image and likeness,’ He speaks to His Son.” (Epistle of Barnabas, Chapter 5)
Panginoon na talaga si Jesus bago pa man ang Kanyang suffering, at Siya 'yung kausap ng Diyos nung sinabi sa Genesis 1:26 na, "Let us make man in our image." Malinaw, si Jesus ang kausap!Shepherd of Hermas (c. 100-140 AD): “The Son of God is older than all His creation, so that He was the counselor of the Father in His work of creation.” (Shepherd of Hermas, Similitude IX, Chapter 12)
Dito naman, in-emphasize na ang Son of God ay hamak na mas matanda kaysa sa lahat ng Kanyang creation. Sa katunayan, Siya ang naging "counselor" ng Ama noong nililikha ang mundo.Justin Martyr, Dialogue with Trypho 62 (c. 155 AD):
“…Moses tells us that God conversed with someone who was numerically distinct from Himself, and also a rational Being, saying, ‘Behold, Adam has become as one of us.’ This Offspring, truly begotten of the Father, was with Him before all creation.” (Justin Martyr, Dialogue with Trypho, Chapter 62
Si Justin ay hindi paligoy-ligoy. Sabi niya, ang Diyos ay nakikipag-usap sa isang Being na "numerically distinct" sa Kanya (ibig sabihin, magkaibang Persona). Tinutukoy niya rito si Cristo, na kasama na ng Ama bago pa man ang mga nilalang.Sa kanyang 1 Apology 13, sinabi ni Justin na reasonably nating sinasamba si Jesus Christ dahil natutunan nating Siya ang Anak ng tunay na Diyos. Inilalagay niya ang Anak sa "second place" at ang prophetic Spirit sa "third place."
“…Our teacher of these things is Jesus Christ, who also was born for this purpose, and was crucified under Pontius Pilate… And that we reasonably worship Him, having learned that He is the Son of the true God Himself, and holding Him in the second place, and the prophetic Spirit in the third, we will prove.” (Justin Martyr, First Apology, Chapter 13)
Dagdag pa niya sa 1 Apology 67, pinupuri natin ang "Maker of all" sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesus at sa pamamagitan ng Holy Spirit.“…For all things wherewith we are supplied, we bless the Maker of all through His Son Jesus Christ, and through the Holy Ghost. And on the day called Sunday, all who live in cities or in the country gather together to one place…” (Justin Martyr, First Apology, Chapter 67)
Inilalarawan ni Justin Martyr ang early Christian liturgy, kung saan ang worship ay naka-direct sa Ama, sa pamamagitan ng Anak, at sa pamamagitan ng Espiritu. Pinapakita lang nito na ang Trinitarian pattern ay hindi lang basta abstract doctrine, kundi mismong practice na ng mga unang Kristiyano sa kanilang regular na pagsamba.Itong mga quotes na ito ay maituturing na apologetic gold. Pinapakita lang nito na matagal pa bago ang Nicea (325 AD), ang mga unang Kristiyano ay nagko-confess at sumasamba na sa Ama, Anak, at Espiritu nang magkakasama.
Solidong ebidensya ito na ang ating pananampalataya ay hindi lang basta "late invention"ito ay ang original at consistent na practice ng early church simula’t sapul.
Ang Point: Sobrang linaw na ang mga early Christians under Justin ay sumasamba sa Ama, sa Anak (second place), at sa Espiritu (third place). To be honest, ang view ni Justin ay medyo subordinationist parang may ranking ang dignity ng Tatlong Persona. Kaya nga sa mga later Councils, nakita ito bilang sobrang layo sa "Oneness" at mas malapit pa sa "Tritheism." Ang challenge ngayon sa mga Oneness historians: Kung "bagong turo" lang ang Trinitarian view noon, bakit walang pumalag o nag-protesta sa sinusulat ni Justin?
