“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at...
Wednesday, August 9, 2023
ANG ISANG KAUTUSAN: ANG KAUTUSAN NI MOSES AT ANG KAUTUSAN NG DIYOS AY IISA! (PART 1)
Dale Ratzlaf and Verle Streifling (Sinalin sa Tagalog ni Ptr. Ronald Obidos)
Minsan nagtatanong ang mga tao kung bakit madalas kaming sumulat tungkol sa Sabbath. Natalakay na namin ang paksang ito nang maraming beses sa Proclamation! at sa aming mga aklat, kaya bakit susulat muli tungkol dito? Wala kaming pakikipagtalo sa mga nagnanais na "ipangilin" ang Sabbath. Lubos naming tinatanggap ang payo ni Pablo sa Roma 14 na nagsasabing OK lang naman na magkaroon ng magkakaibang opinyon tungkol sa mga araw, at dapat kumbinsido ang bawat isa sa sariling pasiya. Ang problema ay dumarating, gayunpaman, kapag ang Sabbath ay ginawang importante para sa kaligtasan, o isang "testing truth", o isang kinakailangang tungkuling Kristiyano. Itatanong din namin sa mga gustong "ipangilin ang Sabbath" kung talagang tinutupad nila ito ayon sa patnubay ng Bibliya at/o Ellen White. Iilan lang ang gustong ipangilin ang Sabbath sa ganoong paraan, at walang talagang nakakasunod.
Dapat maunawaan ng mga transitioning Adventist ang mga issues sa Sabbath. Napakalalim ng pagkatanim sa kanilang sistema na sa pakikipag-usap sa iba, ang mga bagong tanong ay madalas na bumabangon na humihingi pa ng karagdagang mga sagot. Dahil may patuloy na mga bagong subscriber sa Proclamation! at mga bagong mambabasa na nagsisimula sa kanilang paglalakbay palabas ng Adventism, nais naming isaalang-alang ang isang tahimik, at hindi napapansing palagay na nagtataglay ng buong edipisyo ng pangingilin ng Sabbath.
Kamakailan ay muling binigyang-diin ng Adventist church ang pangangailangan ng pangingilin ng Sabbath para sa lahat ng mga Kristiyano, na muling binibigyang-diin ang turo ni Ellen White, na ang "Sabbath ay, at magiging, ang pader na naghihiwalay sa pagitan ng tunay na Israel ng Diyos at ng mga hindi mananampalataya..." [1]
Ang pahayag na ito, na paulit-ulit na mababasa sa ilang mga gawa ni Ellen White, ay nagpapatibay sa theology ng Adventist na ang Sabbath ay, sa katunayan, isang kahilingan para sa kaligtasan. Ang bagong halal na Pangulo na si Ted Wilson ay muling pinatibay ang teolohiyang ito sa kanyang unang sermon bilang pangulo ng General Conference,
"Ang pangingilin ng Sabbath ay hindi lamang isang tanda ng Kanyang pagiging Manlilikha sa simula kundi ANG magiging tanda ng bayan ng Diyos sa mga huling araw na kabaligtaran sa mga may tatak ng halimaw na kumakatawan sa isang pagtatangka na panatilihing banal ang isang araw na hindi itinalaga ng Diyoa bilang banal"(pagdidiin ni Wilson). [2]
Kamakailan, inilathala ng Andrews University Press, Berrien Springs, Michigan, ang isang aklat na isinulat ni Dr. Ron du Preez, na pinamagatang Judging the Sabbath—Discovering What Can't Be Found in Colosas 2:16. Ang Colosas 2:16 ay isang mahalagang teksto para sa pag-unawa sa Sabbath. Karaniwan ng inaangkin ng mga Adventist na ang Sabbath na binabanggit sa tekstong ito ay isa sa mga "seremonyalnasabbath" at hindi ang seventh-day Sabbath. Ang konklusyong ito ay sumasalungat sa karamihan ng mga iskolar ng Bibliya. Ang aklat ni Dr. du Preez ay higit na nakasalalay sa ilang mga istrukturang Hebreo. Ang conclusion niya,
Isang Hebrew class lang ang kinuha ko sa seminary, at hinding-hindi ko ipagkakatiwala ang aking teolohiya sa aking kaalaman sa Hebrew. Maraming buwan na ang nakararaan, hiniling ko kay Dr. Jerry Gladson, na napakahusay sa Hebrew, na magsulat ng sagot sa nabanggit na aklat sa itaas. Ang kanyang maingat na pinag-aralan na tugon ay kasama sa bagong edisyon ng aklat na Sabbath in Christ.
