Q1: Ang Sabbath daw ay "banal na araw" mula pa sa Creation (Exodo 20:11). Hindi ba ito universal law para sa lahat ng tao?
Una, hindi daw sinasabi ng mga SDA na ang 'tamang araw ng pagsamba' ay Sabado lang, kundi ang Sabbath ay hindi lamang basta araw ng pagsamba ito ay isang banal na araw sa Panginoon. Kaya nangingilin ang mga SDA sapagkat ito ay banal na araw mula pa sa Creation. Sa Exodo 20:11, sinabi na sa loob ng anim na araw ginawa ng Panginoon ang langit at lupa at nagpahinga sa ikapitong araw, kaya binasbasan Niya ito at ginawang banal.
Fact-Check: Ayon sa New Covenant Theology, ang Sabbath ay hindi isang "Creation Mandate" para sa lahat ng tao, kundi isang sign ng Mosaic Covenant na ibinigay eksklusibo para sa Israel. Bagama't nagpahinga ang Diyos sa Genesis 2, walang utos sa Bibliya na nagpapakita na ang mga tao (mula kay Adan hanggang kay Moises) ay nangingilin ng Sabbath. Sa Exodo 31:13-17 at Ezekiel 20:12, malinaw na sinabi ng Diyos na ang Sabbath ay "tanda" (sign) sa pagitan Niya at ng mga anak ni Israel.
"Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo. Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: bawa't lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka't sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan. Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa't ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath, ay walang pagsalang papatayin. Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan. (Exo 31:13-17 Tagalog AB)
"Sa gayo'y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang. At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon. Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila." (Eze 20:10-12 Tagalog AB)
Bilang mga Kristiyano sa ilalim ng New Covenant, ang ating kapahingahan ay hindi na isang 24-hour cycle, kundi ang mismong person ni Jesu-Kristo (Mateo 11:28).
Q2: Sabi ng SDA, ang pag-Sabbath daw ay "bunga" (fruit) lang ng kaligtasan at hindi requirement. Okay lang ba 'to?
Pangalawa, hindi daw nagtuturo ang SDA na ang kaligtasan ay nakadepende sa pag-Sabbath. Naniniwala kami na ang kaligtasan ay sa biyaya lamang, at ang pagsunod sa utos (gaya ng Sabbath) ay bunga (fruit) lamang ng kaligtasan. Sabi nga daw sa SDA Fundamental Belief No. 19, page 269: 'Salvation is all of grace and not of works, and its fruit is obedience to the commandments.'
Fact-Check: Mukhang evangelical pakinggan, pero ito ay isang anyo ng backdoor legalism. Kung sasabihin mong ang "tunay na mananampalataya" ay dapat sumunod sa Sabbath bilang "bunga," ginagawa mo pa ring sukatan ng spirituality ang isang anino ng Lumang Tipan. Sa New Covenant, ang "fruit of the Spirit" (Galatians 5:22-23) ay hindi kasama ang Sabbath-keeping.
"Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan." (Gal 5:22-23 Tagalog AB)
Ang tanging "utos" na binibigyang-diin sa Bagong Tipan ay ang Law of Christ ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa (Juan 13:34). Ang pilit na pagbabalik sa Sabbath bilang "fruit" ay pagbabalik sa anino ("hindi ang tunay na larawan ng mga bagay" Heb. 10:1) at pamatok ng kautusan na pinalaya na tayo ni Kristo.
"Datapuwa't ngayon tayo'y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo'y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat." (Rom 7:6 Tagalog AB)
Ayon sa Roma 7:4, nagbubunga lamang ang buhay ng isang Kristiyano kapag siya’y nakalaya na mula sa kautusan. Hangga’t nakakabit pa roon, walang tunay na bunga:
"Gayon din naman, mga kapatid ko, kayo'y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo'y makisama sa iba, sa makatuwid baga'y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo'y magsipagbunga sa Dios." (Rom 7:4 Tagalog AB)
Q3: Totoo bang "ceremonial sabbaths" lang ang tinutukoy sa Colossians 2:16 at hindi ang weekly Sabbath?
Pangatlo, ginamit nitong SDA ang Colossians 2:16-17 para sabihin na ang Sabbath ay lumipas na. Pero sa mismong chapter na 'yan, ang pinag-uusapan ay hindi ang weekly Sabbath kundi ang mga ceremonial laws yung mga 'palatuntunan' na sulat-kamay lang ng tao at hindi sulat ng Diyos mismo.
Fact-Check: Ito ay isang maling interpretasyon ng mga Sabadista. Sa Colossians 2:16, ginamit ni Pablo ang standard OT sequence: "kapistahan (yearly), bagong buwan (monthly), o araw ng Sabbath (weekly)." Ang terminong Griyego na sabbata (plural) ay ang mismong salitang ginamit sa Septuagint para sa weekly Sabbath. Kung susundin ang logic ng SDA na "ceremonial" lang ito, lalabas na ang buong listahan ay redundant. Ang punto ni Pablo: Ang lahat ng Jewish holy days kasama ang weekly Sabbath ay mga anino (shadows) lamang na natupad na kay Kristo (v. 17). Nilinaw ni Paul sa Galacia na kabilang sa mga anino ng kautusan na hindi na dapat ipangilin ay ang ‘mga araw.’ Wala nang lusot ang SDA dito diretsong tinamaan ang kanilang Sabbath doctrine.
