Showing posts with label Fundamental Belief#6 Salvation. Show all posts
Showing posts with label Fundamental Belief#6 Salvation. Show all posts

Tuesday, August 8, 2023

KATIYAKAN NG KALIGTASAN

 Pastor Ronald Obidos


"Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan." 1 Juan 5:13 RTPV


    Ang bawat Kristiyano ay nagnanais na magkaroon ng katiyakan ng kaligtasan – ang katiyakan na sa muling pagbabalik ni Kristo o pagdating ng kamatayan, siya ay pupunta sa langit upang makasama ang Panginoong Hesus  (Fil. 1:23). Ang isa sa mga pangunahing layunin ni Juan sa pagsulat ng kanyang unang liham ay upang patunayan na ang mga lingkod ng Diyos ay magkaroon ng katiyakan sa kaligtasan, nang walang pag-aalinlangan, na sila ay nasa tamang relasyon sa Diyos at patungo sa langit (1Jn 5:13). 

    Pansinin na hindi kailanman sinabi ni Juan sa liham na magmula nang matanggap ng isang tao ang kaligtasan ng ma-convert siya sa Kristiyanismo ay hindi na mawawala ang kaligtasan niya. Ang ipagpalagay na tayo ay tinadhana na para sa buhay na walang hanggan kasama ng Diyos batay lamang sa isang nakaraang conversion kahit na hindi na siya namumuhay ayon sa pananampalataya ay ligtas pa rin, ay isang malubhang pagkakamali.

Tatalakayin ng article na ito ang siyam na paraan para matiyak natin na tayo ay nasa isang tunay at nakapagliligtas na relasyon kay Jesu-Kristo.

(1) Mayroon tayong katiyakan ng buhay na walang hanggan kung tayo ay sumasampalataya “sa pangalan ng Anak ng Diyos” (1Jn 5:13; cf. 4:15; 5:1, 5). 

    Walang buhay na walang hanggan o katiyakan ng kaligtasan kung walang tapat na pagsuko ng buhay na pananampalataya kay Jesu-Kristo na nagpapahayag sa kanya bilang Anak ng Diyos, na isinugo upang maging ating Tagapagligtas at Panginoon (ang Tagapagpatawad ng ating mga kasalanan at Pinuno ng ating buhay (Jn 1:12; 5:24).

(2) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung tayo ay nagpapasakop kay Jesus bilang Panginoonang pinakamataas na awtoridad at Pinuno ng ating buhay–at taimtim na nagsisikap na mamuhay ayon sa kanyang mga prinsipyo at sumusunod sa kanyang mga kalooban. 

"Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya." (1 Jn 2:3-5; cf. 3:24; 5:2; Jn 8:31, 51; 14:21-24; 15:9-14; Heb 5:9).

(3) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung mahal natin ang Ama at ang Anak kaysa sa sanlibutan at kung aasa tayo sa patnubay at kapangyarihan ng Diyos na madaig ang masamang impluwensya ng sanlibutan. 

"Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan." (1 Jn 2:15-16; cf. 4:4-6; 5:4).

(4) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung tayo ay tuloy-tuloy at nagpapapatuloy na gumagawa ng tama ayon sa pamantayan ng Diyos. 

"Kung alam ninyong si Cristo'y matuwid, dapat din ninyong malaman na ang bawat gumagawa ng matuwid ay anak ng Diyos." (1 Jn 2:29). Gayunpaman, "Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo," (3:7-10).

(5) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung magpapakita tayo ng tunay na pag-ibig sa kapwa. 

"Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang kapatiran. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. Dito nga natin makikilalang tayo'y nasa panig ng katotohanan, at matatahimik ang ating budhi sa harapan ng Diyos." (1 Jn 3:14, 19; cf. 2:9-11; 3:23; 4:8, 11-12, 16, 20; 5:1; Jn 13:34-35).

(6) Tayo ay may katiyakan ng buhay na walang hanggan kung tayo ay may kamalayan sa Banal na Espiritu na nabubuhay sa atin. 

"Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. At nalalaman nating nananatili siya sa atin sa pamamagitan ng Espiritung ipinagkaloob niya sa atin." (1 Jn 3:24). “'Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu."(4:13).

(7) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung mapagpakumbaba nating susundin ang halimbawa ni Jesus. 

"Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo." (1 Jn 2:6; Jn 8:12).

(8) Tayo ay may katiyakan ng buhay na walang hanggan kung tayo ay naniniwala, tumatanggap, at nananatili sa tamang kaugnayan sa “Salita ng buhay”– Jesukristo (1Jn 1:1) – at ibabatay ang ating buhay sa kanyang orihinal na mensahe na matatagpuan sa New Testament. 

"Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gagawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama." (2:24; cf. 1:1-5; 4:6).

(9) Mayroon tayong katiyakan ng buhay na walang hanggan kung tayo ay may tapat at malalim na pagnanais at matatag na pag-asa sa pagbabalik ni Kristo. 

"Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa ay nagsisikap na maging malinis ang pamumuhay tulad ni Cristo." (1 Jn 3:2-3; cf. Jn 14:1-3).

Source: Stamps, Donald, ed. Fire Bible-NIV-Global Study. Hendrickson Publishers, 2010, isinalin sa Tagalog.



Si Pastor Ronald Obidos ay ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at siya ay isa sa mga aktibong member at ordained Pastor ng Complete in Jesus church.





Support this Ministry

Gcash#: 09695143944

OR





Monday, August 7, 2023

ANO ANG TINUTURO NG BIBLIA TUNGKOL SA KALIGTASAN?

   Pastor Ronald Obidos




"Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sakaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego."Mga Taga-Roma 1:16 RTPV

    Ang Diyos ay nag-aalok sa lahat ng tao ng kaloob na buhay na walang hanggan – ang pagkakataong makilala at magkaroon ng personal na relasyon sa Diyos at makasama Siya magpakailanman–sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang Anak, si Jesu-Kristo. Ngunit ang pag-unawa sa eksaktong proseso kung paano ang buhay na iyon ay mapapasa-atin kung minsan ay mahirap unawain. Dahil dito, gumamit ang Diyos ng iba't ibang termino sa Biblia upang tulungan tayong maunawaan ang konsepto at katotohanan tungkol sa kaligtasan. 

    Pag-aaralan natin sa artikulong ito ang tatlo sa mga terminong iyon: kaligtasan (salvation), pagtubos (redemption) at pagiging-matuwid (justification).

KALIGTASAN

    Ang Kaligtasan (Gk sötëria) ay nangangahulugang “pagpapalaya,” “pagligtas,” “pagdadala nang kaligtastan sa pamamagitan” o “pag-iwas sa pinsala.” Sa Old Testament ay ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili bilang ang Isa na nagliligtas sa Kanyang bayan (Aw 27:1; 88:1; tingnan ang Dt 26:8; Aw 62:1 ; Isa 25:6; 53:5). Ang paraan, o proseso, ng kaligtasan, ay inilarawan ng New Testament bilang “ang daan”– ang daan mula sa buhay sa lupa patungo sa buhay na walang hanggan kasama ng Diyos sa langit (Mt 7:14; Mc 12:14; Jn 14:16; Gaw 16:17; 2Pe 2:2, 21; cf. Gaw 9:2; 22:4; Heb 10:20). 

    Upang magmana ng isang dako sa walang hanggang kaharian ng Diyos (Mt 25:34; Heb 1:14; 6:12), kailangan nating tahakin ang landas ng kaligtasan hanggang sa dulo ng ating buhay dito sa lupa. Maaari nating ilarawan ang kaligtasan bilang isang daanan na may dalawang panig at tatlong yugto:

(1) Ang Daan ng Kaligtasan.
    Si Jesu-Kristo ang Daan – ang tanging daan – sa Diyos Ama (Jn 14:6; Gaw 4:12). Nag-aalok at nagbibigay ang Diyos ng kaligtasan dahil sa Kanyang biyaya (i.e., ang kanyang di-sana-nararapat na pabor, pagibig, kabaitan, tulong), na Kanyang ipinakita sa pamamagitan ng Kaniyang Anak, si Kristo Jesus ( Ro 3:24 ). Ang mabiyayang kaloob na kaligtasan ng Diyos ay nakabatay sa hain na kamatayan ni Kristo (3:25; 5:8), makahimalang muling pagkabuhay (5:10), at patuloy na tagapamamagitan (i.e. representasyon) sa langit para sa atin (Heb 7:25). 

