Wednesday, August 5, 2026

"Paano Ginugulo ng mga Sabadista ang Roma 10:4: Christ is the End of the Law!"



TANONG:
Claim ng isang Seventh-day Adventist (SDA) debater na sa Roma 10:4 ("Christ is the END of the law"), 'yung word na nomos (kautusan) ay tumutukoy lang sa ceremonial laws at hindi kasama ang Sampung Utos. Ginamit niya 'yung Hebreo 8:13 at Hebreo 9:1–3 para patunayan na 'yung "Lumang Tipan na lumipas" ay 'yung sanctuary at ceremonial practices lang. Tama ba 'yung kaniyang hermeneutics at exegesis?

SAGOT: Maling-mali. 'Yung argumentong ito ng SDA debater ay isang classic at hayagang halimbawa ng Proof-texting Fallacy, Arbitrary Bifurcation (Two-Laws Fallacy), at Deceptive Contextual Truncation (Fallacy of Suppressed Evidence).

Para pagtakpan 'yung malinaw na itinuturo ng author ng Book of Hebrews, pinutol niya 'yung pagbasa sa Hebreo 9 at sapilitang ipinasok 'yung hinalong philosophy ng SDA na may "dalawang magkaibang kautusan."

Narito ang point-to-point historico-grammatical at exegetical refutation sa kaniyang mga argumento.

1. Debunking the "Two Laws Theory": Ang Isang Buong Nomos (613 Mitzvot)

Ginamit ng SDA debater 'yung Greek word na νόμος (nomos) at sinabing "Hindi ito agad tumutukoy sa Ten Commandments… ito ay ang ceremonial laws."

Sa Jewish mindset at sa buong context ng Bagong Tipan, ang kautusan o Torah (תּוֹרָה) ay isang buong legal system na binubuo ng 613 mitzvot (commandments). Kabilang dito ang moral (10 Utos), civil, at ceremonial laws.

Wala kang makikitang chapter sa Bible kung saan hinati ni Pablo o ng mga Judio 'yung Law of Moses at Law of God sa dalawang magkahiwalay na legal code na gumagana nang hiwalay sa isa't isa. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila nasasagot 'yung challenge ko na magpakita ng verse.
  • Galacia 5:3: Malinaw na sinabi ni Pablo: "Pinatotohanan kong muli sa bawat taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan (holon ton nomon)."
  • Santiago 2:10–11: "Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat." Sa lahat ng 613 laws na ito ng Mosaic Law, including the Ten Commandments.
Isipin mo 'yung isang employment contract na may 613 clauses. Ang Clause 1 hanggang 10 ay 'yung mga main rules. Kapag sinabi ng company na "Cancelled na 'yung lumang contract," puwede mo bang sabihin na: "'Yung clause 11-613 lang ang na-cancel, pero 'yung clause 1-10 ay hiwalay na contract kaya valid pa rin"? Hindi! Kapag na-nullify 'yung contract, 'yung buong package ang na-a-annul.

Ang paghahati sa nomos (613 commandments including the 10 commandments) para i-protect 'yung 10 Utos habang itinapon 'yung ceremonial law ay isang man-made division na walang exegetical foundation sa Roma 10:4.


2. Ang Deceptive Contextual Truncation: Huling Huli sa Hebreo 9:1–4!

Para mapatunayan na 'yung "Lumang Tipan na lumipas" (Hebreo 8:13) ay ceremonial law lang, binasa nung SDA debater 'yung Hebreo 9:1–3:

"Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Diyos at ng kaniyang santuario, ang santuario ng sanglibutang ito. Sapagka't inihanda ang isang tabernakulo, ang una, na kinaroroonan ng kandelero, at ng dulang, at ng mga tinapay na handog; na siyang tinatawag na Dakong Banal. At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan." (Heb 9:1-3 Tagalog AB)

Pagkatapos basahin 'yung verse 3, bigla niyang itinigil at pinutol 'yung pagbasa! Bakit? Kasi kapag itinuloy mo sa Verse 4, mawawasak 'yung buong theology ng Seventh-day Adventist!

Basahin at suriin natin 'yung kasunod na verse na sadyang iniwasan nung SDA debater sa kaniyang pagbasa:

Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana, at tungkod ni Aaron na namulaklak, at mga tapyas na bato ng tipan  (kai ai plakes tes diathekes)." (Heb 9:4 Tagalog AB)

Exegesis ng Hebreo 9:4

Ano ang ibig sabihin ng "mga tapyas na bato ng tipan" (tables of the covenant) na nasa loob ng Kaban ng Tipan (Ark of the Covenant)?

Ito ay walang iba kundi ang SAMPUNG UTOS!

"At kaniyang ibinigay kay Moises, pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai, ang dalawang tapyas ng patotoo, na mga tapyas na bato, na sinulatan ng daliri ng Dios." (Exo 31:18 Tagalog AB)

"Nang ako'y sumampa sa bundok upang tanggapin ang mga tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan na ginawa ng Panginoon sa inyo, ay natira nga ako sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig." (Deu 9:9 Tagalog AB)

"Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa lupain ng Egipto."(1Ki 8:9 Tagalog AB)

Sa Hebreo 8:13, sinabi na ang Unang Tipan ay "tumatanda ay malapit nang lumipas."

