Saturday, July 25, 2026

“Sola Scriptura at ang Sabbath: Ang mga Protestante ba ay nagpapasakop sa Pope kapag sumasamba tuwing Linggo?”




Napanood ko itong video sa Facebook Reels kagabi at gusto kong sagutin nang point-by-point, hindi para maging rude, kundi dahil ipinapakita nito ang isang common pattern sa SDA argumentation. Kapag in-analyze kasi nang mabuti, makikita mong may mga serious logical at exegetical problems ito.

Tinatawag ang ganitong SDA debate technique na "Borrowed Catholic Ammunition Strategy" kung saan ginagamit ng mga SDA ang mga statements ng Roman Catholic as "evidence" na tama sila. Pero once na himayin natin ang technique na 'to, we will see na puno pala ito ng logical fallacies at misinterpretations pagdating sa Scripture at history.

Kaya i-e-examine natin ang bawat argument sa video, isa-isa.


#1: ANG MALING PAG-DESCRIBE SA COUNCIL OF TRENT

SDA Claim: "According sa history, ang purpose ng Council of Trent ay to reconcile controversies between Roman Catholic Church and the Protestants."

Bago pa man tayo pumunta sa mga theological arguments, kailangan muna nating i-correct ang isang major historical error sa video mismo.

Ang Council of Trent (1545–1563) ay hindi isang reconciliation council, isa itong Counter-Reformation council. Ang main purpose nito ay hindi para makipag-ayos o makipag-compromise sa mga Protestants, kundi para i-define at i-defend ang mga doctrines ng Roman Catholic Church bilang sagot sa Reformation. Ang naging result nito ay mas tumindi pa ang division between Catholicism at Protestantism, definitely hindi reconciliation.

Kung mali na agad ang pag-describe nila sa basic historical context ng Council of Trent, gaano pa kaya ka-solid yung the rest ng arguments nila na naka-base dito?


#2: ANG GASPARE DEL FOSSO / COUNCIL OF TRENT QUOTATION

SDA Claim: Na si Archbishop Gaspare del Fosso ng Calabria daw ay nagbigay ng statement noong January 18, 1562 na nagpapatunay na the Protestants are validating Catholic authority sa pamamagitan ng pag-keep ng Sunday worship.

Una: We need to ask a critical question regarding the quote itself, ang extended English statement na ito ay nagci-circulate mainly sa mga SDA secondary literature, at hindi directly mula sa original Latin text ng Concilium Tridentinum. Nagde-debate pa rin ang mga historians about sa exactness ng mga "translations" na ito. Pero mas important pa sa authenticity question ay yung theological answer dahil kahit pa totoo ang quote, ang argument nila ay naka-base pa rin sa isang maling premise.

Pangalawa: At ito ang mas malaking problem: Bakit gumagamit ng Catholic sources ang isang group na nagke-claim ng "Bible and the Bible alone"?

Para itong isang lawyer na kumuha ng testimony from a witness na dati na niyang tinawag na untrustworthy sa lahat ng ibang issues, pero biglang naging "credible" pagdating sa isang point na beneficial para sa kanya. Walang reasonable na judge ang tatanggap sa ganitong klaseng argument.

Kung credible nga ang Catholic sources as theological evidence, dapat din i-accept ng mga SDA ang lahat ng tinuturo ng Roman Catholic, like purgatory, veneration of saints, the primacy of the Pope, apostolic succession, at transubstantiation at eto ang pinaka-iiwasan ng ma SDA defenders, na ayon sa teachings ng Roman Catholic church, ang pagpapalit nila ng Sabbath to Sunday ay naganap noong 1st century AD pa sa pangunguna ni apostol Pedro, nang buhay pa siya, at hindi noong panahon ni Constantine noong 4th century AD!

"The Apostles therefore resolved to consecrate the first day of the week to the divine worship, and called it the Lord's day. St. John in the Apocalypse makes mention of the Lord's day; and the Apostle commands collections to be made on the first day of the week, that is, according to the interpretation of St. Chrysostom, on the Lord's day. From all this we learn that even then the Lord's day was kept holy in the Church." (Catechism of the Council of Trent for Parish Priests, 1566, p.399)

Pero tinututulan naman ng mga SDA ito, 'di ba?

