Wednesday, April 15, 2026

APOLOGETICS BIBLE STUDY Q&A: "Si Josephus at ang Taong Nagbago ng Kasaysayan"

TRIVIA: Alam mo ba na pati ang isang Jewish historian na hindi naman Kristiyano, apostol, o tagasunod ni Jesus ay sumulat tungkol sa Kanya? Inilarawan niya si Jesus bilang isang 'matalinong tao' at gumagawa ng mga 'kahanga-hangang gawa'.

Siya si Flavius Josephus, isang Jewish general at historian noong unang siglo. Sa kanyang akdang Antiquities of the Jews (Book 18), makikita ang isa sa pinakamatibay na extrabiblical evidence tungkol kay Jesus ng Nazareth. 

Real talk?
Hindi mo kailangang maging Kristiyano para aminin na si Jesus ay totoong umiral sa kasaysayan.

Q: 'Wait, fake news ba 'yung Testimonium Flavianum? Ang sabi kasi, dinagdagan lang 'yan ng mga Kristiyanong scribe at hindi talaga original na galing kay Josephus.

A: Valid scholarly concern ’yan, and to be fair, pinag-uusapan talaga ’yan ng mga experts. Pero teka lang, hindi ’yan ang buong kwento.

Totoo naman na may interpolation sa ilang parts ng Testimonium Flavianum. Ibig sabihin, may mga Christian copyists na malamang na 'nag-update' ng text at nag-insert ng mga words gaya ng 'He was the Christ' sa original manuscript ni Josephus.Pero narito ang nagpapalinaw:

Una sa lahat, kahit 'yung mga kilalang skeptical scholars like John Meier, Gerd Theissen, and Louis Feldman ay naniniwala na may 'authentic core' sa text na 'yan. In short, hindi siya 100% gawa-gawa lang.

Pangalawa, tingnan natin ’yung Arabic version ni Josephus na na-preserve ni Agapius, isang historian noong 10th century. Mas 'neutral' ang tono nito wala ’yung mga obvious na Christian claims pero heto ang sinasabi niya:

"At nang mag-ulat si Pilato na siya ay crucified at namatay, ang mga naunang naging kanyang disciples ay hindi tinatalikuran ang kanilang pagmamahal sa kanya."

Ito ’yung tinatawag nating criterion of embarrassment at multiple attestation. Isipin mo: kung ang layunin ng isang Kristiyano ay gumawa lang ng kuwento, hindi siya magsusulat ng 'neutral' o kulang na description. He would go all out! Ang pagiging simple ng text ay patunay na hindi ito basta gawa-gawa lang.

Pangatlo, may isa pang mention kay Jesus sa Antiquities Book 20. Dito, tinukoy ni Josephus si James bilang 'kapatid ni Jesus na tinatawag na Kristo.' Halos lahat ng scholars, maging ang mga sekular, ay naniniwalang authentic ito. Bakit? Dahil isa lang itong 'side-mention.' Walang dahilan ang isang Kristiyano na isingit lang ito nang ganoon ka-simple kung layunin nilang mandaya.

Q: "Pero kahit sabihin nating totoo iyan, 'wise man' lang sinabi ni Josephus. Hindi naman niya sinabi na Diyos si Jesus o Panginoon. So, paano mo gagamitin ito para sa apologetics?"

A: Mismo! Tama ka diyan, at ’yan talaga ang main point natin.

Hindi naman layunin ng mga extrabiblical evidence na i-replace ang Biblia bilang foundation ng faith natin. Ang role lang nila ay maging corroboration o external confirmation ng mga biblical truths.

Ano ang sinasabi sa atin ni Josephus?

Bilang isang Jewish nationalist na hindi naniniwala na si Jesus ay Messiah, ang pagtawag niya kay Jesus na "wise man" (sophos aner) at "doer of wonderful works (paradoxon ergon poietes)" ay isang remarkable admission dahil:

Una, ginamit ni Josephus ang salitang paradoxon, kung saan galing ang 'paradox.' Ang ibig sabihin nito ay mga gawang beyond natural expectations. Malinaw na hindi lang basta ordinaryong healer ang dine-describe niya rito.

Pangalawa, 'yung sinabi niyang 'He won over many Jews and many of the Greeks', ay patunay na malayo talaga ang narating ng ministeryo ni Jesus historically, at sinabi niya ito nang walang theological bias.

Pangatlo, 'yung katotohanan na pinayagan ni Pilato ang pagbitay sa Kanya ay patunay na ito ay isang Roman judicial execution. Isa itong historical fact na kinikilala ng lahat ng mga major historians.

Isipin mo 'to: kung ang isang Jewish historian na may sapat na dahilan para i-ignore si Jesus ay hindi pa rin Siya magawang i-deadma sa record niya, ano ang ibig sabihin niyan para sa atin?

Ang impluwensya ni Jesus ay hindi maitatago. Kahit ng mga taong ayaw sa Kanya.

Q: "Ang sabi ng atheist friend ko, ‘Bakit ka pa naniniwala sa Biblia kung nandiyan naman si Josephus?’’ Paano ko kaya ito gagawing simula ng isang malalim at hindi de-kahon na usapan?"

