TANONG:
“Bro Ronald V. Obidos, ito yata ang nakasabi sa Biblia at literal na sinabing 7th day of the week ang binasbasan ng Diyos. Basahin natin: Gen 2:3-4 By the SEVENTH DAY God had finished the work he had been doing; so on the SEVENTH DAY he rested from all his work. Then God blessed the SEVENTH DAY and made it holy, because on it he rested from all the work of creating that he had done.”- From: Butz Rodelas
SAGOT:
Tama binasbasan ng Diyos ang unang ikapitong araw noon sa Eden ngunit hindi ito ang literal na ikapitong araw na may “evening-morning.” Ang “rest of God” na ito ay hindi binanggit ng Kasulatan na muling inuulit ng Diyos tuwing ikapitong araw dahil isang beses lamang ginawa ng Diyos ang kapahingahang ito in the past. Pinatunayan din sa New Testament sa Hebreo 4:4:
“For he has somewhere spoken of the seventh day in this way: “And God rested on the seventh day from all his works.” Hebrews 4:4 (ESV)
Ang verb na “rested” (Grk. katepausen) sa Greek text ay nasa aorist tense meaning isang action na minsan lang ginawa in the past. Ayon sa isang standard Greek authority na Robertson’s Word Pictures:
“Rested (katepausen). First aorist active indicative of katapauo, intransitive here, but transitive in verse 8. It is not, of course, absolute rest from all creative activity as Jesus shows in Joh 5:17. But the seventh day of God’s rest was still going on (clearly not a twenty-four hour day).”
Samakatwid, ang kapahingahan ng Diyos na ito sa Genesis ay nagpapatuloy pa din at hindi limitado sa loob lamang ng 24 oras kaya pala hindi na binanggit na “evening and morning the seventh-day.”
Ganito din ang paniniwala mga SDA pioneers noon sa panahon ni Ellen White ayon sa kanilang official na babasahin na Review & Herald, July 20, 1869, p.29:
“When God had rested upon the seventh day, he put his blessing upon that day, and set it apart to a holy use. But though he hallowed that day as a memorial of his rest from the work of creation, he still continues and his rest.”
Bukod sa isang beses lang naganap ang kapahingahan ng Diyos sa Genesis 2 ay magkaiba din ang nature ng God’s rest na ito kumpara sa literal na ikapitong araw ng Sabbath na ginagawa ng mga SDA ngayon. Muli ay basahin natin sa Review & Herald, July 20, 1869, p. 29 tungkol sa character ng unang Seventh-day:
“The whole earth in its sinless loveliness belonged to Adam. His home was Paradise. The tree of life was his. He had free converse with his Creator face to face. This rest he lost by sin. This rest redemption will restore to the overcomer.”
Ang “rest” of God sa Genesis ay naiiba at hindi masusumpungan ngayon sa kapanahunan natin:
a.) Ang unang “seventh-day rest” na ito sa Eden ay naranasan ni Adan at Eva dahil wala pang kasalanan.
b.) Ang unang “seventh-day rest” na ito sa Eden ay umiiral noon habang nandun pa ang “Tree of life”.
c.) Ang unang “seventh-day rest” na ito sa Eden ay malaya pang nagkakausap ang Diyos at tao ng harapan o face to face.
Ang kautusang pangilin ng Sabbath na ibinigay ng Diyos sa bansang Israel noon ay simbolo lamang o isang anino ng “rest redemption” na isasauli ng Diyos para sa mga magtatagumpay sa hinaharap (Roma 10:4; Gal. 3:23-25; Col. 2:16-17; Heb. 4:9). Ang unang rest ng Diyos sa Genesis ay hindi isang anyo ng kautusan tulad ng nasa 10 utos dahil ang mga nilalaman nito ay hindi tutugma sa kalagayang sakdal noon sa Eden. Nangako ang Diyos na isasauli niya ang nawalang “rest of God” noon sa Eden sa pamamagitan ni Cristo.
Ngayon pa lang ay matitikman na ng mga mananampalataya kay Cristo ang kapahingahan ito sa pamamagitan ng “rest of souls” na inaalok niya ng walang bayad sa sinumang makasalanan (Mateo 11:28-30). Ito din ang Sabbatismos(Heb. 4:9) na natitira para sa bayan ng Diyos sa langit gaya ng binabanggit sa Review & Herald magazine, July 20, 1869, p. 29:
“There remaineth therefore a rest [Greek, sabbatismos, the keeping of a Sabbath] to the people of God. Verse 9. So the rest-day of the Creator hallowed in Eden shall be observed by immortal saints in the future everlasting kingdom of God.”
Ang mga Cristiano ngayon hindi na namumuhay sa pangingilin ng simbolic na Sabbath tuwing ikapitong araw dahil tinupad na ito na si Cristo, bilang kapahingahan ng ating mga kaluluwa na namatay at binuhay muli para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan para ma-reconcile tayo muli sa Diyos. At ang kapahingahang (Sabbatismos)ito ng Diyos noon sa Eden (“rest-day of the Creator hallowed in Eden”) ay lubusang mararanasan ng mga “immortal saints” sa langit.
No comments:
Post a Comment