Selective lang ang paggamit ng SDA sa mga Catholic sources, kapag nag-susupport sa SDA argument, credible daw. Kapag nagco-contradict, ini-ignore nila. This is SPECIAL PLEADING isa sa mga pinaka-elementary na logical fallacies.


#3: ANG MALING CLAIM NA "SUNDAY IS A CATHOLIC INVENTION"

SDA Claim: Ang Sunday worship daw ay inimbento lang ng Roman Catholic Church at totally walang biblical basis.

Nangyayari ang Genetic Fallacy kapag jina-judge natin na tama o mali ang isang bagay based lang sa kung saan daw ito nagmula (alleged origin), instead of checking the actual truth o yung merit ng mismong claim.

Pero here's the bigger problem: Flat-out mali yung historical claim na 'to.

Ang pag-wo-worship tuwing Sunday ay hindi nag-start sa Medieval Roman Catholic Church. We actually have solid biblical at historical evidence na pina-practice na ng mga early Christians ang Sunday worship LONG BEFORE pa naging powerful ang papacy ng Roma:

BIBLICAL EVIDENCE:

"On the first day of the week we came together to break bread. Paul spoke to the people and, because he intended to leave the next day, kept on talking until midnight." Acts 20:7(NIV)

Explicitly na kinonfirm ni Ellen White na ang “breaking of bread” ay nagre-refer sa Lord’s Supper, at nagbigay na rin ng caution ang Ministry Magazine sa mga Adventist ministers na i-uphold itong historic SDA position, citing Ellen White’s own writings. Kaya sa Acts 20:7, yung phrase na “mia tōn sabbatōn” (“first day of the week”) ay connected talaga sa Communion service, at hindi lang sa isang common meal o ordinaryong salu-salo.

Historic SDA Position

  • Ellen White’s Writings:

    • Sketches from the Life of Paul (1883, p. 197): “They partook of the communion, and then Paul continued his discourse till the dawn of day.”

    • The Acts of the Apostles (1911, p. 391): “They partook of the communion, and then Paul ‘talked a long while, even till break of day.’”

Ministry Magazine on Acts 20:7

  • “The Breaking of Bread in Acts 20:7–11” (Ministry Magazine, April 1962):

    • Naka-cite dito ang Sketches from the Life of Paul (1883, p. 197) at The Acts of the Apostles (1911, p. 391) ni Ellen White, na parehong nag-a-affirm na si Paul at ang mga believers ay nag-"partake of the communion" bago pa siya mag-preach hanggang madaling-araw.

    • “For many years standard Seventh-day Adventist teaching has been that Paul and the believers at Troas did partake of the Communion on the occasion referred to in Acts 20:7–11.” (Ministry Magazine, April 1962)

In-emphasize ng Ministry Magazine na ang “breaking of bread” sa Acts 20:7 ay hindi lang basta isang common meal, kundi isang religious service na nag-i-involve ng Lord’s Supper, na consistent din sa mga writings ni Ellen White.

Ang point natin dito ay nagkamali ang mga SDA defenders kasi napaniwala sila ng Roman Catholic church sa claim nito na ang Catholic institution lang ang nag-change ng Sabbath to Sunday. Kahit na ang claim ng Roman Catholic church ay nangyari yung change na ito noong 1st century AD, iniba naman ng SDA church yung claim nila, instead of 1st century AD, ginawa nilang 4th century AD during the time ni Constantine. Parehong na-mislead ang RCC at SDA sa totoong nangyari sa Bible and history: na ang Sunday worship pala ay practice na since the time of the apostles!

HISTORICAL PANEL

TestigoPetsaPahayag
Ignatius of Antiochc. 107 AD"No longer observing the Sabbath, but living in observance of the Lord's Day." (Letter to the Magnesians, 9:1)
Pliny the Younger (Romano gobernador, hindi Kristiyano)c. 112 ADNag-ulat na ang mga Kristiyano ay nagtitipon sa isang "stato die" (fixed day) bago sumikat ang araw para sumamba.
Justin Martyrc. 150 AD"On the day called Sunday, all who live in cities or in the country gather together to one place." (First Apology, 67)
Epistle of Barnabasc. 70–135 ADBinabanggit ang pagdiriwang ng "the eighth day" — ang araw ng Muling Pagkabuhay.

