Showing posts with label reformed arminian. Show all posts
Showing posts with label reformed arminian. Show all posts

Tuesday, June 2, 2026

APOLOGETICS BIBLE STUDY Q&A: "Hebrews 6 at 10: "Once Saved, Always Saved" ba talaga?"



APOLOGETICS BIBLE STUDY Q&A: "Hebrews 6 at 10: 'Once Saved, Always Saved' ba talaga?" 

Let’s get real. Sa maraming Christian circles dito sa Pinas, medyo "taboo" topic ang usaping ito. Minsan, kapag tinanong mo, "Pastor, puwede bang mawala ang salvation?", ang sagot agad ay "Once saved, always saved!" Pero kapag binasa mo nang maigi ang Book of Hebrews, parang hindi naman ganoon kasimple ang sinasabi.

Maraming "warning passages" sa Hebrews yung mga verses na nakakatakot basahin (like Hebrews 6 at 10). Are these just warnings for "fake" Christians? Or are they genuine warnings for us?

Let's break this down. Bilang Reformed Arminians, naniniwala tayo sa sovereignty ng Diyos sa salvation, pero naniniwala rin tayo na may "real human freedom" tayo para mag-respond sa grace, not in a heretical Pelagian sense, at totoo ring posibleng itakwil ang grace na 'yun. Let’s dive into the Word.

1. Ang Context: Sino ba ang kinakausap ng author?

Hindi natin puwedeng i-apply ang Hebrews sa buhay natin kung hindi natin naiintindihan ang audience nito. Ang Book of Hebrews ay isinulat para sa mga Jewish Christians na nasa ilalim ng matinding pressure noong mga 60–70 A.D.

Isipin mo ang sitwasyon nila: tinanggap nila si Jesus bilang Messiah, pero dahil sa Roman persecution at social pressure, na-tempt silang bumalik sa Old Covenant (Judaism). Bakit? Kasi mas safe sila sa synagogue at hindi sila tutugisin ng Rome.

The warning wasn’t about struggling with sin (like getting angry or failing). The warning was about a total, deliberate, public turning away from Christ. They were literally considering "crucifying Christ all over again" by returning to the old system of animal sacrifices.

2. Hebrews 6:4–6: Are they "Fake Christians"?

Basahin natin ang mahirap na verse na ito: "For it is impossible, in the case of those who have once been enlightened, who have tasted the heavenly gift, and have shared in the Holy Spirit... and then have fallen away, to restore them again to repentance..."

Q: Sabi ng iba, "Fake Christian" lang daw 'yan kaya sila nahulog. Tama ba?

A: Ang hirap sabihin na "fake" sila, kapatid. Look at the language used:
  • "Enlightened" (phōtisthéntas): Sa early church, ito ang term para sa baptism at conversion.

  • "Shared in the Holy Spirit" (metochos): Ito yung mismong word na ginamit din sa Hebrews 3:14 para sa mga genuine believers!

    "Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi (metochos) ni Cristo, kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan." (Heb 3:14 Tagalog AB)
  • "Tasted the heavenly gift": If you "taste" something, it's real.

    Minsan, may mga taong gustong i-defend ang ideya na "once saved, always saved," kaya sinasabi nila na ang mga taong "tasted the heavenly gift" sa Hebrews 6 ay mga taong nakatikim lang pero hindi naman talaga nakalunok o hindi talaga na-save. Pero sa totoo lang, napakahina ng argument na 'yan kung titingnan natin ang bigat ng mga salitang ginamit ng author.

    Think about it:
    Ang salitang "tasted" (o geuo sa Greek) ay hindi nangangahulugan ng isang superficial o pampalipas-oras na karanasan. Sa Hebrews 2:9, ginamit ang mismong salitang ito para ilarawan ang ginawa ni Kristo:

    "He might taste death for everyone."


