FEATURED POST

"PAGLALANTAD SA MGA KASINUNGALIAN NI PASTOR BJORN CAPIENDO AT JOHNSON AMICAN TUNGKOL SA “THREE HOLIEST BEINGS” NI ELLEN G. WHITE!"

Ang live na episode ng 'Katotohanan' sa Hope TV kung saan tinalakay nina Johnson Amican at Pastor Bjorn Capiendo ang konsepto ng Tri...

MOST POPULAR POSTS

Tuesday, February 16, 2021

"PROPHET" ELLEN WHITE: "NAGSARA NA ANG LANGIT PARA SA MGA MAKASALANAN NOONG 1844!"



Maraming mga Adventist ngayon ang nakakaunawa na ang nagaganap na crisis ng Covid-19 sa buong mundo ngayon ay isa sa mga katuparan na binanggit ng Panginoong Jesus na magaganap sa mga huling araw bilang tanda ng nalalapit niyang pagbabalik: 

“At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba’t ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.” Lucas 21:11 ASND

Ang salitang ‘salot’ o ‘plague’ ay hango sa Greek word na loimos na tumutukoy din sa mga nakakahawang sakit ayon sa The Greek-English Lexicon by Louw & Nida ay:

“A widespread contagious disease, often associated with divine retribution – plague, pestilence.” [The Greek-English Lexicon, by Louw & Nida 23.158]

Ngunit ang sign na ito ay nakaka apekto lamang sa ating pisikal na katawan hindi ang ating kaluluwa. Nagbabala si Cristo na mas nakakabahala yaong bagay na makakapatay sa ating katawan at kaluluwa sa impierno.

“Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, pero hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip,matakot kayo sa Dios, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impyerno.” Mateo 10:28 ASND

Dahil mas mahalaga ang ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa ay nagbigay din ng babala ang Panginoong Jesus tungkol sa paglitaw ng mga bulang propeta sa mga huling araw.

“Sapagkat lilitaw ang mga di tunay na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kagila-gilalas na himala at kababalaghan upang malinlang, kung maaari, pati ang mga pinili ng Dios.” Mateo 24:24 ASND

Mga Tanda ng Bulaang Propeta

Dahil mahal tayo ng ating Panginoon ay hindi siya nagkulang ng paalala sa atin tungkol sa kung ano ang mga signs na kailangan natin bantayan upang malaman natin na tayo ay nasa mga huling araw na at ang nalalapit niyang pagbabalik. Nais din niya na tayo ay maging handa sa kanyang pagbabalik at higit sa lahat ayaw niya tayo ay maliligaw ng mga bulaang mangangaral at mga bulaang propeta. Nakita din ng Panginoon na marami sa mga pinili ng Diyos ay maililigaw pa ng mga bulaang propeta. Ang bulaang propeta ay mga lalake o babae na nag aangking sila ay mga sugong tagapagsalita ng Diyos. Maging sa Old at New testaments sila ay tinakwil ng Diyos dahil kanilang inililigaw ang bayan ng Diyos mula sa tunay na pagsamba. Ang Biblia ay nagbigay ng mga criteria kung paano makikilala ang pagkakaiba ng mga tunay na mga propeta at mga bulaang propeta na kadalasan ay mga sincere at mukhang totoo.

Narito ang ilan sa mga tanda ng bulaang propeta:

a. Ang mga hula o propesiya ng bulaang propeta ay hindi natutupad.

“Maaaring isipin ninyo, ‘Paano ba namin malalaman kung iyon nga ay mensahe ng Panginoon ?’ Kapag ang sinabi ng propeta na gumamit ng pangalan ng Panginoon ay hindi mangyari o magkatotoo, ang mensahe niya ay hindi galing sa Panginoon . Gawa-gawa lang iyon ng propeta, kaya huwag kayong matakot sa kanya.” Deuteronomio 18:21-22 ASND

b. Ang kanilang aral ay humahantong sa pagsamba sa huwad na Diyos.

“Kung may isang propeta o tagapagpaliwanag ng panaginip na nangako sa inyo, na magpapakita siya ng mga himala at kamangha-manghang bagay, at nangyari ang sinabi niya, at sabihin niya sa inyo, ‘Sumunod tayo at sumamba sa ibang mga dios na hindi pa natin nakikilala.’ Huwag kayong maniwala sa kanya, dahil sinusubukan lang kayo ng Panginoon na inyong Dios kung minamahal nʼyo ba siya nang buong pusoʼt kaluluwa.” Deuteronomio 13:1-3

c. Ang kanilang mga pangitain o mensahe ay nagmumula lamang sa kanilang sarili ngunit inaangking mula sa Diyos.

“Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa mga taga-Jerusalem , “Huwag kayong maniniwala sa sinasabi ng mga bulaang propetang ito. Pinapaasa lang nila kayo sa mga kasinungalingan. Hindi galing sa akin ang mga sinasabi nilang pangitain kundi sa sarili nilang isipan.” Jeremias 23:16

Bagaman marami pang mga tanda na binigay sa Biblia kng paano susukatin ang mga bulaang propeta ang tatlong bagay sa itaas ang para sa akin ay pinaka importante. Sa unang bahagi ng seryeng ito ay pag uusapan natin kung paano natin gagamitin ang mga palatandaang ito upang sukatin kung si Ellen White ba ay makakapasa bilang tunay na propeta o hindi.


Unang Tanda: The Camden Vision ni Ellen White at 1844 Close of Probation 


Ang Camden Vision na ito ni Ellen White ay naglalahad ng tungkol sa pagsasara ng pintuan ng awa (close of probation) para sa mga makasalanan noong October 22, 1844. Wala nang mga makasalanan pa ang makapag balik-loob pa at huminto na din ang gawaing pangangaral. 
Ang pangitaing ito ay naganap noong June 29, 1851. Ito ay nangyari sa Camden, New York, USA

Ang nilalaman ng pangitain:

English:

The Lord shewed (sic) that he had, in answer to prayer, removed his frown from this band, and that they could have the smiles of Jesus, if they would live very humble, and walk carefully before the Lord, and know that in every step that they took that God was guiding them, and the band would be strong and would be a terror to their enemies, and the band must press together. Then I saw Bro. Wing and Bro. Hyatt—that the enemy had been trying to destroy them—that they were praying for light upon a few texts of Scripture, and the more they prayed the darker they grew, and the enemy was shutting down a network of darkness over them; and just about as they were getting entirely shut-in, they were delivered ⎯ the net was broken, and they escaped. I saw the true light on these texts, &c. I saw that this rebuke was given by Jesus to the Pharisees and Jews, who were filled with self-righteousness, and would only speak to or greet those who were just as full of self-righteousness and hypocrisy as they themselves were; and they entirely neglect and pass by those who did not make quite as much, and who did not receive greeting in the market as they did. I saw that it did not in any way apply to this time—that we are now living in. Then I saw that Jesus prayed for his enemies, but that should not cause US to pray for the wicked world, whom God had rejected ⎯ when he prayed for his enemies, there was hope for them, and they could be benefited and saved by his prayers, and also after he was a mediator in the outer apartment for the whole world; but now his spirit and sympathy were withdrawn from the world, and our sympathy must be with Jesus, and must be withdrawn from the ungodlyI saw that God loved his people ⎯ and, in answer to prayers, would send rain upon the just and the unjust ⎯ I saw that now, in this time, that he watered the earth and caused the sun to shine for the saints and the wicked by our prayers, by our Father sending rain upon the unjust, while he sent it upon the just. I saw that the wicked could not be benefited by our prayers now ⎯ and although he sent it upon the unjust, yet their day was coming. Then I saw concerning loving our neighbors. I saw that scripture did not mean the wicked whom God had rejected that we must love, but he meant our neighbors in the household, and did not extend beyond the household; yet I saw that we should not do the wicked around us any injustice:but, our neighbors whom we were to love, were those who loved God and were serving him.”

Tagalog:

Ipinakita ng Panginoon, bilang sagot sa panalangin, na tinanggal niya ang kanyang galit mula sa samahan na ito, at maaari na silang matanggap ang mga ngiti ni Jesus, kung mabubuhay silang may pagpapakumbaba, at lumakad nang maingat sa harap ng Panginoon, at malaman na sa bawat hakbang nila ay ginagabayan ng Diyos, at ang samahang ito ay magiging matatag at katatakutan ng kanilang mga kaaway; at ang samahan na ito ay dapat na laging magkakasama. Tapos nakita ko si Bro. Wing at Bro. Hyatt — na sinubukan ng kaaway na sirain ang mga ito – na sila ay nananalangin para sa liwanag sa ilang mga talata ng Banal na Kasulatan, at habang laging nananalangin ay lalo silang nadidiliman, at ang kaaway ay lalo silang nilulukuban ng kadiliman; at nang sila ay malapit nang makulong sa kadiliman, sila ay nasagip – ang lambat ay nasira, at nakatakas sila. Nakita ko ang totoong liwanag sa mga tekstong ito. Nakita ko na ang pagsaway na ito ay ibinigay ni Jesus sa mga Pariseo at mga Hudyo, na napuno ng pagmamatuwid sa sarili, at makikipag-usap o babatiin lamang ang mga tulad nilang puno ng pansariling katwiran at pagkukunwari tulad ng kanilang sarili; at lubos nilang pinapabayaan at nilalagpasan yaong mga maliliit, at yaong mga hindi tumtanggap ng pagbati sa pamilihan tulad ng kanilang ginawa. Nakita ko na hindi pa ito kumakapit sa panahong ito — na kung saan tayo nabubuhay ngayon. Pagkatapos ay nakita kong nanalangin si Jesus para sa kanyang mga kaaway; ngunit hindi iyon dapat maging dahilan sa atin na manalangin para sa masamang mundona tinanggihan na ng Diyos — nang manalangin siya para sa kanyang mga kaawaymay pag-asa pa para sa kanilaat sila ay makinabang at mailigtas sa pamamagitan ng kanyang mga dalanginat maging pagkatapos din niya maging isang tagapamagitan para sa buong mundo; ngunit ngayon ang kanyang espiritu at pakikiramay ay inalis mula sa mundo; at ang ating pakikiramay ay dapat na kay Hesus, at dapat na umiwas mula sa mga di-makadios. Nakita ko na mahal ng Diyos ang kanyang bayan – at bilang sagot sa mga panalangin, ay magpapaulan  sa mga matuwid at hindi matuwid — Nakita ko na ngayon, sa oras na ito, pinatubig niya ang mundo at pinasikat ang araw para sa mga banal at masama sa pamamagitan ng ating mga dalangin, sa pamamagitan ng ating Ama na nagpaulan ng ulan sa mga hindi matuwid, habang ipinadala niya ito sa mga matuwid. Nakita ko na ang masasama ay hindi na makikinabang sa aming mga dalangin ngayon – at bagaman ipinadala niya ito sa mga hindi matuwid, gayon pa man darating ang kanilang araw. Pagkatapos nakita ko ang tungkol sa pag-ibig sa ating mga kapwa. Nakita ko na ang sinasabi ng kasulatan ay hindi nangangahulugang ang masama na tinanggihan ng Diyos ang dapat nating mahalinngunit ang ibig sabihin niya ay ang ating mga kapwa sa sambahayan, at hindi kasama ang mga nasa labas ng sambahayan; gayunpaman nakita ko na hindi natin dapat gawan ang mga masama sa paligid natin ng anumang di-makatarungang bagay: – Ngunit, ang mga kapwa na dapat nating mahalin, ay ang yaong mga umiibig sa Diyos at naglilingkod sa kanya.”

Mga controversial na punto na dapat mapansin mula sa pangitaing ito ni Ellen White:

a. 12 times binanggit ni Ellen White ang salitang “Nakita ko” at ibang katulad nito sa kanyang Camden vision. Ang katagang ito ay madalas ginagamit ni Ellen White tuwing siya ay pinapakitaan diumano ng vision o pangitain. Ito ay isang hindi direktang pag-amin na siya ay nagpapakilalang isang propeta. Ito ay matibay na patotoo na naniniwala si Ellen White na closed na ang probation para sa mga makasalanan mula noong October 22, 1844 hanggang 1851 ngunit itinatanggi na ito ngayon ng mga SDA.

“At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip.” Mga Bilang 12:6

b. Nakita din ni Ellen White sa kanyang vision na ang pagsuway ni Cristo tungkol sa mga pagpapaimbabaw ng mga Hudyo at Pariseo na nasusulat sa Mateo 23 ay hindi na applicable sa anumang paraan noong panahon ni Ellen White. Marahil nasabi niya ito upang hindi mapagbintangang nagmamataas ang mga Adventists noong panahon yaon dahil lumalayo sila at umiiwas makihalo bilo sa mga taga labas na itinuring na “wicked” at “rejected by God” mula ng magsara ang pintuan ng awa noong October 22, 1844.

c. Nakita din ni Ellen White sa pangitain niya na hindi na daw dapat tularan ng mga Adventista noon ang ginawang pananalangin ni Jesus para sa kanyang mga kaaway dahil ang mga tao na labas sa kanilang pananampalataya ay mga tinanggihan na ng Diyos dahil sa kanilang mga kasamaan mula noong October 22, 1844 close of probation.

d. Nakita din ni Ellen White sa pangitain na inalis na ni Jesus nung panahong iyon (Oct. 22, 1844) “ang kanyang espiritu at pakikiramay” mula sa mundo.

e. Nakita din ni Ellen White sa kanyang pangitain na “hindi na makikinabang” ang mga taong masasama sa mga panalangin ng mga Adventista dahil nga inalis na ni Jesus ang kanyang “espiritu at pakikiramay” sa mundo mula noong October 22, 1844.

