FEATURED POST

"PAGLALANTAD SA MGA KASINUNGALIAN NI PASTOR BJORN CAPIENDO AT JOHNSON AMICAN TUNGKOL SA “THREE HOLIEST BEINGS” NI ELLEN G. WHITE!"

Ang live na episode ng 'Katotohanan' sa Hope TV kung saan tinalakay nina Johnson Amican at Pastor Bjorn Capiendo ang konsepto ng Tri...

MOST POPULAR POSTS

Sunday, February 14, 2021

ANG "SALVATION BY GRACE THRU FAITH ALONE" BA AY "CHEAP GRACE" AT PWEDE NANG LABAGIN ANG 10 UTOS?

TANONG:


NAKU bro Ronald V. Obidos, WHAT you are saying here is cheap grace.. Hindi po nagpakamatay lang si Kristo para ang taong tinubos niya ay magpatuloy lang sa paglabag sa kautusan dahil na perfect niya na ang pagsunod sa katuusan. As a christian we are supposed to be like Chrsit in our life. If Christ lives in us then we will become partakers of His divine nature bro at magiging masunurin tayo katulad ng pagiging masunurin niya sa Ama. He gave us that example, he overcame and we can overcome that too thru Him. Sabi nga sa Biblia, we can do all things tru Christ who strengthens me. Hindi manlalabag at mga suwail bro ang mga tunay na tagasunod ni Kristo o ng Diyos.. Hindi mabigat sa mga taong sumusunod ang moral law bro, mabigat lang iyan sa mga taong hindi sumusunod o wala sa kanilang puso ang pag ibig sa Diyos kaya ang pagsunod nila ay parang mabigat kasi wala sa puso.” - From Butz Rodelas 

SAGOT:

Ang pagtanggap kay Cristo bilang personal na Panginoon at Tagapagligtas upang maligtas ay hindi “cheap grace” dahil napakamahal ng halaga ng dugong pantubos ni Cristo na inalay niya sa  Krus para sa ating kasalanan,

“For you know that it was not with perishable things such as silver or gold that you were redeemed from the empty way of life handed down to you from your ancestors, but with the precious blood of Christ, a lamb without blemish or defect.” 1 Peter 1:18-19 (NIV)  

Ang sabi nga ni Charles Ryrie,

Grace is not cheap. Grace is expensive. It is free to the recipient but costly to the donor. The only way one may say that grace is not very costly is if the particular benefit costs the donor very littleBut to use the word cheap in the same breath with the grace of God in salvation seems almost blasphemous. It cost our Lord Jesus His life. Some may insult grace, reject it, trample on it, or disgrace it, but that does not lower its infinite value.[1]

Tama nga, na perfect ni Cristo ang pagsunod sa kautusan kaya nga tinawag siyang “a lamb without blemish or defect.” Dahil sa grace ng Panginoon, ang perfection o ang righteousness na ito ni Cristo ay matatanggap din natin sa pamamagitan ng pananampalataya lamang sa ginawa ni Cristo at hindi sa pagsunod sa kautusan.

“Dahil sa kanya, tayoʼy nakay Cristo Jesus. Si Cristo ang karunungan ng Dios para sa atin. Sa pamamagitan niya, itinuring tayo ng Dios na matuwid, ibinukod para sa kanya, at tinubos sa ating mga kasalanan.” 1 Corinto 1:30 ASND

Pansinin na ayon sa Biblia, ang standard ng Diyos upang ituring tayong matuwid sa kanyang harapan ay hindi ang pagsunod sa 10 utos kundi sa pamamagitan ng pananampalataya sa ginawang pantubos ni Cristo sa krus. Kailanman, ang tunay na gospel ay hindi nagtuturo na ang kabayaran ng ating mga kasalanan ay ang pagsunod sa 10 utos, kundi kamatayan,

“Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Roma 6:23

Kaya tumpak ang sinasabi ng Roma 3:28 na ang pagiging matuwid natin sa Diyos ay hiwalay sa pagsunod sa kautusan, halimbawa, hindi ka pa nangingilin ng Sabbath ay itinuring ka ng matuwid na anak ng Diyos dahil sa iyong pagtanggap kay Cristo,

“Sapagkat naniniwala tayo na itinuturing ng Dios na matuwid ang tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan.”  Roma 3:28 ASND

“Hindi ko binabalewala ang biyaya ng Dios, dahil kung maituturing na matuwid ang tao sa pamamagitan ng Kautusan, walang saysay ang pagkamatay ni Cristo!” Galacia 2:21

Kaya nagkakamali ang sinumang SDA na nag-iisip na ang isang tao na tinubos ni Cristo ay magpapatuloy pa sa paglabag sa kautusan dahil wala ng bisa ang pagsunod sa 10 utos para sa kaligtasan. Hindi po ganun ka-cheap ang gospel of the grace of God!

“Ano ngayon ang masasabi natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan para lalong madagdagan ang biyaya ng Dios sa atin? Aba, hindi maaari! Hindi maaari na magpatuloy pa tayo sa pagkakasala dahil ang kasalanan ay wala ng kapangyarihan sa atin.” Roma 6:1-2 ASND

 Maliwanag po na ang sinumang tao na tumanggap ng pantubos ni Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya ay hindi na magpapatuloy pa sa pagkakasala dahil “ang kasalanan ay wala ng kapangyarihan sa atin” hindi dahil sa pagsunod sa 10 utos.