    Tanong: Totoo bang namatay si Kristo? Siyempre, oo! Full and real experience ang kamatayan ni Kristo. Hindi lang Siya "tumikim" ng kamatayan; Siya ay dumaan sa totoong kamatayan. Kung gagamitin natin ang lohikang ito, ang pag-“taste” sa heavenly gift ay nangangahulugan ng isang totoong pagdanas sa biyaya ng kaligtasan. Ito ay pagtanggap sa justification, sa presensya ng Espiritu, at sa totoong buhay na galing sa langit. Hindi ito parang "free taste" sa mall na dumaan lang sa dila mo at lumipas din agad. Ito ay isang tunay at buhay na karanasan ng isang taong iniligtas ng Panginoon.
The author of Hebrews uses strong words. Hindi niya sinabing "parang na-enlighten." Sabi niya, na-enlighten sila. From a Reformed Arminian perspective, ang point ng author ay hindi "hypothetical" (na kunwari mawawala). He is giving a genuine warning because apostasy is a genuine possibility.

  • At higit sa lahat ay napakahirap sabihin na "fake" lang sila, kapatid, lalo na kung babasahin natin nang malalim ang orihinal na konteksto ng Hebrews 6:4–6. Pagdating sa phrase na "to restore them again to repentance," ang implikasyon nito ay napakalinaw: ang kanilang unang pagsisisi (repentance) ay totoo at genuine. 

    Isipin mo ito: hindi mo naman puwedeng "i-restore" o ibalik ang isang bagay sa dating state nito kung hindi naman talaga ito nag-exist sa simula pa lang. Kung "fake" lang sila, ibig sabihin ay wala silang tunay na repentance na magsisimula, kaya wala ring maibabalik.

    Ang katotohanang sinasabi ng author na
    "impossible to restore them again to repentance" ay nagpapatunay na ang kanilang unang paglapit sa Panginoon ay hindi pakitang-tao; ito ay isang tunay na pagtugon sa biyaya ng Diyos.

3. Hebrews 10:26–29: "Sanctified" ba talaga sila?

May isa pang verse na nakaka-stress para sa mga OSAS believers:

"How much worse punishment, do you think, will be deserved by the one who has trampled underfoot the Son of God, and has profaned the blood of the covenant by which he was sanctified, and has outraged the Spirit of grace?" Hebrews 10:29(ESV)

Q: Kung "sanctified" (pinabanal) siya by the blood, hindi ba saved na siya?

A: Exactly. That’s the point. The person who falls away was actually set apart by the blood of Christ.

Sa New Covenant Theology, ang warning ay hindi para sa mga taong hindi pa nakakakilala sa Diyos. It is for those who are inside the Covenant. Para itong "covenant breaker." Sa Old Testament, kapag ang Israelite ay lumabag sa covenant, may consequence. Sa New Covenant, mas malala ang consequence kasi mas maganda at mas mataas ang promise na tinanggihan nila.

Hindi ito nawawala dahil sa kaunting pagkakamali. It is a deliberate, final, and apostate rejection of the Savior.

4. So, paano na ang Security natin?

Dito tayo nagkakaroon ng linaw sa Reformed Arminian view. Hindi ibig sabihin nito na "nawawala-babalik" ang salvation mo araw-araw.

1) Assurance is Real: Kung ikaw ay nagtitiwala kay Kristo, lumalakad sa Spirit, at persevering in faith, you have every reason to be assured. Ang assurance ay nasa katapatan ng Diyos at sa ginawa ni Kristo.

2) Warnings are Gracious: Huwag mong isipin na ang warning ay para takutin ka at iiwanan ka ng Diyos. The warnings are the means God uses to keep us close to Him. Para itong guardrail sa highway; hindi mo kailangang sumabit, pero kailangan mo yung guardrail para manatili kang ligtas.

3) High Priestly Intercession: Hebrews 7:25 says He lives to make intercession for us. Hangga’t lumalapit ka sa Kanya, you are safe. Ang panganib lang ay kung ikaw mismo ang tumalikod at ayaw mo nang lumapit.

Real Talk Reflection

Verse: Hebrews 3:14

"For we have come to share in Christ, if indeed we hold our original confidence firm to the end."

