FEATURED POST

KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS VERSE-BY-VERSE SA MARK 7:19: "NILINIS NA ANG KARUMALDUMAL NA BABOY O PAGKAIN NG TINAPAY NG HINDI NAHUGASANG KAMAY?"

  “Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nil...

MOST POPULAR POSTS

Monday, February 1, 2021

KUNG MALI ANG SEVENTH-DAY ADVENTIST CHURCH ANO ANG TAMA?

Pastor Ronald Obidos




 
TANONG:

“Kung hindi sda ang tunay, eh ano? Kung mali ang aral ng sda, ano ang tama? Kung false prophet c EGW, eh sino? Ilatag mo na ang doktrina mo, ang tamang relihiyon o sekta mo at ang propeta mo ipakilala mo na at magsimula ka na mangaral baka sakali magkaroon ka ng tagasunod.”

SAGOT:

Ang tanong na ito ay may dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay serye ng mga tanong na magkaka-ugnay. Ang pangalawang bahagi ay isang hamon na maglatag ako ng doktrina, sekta at propeta o sugo na ipapakilala. At sa huli, inuutusan ako na mangaral upang magparami ng mga tagasunod. Sa madaling salita ipinapalagay niya na magtatayo ako ng sariling sekta o relihion tulad ng ginagawa ng ilan. Sasagutin po natin ito lahat.

Una, pansinin na assuming agad ang nagtanong na ang SDA church ang tunay na relihion, na SDA lamang ang may tamang aral at si Ellen White ay tunay na propeta, kahit hindi pa niya ito napapatunayan mula sa Biblia o naglatag man lang muna siya ng mga ebidensya bago siya nag conclude. Circular reasoning ang tawag dito at ito ay kabilang sa mga maling pamamaraan sa larangan ng pangangatwiran. Ayon sa isang educational website:

“Circular reasoning is an argument that commits the logical fallacy of assuming what it is attempting to prove.”[1]

Ipakikita ko ang kamalian ng ganitong argumento. Papalitan lang natin ang relihion ng nagtanong halimbawa INC (1914) naman ang nagtanong:

“Kung hindi INC ang tunay, eh ano? Kung mali ang aral ng INC, ano ang tama? Kung false prophet si Felix Manalo, eh sino?”

Malamang naunawaan niyo na ang ibig kong sabihin. Ang tanong, tatanggapin kaya ng mga SDA ang argumentong ito kung manggagaling ang mga tanong na ito lalo na mula sa isang Iglesia ni Cristo? Marahil ay sasabihin ng isang SDA defender na “Patunayan mo muna na ang INC ang tunay na iglesia na may tamang aral at patunayan mo din muna na sugo ng Diyos si Felix Manalo!”

Sa totoo lang hindi lahat ng SDA ay naniniwala na propeta si Ellen White, mula sa members, may elders, may mga pastor pa. So paano naging true church ang SDA? Lagi ko din pinapaalala na ang pagiging tunay na church ng SDA ay nakadepende sa claim na si Ellen White ay tunay na propeta at sugo ng Diyos para sa SDA church. Ibig sabihin, kung si Ellen White ay totoong propeta ng Diyos automatic na true church din ang SDA church. Pero kung bulaang propeta si Ellen White ay obviously bulaang iglesia din ang SDA church! Kailangan tanggapin ito ng mga SDA.

Hindi maaaring tunay na propeta si Ellen White while bulaang church naman ang SDA o kaya tunay na church ang SDA tapos bulaang propeta naman si Ellen White. Kailanman maging sa Biblia ang tunay na iglesia ay hindi maaaring pangasiwaan o gabayan ng bulaang propeta. Kaya nga nagtataka din ako kung bakit maraming mga aktibong mga membro pa din ng SDA church ang hindi naniniwala o kilala man lang kung sino si Ellen White. Ginagamit pa naman madalas ng mga SDA ang 2 Chronicle 20:20:

“Have faith in the Lord your God and you will be upheld; have faith in his prophets and you will be successful.” 2 Chron. 20:20 NIV

Isa pang talata na paboritong gamitin ng mga SDA die hard kay Ellen White as prophet ay Proverbs 29:18 KJV:

“Where there is no vision, the people perish.” Proverbs 29:18 (KJV)

Ito ang isang malaking problema na kinakaharap ng mga SDA ngayon na hindi sila nagkakaisa sa doktrinang ito na bahagi pa naman ng kanilang 28 Fundamental Beliefs na “The Gift of Prophecy” bilang #18:

“The Scriptures testify that one of the gifts of the Holy Spirit is prophecy. This gift is an identifying mark of the remnant church and we believe it was manifested in the ministry of Ellen G. White. Her writings speak with prophetic authority and provide comfort, guidance, instruction, and correction to the church. They also make clear that the Bible is the standard by which all teaching and experience must be tested. (Numbers 12:62 Chronicles 20:20Amos 3:7Joel 2:2829Acts 2:14-212 Timothy 3:1617Hebrews 1:1-3Revelation 12:1719:1022:89.)”[2]

Kung ang SDA ay naniniwala na sila ang tunay na iglesiang nalabi (remnant church) sa huling araw dapat lamang magkaisa lahat ng mahigit 18 million membro nito worldwide sa fundamental belief #18 na si Ellen White isang propeta na may gift of prophecy. Hindi maaaring paghiwalayin ito dahil ang sabi dito ay “This gift is an identifying mark of the remnant church and we believe it was manifested in the ministry of Ellen G. White” o ang pagiging propeta ni Ellen White ay isang mapagkikilanlang tanda ng iglesiang nalabi o ng Seventh-day Adventist church. Kaya hindi talaga pwede sa mga SDA na tanggap mo sa buong puso mo na ang SDA church ang tunay na iglesia pero di mo naman tanggap na propeta si Ellen White.

Ngayon ko lang din na realize na salungat dito ang madalas na excuse ng mga SDA na kahit hindi maniwala kay Ellen White ay ok lang dahil hindi naman siya ang tagapagligtas kundi si Cristo. Nangangatwiran pa ako dati na ang paniniwala o hindi kay Mrs. White ay hindi test of fellowship. Ibig sabihin nito ay maaari kang manatiling faithful member ng SDA church kahit hindi ka maniwala sa kanya. Ngunit ang ganitong pangangatwiran ay salungat sa pahayag mismo ni Ellen White. Para sa kanya ang mga SDA na ayaw maniwala sa kanya na sila ay nagkakamali o naliligaw ng landas:

“Others are like doubting Thomas; they cannot believe the published Testimonies, nor receive evidence through the testimony of others; but must see and have the evidence for themselves. Such must not be set aside, but long patience and brotherly love should be exercised toward them until they find their position and become established for or against. If they fight against the visions, of which they have no knowledge; if they carry their opposition so far as to oppose that in which they have had no experience, and feel annoyed when those who believe that the visions are of God speak of them in meeting, and comfort themselves with the instruction given through vision, the church may know that they are not right. 1T 328.1

Nangangatuwiran pa ang ibang mga SDA na hindi naman daw nag angkin si Ellen White na propeta kaya ok lang na hindi maniwala sa kanya. Tama kaya ang ganitong mga pangangatwiran? Ginagamit ito ng mga SDA bilang sagot din sa aking mga post na naglalantad na hindi totoong propeta ng Diyos si Ellen White. Nakalusot kaya sila dito? Alamin natin ang talagang sinabi ni Ellen White:

“Ellen White never assumed the title of prophetess, but she did not object when others called her by that title. . . To claim to be a prophetess is something that I have never done. If others call me by that name, I have no controversy with them. But my work has covered so many lines that I cannot call myself other than a messenger.” [3]

Ang hindi ginagamit ni Ellen White ay yaong “Title” na “Prophet”, meaning hindi niya kinakabit sa pangalan niya ang title na prophet. Hindi naman niya ginagamit ang name niya na “Prophet Ellen White” sa kanyang mga sinulat na aklat. Nilinaw din niya na hindi siya tumututol kung sakaling tawagin siyang “prophet” ninuman.

Ang ikalawang bahagi ng tanong ay isang hamon na may pagkutya, “Ilatag mo na ang doktrina mo, ang tamang relihiyon o sekta mo at ang propeta mo ipakilala mo na at magsimula ka na mangaral baka sakali magkaroon ka ng tagasunod.” Ang hamon na ito nagpapahiwatig ng kanilang kahinaan na ipagtanggol at sagutin ang aking mga nilalantad na kamalian ng SDA church at false prophecy ng kanilang propetang si Ellen White. Sa totoo lang, mula noong ako ay magsimulang maglantad ay wala ni isang seryoso o matinong sagot ako na natanggap sa kanila.