At ayon mismo kay apostol Pablo nagkakaroon lang ng kapangyarihan ang kasalanan dahil sa pagsisikap ng mga tao na maging matuwid sa pagsunod sa mga letra ng kautusan,

“Ngunit ginamit ng kasalanan ang kautusang ito para pukawin sa akin ang lahat ng uri ng kasakiman. Sapagkat kung walang Kautusan, walang kapangyarihan ang kasalanan. Noong una, nabuhay ako nang walang Kautusan. Pero nang malaman ko ang Kautusan, nalaman kong ako palaʼy makasalanan at nahatulan na ng kamatayan. Kaya ang Kautusan na dapat sanaʼy magbibigay ng buhay ang siya pang nagdulot sa akin ng kamatayan. Sapagkat ginamit ng kasalanan ang Kautusan para dayain ako, at dahil dito nahatulan ako ng kamatayan dahil hindi ko masunod ang Kautusan.” Roma 7:8-11 ASND

At totoo naman na wala pang SDA kahit isa na makapagsasabi na nasusunod niya ang 10 utos ng walang sablay at tuloy-tuloy mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kamatayan!

Diyan ngayon papasok ang grace ng Panginoon dahil helpless tayong lahat at walang ni isa nakapasa sa standard ng 10 utos,

“Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios. Ngunit dahil sa biyaya ng Dios sa atin, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang tumubos sa atin. Itoʼy regalo ng Dios. Isinugo si Cristo Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa ganoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya.” Roma 3:23-25 ASND

Pinatutunayan din ng Bible na kapag ang isang tao ay nakatanggap na ng kaligtasan sa pamamagitan ng grace at uudyukan siya nito, sa pamamagitan ng Holy Spirit, na mamuhay ng may kabanalan, hindi na kailangang diktahan pa ng listahan na nakasulat ng letra-por-letra sa 10 utos[2],

“Sapagkat ang biyaya ng Dios na nagbibigay ng kaligtasan ay inihayag na sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Kaya mamuhay tayo sa mundong ito nang maayos, matuwid at makadios habang hinihintay natin ang napakagandang pag-asa, na walang iba kundi ang maluwalhating pagbabalik ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at upang tayoʼy maging mamamayan niya na malinis at handang gumawa ng mabuti.” Tito 2:11-14 ASND

Samakatwid, ang grace ng Panginoon, sa pamamagitan ng pantubos ni Cristo, ang tanging motivating force ng mga Cristiano upang mamuhay ng kabanalan at hindi ang 10 utos. Ang Holy Spirit na ang ating magiging guide sa ating paglilingkod at pamumuhay ng may kabanalan sa Diyos, hindi na ang letra ng listahan sa 10 utos,

“Pero ngayon ay malaya na tayo sa Kautusan, dahil namatay na tayo sa Kautusang ito na dating umalipin sa atin. Ang ating paglilingkod ngayon sa Dios ay hindi na ayon sa dating buhay na dulot ng Kautusan kundi sa bagong buhay na dulot ng Banal na Espiritu.” Roma 7:6

Ang patnubay ng Holy Spirit sa buhay ng isang Cristiano ay naaayon din sa principle ng 10 utos which is love. Ito ang isinulat ng Diyos sa isip at puso ng bawat mananampalataya (Heb. 8:10-11). Ang mga tunay na Cristiano ay hindi na nangangailangang diktahan palagi na sumunod sa 10 utos ng Diyos. Tulad ng mga anak na totoong nagmamahal sa kanyang mga magulang ay kusa na nagiging masunurin dahil sa pag-ibig. Hindi na kailangan diktahan pa o utusan ng mga magulang bago sumunod. Ganun ang mararanasan ng mga mananampalataya  matapos isulat na ng Diyos ang prinsipyo ng kautusan sa kanilang mga puso at isip,

“Itatanim ko sa isipan nila ang mga utos ko, at isusulat ko ang mga ito sa mga puso nila. Ako ang magiging Dios nila, at sila naman ang magiging bayan ko. Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Sapagkat kikilalanin nila akong lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila. Sapagkat patatawarin ko ang kasamaan nila at lilimutin ko na ang mga kasalanan nila.” Hebreo 8:10-12 ASND

 Kaya tama talaga na Hindi mabigat sa mga taong sumusunod ang moral law bro, mabigat lang iyan sa mga taong hindi sumusunod o wala sa kanilang puso ang pag ibig sa Diyos kaya ang pagsunod nila ay parang mabigat kasi wala sa puso.” Salamat sa Panginoon at purihin natin Siya palagi dahil sa kanyang biyaya o hindi sana nararapat na awa ganundin sa bagong pamamaraan na kanyang ginawa para sa ating mga makasalanan para mailapit tayo sa Kanya!

“Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahan para maipahayag namin ang kanyang bagong pamamaraan para mailapit ang mga tao sa kanya. At ang bagong pamamaraan na ito ay hindi ayon sa isinulat na Kautusan kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay.” 2 Corinto 3:6


References:

[1] Excerpt From: Charles C. Ryrie. “So Great Salvation.” Apple Books.
[2] Hindi na kailangang i-memorize pa ang pagkakasunod-sunod ng listahan sa 10 utos. Sa totoo lang, kahit nga SDA ay hindi kabisado ang pagkakasunod-sunod ng letra ng 10 utos. Ang tanging kabisado lamang nila ay ang ikaapat na utos tungkol sa pangingilin ng araw ng Sabbath.

No comments:

Post a Comment