Irenaeus of Lyon, Against Heresies IV (c. 180 AD): “Man was formed after the likeness of God, and molded by His hands, that is, by the Son and the Spirit, to whom also He said, ‘Let Us make man.’” (Against Heresies, Book IV, Chapter 20)
Ito ang isa sa pinaka-classic na explanation. Sabi ni Irenaeus, ang tao ay hinulma ng "Hands of God" at ang mga kamay na ito ay walang iba kundi ang Anak at ang Espiritu Santo. Sila ang sinabihan ng, "Gawin Natin ang tao."
Lahat ng mga sinaunang writers na ito ay may iisang tono: Ang plural sa Genesis 1:26 ay pag-uusap ng distinct Persons sa loob ng Godheadang Ama, ang Anak, at ang Espiritu.
At pansinin niyo, ginamit nila ang argumentong ito nang napaka-natural. Walang debate, walang matinding depensa, dahil ito ang standard teaching noong panahon nila. Kahit si Irenaeus (na pilit na "ina-adopt" ng ilang Oneness historians gaya ni David Bernard), napakalinaw na Trinitarian ang perspective sa creation!
TANONG #4: Paano Naman si Athenagoras?
“…Who, then, would not be astonished to hear men who speak of God the Father, and of God the Son, and of the Holy Spirit, and who declare both their power in union and their distinction in order, called atheists?” (Athenagoras, A Plea for the Christians, Chapter 10)
Diretsahang dineclare ni Athenagoras na ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay Diyos. Binigyang-diin niya yung union (pagkakaisa) nila at yung distinction (pagkakaiba) sa bawat isa. Pinapakita lang nito na ang concept ng Trinity ay hindi "late invention," kundi ito na talaga ang core faith ng early church noon pa man.
“…That they know God and His Logos, what is the oneness of the Son with the Father, what the communion of the Father with the Son, what is the Spirit, what is the unity of these three, the Spirit, the Son, the Father, and their distinction in unity…” (Athenagoras, A Plea for the Christians, Chapter 12)
In-expand niya kung ano ba talaga ang goal nating mga Kristiyano: ang lubos na makilala ang pagiging "one" ng Anak sa Ama, ang fellowship nila, at ang Banal na Espiritu. Malinaw niyang pino-point out dito yung unity (pagkakaisa) at distinction (pagkakaiba) nung Tatlong Persona.
Dahil isinulat ito noong bandang AD 177, isa ito sa mga pinaka-solid at pinakamalinaw na early extra-biblical proofs ng Trinitarian belief matagal pa bago nagkaroon ng Council of Nicea 325 AD. Patunay ito na ang ating pananampalataya ay nakaugat sa kasaysayan at hindi lang basta "naimbento" kalaunan.
ANG ONENESS CLAIM: Sinasabi ng ilang Oneness historians, gaya ni David Bernard, na Oneness daw ang tanging "significant belief" noong early second century. Ayon sa kanila, naging dominant lang daw ang Trinitarianism noong late 3rd century.
ANG REALIDAD: Sa totoo lang, itong claim na ito ay isang malaking historical revisionism. Walang matibay na proof para rito. Heto ang totoong resibo ng kasaysayan:
c. 190-200 AD: Si Praxeas ang unang nagdala ng modalism (Sabellianism) sa Roma. Mismong si Tertullian ang nagsabi na si Praxeas ang "first to import" nito galing sa Asia. Kumbaga, "bagong salta" lang ang turo na ito.
“…Praxeas was the first to import into Rome from Asia this kind of heretical pravity, a man in other respects of restless disposition… a pretender of yesterday… For he was the first to bring in this heresy, which supposes itself to possess the pure truth, in thinking that one cannot believe in One Only God in any other way than by saying that the Father, the Son, and the Holy Ghost are the very selfsame Person.” (Tertullian, Against Praxeas, Chapter 1)Tinawag ni Tertullian si Praxeas na isang “pretender of yesterday.” Bakit? Dahil gusto niyang i-point out na ang modalism ay isang "newcomer doctrine" isang bagong turo na sumulpot lang at hindi nagmula sa mga Apostol.