f. Itinuro din ni Ellen White mula sa kanyang pangitain kung sino ang tinutukoy na “kapwa” na ating iibigin ayon kay Cristo sa Mateo 5:43 (“Iibigin mo ang iyong kapuwa”). Ayon kay Mrs. White, “nakita ko ang tungkol sa pag-ibig sa ating mga kapwa…ang ibig sabihin niya ay ang ating mga kapwa sa sambahayan, at hindi kasama ang mga nasa labas ng sambahayan” at “ang mga kapwa na dapat nating mahalin, ay ang yaong mga umiibig sa Diyos at naglilingkod sa kanya.” Kapansinpansin sa puntong ito kung paano iniligaw ni Ellen White ang kahulugan ng talata. Nagbatay siya sa kanyang pangitain upang ipaliwanag ang Mateo 5:43 at hindi sa context o kabuoan nito. Ito ay taliwas sa prinsipyo ng Sola Scriptura na “Let the Scripture interpret itself.” Sa halip, ang sinunod ni Ellen White ay “let my vision interpret the scriptures”! Masasabi natin na hindi pumasa si Mrs. White bilang tunay na propeta sa puntong ito dahil ang interpretasyon ng kanyang pangitain ay kabaligtaran ng kng ano ang sinasabi ng salita ng Diyos. Basahin natin sa talatang 47 ang paliwanag mismo ng salita ng Diyos kung sino ang tinutukoy na “kapwa” na dapat nating ibigin na salungat sa bulaang pangitain ni Mrs. White:

“Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig; At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?” Mateo 5:44, 47

Paghambingin natin ang turo ni Ellen White at Panginoong Jesus:

Pangtain ni Ellen White:                                           

"Nakita ko ang tungkol sa pag-ibig sa ating mga kapwa...ang ibig sabihin niya ang ating mga kapwa na kapananampalataya, at hindi kasama ang mga nasa labas ng pananampalataya" at "ang kapwa na dapat nating ibigin ay yaong mga umiibig sa Diyos at naglilingkod sa kanya." (Camden Vision, 1851)                                                                

Aral ni Cristo

Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway, Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Iibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig: At kung ang mga kapatid lamang niyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? Hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?" (Mateo 5:43-44, 47)


Dahil si Mrs. White ay hindi isang tunay na propeta ng Diyos at ang sinasabi niyang vision ay kathang isip lamang niya ito ngayon ay humantong sa maling unawa sa Biblia. Ito ang babala ng Diyos sa Jeremias 23:16:

“Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa mga taga-Jerusalem , “Huwag kayong maniniwala sa sinasabi ng mga bulaang propetang ito. Pinapaasa lang nila kayo sa mga kasinungalingan. Hindi galing sa akin ang mga sinasabi nilang pangitain kundi sa sarili nilang isipan.” Jeremias 23:16 ASND

Palibhasa, ayon sa pangitain ni Mrs. White hindi na daw kasi applicable ang pagsuway ni Cristo sa pagmamataas ng mga hudyo at mga Pariseo kaya naman ang mga Adventista ng panahong yaon ay maaari nang mamuhay tulad ng mga Pariseo na ang iniibig lamang ay kanilang mga kabaro o mga kapatid sa pananampalataya. Hindi maikakaila na hanggang sa panahon ngayon ang ganitong uri ng espiritu ay makikitang ipinamumuhay ng karamihan ng mga Seventh-day Adventists.

Answers to Common Objections from SDA

Ang White Estate Inc. ay naglabas ng kanilang official na pahayag tungkol sa kontrobersyal na pangitaing ito ni Ellen White. Mababasa ito sa kanilang publication na Ellen G. White Letters and Manuscripts: Volume 1, p. 915

Objection#1: 

Ms 1a, 1851—June 29, 1851, Camden, New York; concerns the relationship between God’s people and the ungodly.

"No Ellen White original exists. The vision has long been disputed because of its strong shut-door sentiments. (See entry “Camden Vision” in The Ellen G. White Encyclopedia.) Two variants are known."

Response:

Hindi sapat na dahilan na ang Camden vision ay hindi authentic dahil walang original na dokumento nito ang umiiral. Kung tatanggapin natin ang ganitong uri ng pangangatwiran ay dapat hindi na din tayo maniwala sa pagiging totoo ng Biblia dahil wala din makikitang mga original na manuscripts nito sa ngayon. Alam din ng Ellen White Estate na hindi matibay na ebidensiya ito para tutulan ang pagiging totoo ng alinmang documents tulad ng the Camden vision. Ganito ang kanilang opisyal na pahayag:

The White Estate recognized that the mere absence of an Ellen White original does not necessarily discredit the authenticity of a vision. Yet it was decided that if there was reliable evidence to accept the essential content of any of these visions, a disclaimer relating to the accuracy of expression or wording should accompany the account, since only copies exist (and often with numerous variants).” [EGW Letters and Manuscripts Vol. 1 p. 914]

Ganito naman ang paliwanag ng The Ellen White Encyclopedia:

“While it is recognized that the absence of an original manuscript should not necessarily discredit the authenticity of a vision of Ellen White, caution has nonetheless been used in accepting the content and wording of a copied account.” [The Ellen White Encyclopedia p. 795-796]

Objection#2: 

The date conflicts with Ellen White’s itinerary, as records indicate that the Whites were in Camden only from June 18 to June 23 (see itinerary published in Review and Herald, June 9, 1851).”