    Ang Kanyang kamatayan ang nagbayad ng pinakamataas at kumpletong halaga para sa ating mga pagkakasala laban sa Diyos at ibinigay ang tanging paraan para tayo ay mapatawad sa ating kasalanan (Mt 26:28; Lc 24:46-47). Ang Kanyang muling pagkabuhay ay nagpakita, nagkumpirma, at sinigurado ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad sa buhay at kamatayan. Nagbigay din ito ng paraan para maging tayo nagtagumpay laban sa espirituwal na kamatayan ( Ro 6:4; 8:11 ) at, sa wakas, bubuhayin sa buhay na walang hanggan. Ang Kanyang patuloy na pamamagitan para sa atin sa langit (i.e., kumakatawan at nagsusumamo ng ating kaso sa ating makalangit na Ama) ay tumitiyak sa atin ng paglapit sa Diyos at sa Kanyang patuloy na habag at tulong (Ro 5:2; Efe 2:18).

(2) Ang Dalawang Panig ng Kaligtasan.

    Ang espirituwal na kaligtasan ay isang regalo at biyaya ng Diyos na natatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Kristo (Ro 3:22, 24-25, 28). Ibig sabihin, ang kaligtasan ay:

(1) Diyos: Ipinaabot sa atin ng Diyos ang kaligtasan bilang pagpapakita ng Kanyang biyaya (Jn 1:16).
(2) Tao: Kailangang tanggapin naman natin ang kaligtasang ito sa pamamagitan ng ating pananampalataya lamang (Gaw 16:31; Ro 1:17; Efe 1:15; 2:8).

(3) Ang Tatlong Yugto ng Kaligtasan.

(a) Ang nakalipas na yugto ng kaligtasan ay isang yugto ng panahon noong nagpasya tayong magsisi at tumanggap ng kapatawaran sa Diyos para sa ating mga kasalanan at ibigay ang ating buhay sa Kristo ( Gaw 10:43; Ro 4:6-8 ).

    Sa puntong ito, tayo ay dumaan mula sa espirituwal na kamatayan patungo sa espirituwal na buhay (1Jn 3:14 ), mula sa kapangyarihan ng kasalanan hanggang sa kapangyarihan ng Panginoon (Ro 6:17-23), mula sa kontrol ni Satanas hanggang sa kontrol ng Diyos (Gaw 26:18). Sa ganitong paraan, pumasok na tayo sa isang bagong personal na relasyon sa Diyos (Jn 1:12) at iniligtas mula sa parusa ng kasalanan (Ro 1:16; 6:23; 1Co 1:18), na espirituwal na kamatayan at walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos.

(b) Ang kasalukuyang yugto ng kaligtasan ay kaligtasa natin mula sa paggawa, paulit-ulit at kontrol ng kasalanan sa ating pang-araw-araw na buhay, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu ng Diyos na nabubuhay sa loob natin. Ang bahaging ito ng kaligtasan ay may kasamang ilang elemento: 

(i) Kabilang dito ang pribilehiyo ng isang personal na relasyon sa Diyos bilang ating Ama at si Jesus bilang atin Panginoon at Tagapagligtas (Mt 6:9; Jn 14:18-23; Jn 17:3; Gal 4:6).

(ii) Kasama rito ang hamon na ituring ang ating sarili na “patay na” sa kasalanan at sa impluwensiya nito (Ro 6:1-14) at magpasakop sa pangunguna ng Banal na Espiritu (Ro 8:1-17) at sa Salita ng Diyos(Jn 8:31; 14:21; 2Ti 3:15-16).

(iii) Kabilang dito ang paanyaya na mapuspos ng Banal na Espiritu at ang tagubilin na patuloy na mapuspos nito (Gaw 2:33-39; Efe 5:18).

(iv) Kabilang dito ang kahilingang ihiwalay ang ating sarili mula sa kasalanan (Ro 6:114) at ang tiwaling paniniwala, pag-uugali. at mga pamumuhay na karaniwan sa mga hindi kumikilala kay Kristo bilang Tagapagligtas (Gaw 2:40; 2Co 6:17).

(v) Kabilang dito ang panawagan na makibahagi sa espirituwal na pakikidigma para sa kaharian ng Diyos laban kay Satanas at kaniyang mga demonyo (2Co 10:4-5; Efe 6:11, 16; 1Pe 5:8).

