Friday, February 5, 2021

VISIBLE O INVISIBLE CHURCH: ALIN DITO ANG TINATAG NI CRISTO?

 



Tanong ito ng isang kaibigang Adventista na nakasama ko noon sa ministry sa Visayas. Hanggang ngayon ay nagkakausap pa kami ngayong hindi na ako Adventist. Isa sa mga katanungan niya ay tungkol sa "invisible church." Nagpaalam ako sa kanya kung maaari ko bang ipost publicly sa blog ang mga katanungan niyang ito para marami din ang makinabang. Nagpasalamat ako sa kanya dahil pumayag siya. Nakiusap nga lamang siya na kung maaari ay itago ang kanyang identity. Ito naman ay maingat kong tinupad. Dalangin ko sa Panginoon na makatulong sa kanyang pagsusuri ang aking magiging sagot sa kanyang mga katanungan. 

Question #1:

Magkaiba po ba ang invisible church na itinayo ni Christ noong 2nd century sa visible church?

Answer:

Una sa lahat, linawin muna natin kung ano ba ang kahulugan ng "visible church" at "invisible church." Ganito ang maganda at madaling maunawaang paliwanag ng aklat na Christian Beliefs: Twenty Basics Every Christian Should Know:

"The invisible Yet Visible Church

"Because we cannot see the spiritual condition of people’s hearts, the true church, in its spiritual reality as the fellowship of all genuine believers, is invisible. Only God can see the condition of people’s hearts. As Paul says in 2 Timothy 2:19, “The Lord knows those who are his.” Therefore, the “invisible church” is the church as God sees it.

But the church is also visible. While the invisible church is the church as God sees it, the “visible church” is the church as Christians on earth see it. Therefore, the visible church will contain genuine believers as well as others who do not truly believe or follow the claims of Jesus. But in making this distinction, we should not become overly suspicious regarding the status of those who appear to be true believers. Instead, with benevolent judgment, we should consider all to be members of the universal church who appear to be believers from their confession of faith and their pattern of life." [1]

Samakatwid, "invisible church" ang tawag sa mga tunay na mananampalataya na mga tinawag dahil sa biyaya ng Diyos (Roma 11:5-6). Ito ang tunay na "true church" dahil bumubuo dito ay "all genuine believers" walang kahalong nagpapanggap lamang na Christians. "Invisible" sila dahil tanging Diyos lamang ang nakakakita kung sino sila dahil Siya lamang ang nakakabasa ng puso ng tao at nakakaalam kung sino ang tunay at hindi (2 Tim. 2:19). Ang mga local churches naman na nakikita natin na mga simbahan sa iba't-ibang dako kung saan nagtitipon ang mga mananampalataya upang sumamba ay tinatawag naman na "visible church." Ang visible/local churches na ito ay hindi matatawag na "true church" as a corporate group dahil ito ay binubuo ng magkahalong tunay at pekeng mananampalataya. Kahit na sunugin o gibain ang lahat ng church buildings sa boong mundo, mananatili pa din tapat ang mga tunay na mananampalataya ni Cristo saanman sila naroroon bilang "church" (Grk. ekkesia, "called-out ones"). Ang "visible church" ay ang imperfect expression or manifestation ng "true church" o ng perfect "invisible church." 

Nakikita din ng ating mga mata itong mga taong kabilang sa "invisible church" sa alinmang simbahan na ating pinupuntahan dahil hindi sila mga invisible men. "Invisible" sila in a sense na hindi natin makita personally kung sila ba talaga ay ligtas o hindi, tanging Diyos lang talaga ang nakakaalam.

Maging ang mga Adventista ay naniniwala sa dalawang aspeto ng church, i.e., "visible" and "invisible" church.[2] Ganito ang paglalahad sa kanilang SDA 28 Fundamental Beliefs p. 171 :


Dahil maliwanag na sa atin ang kahulugan ng "invisible" at "visible" church atin nang babalikan ang tanong ng aking kaibigang Adventist,

Magkaiba po ba ang invisible church na itinayo ni Christ noong 2nd century sa visible church?

Ang sagot ay hindi naman talaga sila magkaiba o magkahiwalay na church. Iisang church lamang ito. Dahil Iisa ang ulo ng iglesia, kaya iisa din ang katawan (Col. 1:18). Bagaman hindi mababasa sa Biblia word-for-word ang mga salitang "visible" at "invisible" church, ang idea na ito ay bunga ng tamang pag-unawa sa doktrina ng kaligtasan. Isang magandang halimbawa nito sa Biblia at tungkol sa pag-uusap ni Jesus sa isang babaeng taga Samaria na mababasa natin sa John chapter 4.

Sa John 4:20, sinabi ng babae kay Jesus na,

"Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito; at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao."  Joh 4:20 (Tagalog AB)

Sa ating terminology, ang sinasabi ng babaeng Samaritana ay tungkol sa "visible church" na nasa dako ng Jerusalem kung saan ang mga Judio ay sumasamba sa Diyos. Sumagot naman sa kanya si Jesus na ang "true church" o ang mga tunay na mananamba sa Diyos ay hindi lamang matatagpuan sa Jerusalem. Sa puntong ito, ang tinutukoy naman ni Jesus ay ang "invisible church":

"Sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama."  Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka't ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio. Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan."  Joh 4:21-24 (Tagalog AB)

Maging sa 12 apostles ni Jesus noon ay may umiiral na din ang dalawang aspect na "visible" at "invisible" church. Ang "visible church" ay binubuo ng 12 apostles ngunit sa "invisible church" ay 11 apostles lang talaga ang tunay na mananapalataya ni Jesus dahil si Judas ay nagkanulo:

"Datapuwa't may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka't talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya'y magkakanulo." "Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ang isa sa inyo ay diablo?""Tinukoy nga niya si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagka't siya ang sa kaniya'y magkakanulo, palibhasa'y isa sa labingdalawa."  Joh 6:64, 70, 71 (Tagalog AB)

May kaugnayan din sa puntong ito ang Question #2 ng aking kaibigang Adventista. Tanong niya:

Question #2:
"Saan sa dalawa (visible at invisible church) kaanib ang mga apostol?"