Response:

Hindi din sapat na argumento ang hindi pagiging tiyak ng petsa nito ayon mismo sa isang kilalang historian at theologian ng SDA church na si Dr. Gilbert Valentine. Isa din siya sa mga contributor ng The Ellen White Encyclopedia. Siya ay sumulat ng isang malalim na research na may pamagat na Camden Vision Reconsidered na malaki ang maitutulong ng kanyang research sa ating pag-aaral.

“This leaves the remaining problem of the date, June 29, 1851. In view of the fact that other documents in the White Estate files have had to be re-dated and refiled, because a wrong date were assigned to them as a later time, this may not be a very serious problem. Two explanations suggest themselves. Firstly, in view of the fact that Ellen White was in Camden from June 18:23, 1851, the date of June 29 could perhaps be a miscopying of the figures 20, 21, or 22. Alternatively, the vision may have been written out afterwards while Ellen White was at nearby West Milton and the then current date of June 29 given even though the vision was received earlier.” [G.M. Valentine, Camden Vision Reconsidered, quoted in The Shut Door and the Sanctuary-Historical and Theological Problems]

Sa Footnote #448 ng kanyang research paper na Camden Vision Reconsidered ginamit niyang halimbawa ang isang manuscript ni Ellen White na kapareho din may issue sa petsa ngunit tinanggap pa din ng White Estate Inc.

Footnote#448: “See for example, Lyle Heise, “The Christology of Ellen G. White Letter 8, 1895 An Historical and Contextual Study, Term paper, E. G. White Research Center, Andrews University. The letter filed as Letter 8, 1895, was listed as written February 9, 1896 and copied February 12, 1896.”

Objection#3: 

The only source for the vision is a copy provided by R. R. Chapin, one of Ellen White’s opposers.”

Ito ang karaniwang tugon ng mga SDA lalo na doon sa mga hindi masyado pinag aralan o familiar sa issue ng Camden vision. Ngunit hindi ito isang mabigat na problema dahil minsan nahuhulog ito sa category ng mga fallacy ng argumentation na kung tawagin ay “Genetic Fallacy.” Ayon sa Wikipedia:

“The genetic fallacy (also known as the fallacy of origins or fallacy of virtue) is a fallacy of irrelevance that is based solely on someone’s or something’s history, origin, or source rather than its current meaning or context. In other words, a claim is ignored in favor of attacking or championing its source.” [https://en.wikipedia.org/wiki/Genetic_fallacy]

Napuna din ni Dr. Gilbert Valentine na ang issue tungkol sa kumopya ng Camden Vision na si R.R. Chapin ay hindi bumangon noon.

“In spite of the fact that Snook and Brinkerhoff’s book quoting the Camden vision was obviously known to the “ministering brethren” and that U. Smith’s reply quoting the Camden vision was reviewed critically before its publication, no mention is made of the fact the name of R. R. Chapin was the cause of any problem. It would seem that there would have been numbers of the leading brethren would have known of Chapin’s departure from the church in 1854, and his attacks, but this is not a problem that is raised. It seems then that either Chapin’s name attached to the vision was not considered a problem or that there were other texts of the vision available without Chapin’s name attached.” [G.M. Valentine, Camden Vision Reconsidered, quoted in The Shut Door and the Sanctuary-Historical and Theological Problems, Appendix XVIII]

Madalas din ipangatwiran ng mga SDA defenders ni Ellen White na walang original na copy nitong Camden vision na available sa archive ng White Estate Inc kaya hindi daw ito authentic. Isang dahilan kung minsan ay walang copy ng sulat ni Mrs. White ay hindi dahil wala talagang isinulat siya na ganun kundi sa marami na palang nawalang mga sinulat si Mrs. White na nawala sa maraming kadahilanan:

“That there was a genuine text known, from which Chapin copied may perhaps be accounted for by the fact that quite a number of Ellen White’s early publications from 1851 and before were lost because of her constant travelling. See MS 4, 1883. This may also account for the fact the original text of the vision is not available in the White Estate.” [G.M. Valentine, Camden Vision Reconsidered, quoted in The Shut Door and the Sanctuary-Historical and Theological Problems, Appendix XVIII p.83]

Narito ang paliwanag ni Ellen White na sinipi ni Dr. Valentine sa Footnote #445 ng “The Camden Vision Reconsidered.”Ganito ang nilalaman ng MS 4, 1883:

