MOST POPULAR POSTS

Monday, January 18, 2021

"NANDITO NA TAYO SA TUNAY SAAN KA PA PUPUNTA ? - ISANG PAGLILINAW"

May trending video sa FB mula sa nagpapakilalang SDA Bible Missionary kung saan sinabi ko na ang SDA church lamang ang tunay na iglesia at wala ng iba. Noong ako ay mangangaral pa sa SDA, palagi ko sinasabi na “mas mapalad ang ibang religion kaysa sa mga Adventist, dahil kapag umalis sila sa kanilang mga iglesia ay mayroon pa silang malilipatan na totoo, ang Seventh-day Adventist church! Samantalang tayong mga Adventist kapag umalis pa sa ating iglesia wala na tayong malilipatan pa kundi impierno!” Ito ay madalas ginagamit ngayon laban sa akin ng mga Adventists mula ng umalis ako sa kanilang denomination noong September 12, 2019.

Ngunit ano nga ba an masasabi ko tungkol sa pahayag kong ito? Ito ba ay isang mabisang sandata upang gamitin sa akin ngayon na hindi na ako Adventist?

Ganito ang komento ni SDA Bible Missionary sa post niya:



Ang Paglilinaw

Totoong sinabi ko ito dahil NOON ako ay Adventist pa, ngayon ay hindi na ako naniniwala dito mula ng umalis ako sa SDA. Kaya hindi maaaring gamitin ito laban sa akin dahil nagbago na ang aking pananaw noong ako ay maliwanagan. Masasabi ko na noon ay bulag pa ako sa katotohanan kaya napaniwala ako for 24 years na ang SDA ay true church. Mali na gamitin ang ganitong klase ng pangangatwiran to prove na ang SDA ay true church.

Kung ipagpipilitan ninuman na ito ay matibay na evidence na nagpapatunay ng pagiging totoo ng SDA church, kung gayon, ay dapat tanggapin din nila na ang mga Saksi ni Jehova ay tunay na iglesia! Una, ginagamit ko dati ang argumentong ito sa aking mga pangangaral bilang isang Saksi ni Jehova for 16 years! Ang argumentong ito ay natutunan ko mula sa friends ko na mga Saksi ni Jehova din na De Leon brothers mula sa Tondo na mahilig din sa debate mga bandang 1980’s.

Magandang pakinggan ang argumentong ito ngunit hindi ito sapat na gamiting patotoo na tunay ngang iglesia ang Seventh-Day Adventist. Noong 1992 nakipag debate po ako kay Mr. Eliseo Soriano ng Ang Dating Daan sa paksang “Alin ang tunay na Iglesia ililigtas ng Diyos” at doon at pinagtanggol ko na ang mga Saksi ni Jehova lamang ang tunay na Iglesia na ililigtas sa araw ng paghuhukom. Naka video po yung debate namin na ginanap sa Bulacan. Kung sakali na isang debater ng Saksi ni Jehova ang magpost ng debateng iyon ngayon sa Facebook na ilalagay niya sa post:

“Ronald Obidos testify that Jehovah’s Witnesses is the true church. Ronald Obidos: “Nandito na tayo sa tunay… Nandito na tayo sa tunay tapos lalabas ka saan ka pupunta? Wala na. Meron pa, sa impierno nga lang…”

Sino ngayon ang matutuwa? Mga SDA ba o mga Saksi ni Jehova? Siyempre pabor sa mga Saksi ito at pwede pang gamitin laban sa mga SDA lalo na kay SDA Bible Missionary at tiyak matatalo mga SDA dahil mas nauna kong binanggit ang pahayag na iyon sa mga Saksi ni Jehova kaysa mga Adventist.


Conclusion

Nakita natin na ang post na ito ni SDA Bible Missionary ay walang saysay at false propaganda lamang sa pagsisikap na ipagmalaki at itaas ang SDA church. Si Cristo lamang ang dapat nating itaas at luwalhatiin hindi ang SDA denomination na man-made, money-making scheme in the name of religion. Hindi ko inaalis ang katotohanan na may mga tunay na born again child of God sa denomination na iyan na mga kandidato sa langit. Sasalubong sila sa muling pagparito ng Panginoong Jesus sa alapaap upang sunduin papunta sa langit, hindi dahil sa pagiging membro ng organisasyon ng Seventh-day Adventist, kundi dahil sa kanilang personal na relasyon kay Cristo na naligtas dahil sa biyaya hindi dahil sa pagiging matuwid batay sa kautusan. Bilang paalala sa mga kaibigan kong mga SDA, huwag na lang ninyo gamitin ang testimony kong ito nung ako ay SDA pa dahil hindi matibay na batayan ito ng pagiging tunay ninyo. Dahil kahit anong relihion sa mundo ay pwedeng gamitin ito pero alam kong hindi ninyo matatanggap din ang claim nila. Si Cristo lamang ang DAAN, ang KATOTOHANAN, at BUHAY (John 14:6) hindi ang SDA church. Si Cristo ay perfect ang SDA hindi. Dalangin ko na huwag kayo matakot na magsaliksik pa. Manatiling bukas ang inyong mga puso at isip sa mga liwanag na nais iparating ng Diyos sa inyo bago maging huli ang lahat.

2 comments:

  1. Unang-una, nakakapagtaka lamang na ang isang taong katulad mo na mapagsaliksik ay mapapaniwala at mananatili ng 24 years. Ibig bang sabihin sabihin ni isang mali wala kang nakita noong una palang para manatili ka nang ganoon kahabang panahon? Kung may nakita kang mali habang nand'yan ka pa, anong nagtulak sa'yo para magtagal at ipagtanggol pa ang SDA kung alam mong kaligtasan mo ang malalagay sa alanganin? Ibig sabihin ayos lang sa'yo noon na lokohin ang tao na SDA ang totoo kahit may mali ka na na nakikita?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi mo po alam ang buong story kaya po kayo nagtatanong. Nawa makinig po kayo muna bago humatol. Noon pa man late 1990s may nakikita na akong mali ngunit isinang tabi ko muna sa pag asang baka nagkakaali lamang ako at need pa mag stay hanggang sa hindi ko na matanggap ang mga kamalian na nakita ko na napakarami kaya umalis na ako sa SDA.

      Delete