Tuesday, March 31, 2026

BIBLE STUDY Q&A: "Hindi Sapat ang Dugo ni Cristo Ayon sa False Prophet ng mga Sabadista!"



TANONG #1:

"Sa tagal n'yo pong SDA dati, talaga po bang ang standing ng SDA ay requirement ang obedience ng laws para maligtas?"

SAGOT:

Oo, At hindi lang 'to basta misinterpretation ng ibang tao mismong ang "propeta" nila ang nagsulat niyan. Huwag na nating hanapin sa pagitan ng mga linya; sinabi niya 'to nang straight to the point, walang paligoy-ligoy. Hindi lang isang beses kundi apat na beses sa apat na magkakaibang publication.

Real talk lang tayo:

1. Ellen White said:"The terms of salvation for every son and daughter of Adam are here outlined. It is plainly stated that the condition of gaining eternal life is obedience to the commandments of God." — Ellen G. White, Advent Review and Sabbath Herald, Oct 26, 1897

2. Ellen White said:"Obedience to the law of ten commandments is the condition of salvation. This is God's positive requirement."  Ellen G. White, Review & Herald, May 3, 1898

3. Ellen White said:"To obey the commandments of God is the only way to obtain (earn) His favor." Ellen G. White, Testimonies, Vol. 4, p. 28

4. Ellen White said: "It means eternal salvation to keep the Sabbath holy unto the Lord... 'Them that honor Me I will honor.' 1 Samuel 2:30" — Ellen G. White, Testimonies for the Church, Vol. 6, p. 356

Pansinin mo 'yung #4 dito na naging super specific si Ellen White. Hindi na lang "Ten Commandments" in general; pini-point na niya ang Sabbath. Sabi niya, may kaakibat na eternal salvation ang Sabbath-keeping.

Ito ang medyo nakakatakot na logic ng system nila:

1) Obedience = condition ng eternal life.
2) Obedience sa Ten Commandments = condition ng salvation.
3) Obedience = tanging way para "mabili" o makuha (earn) ang pabor ng Diyos.
4) Specifically, Sabbath-keeping = eternal salvation.

Ang bottom line: Kung hindi ka nag-Sabbath, wala kang eternal salvation. 'Yan ang direktang conclusion ng sarili niyang mga salita. Hindi 'to imbento ng mga critics; ito ang official teaching ng propeta nila.

Pati 'yung paggamit niya ng 1 Samuel 2:30 ("Them that honor Me I will honor") ay classic case ng textual hijacking. Ginamit niya 'yan para sabihing ang Sabbath-keeping ang way para i-honor ang Diyos at ang "reward" ay eternal salvation. Pero if you read the context, tungkol 'yan sa pagbagsak ni Eli sa pagdisiplina sa mga anak niya isang historical judgment sa pamilya ng mga pari. Hindi 'yan promise ng salvation para sa mga Sabbath-keepers. Nilagay lang niya sa isang theological framework na wala naman doon sa original text.


Ang "Perfection" Standard: Kaya Mo Ba?

Consistent din ito sa iba pa niyang sinulat na talagang bibigyan ka ng pressure:
  • The Great Controversy, p. 425: Sabi niya, 'yung mga buhay pa kapag natapos na ang intercession ni Christ sa sanctuary ay kailangang tumayo sa harap ng banal na Diyos nang walang mediator. Spotless dapat ang character mo.

  • Christ’s Object Lessons, p. 310: Babalik lang daw si Christ kapag ang character Niya ay perfectly reproduced na sa Kanyang bayan.

  • Testimonies, Vol. 5, p. 214: Walang makakatanggap ng "seal of God" hangga't may "spot or stain" pa ang character.
Ito ang kabuuan ng system nila: obedience as a condition, Sabbath-keeping as salvation, earning God's favor, at character perfection as the finishing line. Basically, sinasabi nilang hindi sapat ang dugo ni Jesus. Kailangan mo pang dagdagan ng sarili mong effort at obedience para ma-secure ang ticket mo sa langit.

Sabi ni Pablo sa Galacia 1:8, kahit anghel pa ang magturo ng ibang ebanghelyo bukod sa itinuro na nila, "let him be accursed."


Ang Big Question: Bakit Hindi Ito Alam ng Maraming SDA Members?

Straight talk tayo dito. Kung tatanungin mo ang ordinaryong miyembro sa SDA church tuwing Sabado kung "condition" ba ng salvation ang pagsunod, malamang sasabihin nila, "Hindi! Saved by grace kami! Bunga lang ang obedience!"

Doon ang malaking problema. Hindi nila alam ang sinulat ng propeta nila. At hindi 'yan accident; pinipigilan ng SDA leadership na lumabas ang mga statements na 'to.


Bakit nila itinatago?

