Wednesday, August 2, 2023

ANG TRUTH NA AYAW NG MGA SEKTA: ETERNAL LIFE!

Abner Pablo


    Lahat ng tao ay taglay ang BUHAY TAO ni ADAN: makasalanan at namamatay. Hindi alam ito ng mga tao, kaya ibinigay ang Kautusan ng SAMPUNG UTOS upang makilala nila na sila ay makasalanan at upang mahatulan ng kamatayan.


"Alalahanin nating ang Kautusan ay hindi ginawa para sa mabubuting tao,

kundi para sa mga walang kinikilalang batas at mga kriminal, para sa mga

hindi kumikilala sa Diyos at sa mga makasalanan, para sa mga lapastangan

sa Diyos at walang hilig sa kabanalan, para sa mga mamamatay-tao at

pumapatay ng sariling ama o ina. Ibinigay rin ang Kautusan para sa mga

mahihilig sa kahalayan at nakikiapid sa kapwa lalaki, para sa mga kidnaper,

para sa mga sinungaling at sa mga saksing hindi nagsasabi ng totoo. Ang

Kautusan ay ibinigay para sa lahat ng mga sumasalungat sa mabuting aral."

1 Timoteo 1:9-10 RTPV


    Pero sa awa ng Dios, sinugo sa lupa mula sa langit ang ANAK na nagkatawang-tao upang siya na ang tumikim ng kamatayan ng lahat ng tao na makasalanan. Siya si JESU-CRISTO.(Gal.4:4-7; Heb.2:9,14,15; 9:15)

"Subalit alam nating si Jesus, kahit na sa kaunting panaho'y ginawang mas
mababa kaysa mga anghel, ay binigyan ng karangalan at kaluwalhatian dahil
sa kanyang kamatayan. Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa atin, niloob
niyang si Jesus ay mamatay para sa ating lahat. Dahil sa ang mga anak na
tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila'y may laman at may
dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay
mawasak niya ang kapangyarihan ng diyablo na siyang may kapangyarihan
sa kamatayan. At pinalaya niya ang lahat ng tao na habang panaho'y inalipin
ng takot sa kamatayan." Mga Hebreo 2:9,14-15 RTPV


   Kung manampalataya ka KAY CRISTO na siya na ang TUMUBOS sayo, MATUWID ka na at TATANGGAPIN MO ANG BUHAY NG DIOS, ang ESPIRITU NI CRISTO.( Efe.1:13,14; Gal.3:13,14,2)


"Kayo man ay naging bayan ng Diyos matapos ninyong marinig ang salita
ng katotohanan, ang Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan.
Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu
Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. Ang
Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos
para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan.
Purihin natin ang kanyang kaluwalhatian!" Mga Taga-Efeso 1:13-14 RTPV


     MALAYA KA na sa kasalanan, kamatayan at kautusan ng Sampung Utos. Bakit? KAY CRISTO, ay binigyan ka na ng BANAL NA BUHAY ESPIRITU(Gal.5:1-6,18-25.) Wala ka na sa buhay LAMAN ( TAO)  kundi nasa BUHAY ESPIRITU NI CRISTO kana. Ang ESPIRITU ay tatahan sa loob ng katawan mo..Anak ka na ng Dios." Roma 8:9-17; Gal.4:4-7; 1 COR.6:19.

"Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo
na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari
ang inyong katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga.
Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos."                                                                 1 Mga Taga-Corinto 6:19-20 RTPV 


MABUTING BALITA NG DIOS yan!


    Pero ayaw ng mga SEKTANG BULAAN yan. Gusto nila makasalanan pa sila at nasa ilalim pa ng Kautusan ng 10 Utos na ginawa ng Dios na para lang sa MAKASALANAN O BUHAY LAMAN.( 1 Tim.1:8-10; Rom.7:5,14-24; 5:12-14)


 AYAW MANIWALA ang mga binulag ng Diablo na makita ang liwanag ng EBANGHELYO NG KALUWALHATIAN NI CRISTO.( 2 Cor.4:4; 3:5-11,17). " Ginagawa nilang SINUNGALING ang DIOS.( 1 JUAN 5:9-13)


    AYAW MO BA NG " FREE GIFT OF ETERNAL LIFE" NI CRISTO? AYAW mo IWANAN ang maling turo ng mga Sekta?


     Kung gusto mo, MANAMPALATAYA ka ngayon din kay CRISTO at ngayon din ay tatahan sa iyong katawan ang ESPIRITU NG DIOS. Magiging ANAK KA NG DIOS, TAGAPAGMANA ng Kaharian ng Dios. 


"Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na
tayo'y mga anak ng Diyos. At yamang mga anak, tayo'y mga
tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo.
Sapagkat kung tayo'ykasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama
niya sa kanyang kaluwalhatian."Mga Taga-Roma 8:16-17  RTPV  

     

    HUWAG PADAYA SA DIABLO.( 2 Tesalonika 2:9-14; Juan 8:44) .LUMABAS KA SA MGA SEKTANG SINUNGALING AT AYAW NG KALAYAAN KAY CRISTO. ( Gal.5:1-6; 4:21-31;2 Cor.3:17; Apok.18:1,4,5 ; 12:9). 


    Pero kung gusto mo mapahamak at magdusa kasama ng Diablo sa apoy na walang hanggan, huwag SUMAMPALATAYA KAY CRISTO na nagpalaya sa iyo mula BUHAY LAMAN, KASALANAN, KAMATAYAN AT KAUTUSAN NG 10 Utos.( Juan 3:16-21,36; Mat.25:42; 1 Cor.15:55-57)


"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan,

kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang

sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay

na walang hanggan. Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang

hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa

pamamagitan niya. Hindi hinahatulang maparusahan ang sumasampalataya

sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi

siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos." Juan 3:16-18 RTPV


   Binigyan na  tayo ng BUHAY NA WALANG HANGGAN KAY CRISTO, pero ayaw mo maniwala Sa DIOS. BAHALA KA harapin mo ang POOT NG DIOS. ( Juan 3:36)


"Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit
ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip,
mananatili sa kanya ang poot ng Diyos." Juan 3:16-18,36 RTPV





Brother Abner Pablo is an active member of the Former Adventist Fellowship Philippines and a diligent writer of devotionals to continue spreading the good news of salvation.



No comments:

Post a Comment