Johnson Amican:
"May kumakalat na video ngayon na gumagamit ng AI (Artificial Intelligence) para atakihin ang ating pananampalataya at personality. Ito ay ang grupo ng mga Former Adventist sa pangunguna ng ating dating kasamang si Ronald Obidos." Hinahanap ko ang rebuttal nya daw na hindi ko masagot, yon pala kaya di ko makita ay hindi niya boses kundi Ai."
Ronald Obidos:
Dito pa lang sa klase ng sagot ni bro Johnson Amican, obvious na agad yung kakulangan niya sa pag-intindi ng paggamit ng AI technology. Kahit sino naman legit na gumagamit nito sa tamang paraan. Ayon pa nga sa mga IT experts, walang masama sa paggamit ng AI at halata rin na ChatGPT ang ginamit niya para buuin yung mga pangungusap na ’yon. Madalas ko ring sinasabi sa social media na ang tamang paggamit ng AI, lalo na yung mga LLM (Large Language Models) gaya ng ChatGPT, Grok, Gemini, at Claude, ay hindi masama basta gamitin mo lang siya bilang “slave” ibig sabihin, utusan mo lang siya na tulungan kang i-organize yung ideas na galing sa sarili mong isip at isinulat mo. Si AI na bahala mag-correct ng grammar at syntax ng sentences para pumili ng best words or expression. Ang mali ay kapag ginawa mong “Master” ang AI ibig sabihin, siya na mismo ang nag-iisip para sa’yo at ikaw na lang ang nagtatanong.
Since wala siyang IT background, pinoproject niya yung sarili niya sa akin at nakalimutan ata niya na Microsoft Certified Professional ako since 2000 at naging IT manager din. So sino kaya ang mas may authority magsalita tungkol sa AI technology at makaunawa kung paano ito gumagana? Malamang siya, ginagawa niyang “Master” ang AI tapos copy-paste na lang kaya chill lang ang buhay.
Isa pa, bago lang nauso ang AI pero matagal na akong sumusulat ng articles at ng mga topics namin sa podcast kahit wala pang AI. Kaya kahit wala nito, kaya ko pa ring magsulat. Ang nakakapagtaka lang talaga sa sinabi ni bro Johnson ay ito…
"Hinahanap ko ang rebuttal nya daw na hindi ko masagot, yon pala kaya di ko makita ay hindi niya boses kundi Ai."
Nakakaduda talaga yung pahayag ni bro Johnson. Kahit siguro sinong professional lalo na sa IT field, mapapailing na lang sa ganitong klase ng pangangatwiran. Para sa akin, tunog “palusot” lang ito para ma-justify kung bakit hindi siya nakasagot sa online debate namin tungkol sa Righteousness by Faith.
Nagkausap pa nga kami sa isang FB post at sinabi niya na hindi daw niya alam na nakasagot na ako sa refutation niya. Tinanggap ko naman yun at inunawa. Pero nung mas binusisi ko, napagtanto ko na alibi lang talaga yun. Kasi paano niya nasabi na hinahanap daw niya yung rebuttal ko, tapos bigla niyang idadahilan na AI daw ang ginamit ko kaya hindi niya “makita” dahil hindi raw boses ko? Anong klaseng pangangatwiran yun?
Mga kaibigan, obvious naman kahit kayo na matatalinong nagmamasid sa diskusyon namin na napakababaw ng dahilan na yun. Bakit boses lang ang basehan niya? Hindi ba niya nakita yung thumbnail image, yung picture ko, at pati picture niya na nakalagay pa sa title: “Pro-Catholic na ba si Johnson Amican?”
Kumbinsido ba kayo sa alibi niya kaya hindi siya nakasagot sa challenge ko? Para sa akin, nawawala na naman ang tiwala ko sa sincerity niya. Isa lang ang malinaw: hindi talaga niya kayang tutulan yung rebuttal ko sa video. Nagulantang siya sa mga expose ko, kaya napilitan siyang magpalusot kesa mapahiya.
Johnson Amican:
"Madaling mag-generate ng script, pero mahirap mag-generate ng KATOTOHANAN. Bakit AI ang pinagsasalita? Dahil ba hindi kayang ipaliwanag ng personal ang malalim na teolohiya? O dahil 'sablay' ang logic kaya idinadaan na lang sa computer-generated voice? Nagtatanong lang po."