Halos lahat ng comment ng mga SDA ay malalayo at paiwas ang sinasabi. Karamihan ay personal na atake o pang insult tulad nitong ikalawang bahagi ng tanong na ating sinasagot. Sinikap ko na nga tagalugin na gumagamit na ako ng salitang mabababaw pero same pa din ang kanilang reaksyon. Halatang hindi muna nila binabasa ang aking mga articles bago sila mag komento. Hindi na din ako nagugulat sa ipinapakitang negative attitude ng mga Adventists dahil nakaugalian na siguro talaga nila na hindi magbasa. Yan ang napansin ko sa lahat ng mga churches na nadalaw ko sa Pilipinas at ibang bansa. Tamad sila magbasa ng kanilang Sabbath school lesson for the week kaya kakaunti lang ang mga tao kapag Sabbath school at dumadami lang kapag second part of the service na o divine service. Wala sila kaganaganang mag basa kahit mismo ang Biblia. Nasanay ang mga Sabadista na spoon feed na lang sila kung baga sa pagkain ay laging sinusubuan pa kahit matatanda na sila. Hindi matatanggihan yan ng mga mambabasang mga SDA.

Ito lamang ang nakikita kong dahilan kung bakit ganito ang kanilang hamon.

a.) Nais nilang maglatag ako ng doktrina upang makaiwas silang sagutin ang aking mga hamon na hanggang ngayon wala pang matinong sagot.

b.) Nais nilang maglatag ako ng doktrina o magtayo ng sariling iglesia dahil ang napansin ko ay mas sanay ang mga Sabadista lalo na yung kanilang mga media ministry apologist na bumatikos ng aral ng iba kaysa sumagot sa mga puna sa kanilang aral. Isang dahilan na nakikita ko kung bakit mahina sila diyan ay dahil kapos din sila sa mga resources na pang scholarly level at pangalawa, hindi sila palabasa o mahilig mag aral. Isa din factor dyan ay karamihan ng kanilang mga debaters dito sa Pilipinas ay hirap mag English. Madalas ko naririnig na mas gusto nila basahin ang tagalog kesa English dahil nahihirapan sila. Ito din malamang ang dahilan kung bakit hindi makasagot sa paraang intellectual ang mga ito dahil hirap silang umunawa ng English.

Magkagayuman, kailangan akong magpatuloy sa ginagawa kong paglalantad ng kanilang mga maling aral. Hindi na ako sasali sa kanilang mga walang kabuluhang comments. Pipili na lang ako mula doon ng mga sensible question at sasagutin bilang article sa aking website at idalangin sa Diyos na awa ang mga bagay na aking nilalahad ay makatulong sa ibang mga Sabadista na buksan ang kanilang mga isip at puso sa katotohanan. Samakatwid, ang hamon na ito ay pahiwatig ng kahinaan ng mga defenders ng Sabadista kaysa kanilang kalakasan.

Conclusion

Sabi ng tanong “Kung hindi sda ang tunay, eh ano? Kung mali ang aral ng sda, ano ang tama? Kung false prophet si EGW, eh sino?” Kung ako ang sasagot nito bilang isang Sabadista ang sasabihin ko lang ay siyempre wala ng ibang tunay na iglesia kundi ang Seventh-day Adventist church. At sasabihin ko din na ang mga aral ng SDA ay tama lahat at siyempre tunay na propeta si Ellen White at wala nang iba pang tunay. Ngunit ganun nga ba ang tamang sagot? “Oo ito ang tamang sagot!” ayon sa mga Sabadista. Masarap pakinggan at magaan sa pakiramdam pero mababaw ito at pansamantalang ginhawa lamang sa pakiramdam. Nasabi ko ito dahil ang katotohanan ay dapat hindi naka depende sa pakiramdam ng isang tao dahil ang damdamin ng tao ay pabago-bago at naka depende sa kanyang situation.

Kung pagbabatayan natin ang Biblia, kailanman ang tanong na “Kung hindi sda ang tunay, eh ano? Kung mali ang aral ng sda, ano ang tama? Kung false prophet si EGW, eh sino?” ay walang batayan at hindi natin kailanman mababasa sa Biblia na mayroon man lang nagbangon ng ganitong kaparehong katanungan. Bakit?