Call to Action: Kapatid, huwag kang mag-alala kung ikaw ay nagkakamali, nagkakasala, o nanghihina. Ang "falling away" na tinutukoy ng Hebrews ay hindi yung pagkakatisod (stumbling). Ang tinutukoy nito ay ang pagtalikod (turning away/rejection/apostasy).

Today, kung ramdam mong lumalayo ka, stop. Don't harden your heart. Ang grace ng Diyos ay sapat para itayo ka muli. Ang warning na ito ay hindi para mawala ang peace mo, kundi para patibayin ang faith mo. Keep your eyes on Jesus, the High Priest who intercedes for you. 'Wag mong bitawan ang hawak ng Diyos sa iyo, dahil hawak ka Niya.

Let's finish the race together. Amen?

Did you find this study helpful? Feel free to share this post and let's keep the conversation going in the comments below!

Friday, February 13, 2026

EXPOSING THE SEVENTH-DAY ADVENTIST DECEPTION: Is the "SDA Everlasting Gospel" really the Gospel?


Mga kapatid, let’s be discerning. Itong infographic na ito ay madalas gamitin ng mga Seventh-day Adventists (SDA) para palabasin na ang "Everlasting Gospel" nila ang tanging balanse. Pero using the Bible lens without mixing Ellen G. White, makikita natin na ang chart na ito ay mapanlinlang (deceptive) at kulang sa tamang pag-unawa sa biyaya.

Heto ang point-by-point critique natin:

1. The "SDA Everlasting Gospel" Trap (The Blue Column) 🟦

Sinasabi rito na, "Salvation is by grace alone for all."

The SDA Deception: Sa SDA theology, itong "Grace" na ito ay parang fuel lang para makasunod ka sa Kautusan (Sabbath, etc.) para makapasa sa Investigative Judgment.

The Bible Defense: Naniniwala tayo sa Prevenient Grace, ang biyaya ng Diyos na kumikilos sa lahat para bigyang-daan ang tao na tumugon sa Kanya. Pero ang kaligtasan ay hindi "conditional" sa ating performance sa judgment; ito ay secure sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo! Ang "Everlasting Gospel" ng SDA ay "Probationary Gospel" lang pala.

2. The Attack on Sovereignty (The Orange Column) 🍊

Nilagay nila ang column na ito para takutin ang mga tao sa "Distorted Gospel" kung saan ang ilan ay "no choice." 

The SDA Deception: Ginagawa nilang "monstrous" ang God of the Bible para i-push ang kanilang legalistic middle ground.

The Bible Defense: Kahit hindi tayo Calvinist, alam natin na ang kaligtasan ay 100% work of God. Hindi natin "ine-earn" ang favor Niya. Ang pagkakamali ng chart na ito ay ang pag-aakalang ang "Choice" ng tao ay kailangang dagdagan ng "Gawa" (Sabbath keeping) para maligtas. No! We choose to believe, but it is Christ’s blood alone that justifies us.

3. "Lost because they fail to do enough" (The Yellow Column) 🟨

Sinasabi rito na ang "Distorted Gospel" ay "Grace + Works."

The Irony: Dito tayo natatawa (with sadness). Ang SDA doctrine ng Investigative Judgment ay ang mismong definition ng "Grace + Works." Kung kailangan pang i-review ang buhay mo para malaman kung "worthy" ka, then it’s not Grace Alone! Hindi namamalayan ng maraming mga Sabadista ngayon na concept ng salvation ng SDA church ay minana nila sa Roman Catholic Church instead of the Protestant Reformation (See "Tara, Bible Study Tayo! "Righteousness by Faith: "Ang Pagkakatulad ng Doktrina ng Seventh Day Adventist at ng Roman Catholic Church!")

The Truth: Sa New Covenant, we obey because we are already saved, not so that we might be saved. Ang obedience natin ay bunga (fruit), hindi ugat (root) ng kaligtasan.

4. The Universalism Red Herring (The Green Column) 🟢

Nilagay ito para isipin mo na "If you don't follow our Sabbath-centered gospel, mapupunta ka sa Universalism."