Ronald Obidos:
SDA Adventist Review on AI Technology Key Articles & Themes
1. "The Possibilities and Challenges of Artificial Intelligence for Mission" (Nov. 2024) This article, originally from the ASi newsletter and republished in the Adventist Review, acknowledges AI's remarkable ministry potential rapid research, instant multilingual translation, sermon graphics, AI-generated avatars preaching sermons. It notably cites Ellen White's own Review and Herald quote: "New methods must be introduced... let no one block the way by criticism." However, it raises serious pastoral concerns: AI becoming a shortcut that replaces prayerful Bible study, and ethical questions around claiming AI-generated content as original.
2. "Christians in the Age of Artificial Intelligence" (April 2025) This piece discusses the SDA church's proposal to build AI databases populated with Adventist literature, Ellen White's writings, sermons, and doctrinal materials — so that AI-generated answers align with denominational theology. It also mentions evangelism chatbots like Esperança (already conducting Bible studies in Portuguese and Spanish), and AI tools helping pastors analyze congregation data to guide pastoral care. It raises worries about individualistic, app-based faith disconnected from local church community, and the danger of AI spreading theological errors.
3. "Adventist Lay Organization Goes Full Throttle on AI" (Nov. 2024) Adventist-Laymen's Services and Industries (ASi) formed a formal AI committee pulling together major ministries — 3ABN, Amazing Facts, It Is Written, Voice of Prophecy, Adventist World Radio, Hope Channel, and the Ellen G. White Estate. The stated goal is pooling resources (e.g., bulk purchasing of translation AI) and coordinating AI strategies for global evangelism. One leader stated they believe "AI has the potential to have a more significant impact for the future than even the internet itself." Adventist Review
4. "Does AI Have the Capacity to Pray?" (Jan. 2025) Prompted by a non-SDA megachurch pastor creating an AI clone of himself that prays on request (for $49.99/month), the article explores whether AI can genuinely intercede. The SDA author raises deep theological and pastoral questions about whether such a tool constitutes genuine spiritual ministry or something closer to a digital idol.
5. "Preaching the Gospel in Times of AI" (2024) Reports from the GAiN (Global Adventist Internet Network) conference, where SDA communicators from across the Americas gathered to discuss making AI an evangelistic ally. A chatbot called Hope, built six years ago with 6,000 Adventist articles and 63 Ellen White books, has reportedly assisted over 278,000 students and led to thousands of baptisms.
Kung susundin natin yung mindset ni bro Johnson Amican, baka pati mga programs ng SDA church hindi na rin niya pakikinggan dahil hindi naman “totoong” boses ng tao ang nagsasalita. Wala pa siyang pake na obvious naman sa photos kung sino ang nag-narrate gamit ang AI avatar, pati yung malinaw na title ng topic. Ang problema lang niya ay dahil AI ang nagsasalita, ayaw na niyang pakinggan.
Hindi ba OA na yung ganung klaseng reasoning? At sa totoo lang, ganun lang talaga ang mga taong ignorante sa AI technology.
Johnson Amican
Abangan ang aming LIVE REBUTTAL.
Sasagutin natin ang maling akusasyon na ang Righteousness by Faith daw ng SDA particular ako Johnson Amican ay sa 'Katoliko.'
Ipakikita namin ang tunay na kasaysayan at ang malinaw na turo ng Bibliya at ni EGW—na hindi kayang makuha ng isang AI prompt.
Huwag magpalinlang sa 'high-tech' na paninira. Sa totoong pag-aaral tayo.
Ronald Obidos
Na-debunk ko na sa itaas yung mga patutsada ni bro Johnson Amican at na-demonstrate natin kung gaano siya ka-ignorant pagdating sa AI technology kaya diring-diri siya dito. Abangan natin mga kaibigan kung ano ang isasagot niya bukas (Sunday, March 1, 2026) sa kanyang programa. Pag-pray natin na hindi niya i-skip yung mga challenge ko sa kanya tungkol sa mga misrepresentations niya sa naging kasunduan sa Palmdale Conference 1976.
Ayon kasi kay bro Johnson, ang napagkasunduan daw doon ay na ang Righteousness by Faith at Justification by Faith ay iisa. Kaya abangan natin bukas kung paano niya haharapin ang issue na ito. Maraming salamat po.
Pastor Ronald Obidos
FAP Founder/Apologist
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
Former Adventists Philippines Association, Inc
SEC Registration No: 2025090219381-03

No comments:
Post a Comment