(c) Ang hinaharap na yugto ng kaligtasan (Ro 13:11-12; 1Te 5:8-9; 1Pe 1:5) ay kinabibilangan din ng
ilang elemento:

(i) Ito ay kinabibilangan ng pagliligtas at kalayaan mula sa paparating na poot ng Diyos, o paghatol ng paghatol, laban sa kasalanan (Ro 5:9; 1Co 3:15; 5:5; 1Te 1:10; 5:9).

(ii) Kasama rito ang pakikibahagi sa kaluwalhatian ng Diyos (Ro 8:29; 1Co 15:49) at pagtanggap ng isang muling binuhay at binagong katawan (1Co 15:52).

(iii) Kabilang dito ang pagtanggap ng walang hanggang gantimpala para sa tapat pagsunod kay Kristo at pagtagumpayan ang mga pagsubok ng mundo (Apocalipsis 2:7). Ang hinaharap na kaligtasan ay ang layunin na pinagsisikapang abutin ng lahat ng Kristiyano (1Co 9:24-27; Flp 3:8-14). Lahat ng kasalukuyang babala, disiplina, at ang kaparusahan na itinakda ng Salita ng Diyos ay naglalayong pigilan ang mga tagasunod ni Kristo na maiwala ang hinaharap na kaligtasang ito ( 1Co 5:1-13; 9:24-27; Flp 2:1, 16; 2Pe 1:5-11; Heb 12:1 ).

PAGTUBOS

    Ang salitang-ugat na kahulugan ng “pagtubos” (Gk apolutrösis) ay tubusin o binili muli o ibabalik ng pagbabayad ng isang presyo. Ito rin ay nagpapahiwatig ng pagiging "rescued", "liberated", at "set free". Ang terminong "pagtubos" ay tumutukoy sa paraan kung saan matatamo ang kaligtasan–sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang pantubos. Ang konsepto at pagtuturo ng ang pagtubos ay maaaring ibuod tulad ng sumusunod:

(1) Ang ating makasalanang kalagayan: 

    Inilalarawan ng NT ang mga tao bilang hiwalay sa Diyos (Ro 3:10-18) dahil ang likas nating ugali ay ang suwayin ang Diyos at sundin ang sarili nating mga pagnanasa. Bukod sa Diyos, tayo ay nasa ilalim ng impluwensiya at kontrol ng sataniko at masasamang kapangyarihan ( Gaw 10:38; 26:18 ), tayo ay mga alipin ng kasalanan ( Ro 6:6; 7:14 ) at kailangan nating iligtas mula sa pagkakasala, kaparusahan, at kapangyarihan ng kasalanan (Gaw 26:18; Ro 1:18; 6:1-18, 23; Efe 5:8; Col 1:13; 1Pe 2:9).

(2) Ang halagang ibinayad para palayain tayo: 

    Binayaran at tiniyak ni Kristo ang pantubos sa pamamagitan ng pagbuhos ng sarili niyang dugo at pagbibigay ng kanyang buhay sa ating lugar (Mt 20:28; Mc 10:45; 1Co 6:20; Efe 1:7; Tit 2:14; Heb 9:12; 1Pe 1:18-19). Ganyan ang kabigat ang kasalanan laban sa perpektong kalikasan at kabanalan ng Diyos na anupa't nangangailangan ito ng pinakamatinding parusa, ang walang hanggang kamatayan ( Ro 6:23 ) at permanenteng pagkahiwalay sa Diyos. Walang makakatakas sa parusang ito kung wala ang pagpapatawad ng Diyos, at “kung walang pagbubuhos ng dugo ay walang kapatawaran” (Heb 9:22). 

    Ngunit ang Diyos lamang ang may kakayanang magbigay ng perpekto at sapat kabayaran para sa kasalanan. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng kusang-loob na sakripisyo ng Kanyang Anak, ang Panginoong Hesukristo. Ang kamatayan ni Jesus ay nagbigay ng sapat na kabayaran, at ito ay sapat na upang takpan ang lahat ng kasalanan natin sa lahat ng panahon. Ang mga tumatanggap ng kanyang sakripisyo para sa kanilang sarili at isinusuko ang kanilang buhay sa Kanya ay tumatanggap ng kanyang mga kaloob na kapatawaran at buhay na walang hanggan (Jn 3:16; 6:40; Ro 6:23; 1Jn 5:11).

