MOST POPULAR POSTS

Sunday, August 13, 2023

ANG ISANG KAUTUSAN: ANG KAUTUSAN NI MOSES AT ANG KAUTUSAN NG DIYOS AY IISA! (PART 3)

Dale Ratzlaf and Verle Streifling
(Isinalin sa Tagalog ni Ptr. Ronald Obidos)



Pinakamataas na Moral law na hindi matatagpuan sa Sampung Utos

    Para sa marami sa atin na pinanghahawakan ang Sampung Utos bilang pinakamataas na uri ng moralidad, nakakagulat na malaman na mayroon iba pang mga kautusan sa Lumang Tipan na may mas mataas na moral na halaga. Ipinakikita ni James na ang paglabag sa isang kautusan na hindi makikita sa Sampung Utos ay hahatol sa lumalabag. Ang kanyang halimbawa ay ang mga Kristiyano na nagtatangi sa pagitan ng mga mahihirap at mga mayayaman sa simbahan:

“Sapagkat kung pumasok sa inyong pagtitipon ang isang taong may mga gintong singsing sa mga daliri at may magandang kasuotan, at may pumasok ding isang dukha na may hamak na damit, at inyong pinansin ang may suot ng damit na maganda, at sinabi, "Maupo ka rito," at sa dukha ay inyong sinabi, "Tumayo ka riyan," o "Maupo ka sa ibaba ng tuntungan ng aking mga paa," hindi ba kayo'y gumagawa ng mga pagtatangi sa inyong mga sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pag-iisip? Makinig kayo, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya at mga tagapagmana ng kaharian na kanyang ipinangako sa mga nagmamahal sa kanya? Ngunit inyong hinamak ang dukha. Hindi ba ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa mga hukuman? Hindi ba sila ang lumalapastangan sa mabuting pangalan na itinawag sa inyo? Mabuti ang inyong ginagawa kung tunay na inyong ginaganap ang kautusang makahari, ayon sa kasulatan, "Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili." Subalit kung kayo'y nagpapakita ng pagtatangi, kayo ay nagkakasala at kayo'y inilalantad ng kautusan bilang mga lumalabag. Sapagkat sinumang tumutupad ng buong kautusan, subalit lumalabag sa isa, ay nagkakasala sa lahat. Sapagkat siya na nagsabi, "Huwag kang mangalunya," ay nagsabi rin, "Huwag kang papatay." Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, ngunit pumapatay ka, ikaw ay lumalabag sa kautusan. Kaya't magsalita kayo at kumilos na gaya ng mga taong hahatulan sa pamamagitan ng kautusan ng kalayaan.” (James 2:2-12, ABAB)

    Saan matatagpuan ang "kautusang makahari" na ito? Ito ay wala sa "moral law" ng Sampung Utos kundi masa sa "ceremonial law" (Lev. 19:18) na, ayon sa nabanggit na aklat ng mga doktrina ng Bibliya ng mga Sabadista, ay winakasan na. Ang kautusan ay naglalaman ng maraming moral na mga prinsipyo na mas mataas pa kaysa sa mga nakasulat sa dalawang tapyas ng bato. Inihayag ni Jesus ang katotohanang ito sa Kanyang Sermon sa Bundok. Binabanggit niya ang tungkol sa diborsyo, [12] panunumpa, [13] aborsyon at pinsala, [14] pagmamahal sa ating mga kaaway,[15] at pagiging perpekto.[16]

    Ang mga halimbawang ito ng kung ano ang ibig sabihin ni Jesus sa "kautusan" na Kanyang tutuparin—at ang kautusan na hindi lilipas hangga't hindi Niya ito natutupad—ay nagpapatunay na hindi lamang Siya nagsasalita tungkol sa Sampung Utos kundi sa isang buong kautusan!