Yung mga testimonies na 'to are straight from the 1st and 2nd centuries AD, literally hundreds of years bago pa man naging powerful institution ang "Roman Catholic Church."

Paano maki-claim ng Roman Catholic Church ang credit para sa Sunday worship kung ang mga Christians pala ay nagge-gather na tuwing Linggo more than two hundred years bago pa man na-establish ang institutional papacy? Hindi ba nahahalata ng mga SDA defenders ang kalinlangan na ito? O baka nahalata na nila ito pero ignore lang nila dahil hindi nila kayang i-refute kaya change the topic na lang parati?


#4: ANG BIBLICAL NA BATAYAN NG LINGGO (LORD'S DAY)

SDA Claim: "Nasaan sa Biblia ang utos na magtipon tuwing Linggo?"

Ang daming maling assumptions ng tanong na 'to:

1. Ina-assume ng SDA defender na under the New Covenant, nag-e-exist pa rin yung rule na may itinuturing na specific "holy day" o banal na araw. Sa ilalim ng New Covenant, binigyan na tayo ng freedom ni Lord pagdating sa pag-o-observe ng mga araw. Hindi na tayo nakatali sa isang araw para maging banal.

"In the same way, some think one day is more holy than another day, while others think every day is alike. You should each be fully convinced that whichever day you choose is acceptable.Romans 14:5(NLT)

Ayon kay Apostle Paul, sa ilalim ng New Covenant, wala nang nire-require na isang specific "holy day" sa loob ng isang linggo. Dati kasi, sa ilalim ng Old Covenant noong panahon ni Moises, ang Diyos lang ang may karapatang pumili kung anong araw ang holy at dapat ipangilin, katulad ng Sabbath noon. Pero ngayon, sa ilalim ng New Covenant, hindi na ganun ang patakaran. Binigyan na ng freedom ang mga Christians na pumili ng araw na gagamitin nila para sa kanilang malayang pagsamba sa Diyos, kumbaga, "whichever day you choose is acceptable" basta't ginagawa ito para sa Panginoon.

Dahil sa freedom na ito, voluntary na pinili ng mga apostol at ng early church ang Sunday (ang unang araw ng linggo). Hindi ito naging kapalit ng Sabbath o naging bagong sapilitang utos, kundi pinili nila ito dahil ito ang araw ng muling pagkabuhay (Resurrection) ng ating Panginoong Jesus.

Bukod pa rito, Sunday din nang i-inaugurate ang Christian church at ibuhos ang Holy Spirit noong araw ng Pentecostes (ang Pentecost ay laging pumapatak ng Linggo, 50 days after ng Sabbath ng Passover) (Acts 2:1, 4).

2. Yung rule ng isang holy day, tulad ng weekly Sabbath ng mga Jews, ay nag-e-exist lang exclusively sa context ng Old Covenant. Ito ay ibinigay bilang isang specific covenant sign sa pagitan ng Diyos at ng bansang Israel, hindi bilang isang universal moral law para sa New Testament church.

"The Israelites must remember the Sabbath and make it a special day. They must continue to do this forever. It is an agreement between them and me that will continue forever. The Sabbath will be a sign between me and the Israelites forever.’” (The LORD worked six days and made the sky and the earth, and on the seventh day he rested and relaxed.)" Exodus 31:16-17(ERV)

3. Yung rule ng pagkakaroon ng holy day ay part lang ng "shadow" o type ng Old Testament. Natapos na yung purpose nito nung dumating ang Messiah at Savior natin na si Jesus Christ. Hindi na natin kailangan yung anino dahil nandito na yung mismong reality, si Cristo ang ating tunay na Sabbath rest.

"So don’t let anyone make rules for you about eating and drinking or about Jewish customs (festivals, New Moon celebrations, or Sabbath days). In the past these things were like a shadow that showed what was coming. But the new things that were coming are found in Christ." Colossians 2:16-17(ERV)

"Christ ended the law so that everyone who believes in him is made right with God." Romans 10:4(ERV)

Ang mga unang Kristiyano ay nagtitipon tuwing Linggo hindi dahil sa utos ng Pope, kundi dahil ipinagdiriwang nila ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesu-Cristo (cf. Matthew 28:1; Mark 16:2; Luke 24:1; John 20:1, lahat ng account ng Resurrection ay nagtuturo sa "unang araw ng linggo").