"Ipinangingilin ninyo ang mga araw, at mga buwan, at mga panahon, at mga taon. Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan." (Gal 4:10-11 Tagalog AB)
Q4: Ano ang masasabi mo sa argument na "sulat-kamay ng tao" (Col 2:14) vs "daliri ng Diyos" (Exodo 31:18)?
Sa Colossians 2:14, ang 'pinalawi' o ipinako sa krus daw ay ang 'sulat-kamay' (handwritten) na laban sa atin. Ang Sabbath ay bahagi ng Ten Commandments na isinulat ng daliri ng Diyos (Exodo 31:18) sa mga tabletang bato, hindi sulat-kamay ng tao.
Fact-Check: Ang distinction na ito ay artificial at wala sa Bibliya. Ang cheirographon (handwritten record) sa Colossians 2:14 ay tumutukoy sa "certificate of debt" o ang ating listahan ng kasalanan laban sa kautusan ng Diyos. Hindi ito tungkol sa kung sino ang humawak ng panulat, kundi tungkol sa legal obligation na nagkokondena sa atin. Sa New Covenant Theology, ang buong Mosaic Law (kasama ang Ten Commandments) ay isang unit. Kapag sinabi sa 2 Corinto 3:7-11 na ang "nauukit sa mga bato" (ang Decalogue) ay isang "ministry of death" na "lumilipas na," malinaw na kasama rito ang Sabbath. Hindi dahil masama ang utos, kundi dahil mayroon na tayong mas higit na kaluwalhatian kay Kristo.
"Nguni't kung ang pangangasiwa ng kamatayan, na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas: Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu? Sapagka't kung ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian ang pangasiwang ukol sa katuwiran." (2Co 3:7-9 Tagalog AB)
Q5: Hindi ba talaga ebidensya ang Acts 20:7 at 1 Cor 16:2 para sa Sunday worship?
Ginamit din nitong SDA ang Acts 20:7 para sabihin na naging Sunday na ang Sabbath, pero sa context daw ng Acts 20, hindi sinabi na binago ng Diyos ang araw ng Sabbath o ginawa itong araw ng pangilin.
Fact-Check: Habang totoo na ang mga talatang ito ay hindi direktang nag-uutos na "palitan" ang Sabbath, ipinapakita nito ang shift ng practice ng Early Church. Nagtitipon sila sa First Day of the Week dahil ito ang araw ng Pagkabuhay ni Kristo (Resurrection). Sa NCT, hindi natin "pinalitan" ang Sabado ng Linggo; sa halip, ang concept ng "araw ng pangilin" ay natapos na. Araw-araw ay banal sa Panginoon (Roma 14:5-6).
"May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip. Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios." (Rom 14:5-6 Tagalog AB)
Ang Linggo ay naging special day ng fellowship hindi dahil sa utos ng kautusan, kundi dahil sa pagdiriwang ng bagong simula (New Creation) kay Kristo.
Ang malinaw na patotoo mula sa mismong mga aklat ni Ellen G. White at sa opisyal na Ministry Magazine (Abril 1962) ay nagsasabing ang “breaking of bread” sa Acts 20:7 ay tumutukoy sa Lord’s Supper/Communion. Kaya kapag may SDA pastor na nagsasabing hindi ito Communion, taliwas iyon sa kanilang sariling propeta at sa opisyal na aral ng denominasyon:
Sketches From the Life of Paul (1883), p. 197
“They partook of the communion, and then Paul continued his discourse till the dawn of day.”
Malinaw na tinukoy ni Ellen White na ang “breaking of bread” ay Communion. Ito pa isa:
Ministry Magazine (Abril 1962): “The Breaking of Bread in Acts 20:7–11”
Direktang babala: “However sincere they may have been in using this counter argument, it is a mistaken one in so far as Seventh-day Adventist teaching is concerned.”
Dagdag pa: “For many years standard Seventh-day Adventist teaching has been that Paul and the believers at Troas did partake of the Communion on the occasion referred to in Acts 20:7–11.”
Binanggit pa mismo ang mga aklat ni Ellen White bilang patunay (Sketches From the Life of Paul, p. 197; Acts of the Apostles, p. 391).
Real Talk Reflection:
"Sapagkat ang dulo ng Kautusan ay si Kristo sa ikatutuwid ng bawat nananalig." Roma 10:4
Call to Action: Huwag hayaang itali ang iyong konsensya sa mga anino ng nakaraan. Magpahinga ka sa ginawa ni Kristo, hindi sa iyong sariling pagtupad sa mga araw.
FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
Former Adventists Philippines Association, Inc
SEC Registration No: 2025090219381-03
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.
• GCash: 0969-514-3944
• PayPal: paypal.me/formeradventistsph
• Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos

No comments:
Post a Comment