“In our frequent change of location in the earlier history of the publishing work and then in almost incessant travel as I have labored from Maine to Texas, from Michigan to California—and I have crossed the plains no less than seventeen times—I lost all trace of the first published works…Here I will pause to state that any of our people having in their possession a copy of any or all of my first views, as published prior to 1851, will do me a great favor if they will send them to me without delay. I promise to return the same as soon as a copy can be produced. [4LtMs, Ms 4, 1883]

Objection#4:

“Uriah Smith responded to controversial phrases cited from the “Camden vision” in The Visions: Objections Answered (1868), suggesting that he might have accepted the authenticity of the vision, but that suggestion is tempered by his comment that he has referenced all shut-door expressions “that are claimed to have been given through any vision, either published or unpublished” (p. 28; italics supplied). “

Response:

Si Uriah Smith ay isa sa mga pinagkakatiwalaang manggagawa ni Ellen White noong nabubuhay pa siya at napakalaki ng bahagi niya sa loob ng 70 yrs na ministry nito. Ganito ang sabi ng The Ellen White Encyclopedia p. 684:

“Throughout his life Smith’s writings strongly championed the work of Ellen White as God’s special messenger endowed with the gift of prophecyHis 1868 book The Visions of Mrs. E. G. White presented the reasons for his confidence in her divine calling… Uriah Smith was closely connected with Ellen White. Together they traveled and spoke at Adventist gatherings on many occasions and places. In spite of their occasional differences, she expressed confidence in him after his confessions and declared that he should remain the Review editor as long as he could write.” [The Ellen White Encyclopedia p. 684]

Tagalog:

“Sa buong buhay niya, ang mga sulat ni Smith ay mariin na pinanghawakan ang gawain ni Ellen White bilang espesyal na mensahero ng Diyos na pinagkalooban ng kaloob ng propesiyaAng kanyang 1868 na aklat na The Visions of Mrs. E. G. White ay inilahad ang mga dahilan ng kanyang tiwala sa kanyang banal na tungkulin … Si Uriah Smith ay malapit na nakakonekta kay Ellen White. Magkasama silang nagbiyahe at nagsalita sa mga pagtitipon ng Adventista sa maraming okasyon at lugar. Sa kabila ng kanilang mga paminsan-minsang pagkakaiba, nagpahayag siya ng tiwala sa kanya pagkatapos ng kanyang pagkumpisal at ipinahayag na dapat niyang manatili ang editor ng Review hangga’t maaari siyang sumulat.” [The Ellen White Encyclopedia p. 684]

Walang duda anumang isinulat ni Uriah Smith lalo na patungkol sa kaloob na propesiya sa gawain ni Ellen White ay sadyang mapagkakatiwalaan. Nabanggit din sa ating sinipi na The Ellen White Encyclopedia ang pamagat ng aklat na isinulat ni Uriah Smith noong 1868 na The Visions of Mrs. E.G. White, A Manifestation of Spiritual Gifts According to the Scriptures, kung saan ang lahat ng mga objections ng mga critics ni Ellen White noong panahon niya ay isa-isang pinabulaanan.

Ang Objection #4 sa aklat ni Uriah Smith ay naglalahad ng sagot sa mga batikos kay Mrs. White tungkol sa kanyang pananaw tungkol sa “shut door” o close of probation para sa mga makasalanan noong October 22, 1844. At ang ilan sa mga sinipi na objections ay patungkol sa mga mabibigat na pangungusap na nabanggit ni Ellen White sa controversial na Camden Vision. 

Narito ang paghahambing ng ilang mga expression na ginamit ni Mrs. White sa kanyang Camden vision at pagsipi ni Uriah Smith sa kanyang aklat na Visions of Mrs. White upang depensahan ang pagiging totoo ng visions ni Ellen White.

E.G. White, Camden Vision 1851              

“I saw that it did not in any way apply to this time—that we are now living in. Then I saw that Jesus prayed for his enemies, but that should not cause US to pray for the wicked world, whom God had rejected  when he prayed for his enemies, there was hope for them, and they could be benefited and saved by his prayers, and also after he was a mediator in the outer apartment for the whole world; but now his spirit and sympathy were withdrawn from the world; our , that sympathy must be with Jesus and must be withdrawn from the ungodly. I saw that God loved his people  and, in answer to prayers, would send rain upon the just and the unjust  I saw that now, in this time, that he watered the earth and caused the sun to shine for the saints and the wicked by our prayers, by our Father sending rain upon the unjust, while he sent it upon the just. I saw that the wicked could not be benefited by our prayers now  and although he sent it upon the unjust, yet their day was coming. Then I saw concerning loving our neighbors. I saw that scripture did not mean the wicked whom God had rejected that we must love, but he meant our neighbors in the household and did not extend beyond the household, yet I saw that we should not do the wicked around us any injustice:but, our neighbors whom we were to love, were those who loved God and were serving him.”