    Ang isa pang magandang halimbawa ng pagtukoy ni Jesus sa mga walang hanggang moral na utos ay matatagpuan sa Mateo 23:23 kung saan ang "ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan" ay "katarungan" at "kaawaan"— alinman sa mga ito ay wala sa Sampung Utos, ngunit sila ay bahagi ng kautusan. Hindi kailanman ipinahiwatig ni Jesus na ang "kautusan" ay tumutukoy lamang sa Dekalogo, ni ang sinumang iba pang manunulat ng Bibliya. Ang sumusunod na listahan ay kumakatawan lamang sa isang halimbawa ng kung ano ang maituturing na mataas na moral na mga prinsipyo na matatagpuan sa labas ng Sampung Utos:Huwag mong pahirapan ang isang dayuhan (Ex. 22:21).

  • Huwag mong pahirapan ang sinumang balo o batang ulila (Ex. 22:23).
  • Huwag kang susunod sa karamihan sa paggawa ng masama (Ex. 23:2).
  • Huwag kang maging tagapagdala ng tsismis sa mga tao (Lev. 19:2).
  • Huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili (Lev. 19:16-18).
  • Iibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili (Lev 19:16-18).
  • Hindi ka dapat magkaroon ng paggalang sa mga tao (hindi nagtatangi) (Deut. 16:19).
  • Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo (Deut. 6:5).
  • Huwag mong babaluktutin ang katarungan na nararapat sa dayuhan o ulila (Deut. 24:7).
  • Huwag mong aapihin ang isang alipin na dukha at nangangailangan (Deut. 24:14).
  • Dapat mong iwanan ang mga mapupulot sa iyong ani para sa mga nangangailangan (Deut. 24:19-22).
  • Ikaw ay magiging sakdal (Deut. 24:17).
    Nakikita ng marami na ang Sampung Utos ay kumakatawan lamang ng minimum na mga kahilingan. Sinabi ng mayamang batang pinuno sa Lucas 18 na tinupad niya ang mga utos mula pa sa kanyang kabataan, at sinabi ni Pablo tungkol sa kanyang sarili, "tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan."[17]

 Maaaring saktan ng isang tao ang kanyang kapwa sa punto na halos ikamatay, ngunit hindi pa din niya malalabag ang letra ng Sampung Utos na, "Huwag kang papatay."

Pagbabago ng kautusan

    Ang mga terminong "moral law", "ceremonial law", at "two laws" ay hindi mababasa sa Bibliya. Ang isang larawan sa nakaraang isyu ng Seventh-day Adventist Sabbath School quarterly[18] ay naglalarawan ng isang iskolar na maingat na sinusuri ang mga scroll sa isang library, na naghahanap ng isang "missing text" upang patunayan ang "Sunday worship". Maaaring mas angkop na ilarawan ang mga taong naghahanap ng isang teksto upang matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng moral at ceremonyal na kautusan. Sa madaling salita, ang ideyang ito ay hindi maiipagtanggol sa Bibliya.

    Kailangan ng mga Sabadista na hatiin ang kautusan upang bigyan ng pagkakaiba ang ikapitong araw ng Sabbath at iba pang mga kapistahan. Kung ang Sampung Utos ay walang hanggan, ayon sa kanila, kung gayon ang Sabbath ay isang walang hanggang moral na utos na dapat sundin hindi katulad ng iba pang "ceremonial" na mga kapistahang Sabbath na inalis. Ang lingguhang Sabbath, gayunpaman, ay nakalista kasama ng mga ceremonial na kapistahan sa Levitico 23 at Bilang 28–29. Ang paggawa ng pagkakaiba sa pagitan ng lingguhang Sabbath bilang moral at ng Sabbath bilang ceremonial, gayunpaman, ay hindi wasto. Ang lahat ng ito ay bahagi ng kautusan ng Diyos na Kanyang iniutos sa pamamagitan ni Moises. Para sa Israel, ang labagin ang alinman sa mga Sabbath na ito ay magiging isang paglabag sa kautusan ng Diyos.