The SDA Deception: False choice ito. Ang Bible ay naniniwalang ang alok ng Diyos ay para sa lahat (General Atonement), pero ang makikinabang lang ay ang mga mananatili sa pananampalataya (Conditional Security through faith, not through law-keeping).

The Bottom Line:

Ang "Everlasting Gospel" sa chart na ito ay hindi yung sa Revelation 14. Ito ay isang Legalistic Trap na nakabalot sa Christian terminology. Don't be fooled by the "free grace" labels if they eventually lead you back to Mt. Sinai and the 10 Commandments as a requirement for salvation.

Real Talk Reflection

"You who are trying to be justified by the law have been alienated from Christ; you have fallen away from grace." (Galatians 5:4)

Call to Action: Examine your heart today. Is your assurance based on your performance, or on the finished work of Christ received by a living faith?

Stay grounded in the New Covenant! Kay Kristo lang ang ating kasiguruhan.

Assurance of Salvation: SDA vs. Bible

FeatureSeventh-day Adventist (SDA)Bible Perspective

Basis of AssuranceNakabase sa iyong "record" na sinusuri sa Investigative Judgment.Nakabase sa Finished Work ni Kristo at sa Kanyang katapatan.
Role of the LawAng sampung utos (lalo na ang Sabbath) ay ang standard ng judgment.Ang Law of Christ (Love) ang guide, pero hindi tayo under sa Mosaic Law.
View of GraceGrace empowers you to keep the law to be saved eventually.Grace enables you to believe (Prevenient) and sustains your faith.
When are you saved?Malalaman lang pagkatapos ng judgment (No present assurance).Ngayon pa lang, may assurance na tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.
Security"Probationary"—pwedeng mawala kung may hindi na-confess na sin."Relational"—secure tayo kay Kristo hangga't tayo ay nananatiling nananampalataya.

Former Adventists Philippines

​“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

Former Adventists Philippines Association, Inc
SEC Registration No: 2025090219381-03


Help keep this content free for everyone. I am committed to sharing these truths and resources freely. If you have found value in my articles since 2021 and would like to partner with me in this ministry, your support on Ko-fi would be greatly appreciated. It helps cover the costs of maintaining this blog and creating new content.


❤️ Partner with me on Ko-fi
https://ko-fi.com/ronaldobidos
Gcash# 09695143944 

PayPal: paypal.me/backtothescriptures

Ko-Fi: https://ko-fi.com/ronaldobidos 


Monday, February 2, 2026

Tara, Bible Study Tayo! Free Will vs. Reformed Arminianism: Alin ang mas historic at biblical view ng Salvation?



Setting:
Isang coffee shop sa Fairview. Magkaharap si Pastor Ronald (Reformed Arminian) at si Pastor Jun (Free Will Theology).

Pastor Jun: 
Pards, diretso na tayo. Sa totoo lang, nahihilo ako d’yan sa "Reformed Arminianism" n’yo. Bakit kailangan pa ng label na "Reformed"? Para sa akin, simple lang: Binigyan tayo ng Diyos ng Free Will. Siya ang kumakatok, tayo ang nagbubukas. Choice natin 'yan, 'di ba?

Pastor Ronald: 
Gets ko ‘yung point mo, Pards. Common sense naman talaga na may choice tayo. Pero ang tanong kasi: Saan nanggagaling 'yung choice na 'yon? Sa Reformed Arminian view, naniniwala kami sa Total Depravity. Ibig sabihin, ang tao ay "dead in sin" (Efeso 2:1). Ang patay, hindi makakapili ng buhay on its own.

Pastor Jun: 
Pero teka, kung patay tayo, paano tayo makakatugon? Kaya nga may free will, 'di ba? Para fair ang Diyos.

Pastor Ronald:
Dito papasok ang Prevenient Grace. Ito ‘yung biyaya ng Diyos na nauuna bago ang conversion. This grace "enables" the will. Pero ang difference ng Reformed Arminianism sa ibang Free Will views, naniniwala kami na it is God who takes the initiative. Hindi 'yung parang may "spark" ka pa rin sa loob mo na pwedeng gumising sa sarili mo. We are totally dependent on Grace even for the first step of faith.