Uriah Smith, Visions of Ellen White

"Now what are the representations of the vision in relation to this time?  Do they teach a more exclusive shut-door than Scripture facts and testimonies which we have presented? In their teachings we find such expressions as these: "I saw Jesus finished his mediation in the holy place in 1844."  "He has gone into the most holy, where the faith of Israel now reaches." His spirit and sympathy are now withdrawn from the world, and our sympathy should be with him." The wicked could not be benefited by our prayers now." "The wicked world whom God had rejected."  "It seemed that the whole world was taken in the snare; that there could not be one left," (referring to spiritualism). "The time for their salvation is past."  These expressions are all, or at least are the very strongest, in relation to what is called the shut door  that are claimed to have been given through a vision either published or unpublished. Let us now inquire into their import. Let it be remembered that the question is, do they teach that probation ceased in 1844, and that consequently there could be no true conversions after that time." pp. 27-28


Ang ilang mga expression na binanggit ginamit ni Ellen White tulad ng:

a.) “ngunit ngayon ang kanyang espiritu at pakikiramay ay inalis mula sa mundo”

b.)“at ang ating pakikiramay ay dapat na kay Hesus, at dapat na umiwas mula sa mga di-makadios.”

c.) “Nakita ko na ang masasama ay hindi makikinabang sa aming mga dalangin ngayon.”

d.) “ang masama na tinanggihan ng Diyos”

Hindi binanggit ni Uriah Smith na ang mga pangungusap na ito na hango sa Camden vision ay gawa-gawa lamang ng mga kritiko ni Ellen White o hindi authentic na mga pangitain ni Ellen White. Sa halip ay nagtiyagang gumugol ng panahon si Smith upang sagutin at ipaliwanag ang bawat mabibigat na pangungusap ni Mrs. White sa nasabing vision niya.

“Smith is arguing for an “all or nothing” view of the visions and it would seem that in this light, the easiest way out of some of what he calls the “strongest statements” on the “Shut-door” in the visions would have been to deny the authenticity of the vision containing them. It seems this avenue was not open to him.” [G.M. Valentine, The Camden Vision Reconsidered, as Appendix XVIII in The Shut Door and the Sanctuary-Historical and Theological Problems p. 198]

Ayon pa kay Smith, tiniyak niya na tanging mga legitimate na sulat lamang na available sa panahon niya ang kanyang bbibigyang pansin upang sagutin hindi kasama yung mga hearsay.

“Our only proper course here, therefore, is to confine ourselves to what has been published under Sister White’s own supervision, and by her authority, and what appears in manuscript over her own signature in her own handwriting.” [Uriah Smith, The Visions of Mrs. E. G. White, Manifestations of Spiritual Gifts According to the Scriptures, p. 20]

Tagalog:

“Ang aming nararapat na hakbang dito, kung gayon, ay piliin lamang kung ano ang nai-publish sa ilalim ng pangangasiwa mismo ni Sister White, at sa pamamagitan ng kanyang awtoridad, at kung ano ang nakasulat sa manuskrito at may kanyang sariling pirma na sariling sulat-kamay.”

 Ang copy ng Camden vision na nasa White Estate ay mayroong signature ni Ellen White na sulat-kamay niya sa ilalim. Sa madaling salita isa itong matibay na patotoo na ang Camden vision ni Ellen White ay itinuturing ng mga SDA noong panahon bilang tunay na mga pangungusap ni Ellen White.

Bago nalathala sa isang aklat ang Visions of Ellen White ni Uriah Smith noong 1868, ito ay nalathala sa kanilang opisyal na magazine na Review & Herald noong June 12, 1866 bilang serye ng pagsagot sa mga tutol sa mga pangitain ni Mrs. White na may pamagat na “The Visions—Objections Answered.”  Hindi biro ang ginawang paghahanda bago ilathala ito. Ayon sa article ng Review & Herald p.16:

“We commence this week the publication of Answers to Objections against the Visions. It may be proper here to state that this manuscript was prepared before our late Conference; but its publication was withheld till it could be submitted to the ministering brethren who might then assemble, for them to decide upon its merits, and:the disposition that should be made of it. It was examined by them, and received their approval, with a decision that it. should be published. The most of the manuscript was also read before a joint session of the General and Mich. State Conference, whereupon the following action was taken in reference thereto :

“Resolved, That we, the members of the General and Mich. State Conference, having heard a portion of the manuscript read, which has been prepared by Bro. U. Smith, in answer to certain objections recently brought against the visions of Sister White, do hereby express our hearty approval of the same. “Resolved, That we tender our thanks to Bro. Smith for his able defense of the visions against the attacks of their opponents.”