Gaya nga ng aking nabanggit kanina, kung tapat at totoong mananampalataya ang 12 apostol at hindi sila tatalikod o magkakanulo sa Panginoon, tunay ngang kabilang sila sa "invisible church" na kinilala na ng Panginoon sapagkat "talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya." (Joh 6:64) Nabanggit ko din na 11 sa 12 apostol at kabilang sa "invisible church" while si Judas kahit nasama sa 12 apostles ("visible church") ay hindi talaga kabilang sa tunay na mananampalataya ayon mismo kay Jesus. Ayon nga sa 1 Juan 2:19,

"Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin."  1 Jn 2:19 (Tagalog AB)

Si Judas ay pinalitan sa pwesto ni Matias (Gawa 1:25, 26) kaya kumpleto na ulit ang 12 apostol. Ang pangalan ni Matias na ang isa sa "labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero" na pinagsasaligan ng Bagong Jerusalem (Apoc. 21:14).


Question #3:
Alin ba sa dalawang ito ang totoong church of Christ?

Totoo pareho sila magkaiba lang ang status. Nais kong gamitin ang diagram na ginamit sa aklat na Exploring Christian Theology: Volume 3, p. 16, upang ipakita ang relationship sa pagitan ng "visible" and "nvisible" church:


Kaya hindi pwedeng paghiwalayin yang dalawa at hindi pwede ang isa ay tama at isa ay mali. Isa pa, ang pagiging kaanib sa "visible church" ay hindi automatic na membro ka ng "invisible church." Samantalang, kung ikaw ay kabilang sa tinawag ng Diyos na mapabilang sa "invisible church" automatically, although, hindi sa lahat ng pagkakataon, ikaw ay kaanib sa "visible church." Samakatuwid, ang "visible" at "invisible" church ay dalawang aspeto ng iisang katawan ni Cristo. 

Question #4:
Alin ba sa dalawa ang dapat tayo ma belong?

Sa puntong ito, naunawaan na natin ang relationship at pagkakaiba ng "visible" at "invisible" church. Ang invisible church ay binubuo ng mga hinirang ng Diyos at mga tunay na mananampalataya sa pamamagitan ng biyaya. Ang kanilang pangalan ay nakatala na sa aklat ng buhay (Apoc. 3:5). Samantalang sa "visible church" na binubuo ng believers at unbelievers kaya hindi lahat ng members ng "visible church" ay nakatala sa "aklat ng buhay mula ng itatag ang sanlibutan" (Apoc. 17:8).

Kung gayon, ang sagot sa tanong na kung "alin ba sa dalawa ang dapat tayo ma belong?" ay maliwanag na, ayon sa biyaya ng Diyos ay, mapabilang tayo sa "invisible church" na binubuo ng mga genuine believers na nakatala na ang kanilang mga pangalan sa aklat ng buhay sa langit mula ng itatag ang sanlibutan (Apoc. 17:8; Heb. 12:23).  

Ang "invisible church" o "true church" ay bunga ng pagtawag ng Diyos sa pamamagitan ng pakikinig at pagtanggap sa gospel ni Cristo at hindi sa pagkabisado ng 28 Fundamental beliefs or set of creeds or doctrine ng mga relihion.

“Pero paano sila tatawag kung hindi naman sila sumasampalataya sa kanya? At paano sila sasampalataya kung hindi pa sila nakakarinig ng tungkol sa kanya? At paano sila makakarinig kung walang nangangaral? Sapagkat sinasabi sa Kasulatan , “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.” At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo? Ayon sa Kasulatan, “Napakagandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng magandang balita.” Pero hindi naman tinatanggap ng lahat ang Magandang Balita. Sinabi nga ni Isaias, “Panginoon, sino po ba ang naniwala sa sinabi namin?” Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Cristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya.” Roma 10:13-17, ASND

Read also:


Kung Mali ang Seventh-day Adventist Church, Ano ang Tama?


Related Youtube video links:

Ano ba talaga ang "True Church" Ayon sa Biblia?

Labag kay Cristo ang Sectarian Attitude ng mga Adventista!



REFERENCES:
[1] Wayne A. Grudem. “Christian Beliefs: Twenty Basics Every Christian Should Know.” pp. 219-220

[2] Ayon sa SDA Bible Dictionary, ang mga Adventist ay naniniwala na ang tinayong iglesia ng Panginoong Jesus ay "Universal church". "When used of the Christian church it has several shades of meaning: (1) a church meeting (1 Cor 11:18), (2) the total number of Christians living in one place (ch 4:17), (3) the church universal (Mt 16:18)." Horn, S. H. (1979). In The Seventh-day Adventist Bible Dictionary (p. 224). Review and Herald Publishing Association.




No comments:

Post a Comment