A: Gamitin natin si Josephus bilang 'gateway to the conversation', pero huwag nating kalimutan na ang Biblia pa rin ang ating main foundation.

Ang pastoral advice ko ay ito: Gamitin mo si Josephus para sagutin 'yung tanong kung totoo bang nag-exist si Jesus, para ma-lead mo 'yung conversation sa mas malalim na part kung sino ba talaga si Jesus.

Ganito ang linya ng pagtatanggol:

"Ang argumentong ito ay hindi tungkol sa pagpili kung alin ang mas tama, kundi sa pagkilala sa kanilang magkaibang papel. Si Josephus ay nagbibigay ng historical context, habang ang Biblia ay nagbibigay ng spiritual content. Ang hamon ngayon ay lumipat mula sa intelektwal na pagtanggap (Jesus existed) patungo sa personal na pagpapasya: Tatanggapin mo ba ang Kanyang pagka-Panginoon?"

Hindi ito 'yung tinatawag na ipse dixit fallacy na parang 'blind faith' lang na totoo ang Biblia dahil sinabi nito. Ang ginagamit natin dito ay cumulative case apologetics. Pinagsasama-sama natin ang ebidensya ng kasaysayan, mga natupad na hula, testimonya ng mga saksi, at ang pagkabuhay muli ni Jesus para makabuo ng isang solid at buong argumento.


REAL TALK REFLECTION:

Let’s be real, may mga pagkakataon na ang faith natin ay parang dinudurog ng pagdududa. Hindi lang galing sa mga atheist friends natin, kundi pati na rin sa loob ng sarili nating isipan. It’s that nagging question: "Totoo ba talaga ito? O baka naman maganda lang pakinggan pero gawa-gawa lang lahat?"

Sa mga moments na feeling mo ay shaky ang ground na kinatatayuan mo, isipin mo ito: si Josephus. Isa siyang Jewish historian na walang balak maging Kristiyano. In fact, as someone loyal to Rome and his heritage, he had every reason to just ignore Jesus. Pero even he couldn’t help it; sinulat niya ang pangalan ni Jesus bilang isa sa mga pinaka-influential na tao sa kasaysayan.

Hindi natin kailangan si Josephus para patunayan ang resurrection; ang Kasulatan ang sapat na nating ebidensya para doon. Pero ang record ni Josephus ay patunay na ang Diyos ay sadyang soberano. He makes sure that the world knows His Son, kahit sa pamamagitan ng mga taong hindi naman nagnanais na manampalataya sa Kanya. In the grand design of history, God uses even the skeptics to point people back to the Truth.

Kahit ang isang "hostile witness" tulad ni Josephus, nang hindi niya namamalayan, ay naging bahagi ng dakilang testimonya ng Diyos sa buong mundo.

"Maaalala ng lahat ng mga dulo ng lupa, at sa Panginoon ay manunumbalik sila; at lahat ng mga sambahayan ng mga bansa ay sa harapan mo magsisamba." MGA AWIT 22:27

Call to Action:

Kapag inatake ka ng doubts, don’t run away. Face the facts and the history head-on. Hayaan mong ‘yung mga ebidensiyang itinanim ni Lord sa mundo ang mag-lead sa’yo pabalik sa Kanyang Salita. Today, pray na gamitin ng Diyos ang buhay mo pati na ‘yung mga tanong mo para mas lalo kang kumapit at magtiwala kay Jesus.

CROSS-EXAMINATION QUESTIONS:

  1. Kung fake news lang ang buhay ni Jesus, bakit pati 'yung mga kaaway Niya 'yung mga Romano at Judio na gustong burahin ang pangalan Niya, hindi dine-deny na nabuhay Siya? Galit sila sa claims niya, pero never nilang kinuwestiyon ang existence niya.

  2. Isipin mo 'to: Si Josephus may sapat na political at religious reasons para i-ignore o siraan si Jesus, pero pinili pa rin niyang sumulat nang maayos tungkol sa Kanya. So, let’s be honest, sino ba talaga ang may 'bias' dito: ang historyador na si Josephus o ikaw?

  3. Naniniwala ka na nag-e-exist sina Julius Caesar, Alexander the Great, at Socrates kahit 'yung sources natin tungkol sa kanila ay isinulat centuries after na nila. Pero pagdating kay Jesus, na mas marami at mas malapit ang records, biglang nag-iiba ang standard mo. Bakit Siya lang ang kailangang dumaan sa butas ng karayom?


Para sa mas malalim na pag-aaral, basahin ang: Josephus, Antiquities of the Jews, Book 18.3.3 (Testimonium Flavianum); John P. Meier, A Marginal Jew: Rethinking the Historical Jesus; Gary Habermas, The Historical Jesus.



FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

Former Adventists Philippines Association, Inc 

SEC Registration No: 2025090219381-03 


For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph 

Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.

GCash: 0969-514-3944

PayPal: paypal.me/formeradventistsph

Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos



No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

Not a Day, But a Person: The Shocking Truth About God’s Rest by Ptr. Ely Sembrano

  From the very beginning of Scripture, a mystery has been quietly unfolding hidden in plain sight, yet often misunderstood. It begins in ...

MOST POPULAR POSTS