Itinuro kasi ni Praxeas na ang mismong Ama ang ipinanganak, nag-suffer, at Siya rin mismo si Jesus Christ. Sa madaling salita, "nilunod" o tinanggal niya yung distinction sa pagitan ng mga Persona ng Diyos. Bilang sagot, isinulat ni Tertullian ang Against Praxeas para ipagtanggol ang tinatawag nating Trinitarian “economy” ang katotohanan na ang Ama, Anak, at Espiritu ay distinct o magkakaiba, pero nananatiling united bilang iisang Diyos.
c. 200-220 AD: Sumunod si Sabellius sa pagpapakalat ng modalist teachings.
ANG RESULTA: Hindi ito tinanggap nang basta-basta. Nagkaroon ng malaking kaguluhan at matinding pagtutol! Isinulat ni Tertullian ang 'Against Praxeas' at naglabas din si Hippolytus ng mga refutation.
“…Certain ignorant and presumptuous men have attempted to scatter abroad the Church, and have introduced the greatest confusion among all the faithful throughout the entire world… There has appeared one, Noetus by name… and his disciple Cleomenes… At that time, Zephyrinus imagines that he administers the affairs of the Church… Callistus intermingling the heresy of Cleomenes with that of Theodotus constructed another more novel heresy.” (Ante-Nicene Fathers, Vol. V, p. 130–131)
Diretsahang inatake ni Hippolytus ang modalism nina Sabellius at Noetus. Inilarawan niya yung matinding gulo o turmoil na idinulot nito sa iglesya sa Roma, kaya naman naging urgent ang pangangailangan para sa isang solidong refutation.
Para kay Hippolytus, ang pagtuturo na ang Ama at Anak ay iisang persona lamang (modalism) ay isang seryosong paglihis sa katotohanan. Binigyang-diin niya na ang ating pananampalataya ay nakaugat sa ugnayan ng Ama at ng Kanyang Anak distinct Persons pero iisang Diyos. Ang kanyang matapang na paninindigan ay patunay na ang early church ay hinding-hindi papayag na malusaw ang pagkakaiba ng mga Persona sa loob ng iisang Pagkadiyos.
Si Sabellius (bandang 215 AD) ang nasa likod ng turo na tinawag na Sabellianism. Ang idea niya? Ang Ama, Anak, at Espiritu ay parang mga "modes" o "masks" lang daw ng iisang Divine Person. Para bang ang Diyos ay nagpapalit-palit lang ng papel o costume depende sa sitwasyon.
Pero malinaw sa kasaysayan: hindi ito bumenta. Sa halip na tanggapin, nagdulot ito ng matinding kontrobersya at pagkakabahagi sa iglesya. Sina Tertullian at Hippolytus ay talagang pumalag at sumulat ng mga polemics para ipagtanggol ang orthodox view ang katotohanang mayroong distinct Persons sa loob ng iisang Trinity.
Sa huli, ang Sabellianism ay opisyal na kinondena bilang heresy at ni-reject ng nakararaming mananampalataya. Patunay ito na ang mga unang Kristiyano ay hindi papayag na malusaw ang pagkatao ng Anak at ng Espiritu sa loob ng iisang "mode" lang.
Malinaw sa lahat noon na ito ay isang "innovation" o bagong turo, at hindi ang orihinal na turo ng mga Apostol. In fact, wala tayong makikitang kahit isang Oneness text mula 100-190 AD.
Ang "Missing" na Protesta
Isipin niyo 'to: Noong lumitaw ang modalism bilang bagong turo noong late 100s, grabe ang naging reaction at protesta ng simbahan. Pero kung totoo ang claim ng Oneness historians na ang orihinal na turo ay Oneness at biglang pinalitan ng Trinity na isang napakalaking pagbabago bakit walang record ng kahit anong protesta?