Si Dr. Gladson ay tumugon sa isang scholary na paraan na nagpapakita na ang konklusyon ni du Preez ay walang matibay na batayan kundi isang palagay lamang at ang sabbata na binanggit sa Colosas ay tiyak na kasama ang lingguhang Sabbath. Karagdagan pa sa tugon ni Dr. Gladson, na nagpapakita ng kahinaan ng mga konklusyon ni du Preez, mayroong isa pang walang batayang opinion na, para sa karamihan ng mga sabbatarian, at marahil para sa marami sa mga bumabasa, ay hindi napapansin. Ang hindi nahahalatang palagay na ito ay nagdudulot ng pagdududa sa conclusion ni Dr. du Preez. Ano itong hindi nahahalatang opinion? Ito lang:
Na ang Kautusan na ibinigay sa Sinai ay binubuo ng dalawang kautusan: ang walang hanggang moral na kautusan ng 10 utos na isinulat ng daliri ng Diyos at ang pansamantalang ceremonyal na kautusan kabilang ang "mga sinaunang seremonyal na Sabbath ng mga Judio" na binanggit ni du Preez, at isinulat ni Moses. Na ang Adventism mula pa sa simula nito ay nagturo ng "two-law theory" ay malinaw. Binanggit ni Ellen White ang "ceremonial law" ng 86 beses. Siya ay nagbanggit ng "moral law" 116 beses.
Sa Adventist Bible doctrines book na Principles of Life, [4] mayroong isang kabanata na pinamagatang, "The Two Laws" [5], [6]. Ang unang tanong ay nagtuturo sa estudyante na "ipakita ang pagkakaiba sa pagitan ng kautusan ng Diyos, o ng Sampung Utos, at ng kautusan ni Moises."
Ididirekta ang mag-aaral sa isang chart na may dalawang hanay na may mga pamagat para sa dalawang kautusan. Anim na tanong ang mababasa sa ilalim ng bawat heading na may mga reperensya na idinisenyo upang suportahan ang heading.
Chart of information published in the Adventist Bible Doctrines book Principles of Life.
Kasunod ng chart na ito ay mababasa natin, "Ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kautusan ay napakalinaw. Walang pag-aalinlangan na nilayon ng Diyos na magkaroon ng malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng Sampung Utos at ng mga kautusan na ibinigay niya kay Moises upang isulat." [7]
Kung ang Bibliya ay hindi nagtuturo ng two-law theory, kung gayon ang buong argumento ng mga sabbatarianismo ay guguho. Magpaliwanagan tayo. Ang mga sumusunod ay isang pinaikling version ng kabanata 6 ng e-book ni Dr. Verle Streifling, Bible Answers to Sabbath Questions. Ito ay isang mahusay na pag-aaral ng paksang ito at ito ay isang tunay na minahan ng ginto na, gaya ng isinasaad ng pamagat, ay nagbibigay ng mga sagot sa Bibliya sa mga tanong tungkol sa Sabbath.[8]
ISANG KAUTUSAN
Walang binabanggit sa Kasulatan tungkol sa dalawang magkahiwalay na kautusan, ni ang mga salitang "moral law" o "ceremonial law" ay matatagpuan saanman sa Bibliya. Maraming mga talata sa Banal na Kasulatan na nagpapatunay na ang batas na ibinigay sa Israel ay isang kautusan lamang: [9]
Isang batas ang dapat para sa katutubong Israelita at para sa dayuhan (Ex. 12:49).
“May iisa lamang kautusan para sa ipinanganak sa lupain, at para sa dayuhang naninirahang kasama ninyo." ” (Exodus 12:49, ABAB)
May isang batas para sa kanila (Lev. 7:7).
“Kung paano ang handog dahil sa kasalanan ay gayon ang handog dahil sa pagkakasala: ang dalawa'y may isang kautusan: mapapasa saserdoteng tumutubos.” (Leviticus 7:7, Tagalog AB)
Isang batas at isang paraan ang magiging para sa inyo at sa dayuhan (Bil. 15:16).
“Magkakaroon sa inyo at sa dayuhan na nakikipamayan sa inyo ng isang kautusan at isang batas. ” (Numbers 15:16, ABAB)
Magkakaroon kayo ng isang paraan ng kautusan (Bil. 15:29).
“Kayo'y magkakaroon ng isang kautusan sa kaniya na nagkasala ng walang malay, sa kaniya na ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila.” (Numbers 15:29, Tagalog AB)
Magkakaroon kayo ng isang ordenansa kapwa sa dayuhan at… (Blg. 9:14).
“At kung ang isang taga ibang bayan ay makikipamayan sa inyo, at ipagdidiwang ang paskua sa Panginoon; ayon sa palatuntunan ng paskua, at ayon sa ayos, ay gayon gagawin niya; kayo'y magkakaroon ng isang palatuntunan, maging sa taga ibang lupa, at maging sa ipinanganak sa lupain.” (Numbers 9:14, Tagalog AB)
Isang ordenansa ang magiging kapuwa sa inyo…at sa dayuhan… (Blg. 15:15).
“Sa kapisanan ay magkakaroon ng isang palatuntunan sa inyo, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo, isang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi: kung paano kayo, ay magiging gayon din ang taga ibang bayan sa harap ng Panginoon.” (Numbers 15:15, Tagalog AB)
Ito ang ordenansa ng kautusan… (Bil. 19:2; 31:21).
“Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa iyo ng isang mapulang guyang bakang babae, na walang kapintasan, na walang dungis, na hindi pa napapatungan ng pamatok.” (Numbers 19:2, Tagalog AB)
Na ang kautusan sa kabuuan ay isang kautusan ay makikita rin sa Deuteronomio kung saan binigkas ni Moises ang buong kautusan para sa ikalawang henerasyon ng mga Anak ni Israel bago sila pumunta sa Canaan. Pansinin na sa mga sumusunod na reperensya mula sa Deuteronomio kung saan ang salitang "kautusan" ay ginamit, ito ay palaging pang-isahan (singular):
“Sa dako roon ng Jordan, sa lupain ng Moab, pinasimulan ni Moises na ipinahayag ang kautusang ito, na sinasabi,” (Deuteronomy 1:5, Tagalog AB)
“At aling dakilang bansa ang may mga tuntunin at mga batas na napakatuwid na gaya ng buong kautusang ito na aking inilagay sa harapan ninyo sa araw na ito? ” (Deuteronomy 4:8, ABAB)
“Ito ang kautusang inilagay ni Moises sa harapan ng mga anak ni Israel. Ito ang mga patotoo, mga tuntunin, at mga batas na sinalita ni Moises sa mga anak ni Israel nang sila'y lumabas sa Ehipto, ” (Deuteronomy 4:44-45, ABAB)
Pansinin na ang "kautusan na ito" ay kinabibilangan ng "mga testimonya", "mga batas" at "mga ordinansa." Kung pagsasamahin, sila ay bumubuo ng isang kautusan.
Binabanggit ni Moises ang Sampung Utos na may ibang bersyon ng utos tungkol sa Sabbath (Deut. 5:6–21).
Matapos banggitin ni Moises ang Sampung Utos, binanggit niya ang iba pang 25 kabanata tungkol sa mga batas at tuntunin ng tipan. Pagkatapos ay itinala ng Deuteronomio 31:9, “isinulat niya ang batas na ito” (Deut. 31:9).
“At isinulat ni Moises ang kautusang ito (singular), at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.” (Deuteronomy 31:9, Tagalog AB)
“Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan(singular) at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging pinakasaksi laban sa iyo.” (Deuteronomy 31:26, Tagalog AB)
“Si Moises ay nagutos sa atin ng isang kautusan, Na mana sa kapisanan ng Jacob.” (Deuteronomy 33:4, Tagalog AB)
Malinaw nating makikita na ang "Aklat ng Kautusan" ay kautusan ng Diyos, at ang isang kautusan na ito ay kinabibilangan ng 10 utos at marami pang ibang mga tuntunin, kabanata por kabanata. Ngunit ang lahat ng mga utos na ito ay tinatawag na "isang kautusan" at "kautusan ng [Diyos]"— at maging "ang batas ni Moises" (Neh. 8:1; 1 Hari 2:3) sa buong Lumang Tipan. Sa katunayan, 187 beses itong binabanggit bilang "ang kautusan", "kautusan na ito", "aking kautusan", at "iyong kautusan", at sa bawat pagkakataon ito ay pang-isahan o singular. Bukod dito, hindi kailanman tinutukoy ng Luma o Bagong Tipan na ang 10 utos bilang hiwalay o naiiba sa buong batas sa Aklat ng Kautusan. Mayroon lamang isang kautusan na ibinigay ng Diyos, at si si Moises ang namamagitan sa kautusan na iyon sa Israel.
Si Pastor Ronald Obidos ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at President ng Evangelism Department at ordained Pastor ng Complete in Jesus church.
Related video from Former Adventist Fellowship Philippines Youtube Podcast
"Ang Pandaraya ng "Two-Laws Theory" ng mga Sabadista!"
Support this Ministry
Gcash#: 09695143944
OR
Footnote
[1] Ellen G. White,Early Writings, p. 33;Life Sketches, p. 101 (Published in 1915).Word to the Little Flock, p. 18;Review and Sabbath Herald, 1851-07-21.012;Supplement to Christian Experience and Views of Ellen White, p. 3.
[2) Ted Wilson, The General Conference Sabbath Sermon, July 3, 2010.
[3] Du Preez,Judging the Sabbath, p. 148.
[4] 4Principles of Life From the Word of God—A Systematic Study of the Major Doctrines of the Bible, Prepared by and Published for The Department of Education, General Conference of Seventh-day Adventists, (Pacific Press, Mt. View, CA 1952.)
[5] ibid., ch. 46.
[6] ibid., p. 170.
[7] ibid.,p. 171.
[8] This is one of the most in-depth Scriptural studies on the Sabbath and many related topics. It is available from LAM Publications, LLC as an E-book.
[9] Some of the following references may be from different translations but represent the original.
No comments:
Post a Comment