#5: ANG "BIBLE ALONE MEANS SATURDAY" NA ARGUMENTO**

SDA Claim: Na ang Sola Scriptura daw ay nagre-require ng Sabbath-keeping (Saturday), kaya ang mga Sunday-keeping Protestants daw ay self-contradicting.

Ang argument na 'to ay gumagawa ng isang false dilemma, na parang dalawa lang yung options: 

(a) i-observe ang Saturday Sabbath para maging obedient sa Scripture, o 

(b) sundin ang Catholic tradition. Ini-ignore nito yung third option, ang Sunday worship na naka-base sa New Covenant theology at sa Resurrection of Christ, na clearly namang itinuturo ng Scripture.

Ang ibig sabihin ng Sola Scriptura ay hindi "bawat Mosaic ordinance ay obligation pa rin para sa mga New Testament believers." Ang Sola Scriptura ay ang doctrine na ang Scripture lang ang supreme and final authority natin for faith and practice at ang Scripture mismo, kapag binasa mo nang tama, ay nagtuturo ng freedom natin from the Sabbath obligation under the New Covenant.

Sa binasa natin kanina sa Romans 14:5, nagbibigay si Apostle Paul ng liberty pagdating sa mga araw ng pagsamba, hindi siya nag-se-set ng absolute rule na Saturday lang ang tamang araw. Kung obligation pa rin talaga ang Saturday Sabbath sa New Testament, hindi sana magsusulat ng ganito si Paul.


#6: ANG CATHOLIC EXTENSION MAGAZINE AT ANG "SDA CONSISTENCY" CLAIM

SDA Claim: Sinabi daw ng Catholic Extension Magazine na ang mga SDA lang ang "tanging group na reasons correctly and are consistent with their teachings."

Ang Misleading na Compliment sa mga Seventh-day Adventists

Madalas gamitin ang isang sikat na quote mula sa The Catholic Extension Magazine (May 22, 1934) kung saan sinasabi na ang mga Seventh-day Adventists (SDA) lang daw ang nag-iisang grupo ng mga Protestante na "consistent" at tama ang reasoning. Nakakatawa raw kasing makita ang ibang Protestant churches na ipinaglalaban ang Sunday worship kahit wala naman daw ito sa Bible.

Pero bago tayo maniwala sa argumentong ito, kailangan nating linawin na dapat ang Bible ang nagdi-dicate ng truth, hindi ang claims ng kahit anong religious institution na para sa mga SDA ay "anti-Christ" at Babylon ang teachings, lalo na kung ang foundation ng turo ay salvation by works imbes na salvation by grace alone. Kahit pa authentic ang document na iyan, isa lang itong expression ng Catholic apologetics at hindi isang infallible doctrine. Ang totoong issue dito ay hindi kung ano ang clini-claim ng Katoliko, kundi kung ano ba talaga ang tinuturo ng Scripture.


Consistent... Pero sa Maling Premise

Misleading yung compliment na binigay sa mga Adventists. Totoo na mukha silang consistent, pero ang pagiging consistent sa isang false premise ay false pa rin.

Nagmumukha lang tama ang mga SDA if we assume na ang Mosaic Covenant, including yung law about the Sabbath, is still binding sa mga Christians ngayon. Pero kapag tinignan natin yung teaching ng Scripture na ang Mosaic Covenant is already fulfilled in Christ, automatic na magco-collapse yung mismong premise ng argument nila.

Since parehong "salvation by works" at "justification as a process" (instead of faith alone) ang theological system ng Seventh-day Adventist Church at Roman Catholic Church, let's not be surprised kung bakit para sa mga Catholics eh "consistent" ang mga SDA. False doctrines will naturally pass the standards of false teachers.


Covenantal ang Issue, Hindi Calendrical

Kaya para sa ating mga nasa New Covenant, ang tamang sagot sa isyung ito ay HINDI:
  • "HINDI Binago ng Catholic Church ang Sabbath."

