Kamakailan lang, nabasa ko sa Facebook ang trending na mga post ng dalawang panig ng mga Sabadista na magkakaiba ang pananaw tungkol sa doktrina ng kaligtasan. Parehong Sabadista at sumusunod sa Sampung Utos ang dalawang grupong ito. Ang hindi nila pinagkakasunduan ay kung paano nga ba inililigtas ng Diyos ang isang makasalanan, ayon sa Bibliya. Ang pagtatalo ng mga Sabadista tungkol sa doktrina ng kaligtasan ay nagsimula pa noong huling bahagi ng dekada '60 at nagpapatuloy hanggang ngayon. Ang dalawang kampong nagtatalo ay sa pagitan ng mga "Tradisyunal na SDA" at "Progresibong SDA."
Ano ang pagkakaiba nila? Ang mga "Tradisyunal na SDA" ay yaong may mga konserbatibong pananaw sa mga itinuro ng mga orihinal na tagapagtatag ng SDA Church noong 1800s, lalo na ang kanilang katapatan at dedikasyon sa lahat ng mga isinulat ni Ellen G. White. Samantala, ang mga "Progresibong SDA" ay hindi na gaanong tapat sa mga isinulat ni Ellen G. White dahil para sa kanila, hindi siya isang inspiradong propeta kundi isa lamang inspirational author tulad ng iba pang mga ordinaryong at kilalang awtor. Kaya't ang doktrina ng kaligtasan ay apektado dahil sa magkaibang pananaw tungkol sa awtoridad ni Ellen G. White.
Mas idinidiin ng mga "Tradisyunal" ang perpektong pagsunod sa Kautusan dahil ito naman talaga ang mababasa sa ibang mga pahayag ni Mrs. White kung saan itinuturo niya na ang perpektong pagsunod sa kautusan ay isang kinakailangan upang maligtas. Narito ang ilan sa mga pahayag ni Mrs. White sa pananaw na ito:
Exhibit 1:
Tagalog:
"Ang pagsunod sa kautusan ng sampung utos ang siyang kailangan upang maligtas. Ito ang mismong hinihingi ng Diyos." (The Advent Review and Sabbath Herald, May 5, 1898)
Exhibit 2:
Tagalog:
"Kapag dumating na ang paghuhukom, at ang mga aklat ay ibinuklat, at ang bawat tao ay hahatulan ayon sa mga bagay na nakasulat sa mga aklat, kung gayon ang mga tapyas na bato, na itinago ng Diyos hanggang sa araw na iyon, ay ihaharap sa mundo bilang pamantayan ng katuwiran. Sa oras na iyon, makikita ng mga lalaki at babae na ang kinakailangan para sa kanilang kaligtasan ay ang pagsunod sa perpektong kautusan ng Diyos. Walang sinuman ang makakakita ng dahilan para sa kasalanan. Sa pamamagitan ng mga matuwid na prinsipyo ng kautusang iyon, tatanggapin ng mga tao ang kanilang hatol ng buhay o kamatayan." (The Advent Review and Sabbath Herald, January 28, 1909)
Napakaliwanag ng statements ni Ellen G. White na ang pagsunod sa Sampung Utos ay requirement PARA sa kaligtasan hindi bunga ng kaligtasan na tulad ng ating naririnig nating pagpapanggap ng mga Pastors at layman ngayon sa mha social media. Binabayaran sila ng kanilang mga Conferences sa Pilipinas upang pagtakpan ang cultic doctrine ng kanilang minamahal na propetang si Mrs. White upang magtunog evangelical ang kanilang church pero sa totoo ay hindi naman. Kailangan nilang gumamit ng deception upang tanggapin ng orthodox Christianity na Christians din sila na kailanman ay impossibleng mangyari unless itakwil nila si Ellen G. White at mag repent in public tulad ng ginawa ng Worldwide Church of God noong 1990's kaya sila ngayon ay tanggap na bilang mga evangelical Christians. Napakahalaga din na bigyan ng pansin ng mga nagsusuri ang petsa ng mga statements ni Ellen G. White tungkol sa pananaw na itinuturo niya sa mga Sabadista. Ang mga petsa ng ating sinipi sa itaas ay 1898 at 1909. Ito ang mas later na pahayag ni Mrs. White ilang taon lamang bago siya mamatay noong July 16, 1915. Kung mayroon man sipiin ang mga "Progressive SDAs" na tila papabor sa kanilang view ay dapat muna malaman kung kailan ba sinabi ito: before 1898/1909 o after? Dahil karaniwan na ang mas papaburan ng sinuman ay kung ano ang mas latest na statement kesa yung nauna.