1) Selective Quoting: Pinipili lang 'yung mga "grace-friendly" quotes para sa pulpito at social media. 'Yung mga "obedience is a condition" quotes? Nakatago sa likod ng bookshelf.

2) Reframing: Kapag na-corner ang isang pastor, sasabihin nilang, "Iba ang meaning ni Sister White diyan, kailangan ng context." Pero, ang salitang "condition" at "earn" ay malinaw sa English. Hindi mo 'yan pwedeng i-twist para maging "fruit" lang.

3) Theological PR: Sa labas, ang "image" na pino-promote nila ay mainstream evangelical (saved by grace). Strategy 'to para matanggap sila ng ibang Christians habang itinatago ang tunay na katuruan ng "Spirit of Prophecy."


Ang Nakakaawa: Ang mga Rank-and-File Members

Ito ang pinaka-heartbreaking. Ang daming tapat at mabubuting tao sa SDA na biktima lang ng institutional deception. Sincere silang nagmamahal sa Diyos, pero niloloko sila ng leadership nila.

Kahit sabihin nilang "saved by grace" sila, deep inside, nandoon ang takot. Takot sa Investigative Judgment, takot na baka may "spot" pa ang character nila, takot na baka hindi sila sapat. Kaya marami sa kanila ang hindi makatulog nang maayos o walang assurance. Ang tawag diyan ay spiritual burnout.

Sabi ni Jesus sa Mateo 11:28, "Come to me, all who labor and are heavy laden, and I will give you rest." Ang sagot ng Bibliya ay si Jesus; ang sagot ng SDA leadership ay "Mag-obey ka pa lalo."

TANONG #2:

"Sa SDA po ba, kung ang tao ay huminto sa pagsunod ng utos bago siya mamatay, ay di na ligtas?"

SAGOT:

Sa system nila, technically, oo hindi ka na ligtas. Dahil sa Investigative Judgment doctrine nila, simula 1844, "ino-audit" daw ng Diyos ang records mo. Kung sa huling moment ng buhay mo ay nag-fail ka o tumigil ka sa pagsunod (lalo na sa Sabbath), ang pangalan mo ay pwedeng mabura sa Book of Life.

Walang assurance sa ganyang system. Laging may "pero."
  • "Saved ka... pero nag-Sabbath ka ba?"
  • "Saved ka... pero kumain ka ba ng baboy?"
  • "Saved ka... pero perpekto na ba ang character mo?"
Ikumpara ito sa sinasabi ng Bibliya:

Ellen White / SDA SystemBibliya (The Truth)
Obedience = Condition ng salvationGrace through faith = Sapat na (Eph. 2:8-9)
Sabbath-keeping = Eternal salvationEternal life = Gift sa nanampalataya (Juan 5:24)
Pabor ng Diyos = Kailangang "kitain" (Earn)Ang pabor (Grace) ay regalo, hindi kinikita
Character Perfection = Ang goal para maligtasKay Cristo, tayo ay perpekto na sa harap ng Ama (Heb. 10:14)
Walang Mediator sa huling sandaliSi Jesus ay laging buhay para mag-intercede (Heb. 7:25)
Sabi ni Jesus sa Juan 5:24, ang sinumang nakikinig at sumasampalataya ay mayroon nang (present tense) buhay na walang hanggan. Hindi "magkakaroon kapag nakapasa sa audit." Mayroon nangayon na.

'Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan." Juan 5:24 RTPV05

Bottom line: Ang dugo ni Cristo ay hindi lang "down payment." Ito ay FULL PAYMENT. Noong sinabi ni Jesus na "Tetelestai" (It is finished), ibig sabihin tapos na ang bayad. Hindi mo na kailangang dagdagan ng Sabbath attendance o ng sarili mong kabanalan para tanggapin ka ng Ama.

Nakatayo tayo sa harap ng Diyos hindi dahil sa track record natin, kundi dahil sa track record ni Jesus.

Call to Action: 

Kung pagod ka na sa kaka-obey para lang makasigurong ligtas ka, bitawan mo na 'yan. Lumapit ka kay Jesus. Siya ang iyong tunay na Sabbath at Kapahingahan. Magtiwala ka na sapat ang Kanyang dugo para sa lahat ng kasalanan mo noon, ngayon, at bukas.

FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

Former Adventists Philippines Association, Inc 

SEC Registration No: 2025090219381-03 


For more inquiries, contact us:


Email: formeradventist.ph@gmail.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph 


Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.


GCash: 0969-514-3944

PayPal: paypal.me/formeradventistsph

Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos

No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

BIBLE STUDY Q&A: "Hindi Sapat ang Dugo ni Cristo Ayon sa False Prophet ng mga Sabadista!"

TANONG #1: "Sa tagal n'yo pong SDA dati, talaga po bang ang standing ng SDA ay requirement ang obedience ng laws para maligtas?...

MOST POPULAR POSTS