  • "HINDI Sunday ang pumalit sa Sabbath."
Ang pinaka-biblical na sagot ay ito:
  • Ang Sabbath ay isang covenant sign sa pagitan ng Dios at ng Israel sa ilalim ng Mosaic Covenant (Exodus 31:13–17). Pero dahil sa death and resurrection ni Christ, ang mga believers ngayon ay under New Covenant na. Ang totoong "rest" natin ay matatagpuan na kay Jesus mismo, at walang utos mula sa mga apostoles na kailangan pang i-observe ng New Testament church ang seventh-day Sabbath.

  • Sa pamamagitan ng pananaw na ito, naiiwasan natin ang maling claims ng dalawang side: yung claim ng mga Katoliko na may ecclesiastical authority sila para magbago ng araw, at yung claim ng SDA na binding pa rin ang fourth commandment sa atin ngayon. Napananatili nito ang focus natin kung saan talaga ito nilagay ng New Testament, sa finished work ni Jesus Christ at sa transition mula sa Old Covenant papunta sa New Covenant.

#7: ANG ISAIAH 66:23 ARGUMENT: "SABBATH SA LANGIT"?

SDA Claim: Na sa Isaiah 66:23, makikita daw na magki-keep pa rin tayo ng Sabbath sa langit, kaya tama daw ang mga SDA na mag-Sabbath na ngayon.

"From one New Moon to another and from one Sabbath to another, all mankind will come and bow down before me,” says the LORD." Isaiah 66:23(NIV)

Ang New Moon Problem:

Notice na binabanggit ng verse na ito ang dalawang bagay nang sabay-sabay:

* New Moon (Bagong Buwan)
* Sabbath (Araw ng Sabado)

Yung bagong buwan (new moon festivals) is actually part ng Mosaic ceremonial calendar (cf. Numbers 28:11–15). Makikita rin natin 'to sa Colossians 2:16, kung saan minention ni Pablo ang "festival or a new moon or a Sabbath", bilang magkakasamang mga shadows o anino ni Kristo.

Kung literal yung Sabbath sa Isaiah 66:23, dapat literal din yung bagong buwan sa parehong verse. Ibig sabihin, mag-new moon festival ka rin dapat sa langit! Pero the thing is, walang SDA ang nagtuturo na obligation natin ngayon ang new moon festivals. Bakit pinili lang ng SDA yung Sabbath part ng Isaiah 66:23 pero in-ignore yung new moon part? This is a clear case ng selective citation, ina-accept yung isa, pero dinedeadma yung isa.

Ang Isaiah 66 ay isang prophetic-eschatological passage na gumagamit ng Old Covenant liturgical imagery para i-describe yung eternal na pagsamba ng lahat ng nations under the New Covenant. Karaniwang rhetorical device 'to sa Hebrew prophecy, yung paggamit ng familiar covenant categories para i-illustrate ang isang bagong eschatological truth.

For example: Ang Ezekiel 40–48 ay nagde-describe ng isang literal na Temple at mga sacrifices in the future. Pero most Christians, including most SDAs, don't believe na literally mangyayari ito. Kung symbolic pala yung Ezekiel's Temple, bakit literal yung Isaiah's Sabbath sa Isaiah 66:23?

Sobrang linaw ng inconsistency sa hermeneutics ng mga SDA.


QUESTIONS FOR SDA DEFENDERS:

Q1: Sinu-support ba ng church history yung narrative ng SDA na Roman Catholic Pope daw ang nag-change ng Sabbath to Sunday? At totoo ba yung teaching ng SDA church na ang pagpapalit daw ng Pope ng Sabbath to Sunday ay ang mismong fulfillment ng prophecy ni Daniel sa Daniel 7:25?

Q2: According sa doctrine ng SDA church, yung Papal Supremacy daw na binabanggit sa Daniel 7:25 ay tumagal ng 3.5 prophetic years, na based sa standard SDA teachings ay na-fulfill mula 538 AD hanggang 1798 AD. Ngayon, kung yung Papal Supremacy na sinasabi ng SDA, kung saan daw naganap yung pag-change ng Sabbath to Sunday, ay nangyari in between 538 AD and 1798 AD, maituturo mo ba kung anong exact year talaga naganap yung pagpapalit ng Sabbath to Sunday sa loob ng time frame na 'yan (538 AD at 1798 AD)?