1.) Hindi kilala sa New Testament time (1st century) na mayroong Seventh-day Adventist organisasyon o denomination. Ang pagkakaroon ng maraming denomination ng Cristianismo ay nagsimula lamang noong 16th century nang maganap ang Protestant reformation laban sa institution ng Roman Catholic church. Kapag sinabing “iglesia” sa panahon ng New Testament, ito ay tumutukoy sa “grupo ng mga mananampalataya” hindi simbahan o building at hindi din religious denomination.

2.) Hindi kilala sa New Testament time ang pangalang Seventh-day Adventist. Ang mga alagad ni Cristo noon ay mas kilala bilang “Christians” hindi “Adventist.” Masakit, mahirap tanggapin pero yan ang totoo batay sa ebidensya hindi pakiramdam.

“The disciples were called Christians first at Antioch.” Acts 11:26 NIV

3.) Hindi din kilala sa panahon ng New Testament si Ellen White. In fact, yung pagkilala kay Ellen White bilang “a continuing and authoritative source of truth” at “Her writings speak with prophetic authority” ay isang mabigat na pag-aangkin lalo na at napatunayan na sa maraming pagkakataon na karamihan ng sinulat na aklat ni Ellen White ay kinopya lamang mula sa ibang author hindi mula sa Diyos. Marami din sa mga ito ang itinago ng mga liders ng SDA sa publiko.

Ano ang mahalagang isyu sa New Testament kung hindi pala kilala noong ang SDA church at si Ellen White? Ano ang KATOTOHANAN na may kinalaman sa kaligtasan ng mga makasalanan? Ito ba ay ang pagiging totoo ng relihion o denominasyon? Ayon sa New Testament, saan natin makikita ang katotohanan? Sa pag anib ba sa relihion o denominasyon? O peronal na relasyon sa ating Panginoong Jesus? Pakinggan natin si Jesus na siyang nagtatag at may ari ng iglesia.

“Jesus answered, “I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me.” John 14:6 (NIV)

At

Salvation is found in no one else, for there is no other name under heaven given to mankind by which we must be saved.” Acts 4:12 (NIV)

Ang katotohanan ay matatagpuan lamang sa Panginoong Jesus, siya “ang DAAN, ang KATOTOHANAN at ang BUHAY” hindi ang SDA church o alinmang denominasyon ang DAAN, KATOTOHANAN at BUHAY papunta sa Ama sa langit. Kaya ang tanong na: 

Tanong: “Kung hindi SDA ang tunay, eh ano?”

Sagot: Hindi tunay ang SDA SI JESUS LANG ANG TRUTH!

“Jesus answered, “I AM (not SDA church) the way and THE TRUTH” John 14:6 (NIV)

 Tanong: “Kung mali ang aral ng sda, ano ang tama?”

 Sagot: Mali ang aral ng SDA si Cristo lang ang may WORDS OF LIFE!

 “Simon Peter answered him, “Lord, to whom shall we go? You have the words of eternal life.” John 6:68 (NIV)

 Tanong: “Kung false prophet c EGW, eh sino?”

 Sagot: False prophet si Ellen White, si Jesus ang tunay na propeta ng Diyos sa huling araw!

 In the past God spoke to our ancestors through the prophets at many times and in various ways, but in these last days he has spoken to us by his Son, whom he appointed heir of all things, and through whom also he made the universe.” Hebrews 1:1-2 (NIV)

Endnotes

[1] Nordquist, Richard. “Circular Reasoning Definition and Examples.” 7 July 2019. https://www.thoughtco.com/circular-reasoning-petitio-principii-1689842. 5 April 2020.

[2] Ito ang revised edition ng kanilang Fundamental Belief #18. Malaki ang pagkakaiba nito kesa sa dati. Noon ang nakalagay ay “As the Lord’s messenger, her writings are a continuing and authoritative source of truth” na maliwanag na labag sa prinsipyo ng Sola Scriptura (Scripture alone). Inaangkin ng mga SDA dito na ang mga sulat ni Ellen White ay karagdagan sa pa Biblia dahil ang mga sulat niya ay isa ding “authoritative source of truth.” Kaya napakagulo ng doktrina ng SDA dahil mayroon silang dalawang authoritative source of truth. Dahil nahalata na sila dito, pinalitan nila ito ngayon ng “Her writings speak with prophetic authority.”

[3] Ministerial Association General Conference of Seventh-day Adventists. Seventh-day Adventist Believe…A Biblical Exposition of 27 Fundamental Beliefs. Hagerstown: Review and Herald Publishing Association, 1988, p.224


No comments:

Post a Comment