APOLOGETICS BIBLE STUDY Q&A: Apostolic Succession: Heritage o Hype?
Sa kultura nating mga Pinoy, mahilig tayo sa "heritage" at "lineage." Mas kampante tayo kapag ang isang negosyo, political dynasty, o kahit ang isang brand ay may mahabang kasaysayan, ‘yung tipong “proven and tested.” Ganito rin ang mentality sa usapin ng Apostolic Succession. Marami ang naniniwala na ang One True Church ay kailangang may “unbroken chain” mula pa noong panahon ng mga apostol hanggang ngayon.
Pero, real talk lang: ang succession ba ng mga lider ang tunay na sukatan ng pagiging "True Church"? O baka naman nakakaligtaan natin ang mas malalim na definition ng pagiging apostolic?
Ang Alamat ng "Unbroken Chain"
Ang argument nila ay simple: noong namatay si Judas, pinalitan siya ni Matthias (Acts 1:21–22). Ang pagpapatong ng kamay (ordination) ay naging pattern nina Paul at Timothy at iba pang church leaders. They passed the torch. Ang claim: kung hindi mo matatahi ang lineage mo pabalik sa mga apostol via bishops, hindi ka tunay na simbahan.
Dito madalas nakasalalay ang authority ng mga tradisyunal na institusyon (like the Roman Catholic or Eastern Orthodox Church). Sinasabi nilang sila ang "True Church" dahil ang kanilang hierarchy ay direct line mula sa mga apostol.
Pero heto ang problem: it’s a circular argument.
The Circular Trap
Para patunayan ng isang institusyon na sila ang True Church, kailangan nilang patunayan na ang kanilang lineage ay “valid.” Pero para masabing “valid” ang lineage na ‘yun, kailangan mo munang tanggapin na sila ang True Church.
Sila ang True Church kasi sila ang may apostolic succession. Bakit valid ang apostolic succession nila? Kasi sila ang True Church.
Nakikita niyo ba? Pabalik-balik lang. Wala silang labas na standard para i-verify ang sarili nila kung hindi nila ipinagpapalagay (presupposition) na sila na nga ang True Church mula sa umpisa.
Ano ba ang Sinasabi ng Early Church Fathers?
Kung babalikan natin ang history at hindi lang ang tradition, makikita natin na ang mga Church Fathers gaya nina Clement at Irenaeus ay hindi nagpo-point sa "organizational chart" para hanapin ang True Church.
Noong nagsulat si Clement of Rome sa Corinth, ang concern niya ay hindi "institutional succession" para sa prestige. Ang point niya: naging faithful at blameless ba ang service ng mga lider na ‘yun? Ang pagiging successor ng apostol ay nakabase sa fidelity to their teaching, hindi sa pagiging part ng isang unbroken chain.
Si Irenaeus naman, noong tinutukoy niya ang mga bishop, ang concern niya ay ang Rule of Faith at ang gospel message mismo. Ang gusto niyang malaman ng mga tao ay kung saan makikita ang truth. Ang succession ng mga bishop ay nagsilbing "proof of authenticity" para sa doktrina, hindi para sa "institution."
Ang pagiging Apostolic ay hindi tungkol sa kung sino ang nag-appoint sa iyo. Ito ay tungkol sa kung ang message mo ay tugma sa turo ng mga Apostol sa Kasulatan. Kung ang message ay iba na sa gospel, kahit gaano pa kahaba ang "chain" mo, it’s not apostolic.
"Catholic" Ba Tayo?
Maraming Protestants ang allergic sa salitang "Catholic." Pero kung babalik tayo sa original meaning, ang "catholic" ay nangangahulugang universal o comprehensive.
Noong ginamit ng early church ang term na "catholic," ang tinutukoy nila ay:
1) Space and Time: Ang truth ay para sa lahat, sa buong mundo.
2) Completeness: Hindi kulang ang gospel na itinuturo. It covers the whole counsel of God.
History teaches us that the church is One not because of a human hierarchy, but because we are gathered around one Lord and one Gospel. Ang New Covenant Theology ay nagtuturo sa atin na ang union natin kay Kristo ang nagbibigay sa atin ng "identity," hindi ang pagiging member ng isang specific institution.
Mini Myth: “Ang Offices ng Apostle at Prophet ay tuloy-tuloy hanggang ngayon”
Madalas nating naririnig sa mga charismatic circles na may mga "Modern-day Apostles" o "Prophets." Pero heto ang real talk: noong unang panahon, ang mga Apostol ay mga eyewitness ng pagkabuhay na mag-uli ni Kristo. Foundational sila (Eph 2:20).
Sa ating Continuationist perspective, naniniwala tayo na ang mga gifts ay nagpapatuloy (healing, prophecy as sharing God's truth, etc.), pero ang office ng Apostle bilang foundational layer ng church ay tapos na. Hindi na sila puwedeng palitan kasi hindi na tayo eyewitnesses ng resurrection ni Jesus in the same sense na sila ay eyewitnesses. Ang foundation ay nailatag na; tayo na lang ang nagtatayo sa ibabaw nito.
Visible vs. Invisible Church
Dito tayo madalas malito.
- Visible Church: Ito ‘yung local church niyo, ‘yung mga taong nakikita mong nagwo-worship, nag-a-attend ng service, at nagpapa-participate sa ordinances
- Invisible Church: Ito ang true body of believers mula noon hanggang ngayon; kilala lang sila ng Diyos na nakakaalam kung sino ang mga tunay na mananampalataya. (Matt 7:21–23; 2 Tim. 2:19).
Ang mga Protestante ay hindi parte ng "institutional chain" ng Rome, pero hindi ibig sabihin ay hindi tayo "true church." Ang tunay na Church ay ang body of Christ na nakakapit sa Gospel. Hindi kailangan ng chain of ordination para maging "True"; kailangan lang ng faith in the Jesus of the Bible.
Application: Ano ang dapat nating gawin?
1) Validate via Content, Not Structure: Huwag nating hanapin ang "True Church" sa listahan ng mga obispo o sa haba ng lineage. Hanapin natin sa doktrina. Ang gospel ba ang sentro? Itinuturo ba ang pure grace ng Diyos na hindi base sa ating gawa?
2) Boldness in the Gospel: Dahil alam nating "catholic" (universal) ang truth, maging bold tayo. Hindi natin kailangan ng "official seal" mula sa isang global institution para maging legitimate ang ministry natin. Ang legitimacy natin ay galing sa Panginoong Hesus na siyang ulo ng Simbahan.
3) Hold onto the Faith: Ang apostolicity ay nakadikit sa Apostol na siyang nagdala ng salita ng Diyos. Hangga’t hawak natin ang Bibliya at ipinapangaral natin ang tunay na Gospel, tayo ay apostolic.
Sa huli, hindi "chain of command" ang nagliligtas sa atin, kundi ang Jesus na ipinangaral ng mga Apostol. Iyan ang heritage na dapat nating ipagmalaki.
FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
Former Adventists Philippines Association, Inc
SEC Registration No: 2025090219381-03
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.
• GCash: 0969-514-3944
• PayPal: paypal.me/formeradventistsph
• Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos
No comments:
Post a Comment