(3) Ang resulta ng pagtubos: 

    Sa pamamagitan ng pagtanggap sa hain ni Kristo at kapatawaran ng mga kasalanan at pagsuko ng ating buhay sa Kanyang awtoridad at layunin, tayo ay napalaya mula sa kontrol ni Satanas at mula sa pagkakasala at kapangyarihan ng kasalanan ( Gaw 26:18; Ro 6:7, 12, 14, 18; Col 1:13 ). Ang kalayaang ito mula sa kasalanan, gayunpaman, ay hindi nangangahulugan na magagawa na natin ang lahat ng gusto nating gawin. 

    Dahil ang Diyos ay nagbayad ng pantubos para sa atin, tayo ay naging pag-aari niya. Nang tayo ay magpasya na magpasakop sa kalayaan ni Kristo mula sa kasalanan ay nagiging kusang-loob tayong mga alipin ng Diyos ( Gaw 26:18; Ro 6:18, 22; 1Co 6:19-20; 7:22-23 ).


(4) Ang pagtuturo ng NT ng pagtubos ay inilarawan at sinasagisag sa iba't ibang pagkakataon ng pagtubos sa OT

    Ang pinakadakilang kaganapan sa pagtubos sa OT ay ang exodus – ang mahimalang pagliligtas at malawakang pag-alis ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto (Exo 6:7; 12:26). Bilang karagdagan, sa pamamagitan ng isang sistema ng mga sakripisyo, ang dugo ng mga hayop. ang halagang ibinayad para sa pagtubos sa kasalanan ng Israel (i.e., pagtatakip, kapatawaran) ng kasalanan (Lev 9:8 ).


PAG-AARING GANAP

    Ang ibig sabihin ng “pag-aaring ganap” (Gk dikaioö) ay maging “matuwid sa paningin ng Diyos” (Ro 2:13), maging “matuwid” ( Ro 5:18-19 ), “itatag bilang matuwid” o “itakda o maglagay ng isang bagay na tama." Sa hudisyal na kahulugan, ang ibig sabihin nito ay maabsuwelto o ideklarang "hindi nagkasala." Ito ay direktang nauugnay sa pagpapatawad ng Diyos na naging posible sa pamamagitan ng hain ni Kristo sa krus. Ang lahat ng tao ay makasalanan sa paghihimagsik at pagsalungat sa Diyos. Ayon sa kaniyang sakdal na batas, tayo ay ipinahayag na nagkasala at hinatulan ng walang hanggang kamatayan.

    Ngunit ang mga tunay na nagsisisi – na umamin sa kanilang kasalanan, tumalikod sa kanilang sariling paraan ng pagiging-matuwid, sumuko kay Kristo at nagsimulang sumunod sa Kanyang mga layunin – ay pumasok na sa isang tamang relasyon sa Diyos. Mula sa pananaw ng Diyos, kapag tinanggap ng isang tao ang pagbabayad-sala ni Kristo (o pagtatakip ng kasalanan, pagbibigay ng kapatawaran) na sakripisyo para sa kanyang sarili, sa sandaling iyon ay para bang ang taong iyon ay hindi kailanman nagkasala. 

    Ibinibigay ng Diyos ang katuwiran ni Kristo sa mga tumatanggap at sumusunod sa Kanya (Ro 4:24-25; Flp 3:9). Ito ang nagpapahintulot sa Diyos na tanggapin ang mga mortal na tao sa langit dahil walang sinuman ang maaaring maging sapat na mabuti upang maging karapat-dapat o makakuha ng isang dako sa langit sa sariling kaparaanan. Inihayag ni apostol Pablo ang ilang katotohanan tungkol sa pag-aaring ganap at kung paano ito naisasakatuparan:

(1) Ang pag-aaring ganap (pagiging matuwid sa harap ng Diyos) ay isang bahagi lamang ng pagbabalik-loob.