    Inaakusahan ng Sabadista ang Roma ng pagbabago ng "mga panahon at mga kautusan" ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago diumano ng bilang ng Sampung Utos, ginagawa ang utos ng Sabbath bilang pangatlo sa halip na pang-apat, at sa pamamagitan ng diumano'y pagtatatag ng Linggo bilang araw ng pagsamba ng mga Kristiyano sa halip na Sabado. Gayunpaman, ay hindi binago ng Roma ang bilang ng mga utos; ginagamit nila ang pagbilang na matatagpuan hindi lamang sa Hebrew Masoretic Text ng Deuteronomio kundi maging sa Exodo at Deuteronomio 5 sa Latin Vulgate (380 AD), sa Septuagint (c 200 BC), at sa Nash Papyri (200 BC), ang pinakamatandang manuskrito na kilala na naglalaman ng mga kautusan.

  Upang ituro ang paghahati ng kautusan ng Diyos sa dalawang bahagi, ang pagtawag sa isa na "ceremonial" at "pansamantala" at ang isa ay "moral" at "walang hanggan", para sa layuning gawing walang hanggang utos ang ikapitong araw ng Sabbath para sa bayan ng Diyos, na binabago ang "panahon at mga batas" ng Diyos kaysa sa paggamit ng mga Roman Catholic ng isang alternatibong sistema ng pagbilang para sa Sampung Utos.

    Si Daniel, gayunpaman, ay hindi nagsasalita tungkol sa pagbabago ng Kautusan (Torah) sa Daniel 7:25. Ginagamit niya ang salitang Persian na "dat" na nangangahulugang "decree", hindi "Torah". Kaya, ang kanyang pagbanggit tungkol sa isang halimaw na magpapabago ng mga panahon at mga kautusan ay hindi tumutukoy sa Sampung Utos o sa kautusan ng Diyos—at tiyak na hindi ito patungkol sa Sabbath. Bukod dito, ang pagtukoy ni Isaias sa Isaias 24:5 sa mga palatuntunan ay hindi tumutukoy sa halimaw sa Daniel, kundi sa apostasiya ng Israel.

    Sa madaling salita, ang interpretasyon ng Sabadista sa mga palatuntunan at kautusan, isang halimaw na babaguhin ang mga panahon at kautusan, at ang pag-aangkin na binago na ng Roma ang kautusan ng Diyos ay mga argumentong kathang-isip lamang nila. Hindi ito sinusuportahan mula sa isang kontekstwal na pagbabasa ng Banal na Kasulatan gamit ang tamang prinsipyo hermeneutics o interpretation.

Ang Sabbath: Hindi ang Pinakamadakila sa mga Kapistahan

    Hindi natin dapat ikumpara ang Sabbath sa iba pang mga kapistahan ng Panginoon na nakalista sa Levitico 23 at Numbers 28, 29. Upang makatiyak, ang Sabbath ay tanda ng tipan sa pagitan ng Diyos at ng Israel, ngunit hindi ito ang pinakadakila sa ang mga kapistahang ito sa Panginoon. Halimbawa, ang Day of Atonement ay para sa paglilinis ng mga kasalanan, habang ang Sabbath ay nagbibigay ng maraming pagkakataon para sa pagkakasala.

    Tiyak na wala nang mas babanal pa kaysa sa Araw ng Pantubos o Day of Atonement. Nauuna muna ang pag-aayuno bilang paghahanda upang pahirapan ang isang tao upang matiyak na ang lahat ng kasalanan ng isang tao noong nakaraang taon ay ipinagtapat at natatakpan ng dugo ng sakripisyong tupa, na naglalarawan kay Kristo. Ang Sabbath ay walang ganitong uri ng kabanalan! Kaya tinawag ng Diyos ang Day of Atonement na Hemera Megaleh (ang Dakilang Araw) sa Isaias 1:13, 14, sa Septuagint version.