Q3: And kung yung 3.5 years or 1260 years ng Papal Supremacy, kung saan daw pinalitan yung Sabbath to Sunday, ay na-fulfill between 538 AD and 1798 AD, ano ba exactly ang pangalan ng Pope na nag-change ng Sabbath to Sunday?

Q4: Kung sinasabi mong ang Sunday worship ay nagsimula sa Roman Catholic Church, paano mo ipapaliwanag ang katotohanang si Ignatius of Antioch, namatay siya bilang martir noong mga 107 AD, mahigit dalawang siglo bago pa man maging malakas ang institutionalized papacy ng Roma, ay nagsulat na ang mga Kristiyano ay 'no longer observing the Sabbath, but living in observance of the Lord's Day' (Letter to the Magnesians, 9:1)? Kung Catholic invention ang Sunday, sino ang nagbigay ng Sunday tradition sa mga Kristiyano bago pa man mayroon mang Pope?"

Q5: Ginamit mo ang Isaiah 66:23 para sabihing magse-Sabbath pa tayo sa langit, ngunit ang parehong verse ay nagsasabing 'from new moon to new moon, AND from Sabbath to Sabbath.' Kung literal ang Sabbath doon, dapat literal din ang bagong buwan (new moon festival) ito rin ay bahagi ng Mosaic calendar (Numbers 28:11–15) at binabanggit din ni Pablo sa Colossians 2:16 kasabay ng Sabbath bilang mga anino. Kaya naman, mag-new moon festival ka ba sa langit? At kung symbolic ang new moon sa Isaiah 66:23, bakit literal ang Sabbath sa parehong talata? Maaari mo bang ipaliwanag ang iyong hermeneutical na prinsipyo at kung wala kang consistent na prinsipyo, bakit dapat paniwalaan ang iyong interpretation ng propesyang iyon?


CONCLUSION:

Ang video na ito ay nagpapakita ng isang pattern na madalas nating makita sa SDA apologetics: ang pag-frame ng debate sa pamamagitan ng Catholic sources para gawing kahiyahiya ang mga Sunday-keeping na Protestante. Ngunit kapag tiningnan natin ang aktwal na Kasulatan at ang aktwal na kasaysayan, makikita nating:
  • Hindi Catholic invention ang Sunday worship, naroroon na ito sa ika-1 at ika-2 siglo, bago pa man ang medieval papacy, na itinuturing ng mga Church Fathers bilang "Lord's Day" (κυριακῇ ἡμέρᾳ).
  • Ang Sabbath ay σκιά (anino) ni Kristo, ang katuparan ay naroroon na sa Kanya, hindi na obligasyon ng Bagong Tipan na mananampalataya (Col. 2:16–17; Heb. 4:1–11; Rom. 14:5–6).

  • Ang Isaiah 66:23 ay prophetic-apocalyptic literature na gumagamit ng Old Covenant imagery kasama ang new moons na binabalewala ng SDA bilang literal.

  • Ang paggamit ng Catholic sources bilang argumento ay Special Pleading at Genetic Fallacy at ang mga SDA mismo ay hindi naman naniniwala sa lahat ng sinasabi ng Roman Catholic Church.
Sa huli, ang tanong ay hindi "Sino ang sinasabi ng Romano Katoliko na tama?" ang tanong ay "Ano ang sinasabi ng Kasulatan?"

At ang Kasulatan, sa loob ng tamang New Covenant hermeneutics, ay malinaw:

Si Kristo ang ating Sabbath rest. Ang Kanyang Muling Pagkabuhay ang pundasyon ng ating pagsamba tuwing Lord's Day. At ang anino ay natuparan na sa Katawan, ang ating Panginoong Jesu-Cristo.

"Come to me, all who labor and are heavy laden, and I will give you rest." (Matthew 11:28, ESV)

FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph 


Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.

GCash: 0969-514-3944

PayPal: paypal.me/formeradventistsph

Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos 


No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

“Sola Scriptura at ang Sabbath: Ang mga Protestante ba ay nagpapasakop sa Pope kapag sumasamba tuwing Linggo?”

Napanood ko itong video sa Facebook Reels kagabi at gusto kong sagutin nang point-by-point, hindi para maging rude, kundi dahil ipinapakita ...

MOST POPULAR POSTS