Bakit walang sumigaw? Bakit walang nagtanong?
Ang sagot ay simple: Hindi kailanman naging Oneness ang orihinal na apostolic teaching. Kaya walang Oneness na "inalis." Ang Trinitarian faith ang orihinal na turo, kaya nung pumasok ang modalism bilang isang banyaga at bagong ideya, natural lang na lumaban ang mga church leaders.
LOGICAL FALLACY: Argument from Popularity
Ginagamit ng mga Oneness historians ang sinabi ni Tertullian tungkol sa mga "simple being" sa Roma na parang nalilito sa Trinitarian distinctions. Pero kailangang maging maingat tayo rito:
Si Tertullian ay kilala sa pagiging hyperbolic (mahilig mag-exaggerate) para makuha ang point niya.
Ang tinutukoy niya ay isang specific na lugar lang (Roma), hindi ang buong pandaigdigang Simbahan.
Siya na rin mismo ang nagsabi na si Praxeas ang unang nagdala nito patunay na hindi ito ang dating kinagisnan ng mga mananampalataya.
TANONG #6: Paano Namin Sasagutin ang Pinakakaraniwang Oneness Objection?
Ito ay isang classic na halimbawa ng genetic fallacy yung sinusubukan mong i-dismiss ang isang argument sa pamamagitan ng pag-atake sa pinanggalingan nito sa halip na harapin yung mismong message.
Let’s be real: Ginamit nga nina Justin Martyr at Athenagoras ang mga terms gaya ng Logos o pneuma (na sikat sa Stoic at Platonic philosophy), pero ang paggamit ng "language of the day" ay hindi nangangahulugang binago na nila ang doctrine.
Analogy Para sa Atin: Isipin mo ang isang Bikolano na nagpapaliwanag ng Ebanghelyo. Gagamit siya ng mga salitang Bikol, mga metaphors tungkol sa sili o gata, at mga lokal na tradisyon para mas maintindihan siya. Dahil ba gumamit siya ng Bikolano terminology, nagbago na ang Ebanghelyo? Of course not! Yung "packaging" lang ang nag-adapt sa kultura, pero yung "content" ay pareho pa rin.
Ganoon din ang mga Apologists. Ginamit nila ang Greek terms para ipaliwanag ang Apostolic faith sa isang Greek-speaking world. Ang mahalaga rito: Ang lahat ng kapwa nila Kristiyano noon ay hindi nag-protesta, dahil alam nilang tama ang nire-represent nilang pananampalataya.
Wait lang, tingnan natin nang maigi. Totoo na tinawag ni Ignatius si Jesus na Theos (Diyos). Pero pansinin niyo ang context sa kanyang sulat sa mga taga-Roma:
"...in the majesty of the Father Most High and Jesus Christ his only Son..." "...for our God Jesus Christ is more visible now that he is in the Father." Ignatius (c. 110 AD)
Nakita niyo yung distinction? Tinawag niyang "Aming Diyos" si Jesus, SABAY na ipinakilala Siya bilang distinct o kaiba sa Ama. Sa Oneness view, ang Ama at Anak ay iisang persona lang talaga. Pero si Ignatius, malinaw na binabanggit ang dalawa bilang magkaibang Persona sa loob ng iisang context. Sasalungat din ang pahayag na ito ni Ignatius sa mga Oneness dahil paa sa kanina ang "Jesus" ay hindi Diyos dahil ang pangalang "Jesus" ay tumutukoy lamang sa kanyang pagiging tao..
Ang Tamang Konklusyon
Sa Trinitarian theology, walang conflict sa pagsasabing "Si Jesus ay Diyos" habang kinikilala ang Ama bilang isang magkaibang Persona. In fact, ito ang eksaktong ginagawa ni Ignatius. Ang Oneness theology ay hindi kayang panindigan ito nang consistent nang hindi nalilito sa kung sino ang kausap ng sino.