    Kapag tinanggap ng isang tao ang kapatawaran ng Diyos at ibigay ang kanyang buhay kay Kristo, ang buhay ng taong iyon ay nagbago na mula sa espirituwal na kamatayan tungo sa buhay na walang hanggan. Sa sandaling iyon, maraming iba pang mga bagay ang nagaganap. Una sa lahat, ang isang tao aynakakaranas na ng isang bagong buhay: siya ay espirituwal na "ipinanganak muli” (Jn 3:3). Si Kristo ay tumatahan na sa kanya at namumuhay sa pamamagitan ng mananampalataya (Gal 2:20).
 
    Nabubuhay din ang Espiritu Santo sa mananampalataya, na nagbibigay ng kapangyarihang madaig ang kasalanan at mamuhay ayon sa mga pamantayan ng Diyos (Ro 8:5-13). Ang Espiritu ay nagpapatotoo din na ang mga tagasunod ni Kristo ay mga anak ng Diyos at may walang hanggang pamana mula kay Kristo (8:16-17). Maraming pang mga pagpapala na darating sa isang Kristiyano sa sandali na siya tumanggao ng spiritual conversion.

    Ang pag-aaring matuwid (justification) ay bahagi ng karanasang ito, na tinuturing tayong matuwid saharap ng isang dalisay at perpektong Diyos. Mula noon, gayunpaman, ang isang Kristiyano ay dapat napatuloy na manalig sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga Salita upang madaig ang kasalanan, lumago sa espirituwal, at mabisang maglingkod ayon sa mga kalooban ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pag-aaring ganap ng Diyos ay magsisilbing tanda ng pasimula ng espirituwal na paglalakbay ng isang mananampalataya kasama ni Kristo. 

    Ang mga Kristiyano ay patuloy na namumuhay sa isang "matuwid" at tamang relasyon sa Diyos habang umaasa sila sa Kanya para sa kapatawaran kapag sila ay nagkasala at habang umaasa sila sa kanya para sa lakas at gabay upang maisakatuparan ang Kanyang mga plano.

(2) Ang pagiging matuwid sa harap ng Diyos ay isang regalo ( Ro 3:24; Efe 2:8 ). 

    Walang sinuman ang makapagpapatuwid ng kanyang sarili sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan ng Diyos (na imposible) o sa pamamagitan ng paggawa ng anumang mabubuting gawa ( Ro 4:2-6 ), “sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” ( Ro 4:2-6 ) 3:23).

(3) Ang pagiging matuwid sa harap ng Diyos ay nakasalig sa ginawa ni Jesu-Kristo. 

    Nangyayari ito “sa pamamagitan ng pagtubos na dumating sa pamamagitan ni Kristo Jesus” (Ro 3:24). Walang sinuman ang inaaring-ganap na hindi natubos ni Kristo (Gal 2:16) at pinalaya mula sa kasalanan at sa kapangyarihan nito.

(4) Ang pagiging matuwid sa harap ng Diyos ay dumarating “sa pamamagitan ng kanyang biyaya” 

    Ibig sabihin, bilang resulta ng di-sana-nararapat na awa, pag-ibig, at kakayahan ng Diyos at tinatanggap “sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Kristo” bilang Panginoon at Tagapagligtas–ang Tagapagpatawad ng mga kasalanan at ang Pinuno ng buhay (Ro 3:22-24; cf. 4:3-5).

(5) Ang pagiging matuwid sa harap ng Diyos ay nauugnay sa kapatawaran ng ating mga kasalanan (Ro 4:7). 

    Ang mga makasalanan ay ipinahahayag na nagkasala ayon sa batas ng Diyos (Ro 3:9-18, 23) at hinatulan ng walang hanggang kamatayan (cf. Ro 3:9-18, 23; 6:23); ngunit sila ay pinatawad sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo dahil sa kaniyang pagbabayad-sala o pantubos. Bilang resulta, natatanggap nila ang kaloob ng Diyos na buhay na walang hanggan (cf. Ro 6:23; 8:1-3).

(6) Kapag tayo ay tinuring na matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, tayo ay “napako sa krus kasama ni Kristo” (Gal 2:20) at si Kristo ay pumarito upang manirahan sa atin (Gal 2:16-21). 

    Ibig sabihin, kinikilala natin na ang kamatayan ni Kristo ay para sa ating mga kasalanan upang matanggap din natin ang Kanyang kaloob na buhay at ang kanyang kapangyarihan upang patuloy na mapagtagumpayan ang ating mga kahinaan tungo sa paghihimagsik laban sa Diyos. Sa pamamagitan ng karanasang ito, hindi lamang tayo ginawang matuwid sa harap ng Diyos, kundi patuloy din tayong lumalago sa katuwiran habang patuloy tayong nagpapasakop kay Kristo at pinahihintulutan siyang mabuhay sa pamamagitan natin (2:19-21). 