Pastor Jun: 
So, parang Reformed na rin kayo?

Pastor Ronald: 
Sa usapang Sola Gratia (Grace Alone), yes. Pero ang pinagkaiba namin sa Calvinist, naniniwala kami na ang biyaya ay Resistible. Ang Diyos ay tapat na tumatawag sa lahat, pero pwedeng tanggihan ng tao ang alok Niya. Historically, ito ang stance nina Jacobus Arminius at ng mga early Remonstrants bago sila nahaluan ng mas liberal na ideya later on.

Pastor Jun: 
Eh paano naman 'yung "Once Saved, Always Saved"? D’yan kami mahigpit sa Free Will theology pwede kang mahulog sa biyaya kung tatalikod ka.

Pastor Ronald: 
In Reformed Arminianism, we take warnings seriously. Naniniwala kami sa Conditional Perseverance. Hindi kami kampante na "basta nag-pray ng Sinner's Prayer, okay na." Ang tunay na mananampalataya ay kailangang manatili kay Kristo (Juan 15). If a person completely renounces their faith (apostasy), the Bible warns us about the danger of that. Pero hindi ito "pabalik-balik" na parang ligo-ligo lang. It's about a heart that remains in union with Christ by faith.

Pastor Jun: 
So, alin talaga ang mas historic?

Pastor Ronald: 
Actually, if you look at the early church fathers before Augustine and even the Reformation period, 'yung focus sa synergy na ang tao ay kailangang tumugon sa biyaya ng Diyos ay very present. Pero ang Reformed Arminianism ay mas "biblical" sa sense na hindi nito binabawasan ang lala ng kasalanan. We don't exalt "Free Will" as an independent power. We exalt Free Grace that liberates the will.

Q&A Corner

Q1: Kung ang Diyos ang nag-eenable ng will natin, bakit hindi na lang Niya i-enable ang lahat para maligtas?

Pastor Ronald:
God desires all to be saved (1 Tim. 2:4). His grace is universal (Common/Prevenient Grace), but He has chosen to work through a relationship that requires a response of faith. He provides the "enablement," but He doesn't force the "consent."

Q2: So, may "credit" ba ang tao sa kaligtasan kasi siya ang pumili?

Pastor Ronald: No way. Imagine a drowning person. If a lifeguard swims out and puts a life ring in front of him, and the person just holds on, did the person save himself? No. The lifeguard did everything. Holding on isn't "work"; it's just accepting the rescue. That's faith in the Reformed Arminian view.

Q3: Ano ang biggest difference ng "Free Will Theology" sa "Reformed Arminianism"?

Pastor Ronald:

Point of View❌ Free Will Theology (Semi-Pelagian)✅ Reformed Arminianism
Kondisyon ng TaoAng tao ay "may sakit" lang. May lakas pa siyang simulan ang pananampalataya.Ang tao ay "patay" sa kasalanan (Eph 2:1). Kailangan ng Prevenient Grace para makatugon.
Saan galing ang Choice?Sa natural capacity o sariling kakayahan ng tao.Sa Grace-enabled capacity. Biyaya ang nag-enable sa atin.
Security sa KaligtasanPwedeng mawala ang salvation base sa gawa o kapabayaan ng tao.Ang security ay nasa Union with Christ. Posible ang apostasy kung tatalikod sa faith, pero hindi ito dahil sa kulang na gawa.
Real Talk Reflection

"Sapagkat sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang walang sinumang magmalaki." Efeso 2:8-9

Call to Action: Ngayong araw, magpasalamat tayo sa Diyos dahil ang kaligtasan ay 100% biyaya Niya. Huwag nating i-asa ang ating katiyakan sa sarili nating lakas, kundi sa katapatan ni Kristo na Siyang nag-umpisa at magtatapos ng ating pananampalataya.

FEATURED POST

JOHN 5:18: What Does Christ's “Breaking” the Sabbath Mean?

"Therefore the Jews sought all the more to kill Him, because He not only broke the Sabbath, but also said that God was His Father, maki...

MOST POPULAR POSTS