    Ang lingguhang Sabbath, sa kabilang banda, ay isang paulit-ulit na tanda na nagpapakita na ang Israel ay patuloy na tinatanggap ang mga tuntunin ng tipan na ginawa ng Diyos sa kanila sa Sinai. Ito ay may agarang halaga bilang isang lingguhang paalala na ang anumang tagumpay na kanilang naranasan ay naganap hindi dahil sa kanilang pagsusumikap kundi dahil naisakatuparan ng Diyos ang kanilang tagumpay para sa kanila. Nagpahinga sila ng isang araw sa isanglinggo, ngunit patuloy na gumagawa ang Diyos para sa kanila, pinagpapala sila habang ang kanilang mga paganong kapitbahay ay nagpapagod at isinakripisyo ang kanilang mga anak sa pagsisikap na palugdan ang kanilang mga diyos. Ang lingguhang Sabbath ay direktang nauugnay sa mga tuntunin ng tipan sa Sinai at nagpapaalala sa kanila ng kanilang paglaya mula sa pagkaalipin (Deut. 5:15) at sa pangako ng Diyos ng kapahingahan sa Kanyang natapos na gawain para sa kanila (Ex. 20:11).


Ang Pag-ibig ay sumasaklaw sa lahat ng Moral na Kautusan ng Lumang Tipan.

    Ang lahat ng moralidad—saanman ito ipinahayag sa Lumang Tipan—ay nabubuod sa isang Bagong Tipan na Kautusan: "At ito ang kaniyang utos, na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo, at tayo'y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos sa atin.” (1 John 3:23, Tagalog AB)

Buod ng mga katotohanan tungkol sa "Kautusan"

    Maaari nating ibuod ang ating pangkalahatang-ideya tungkol sa kautusan ng Diyos na ipinapakita sa Lumang Tipan sa ilang maiikling pangungusap:
  • Mayroon lamang isang Kautusan, hindi dalawa: ang Kautusan ng Diyos na isinulat ni Moises.
  • Ang "Kautusan" at "Palatuntunan" ay kadalasang ginagamit na salitan.
  • Ang sinasalitang Kautusan at ang nakasulat na Kautusan ay may pantay na awtoridad.
  • Ang "Kautusan ni Moises" ay "Kautusan ng Diyos".
  • Marami sa mga pinakamataas na moral laws ay hindi matatagpuan sa Sampung Utos ngunit nakasulat sa tinatawag na "ceremonial" na kautusan.
  • Ang Sampung Utos ay naglalaman ng isang ritwal na utos, ang lingguhang tanda ng Mosaic na tipan: ang Sabbath.
  • Ang pagbabago ng kautusan ay maaaring tumukoy sa mga Sabadista nang mas tumpak kaysa sa mga Katoliko.
  • Ang pag-ibig ay sumasaklaw sa lahat ng moral na kautusan ng Lumang Tipan.

Colosas 2:16

    Ang Colosas 2:16 at maraming iba pang mga reperensiya sa Bibliya ay malinaw na nagpapakita na ang mga ritwal na kautusan ng Lumang Tipan na ibinigay ng Diyos sa Israel na nagtuturo kay Kristo ay hindi na umiiral sa mga Kristiyano.[19] Ang tekstong ito ay nagsasabi,

“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:” (Colossians 2:16, Tagalog AB)

    Gaya ng sinabi ni du Preez sa kanyang aklat, "sa buong kasaysayan ng simbahang Kristiyano ang Colosas 2:16 ay regular na itinuturing bilang isang teksto na nagtuturo na ang ikapitong araw na Sabbath ay inalis at samakatuwid ay hindi na umiiral sa mga Kristiyano."[20]

