FEATURED POST

"PAGLALANTAD SA MGA KASINUNGALIAN NI PASTOR BJORN CAPIENDO AT JOHNSON AMICAN TUNGKOL SA “THREE HOLIEST BEINGS” NI ELLEN G. WHITE!"

Ang live na episode ng 'Katotohanan' sa Hope TV kung saan tinalakay nina Johnson Amican at Pastor Bjorn Capiendo ang konsepto ng Tri...

MOST POPULAR POSTS

Monday, February 8, 2021

"ALIN ANG TUNAY NA IGLESIA?"

Pastor Ronald Obidos




    Ang true church ay hindi ang alinmang nakikitang denominayson, religious organization, kundi , ito ay kalipunan ng mga taong may tunay na mananampalataya at sumasamba sa Diyos araw-araw sa “espiritu at katotohanan” (Juan 4:24, Gawa 2:46). Ayon sa diwa ng Biblia, ang mga mananampalatayang ito ay matatagpuan sa iba’t-ibang churches, denomination at religion sa buong mundo. Diyos lamang ang nakakakilala kung sino-sino sila (2 Tim. 2:19).

    Sila yung tinatawag na “iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit” (Heb. 12:23). Ang true church na ito ay binubuo ng mga taong tiyak na ang kaligtasan dahil ang pangalan nila ay nakasulat na sa “aklat ng buhay” bago pa itatag ang sanlibutan (Apoc. 3:5; 17:8). Tanging ang Diyos lamang ang pumili sa kanila sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Kanyang Anak na si Jesu-Cristo at hindi batay sa kanilang gawa, mabuti man o masama (Roma 9:11; 11:5, 6). 

Ang true church na ito ay naligtas na at inaring-ganap na ng Diyos dahil sa kanilang pananampalataya sa gospel o evangelio tungkol kay Cristo (Roma 10:17) bago pa sila umanib sa alinmang religious denomination para sa ikalalago ng kanilang panampalataya(Gawa 2:46, 47). 

Makikilala natin ang true church hindi sa 28 Fundamental Beliefs o dahil sa Daniel and Revelation Seminars kundi, tanging lamang ang gospel tungkol kay Cristo at ang isa ng kanyang kamatayan sa krus (John 14:6; Roma 10:9-10; 1 Cor. 15:1-5) Ang gospel na ito ang “siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya” (Roma 1:16).

Para sa karagdagan pang kaalaman may kaugnayan sa tanong, click lamang ang mga links sa ibaba:

Kung Mali ang Seventh-day Adventist Church, Ano ang Tama?

Visible o Invisible Church: Alin Dito ang Tinatag ni Cristo?
















No comments:

Post a Comment