Thursday, August 10, 2023

ANG ISANG KAUTUSAN: ANG KAUTUSAN NI MOSES AT ANG KAUTUSAN NG DIYOS AY IISA! (PART 2)

 Dale Ratzlaf and Verle Streifling
(Isinalin sa Tagalog ni Ptr. Ronald Obidos)



Ang "Kautusan" at "Palatuntunan" ay kadalasang ginagamit ng salitan

    Ang mga salitang palatuntunan at kautusan ay maaaring gamitin ng salitan—isang katotohanang karaniwang tinatanggap at itinuturo ng mga Seventh-day Adventist. Kapag ang mga Sabadistang mangangaral ay nagpapaliwanag ng Daniel 7:25, "kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan," sa kanilang mga seminar sa propesiya, agad nilang binanggit ang Isaias 24:5 para sa karagdagang suporta: "sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin." Gamit ang teolohiya ni Ellen White, [10] inaangkin nila na ang salitang "mga kautusan" sa Daniel 7:25 ay tumutukoy sa Sampung Utos. Sa ganun din paraan,, binibigyang-kahulugan din nila ang salitang "aituntunin" sa sipi ni Isaias na tumutukoy din sa Sampung Utos, kaya sinasabing nilang babaguhin ng Roma ang Sampung Utos na sang ayon sa kanila ay kinakatawan sa Daniel 7:25 ng "mga kautusan" at ng paggamit ni Isaias ng "alituntunin'".

    Ang argumentong ito, gayunpaman, ay sumasalungat sa kanilang pagtatangka na paghiwalayin ang "ordinansa" mula sa Sampung Utos sa ibang mga konteksto. Halimbawa, kung saan sinasabi sa Efeso 2:15 na inalis ni Kristo “Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan,” iginigiit ng karamihan sa mga Sabadista na ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang tinatawag na “ceremonial law” at hindi ang Sampung Mga utos.

    Mali ang argumento ng mga Sabadista. Ang "palatuntunan" at "kautusan" ay kadalasang nagpapalitan sa paggamit ng mga salita para sa tumukoy sa iisang bagay: ang Mosaic na kautusan ng Diyos na naglalaman ng Sampung Utos gayundin ang 603 iba pang mga kautusan ay tumutukoy sa kultura at pagsamba ng Israel. Walang katotohanan ang paggamit ng tradisyonal na argumentong ito ng mga Sabadista para kay Daniel at Isaiah habang ang pag-angkin din sa Efeso 2:15 ay hindi tumutukoy sa Sampung Utos.

Ang "verbal na Kautusan" at ang "nakasulat na Kautusan" ay may pantay na awtoridad

    Ang pandoktrinang aklat ng Sabadista na binanggit sa itaas ay naglalayong paghiwalayin ang "karakter ng kautusan ng Diyos" sa "karakter ng kautusan ni Moises". Sa pagpapakita na sinalita ng Diyos ang Kanyang kautusan at isinulat ni Moises ang kanyang kautusan, hinahangad ng may-akda na patunayan na ang kautusan ni Moises ay may mababang awtoridad at pansamantala lamang. Itinatanggi sa ginawang paghihiwalay na ito ng kautusan na ang isinulat ni Moises ay kinasihan ng Banal na Espiritu ng Diyos na "nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod na mga propeta". Kaya, ang iniutos ni Moises sa Israel, sinasalita man o nakasulat, ay kautusan pa rin ng Diyos, at ang kanyang isinulat ay ang Diyos na nagsasalita sa pamamagitan ni Moises. Sa lahat ng paraan ang mga salitang binigkas ni Moises ay katumbas ng mga utos na sinabi ng Diyos mula sa Sinai at isinulat sa mga tapyas na bato. Sa katunayan, pinatutunayan ng Kasulatan na iniutos ng Diyos ang mga salitang isinulat ni Moises at ng iba pang mga isinulat ng propeta. Walang pahiwatig kahit saan man na magkaiba ang bigat ng awtoridad ng 10 Utos kaysa sa iba pang bahagi ng kautusan, o kahit sa alinmang salita na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga propeta:

“Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb." (Malachi 4:4, Tagalog AB)

“Ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na propeta.” (1 Kings 14:18, Tagalog AB)

“Upang maghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa Panginoon ... na nangasusulat sa kautusan ng Panginoon na kaniyang iniutos sa Israel;” (1 Chronicles 16:40, Tagalog AB)

“At kanilang nasumpungang nakasulat sa kautusan, kung paanong iniutos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises (Nehemiah 8:14, Tagalog AB)

“Sa mga handog na susunugin sa umaga at sa hapon, at ang mga handog na susunugin sa mga sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, na gaya ng nakasulat sa kautusan ng Panginoon.” (2 Chronicles 31:3, Tagalog AB)

Sa katunayan, sa maraming pagkakataon ay nag-utos ang Diyos sa pamamagitan ng kamay ni Moises.[11]

Ang "Kautusan ni Moises" ay "Kautusan ng Diyos"

    Naipakita na natin na ang "Kautusan ng Diyos" at ang "Kautusan ni Moises" ay talagang dalawang magkaibang pangalan para sa iisang kautusan. Gaya ng ipinakikita ng 2 Cronica 31:3 at 8:13, ang mga handog na sinusunog para sa Sabbath, bagong buwan, at mga kapistahan ay nakasulat sa "kautusan ng Panginoon" at sa kautusan (utos) ni Moises—dalawang pangalan para sa parehong Kautusan. Magkatumbas din ayon sa Bagong Tipan ang kautusan ni Moises at ang kautusan ng Panginoon. Sa Lucas 2:22-24, 39 dinala nina Maria at Jose si Jesus sa templo para sa pagtutuli at mga hain sa panahong itinakda sa kautusan ni Moises, at ginawa nila ang lahat "ayon sa kautusan ng Panginoon." Bukod dito, ang Hebreo 10:28 ay nagsasaad na ang kamatayan ang bunga ng paglabag sa kautusan ni Moises, pero sa Mga Bilang 35:30 at Deuteronomio 17:2-6 makikita natin na ang may-akda ng Hebreo ay tumutukoy sa kahihinatnan ng paglabag sa Sampung Utos. Muli, ang kautusan ni Moses ay siya ding kautusan ng Diyos. Ang katotohanan na ito ay sinusuportahan din ng maraming iba pang mga Kasulatan:

“....ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;” (Joshua 23:6, Tagalog AB)

“...nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises..." (Joshua 8:31, Tagalog AB)

“... aklat ng kautusan ng Panginoon (2 Chronicles 17:9, Tagalog AB)

“... gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises.” (2 Chronicles 23:18, Tagalog AB)

“... gaya ng nakasulat sa kautusan ng Panginoon.” (2 Chronicles 31:3, Tagalog AB)

“Ang Ezra na ito... siya'y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises, na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel.” (Ezra 7:6, Tagalog AB)

“... kay Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit...” (Ezra 7:12, Tagalog AB)

“... dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises, na iniutos ng Panginoon sa Israel.” (Nehemiah 8:1, Tagalog AB)

“...kaniyang binasa ang aklat ng kautusan ng Dios...” (Nehemiah 8:18, Tagalog AB)

“... bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios.” (Nehemiah 9:3, Tagalog AB)



Si Pastor Ronald Obidos ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at President ng Evangelism Department at ordained Pastor ng Complete in Jesus church.











Related video from Former Adventist Fellowship Philippines Youtube Podcast

"Ang Pandaraya ng "Two-Laws Theory" ng mga Sabadista!"


Support this Ministry

Gcash#: 09695143944

OR



Footnote:

[10] Ellen White used this text and associated reasoning some fifteen times even late in her life. For example, see Testimonies for the Church, Vol. 9, p. 14, 1909.

[11] See Lev. 26:37,46; 9:23; 10:13; 15:23; 16:40; Num. 27:23.






No comments:

Post a Comment