    Ang karamihan sa mga iskolar ay naniniwala na ang "araw ng Sabbath" na binanggit sa tekstong ito ay tumutukoy sa Ikapitong araw na Sabbath, dahil tinukoy na ni Pablo ang taunang mga araw ng kapistahan sa pamamagitan ng terminong "kapistahan". Upang sabihin na ang "Sabbath" ay tumutukoy din sa taunang mga araw ng kapistahan ay ginagawang paulit-ulit si Paul. Gayundin, ang mga terminong ginamit dito ay sumusunod sa kilalang Lumang Tipan na pattern ng mga panahon, mga buwan, at mga araw kung saan ang "mga araw" ay tumutukoy sa lingguhang Sabbath.[21]

Conclusion

    Balik tayo ngayon sa dalawang quote mula sa mga reperensiya ng Sabadista. Ang una ay mula kay General Conference President Ted Wilson:

"Ang pangingilin sa Sabbath ay hindi lamang isang tanda ng Kanyang pagiging Manlalalang sa pasimula kundi ang magiging tanda ng bayan ng Diyos sa mga huling araw na kabaligtaran sa mga may mark of the beast na kumakatawan sa isang pagtatangka na panatilihing banal ang isang araw na hindi ipinagkaloob ng Diyos bilang banal"

Ang pangalawa ay mula kay Ron du Preez:

"Ang kumpletong bigat ng intertextual, linguistic, semantic, structural, at contextual na ebidensya ay nagpapakita na ang sabbata ng Colosas 2:16 ay tumutukoy sa sinaunang seremonyal na mga Sabbath ng mga Judio, at hindi ang lingguhang Sabbath. Kaya, ang ikapitong araw na Sabbath ng Sampung Utos ay hindi maaaring ituring na pinawalang-bisa batay sa Colosas."

    Gayunpaman, ang pag-aaral na ito ay tiyak na nagpapakita na mayroon lamang isang Kautusan na ibinigay ng Diyos, na isinulat ni Moises—ang Kautusan ng PANGINOON.

    Kaya, ang mga konklusyon ni Dr. Ron du Preez pati na rin ang pahayag ni Elder Ted Wilson ay kadudaduda dahil ang mga ito ay batay sa maling palagay na mayroong dalawang uri ng kautusan: isang ceremonial, na naglalaman ng "sinaunang mga seremonyal na Sabbath ng mga Hudyo" —at ang isa ay pang moral, na naglalaman ng "ikapitong araw na Sabbath ng Sampung Utos."

    Ang kautusan ng Diyos ay isang kautusan. Lahat ng mga utos niya ay moral. Kung tayo ay tumutupad pa rin sa mga ritwal na kautusan na nagtuturo sa Panginoong Jesus samantalang tinupad na Niya ang mga ito, nilalabag natin ang mga kautusan na iyon sa pamamagitan ng pagtanggi sa katotohanan na ang katuparan ay dumating na sa pamamagitan ni Cristo na siya tinuturo ng mga ito.

Si Jesus ang Panginoon ng Sabbath!

Footnote:

[12] Mt. 5:31, 32.

[13] Mt. 5:33-37.

[14] Mt. 5:38-42.

[15] Mt. 5:43-47

[16] Mt. 5:48.

[17] Phil. 3:6.

[18] Adult Sabbath School Lesson Quarterly, 3rd qtr, 1972, p. 37.

[19] It is beyond the parameters of this article to fully show this truth. Please see Sabbath in Christ by Dale Ratzlaff for a complete study of this subject.

[20] Du Preez, Judging the Sabbath, p. 4. See also p. 56.

[21] Ratzlaff, Revised Sabbath in Christ, p. 165-177.






Si Pastor Ronald Obidos ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at President ng Evangelism Department at ordained Pastor ng Complete in Jesus church.






Related video from Former Adventist Fellowship Philippines Youtube Podcast

"Ang Pandaraya ng "Two-Laws Theory" ng mga Sabadista!"



Support this Ministry

Gcash#: 09695143944

OR






No comments:

Post a Comment