    Ang patuloy, pagbabagong-buhay na gawain ni Kristo ay naisasakatuparan sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (cf. 2Th 2:13; 1Pe 1:2). Ang unang gawain ng espirituwal na pagtubos ni Kristo ay hindi maaaring ihiwalay mula sa patuloy na gawain ng Espiritu ng espirituwal na pagpapakabanal, na kinapapalooban ng paglilinis, pagiging perpekto, paghihiwalay sa kasamaan, paglago at pag-unlad para sa mga layunin ng Diyos. Ang gawain ni Kristo at ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagtutulungan, nagkakaisa at patuloy sa pag-alalay sa mga mananampalataya.

SourceStamps, Donald, ed. Fire Bible-NIV-Global Study. Hendrickson Publishers, 2010, isinalin sa Tagalog.



Si Pastor Ronald Obidos ay ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at siya ay isa sa mga aktibong member at ordained Pastor ng Complete in Jesus church.


Support this Ministry

Gcash#: 09695143944

OR



Saturday, August 5, 2023

HOW TO KNOW GOD?

GOD’S PURPOSE: ETERNAL LIFE

God loves you and created you for a purpose: to know him and have a personal, eternal relationship with him.

“For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life” (John 3:16).

Jesus said, “I have come that they may have life, and have it to the full” (John 10:10).


PEOPLE’S PROBLEM: SIN AND SEPARATION

    People miss the life God intends for them because they choose to go their own way and fall short of his perfect standard. Defying God in this way is called sin, and it separates us from God and prevents us from having a relationship with him. In fact, sin is so radically opposed to God’s perfect character that it requires the most extreme penalty: death and eternal separation from God.

“For all have sinned and fall short of the glory of God” (Romans 3:23).

“The wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord” (Romans 6:23).


GOD’S SOLUTION: JESUS CHRIST

    We cannot make our way to God through our own imperfect efforts. So God himself chose to provide the perfect payment for sin. He sent his Son, Jesus, to die in our place, bridging the gap between himself and humanity. We can only come to God on his terms.

“Christ died for sins once and for all, the righteous for the unrighteous, to bring you to God” (1 Peter 3:18).

“Jesus answered, ‘I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me’ ” (John 14:6).


YOUR PERSONAL RESPONSE: CONFESSION AND FAITH

    You must personally respond to Jesus’ sacrifice by turning from your old sinful life and trusting him to give you a new life. Salvation through Christ is a free gift. Accepting it is an act of faith.

“That if you confess with your mouth, ‘Jesus is Lord,’ and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved” (Romans 10:9).

“If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness” (1 John 1:9).


IF YOU ARE READY TO TRUST JESUS WITH YOUR LIFE, PRAY SOMETHING LIKE THIS:

"Lord Jesus, I’ve gone my own way and sinned against you. Have mercy on me and forgive my sin. I believe you are God’s Son who died in my place, then rose from the dead with the power and authority to give me a new life. Thanks for making me a child of God. I now surrender my life to you and your purposes. Give me, by your Holy Spirit, the boldness to confess my faith in you to others. I ask this in your name, Jesus. Amen."


WHAT NOW?

  • Tell Someone. This helps confirm your decision and can inspire you to demonstrate a real change.

  • Start Praying. This helps you grow in your relationship with God and keeps you connected to his power and guidance. 

  • Read the Bible. This helps you get to know God better and discover his plans for your life. 

  • Get Involved. Becoming active in a strong Bible-based church can help you grow spiritually, provide accountability, and allow you to use your unique gifts to honor God and help others.


Support Former Adventist Fellowship Philippines ministry

Gcash 09695143944

PAYPAL: paypal.me/backtothescriptures

BPI bank: Ronald V. Obidos Savings Acct# 3259022419











FEATURED POST

"Unpacking the Story Behind Ellen White’s Head Injury"

When looking at the history of the Seventh-day Adventist (SDA) movement, one story stands out: at nine years old, Ellen Harmon (later White)...

MOST POPULAR POSTS