FEATURED POST

"PAGLALANTAD SA MGA KASINUNGALIAN NI PASTOR BJORN CAPIENDO AT JOHNSON AMICAN TUNGKOL SA “THREE HOLIEST BEINGS” NI ELLEN G. WHITE!"

Ang live na episode ng 'Katotohanan' sa Hope TV kung saan tinalakay nina Johnson Amican at Pastor Bjorn Capiendo ang konsepto ng Tri...

MOST POPULAR POSTS

Tuesday, August 8, 2023

KATIYAKAN NG KALIGTASAN

 Pastor Ronald Obidos


"Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan." 1 Juan 5:13 RTPV


    Ang bawat Kristiyano ay nagnanais na magkaroon ng katiyakan ng kaligtasan – ang katiyakan na sa muling pagbabalik ni Kristo o pagdating ng kamatayan, siya ay pupunta sa langit upang makasama ang Panginoong Hesus  (Fil. 1:23). Ang isa sa mga pangunahing layunin ni Juan sa pagsulat ng kanyang unang liham ay upang patunayan na ang mga lingkod ng Diyos ay magkaroon ng katiyakan sa kaligtasan, nang walang pag-aalinlangan, na sila ay nasa tamang relasyon sa Diyos at patungo sa langit (1Jn 5:13). 

    Pansinin na hindi kailanman sinabi ni Juan sa liham na magmula nang matanggap ng isang tao ang kaligtasan ng ma-convert siya sa Kristiyanismo ay hindi na mawawala ang kaligtasan niya. Ang ipagpalagay na tayo ay tinadhana na para sa buhay na walang hanggan kasama ng Diyos batay lamang sa isang nakaraang conversion kahit na hindi na siya namumuhay ayon sa pananampalataya ay ligtas pa rin, ay isang malubhang pagkakamali.

Tatalakayin ng article na ito ang siyam na paraan para matiyak natin na tayo ay nasa isang tunay at nakapagliligtas na relasyon kay Jesu-Kristo.

(1) Mayroon tayong katiyakan ng buhay na walang hanggan kung tayo ay sumasampalataya “sa pangalan ng Anak ng Diyos” (1Jn 5:13; cf. 4:15; 5:1, 5). 

    Walang buhay na walang hanggan o katiyakan ng kaligtasan kung walang tapat na pagsuko ng buhay na pananampalataya kay Jesu-Kristo na nagpapahayag sa kanya bilang Anak ng Diyos, na isinugo upang maging ating Tagapagligtas at Panginoon (ang Tagapagpatawad ng ating mga kasalanan at Pinuno ng ating buhay (Jn 1:12; 5:24).

(2) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung tayo ay nagpapasakop kay Jesus bilang Panginoonang pinakamataas na awtoridad at Pinuno ng ating buhay–at taimtim na nagsisikap na mamuhay ayon sa kanyang mga prinsipyo at sumusunod sa kanyang mga kalooban. 

"Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya." (1 Jn 2:3-5; cf. 3:24; 5:2; Jn 8:31, 51; 14:21-24; 15:9-14; Heb 5:9).

(3) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung mahal natin ang Ama at ang Anak kaysa sa sanlibutan at kung aasa tayo sa patnubay at kapangyarihan ng Diyos na madaig ang masamang impluwensya ng sanlibutan. 

"Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan." (1 Jn 2:15-16; cf. 4:4-6; 5:4).

(4) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung tayo ay tuloy-tuloy at nagpapapatuloy na gumagawa ng tama ayon sa pamantayan ng Diyos. 

"Kung alam ninyong si Cristo'y matuwid, dapat din ninyong malaman na ang bawat gumagawa ng matuwid ay anak ng Diyos." (1 Jn 2:29). Gayunpaman, "Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo," (3:7-10).

(5) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung magpapakita tayo ng tunay na pag-ibig sa kapwa. 

"Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang kapatiran. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. Dito nga natin makikilalang tayo'y nasa panig ng katotohanan, at matatahimik ang ating budhi sa harapan ng Diyos." (1 Jn 3:14, 19; cf. 2:9-11; 3:23; 4:8, 11-12, 16, 20; 5:1; Jn 13:34-35).

(6) Tayo ay may katiyakan ng buhay na walang hanggan kung tayo ay may kamalayan sa Banal na Espiritu na nabubuhay sa atin. 

"Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. At nalalaman nating nananatili siya sa atin sa pamamagitan ng Espiritung ipinagkaloob niya sa atin." (1 Jn 3:24). “'Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu."(4:13).

(7) May katiyakan tayo ng buhay na walang hanggan kung mapagpakumbaba nating susundin ang halimbawa ni Jesus. 

"Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo." (1 Jn 2:6; Jn 8:12).

(8) Tayo ay may katiyakan ng buhay na walang hanggan kung tayo ay naniniwala, tumatanggap, at nananatili sa tamang kaugnayan sa “Salita ng buhay”– Jesukristo (1Jn 1:1) – at ibabatay ang ating buhay sa kanyang orihinal na mensahe na matatagpuan sa New Testament. 

"Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gagawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama." (2:24; cf. 1:1-5; 4:6).

(9) Mayroon tayong katiyakan ng buhay na walang hanggan kung tayo ay may tapat at malalim na pagnanais at matatag na pag-asa sa pagbabalik ni Kristo. 

"Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa ay nagsisikap na maging malinis ang pamumuhay tulad ni Cristo." (1 Jn 3:2-3; cf. Jn 14:1-3).

Source: Stamps, Donald, ed. Fire Bible-NIV-Global Study. Hendrickson Publishers, 2010, isinalin sa Tagalog.



Si Pastor Ronald Obidos ay ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at siya ay isa sa mga aktibong member at ordained Pastor ng Complete in Jesus church.





Support this Ministry

Gcash#: 09695143944

OR





No comments:

Post a Comment