Sa liwanag ng ginawang maingat na pagsusuri ng mga “ministering brethren” sa manuskrito ni Smith, maliwanag na nakita natin na ang pinagtatalunang Camden vision ay talagang tinanggap ng pangkalahatang mga pinuno ng SDA church bilang isang tunay na dokumento.

Objection#5: 

“Additionally, by this time (June 1851) Ellen White had abandoned the view that probation had closed for all non-Millerites—the shut door was understood to apply only to those who had willfully rejected the Second Advent message (see Lt 4, 1850 [Feb. 18], and introductory article “The ‘Shut Door’ and Ellen White’s Visions”).”

Response:

Ang totoo niyan nagmukha lamang nabago ang stand ni Ellen White later on ngunit ang totoo marami ng itinago at binago sa mga naunang sulat ni Ellen White maging ang asawa niyang si James White ng i-revised niya noong 1851 ang karamihan sa mga naunang sinulat ni Mrs. White ay marami na siyang tinanggal at pinalitan. Ganito ang paliwanag ni Dr. Desmond Ford:

“Until the summer of 1851 our pioneers considered their task as confined to “the little flock” while unbelievers were considered as left in outer darkness since the closing of the 1844 door.When in 1851 and 1852 James White reprinted some of his earlier articles, he omitted or changed a number of his former statements about the shut door.” [D. Ford, Daniel 8:14, The Day of Atonement and the Investigative Judgment, p. 372]

Objection#6: 

The White Estate views the evidence currently available as insufficient to establish that the report of the purported vision is genuine.

Response:

Sinasabi lang nila na insufficient ang evidence ngunit hindi ito totoo. Sa mga inilabas nating ebidensya sa itaas nakita natin na marami kasi silang hindi pa isinaalang alang na mga ebidensya kaya naging ganun ang kanilang naging conclusion. Ganito ang napakagandang conclusion ni Dr. Gilbert Valentine sa kanyang research na Camden Vision Reconsidered:

“While the Camden vision is obviously a document that would seem to be very relevant to the whole “Shut-door” discussion its genuineness or spuriousness ought however to be decided not on whether or not it is easier or more convenient to maintain its alleged spuriousness but on the weight of evidence. The evidence considered here seems to support a case for accepting the vision as authentic.”

Conclusion:

Nagbabala si apostol Pablo tungkol sa ibang ebanghelyo na ipapangaral ng mga bulaang guro o propeta sa Galacia 1:8:

“Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.” Mga Taga-Galacia 1:8

Ang aral na ito ni Ellen White tungkol sa pagsasara ng pintuan ng awa (close of probation) noong October 22, 1844 ay maituturing na “ibang ebanghelyo” dahil nagbibigay ito ng maling impormasyon tungkol sa tunay na character ng ating Panginoong Jesus. Ang Diyos na ipinapakilala ni Ellen White sa puntong ito ay isang mabagsik na Diyos at kapos sa pagmamahal sa mga taong napailalim sa sumpa ng kasalanan. Ang pinaka puso ng totoong ebanghelyo o gospel ay mababasa natin sa John 3:16:

“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16 ASND

Pansinin na ang pag-ibig ng Diyos ay mas lalong nahayag sa lahat dahil ang inibig niya ay hindi lamang yaong mga taong “umiibig sa Diyos at naglilingkod sa kanya” gaya ng turo ni Mrs. White, kundi yaong “mga tao sa sanlibutan” (hindi lamang mga tao sa sambahayan ng Diyos) na ayon sa kasulatan ay mga “kaaway ng Diyos” (Roma 5:10), habang tayo’y “mga makasalanan pa” (Roma 5:8) at “mga mahihina pa” (Roma 5:6). Hindi muna inantay ng Diyos na magpakabait tayo bago niya tayo ibigin. Ito ang natatanging uri ng pag-ibig na matatawag na made in heaven. Ito din ang uri ng pag-ibig na nais ni Cristo na makita sa bawat isa sa atin. Tinawag niya itong “perfect love”:

“Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.” Mateo 5:48

Paano ba ipinakita ng ating Diyos Ama ang kanyang perfect love sa atin?

“Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka’t pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap. Sapagka’t kung kayo’y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?” Mateo 5:45-47

Ito ang mensahe ng tunay na ebanghelyo. Mahal tayo ng Panginoon at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nalilimitahan ng oras o alinmang taon sa calendaryo o doktrina ng sinumang tao. Ang pag-ibig ng Diyos ang kapangyarihan ng tunay na ebanghelyo.

Related link:



























 







No comments:

Post a Comment