"Doon sa sinasabi niya, isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas." (Heb 8:13 Tagalog AB)

Sa Hebreo 9:1–4, inilista ng author kung ano-ano ang nakapaloob doon sa Unang Tipan. Kasama sa inilista niyang nakapaloob sa lumipas na Unang Tipan 'yung Kaban ng Tipan tsaka 'yung dalawang tapyas ng bato na naglalaman ng Sampung Utos!


Sa pagputol ng basa sa verse 3 at pag-iwas sa verse 4, gumamit 'yung debater ng dishonest proof-texting na methodology.

Kung gagamitin natin 'yung mismong logic nung SDA debater na "Ang inilista sa Hebreo 9 ang siyang Unang Tipan na lumipas," at kasama sa Hebreo 9:4 'yung mga Tapyas ng Sampung Utos, lumalabas sa kaniyang sariling argumento na 'yung Sampung Utos ay kasama sa Unang Tipan na lumipas na! Nahulog 'yung SDA debater sa sarili niyang bitag.


3. Ang Tunay na Kahulugan ng Telos sa Roma 10:4

Ginamit nung debater 'yung Greek word na τέλος (telos) at isinalin bilang "termination" para sabihing na-terminate 'yung ceremonial law.

Sa Roma 9:30–10:4, ang topic ni Pablo ay kung paano itinuturing na matuwid ang tao sa harapan ng Diyos:

Ang Israel ay nagsumikap na magkaroon ng righteousness sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan (nomos), pero nabigo sila.

"Datapuwa't ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan. Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila'y nangatisod sa batong katitisuran." (Rom 9:31-32 Tagalog AB)

Si Cristo ang telos ng Kautusan. Ang telos dito ay may dalawang kahulugan sa Greek:
  1. Goal/Culmination (Layunin/Kasukdulan): Ang buong Kautusan (kasama ang 10 Utos) ay pointing to Christ. Siya ang katuparan nito (Mateo 5:17).

  2. Termination (Pagtatapos): Si Cristo ang katapusan ng Kautusan bilang paraan o sistema para makakuha ng righteousness para sa sinumang sumasampalataya.
Kapag ang isang student ay nakagraduate na at nakuha na 'yung kaniyang Diploma, 'yung mga rules nung elementary at high school ay nakarating na sa kaniyang telos (layunin at pagtatapos). Hindi na siya sakop ng lumang school handbook kasi nasa ilalim na siya ng rules ng kaniyang profession.

Hindi sinasabi ni Pablo sa Roma 10:4 na hiwalay 'yung 10 Utos sa ceremonial law. Ang itinuturo niya:  Ang Kautusan bilang isang tipan at sistema ng righteousness ay nagwakas na kay Cristo!


Knockout Cross-Examination Questions:

Eto ang tatlong matitinding tanong na maglalantad sa maling hermeneutics nung SDA debater:

1. Ang Tanong sa Binalaktad na Verse (Hebreo 9:4)

"Sa iyong pagtalakay sa Hebreo 8:13 at Hebreo 9:1–3, sinabi mo na 'yung Lumang Tipan na lumipas ay tumutukoy lang sa sanctuary at ceremonial laws. Bakit mo hininto at sadyang HINDI BINASA 'yung Hebreo 9:4, kung saan malinaw na sinasabi na sa loob ng Kaban ng Tipan ay naroroon 'yung 'mga tapyas na bato ng tipan' (tables of the covenant) o 'yung Sampung Utos? Kung 'yung buong context ng Hebreo 9 ang naglalarawan sa Unang Tipan na 'tumanda at lumipas,' paano mo masasabing hindi kasamang lumipas 'yung Sampung Utos na mismong nakasulat sa verse 4?"

2. Ang Tanong sa Unbreakability at Unity ng Nomos

"Saan sa buong Bagong Tipan hayagang sinabi ni Apostol Pablo na kapag ginamit niya 'yung Greek word na nomos, ay hinahati niya ito sa dalawa, na 'yung 10 Utos ay hiwalay sa natitirang 603 na utos ng Mosaic Law? Kung sinabi sa Galacia 5:3 na 'ang bawat taong nagpapatuli ay may tungkuling tuparin ang BUONG kautusan (holon ton nomon)', paano mo maipagtatanggol 'yung 'Two Laws Theory' mo gayong ang Bible mismo ang nagsasabi na ang Kautusan ay isang buo at hindi puwedeng paghihiwalayin?"

3. Ang Tanong sa Nakaukit sa Bato (2 Corinto 3:7–11 Parallel)

"Sa 2 Corinto 3:7–11, sinabi ni Pablo na ang ministry of death na 'nakatala at nakaukit sa mga BATO' (engravē en lithois) ay 'LUMIPAS' (katargoumenon) para palitan ng mas dakilang glory ng Bagong Tipan. Alam natin na 'yung ceremonial laws ay isinulat sa balat ng hayop/paper at HINDI sa bato, 'Yung 10 Utos LAMANG ang isinulat sa BATO. Paano mo gagamitin 'yung 'Two Laws Theory' para sabihing hindi lumipas 'yung 10 Utos, gayong 'yung mismong nakaukit sa BATO ang hayagang sinabi ng Bible na LUMIPAS NA?"

FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph 


Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.

GCash: 0969-514-3944

PayPal: paypal.me/formeradventistsph

Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos

No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

"Paano Ginugulo ng mga Sabadista ang Roma 10:4: Christ is the End of the Law!"

TANONG: Claim ng isang Seventh-day Adventist (SDA) debater na sa Roma 10:4 ("Christ is the END of the law") , 'yung word na n...

MOST POPULAR POSTS