TATLONG QUESTIONS para sa Ating Mga Kapatid na Oneness
Heto ang tatlong mabibigat na tanong na dapat nating pag-isipan pagdating sa usapin ng kasaysayan at ng ating pananampalataya:
1. Ang "Normal" na Wika ng 1 Clement Kung Oneness talaga ang orihinal na turo ng mga Apostol, bakit ang pinaka-maagang post-apostolic na sulat ang 1 Clement (c. 95 AD), ay gumagamit ng malinaw na Trinitarian language nang napaka-normal? Hindi niya ito itinuturo bilang isang "bagong ideya" o "complex doctrine" na kailangang i-justify; ginagamit niya ito bilang incidental at bahagi na ng karaniwang pananampalataya ng mga unang Kristiyano.
2. Ang Nawawalang Protesta Laban sa Trinity Nang lumitaw ang modalism bilang isang bagong turo noong late 100s-200s AD, alam nating lahat na nagkaroon ng napakalaking gulo at matinding pagtutol sa buong Simbahan. Pero isipin niyo 'to: kung ang Trinitarian faith ang siyang "bagong heresy" na pinalit sa orihinal na Oneness, bakit walang katulad na kaguluhan noong ika-2 siglo? Nasaan yung mga sulat o record ng mga Kristiyanong lumalaban sa "nagtatalong Trinitarian heresy" sa pagitan ng 100-180 AD? Bakit walang resibo ng kahit anong protesta?
3. Ang Huling Panalangin ni Polycarp
Si Polycarp ay personal na naturuan at nakilala si Apostol Juan. Sa mismong moment ng kanyang martyrdom (kamatayan), nanalangin siya nang malinaw sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu bilang magkakabukod (distinct). Kung Oneness ang turo ni Juan, at si Polycarp ang kanyang pinaka-tanyag na disipulo, paano natin ipapaliwanag ang Trinitarian na panalangin na ito? Isang taong haharap na sa kamatayan ay hinding-hindi magsisinungaling o gagamit ng maling formula sa kanyang huling hininga.
CONCLUSION: Saan nga ba nagmula ang Trinitarian Faith?
Ang sagot ay sobrang linaw: Galing ito sa mga Apostol.
Hindi ito "late invention" noong Nicea (325 AD). Hindi rin ito nakuha sa impluwensya ng mga paganong pilosopo. Higit sa lahat, hindi ito inimbento ng mga tao para lang palitan ang "orihinal" daw na Oneness faith.
Kapag tiningnan natin ang lahat ng ebidensya mula sa mga pinaka-maagang Kristiyanong lider mula first hanggang third century makikita natin ang isang consistent na Trinitarian faith. Para sa kanila, ito ang orihinal na pananampalatayang tinanggap at ipinasa ng mga Apostol. Ang totoo, ang Modalism (Oneness theology) ang bago; ito ang innovation at ang heresy. Kaya naman tama lang na tinanggihan ito ng Simbahan noong bigla itong sumulpot sa kasaysayan.
Ang Hamon sa Atin Bilang mga Pilipino
Pero ang katotohanan ay hindi nakatago available ito sa lahat. Ang mga sulat ng mga Apostolic Fathers ay libre nating mababasa ngayon para ma-verify ang totoo. Ang Oneness theology ay hindi ang "pagbabalik sa orihinal"; sa halip, ito ay isang paglayo sa katotohanan. Ang tunay na pagbabalik sa apostolikong pananampalataya ay ang pagkilala sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu tatlong Persona, ngunit iisang Diyos.
Sa gitna ng napakaraming interpretasyon ngayon, paano mo sinisiguro na ang iyong pinaniniwalaan ay nakaugat sa tunay na kasaysayan ng Simbahan at hindi lang sa modernong rebisyon?