Samantala, ang mga "Progresibong SDA" naman ay pumipili lamang ng mga sipi mula sa mga isinulat ni Mrs. White na papabor sa kanilang pananaw na ang pagsunod sa kautusan ay bunga lamang ng kaligtasan at hindi para maligtas. Itinatago nila ang ibang statements ni Ellen G. White tulad ng mga halimbawa sa itaas upang palabasin na evangelical Christians din sila. Narito ang isas trending na quote na madalas gamitin ng mga Sabadista sa social media upang ikubli na kulto ang kanilang church.
Exhibit 1.
Tagalog:
"Bagamat tayo ay pinapayuhang sumunod, hindi natin dapat isipin na makakamit natin ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa. Ang kaligtasan ay libreng kaloob ng Diyos, at ito ay tatanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay ipinagkaloob para sa nagsisising kaluluwa sa pamamagitan ni Kristo sa dakilang plano ng pagtubos. Ngunit ang patunay ng ating pag-ibig sa kanya, ang katibayan ng ating pananampalataya, ay matatagpuan sa ating pagsunod sa banal na kautusan ng Diyos." (Signs of the Time, May 16, 1895)
Sinubukan kong hanapin sa Adventist Archives website ang original na photo scan copy ng Signs of the Times noong May 16, 1895, pero hindi ko ito makita. Pero nakita ko naman ito sa Ellen G. White apps kaya naniniwala akong legit ang quotation na ito. Pansinin na ang petsa ng mga pahayag na ito ni Ellen G. White ay 1895, mas nauna ng kaunting taon kaysa sa sinipi natin na mga pahayag niya noong 1898 at 1906. Kaya mas latest (1898, 1906) yung naunang sinipi natin na sumasalungat sa ikalawang pahayag ni Mrs. White noong 1895.
So alin ba ang mas paniniwalaan natin sa magkasalungat na mga statements ni Ellen G. White tungkol sa kaligtasan? Yung 1895 na "hindi natin dapat isipin na makakamit natin ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa. Ang kaligtasan ay libreng kaloob ng Diyos, at ito ay tatanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya" o yaong mas latest niyang mga sinabi na "Ang pagsunod sa kautusan ng sampung utos ang siyang kailangan upang maligtas" at "kinakailangan para sa kanilang kaligtasan ay ang pagsunod sa perpektong kautusan ng Diyos." Ang dalawang phrase na ito ay nagpapahiwatig na ang pagsunod sa kautusan ay hindi bunga ng kaligtasan kundi sa halip, ang pagsunod sa kautusan ay "upang maligtas" at "para sa kanilang kaligtasan." Isa pa, pansinin din na sa pahayag na ito ni Mrs. White never niyang sinabi na ""ito ay tatanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya LAMANG" kundi ang sinabi lang niya "ito ay tatanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya." Dahil lamang dito sa simpleng pagkakaiba ng "pananampalataya" versus "pananampalastaya LAMANG" ay marami din sa mga Protestante ang nailigaw ng Roman Catholic church at nag akalang pareho lang ang doktrina ng kaligtasan ng Roman Catholic church at Protestante kaya hindi na nakapagtatakang maraming mga Protestante ang umipat sa Catholic. Kaya ganyan din kung bakit maraming mga born again na nagiging Sabadista dahil sa hindi maingat na pagsasaalang-alang ng mga terminong biblical.
Paano kaya haharapin ito ng mga Sabadista na naghahanap talaga ng katotohanan?
Mayroon akong tatlong mungkahi para makatulong sa mga Sabadistang seryosong naghahanap ng katotohanan at tunay na kaligtasan sa biyaya ng Diyos:
#1. Manatili sa SDA Church: Kahit nahihirapan dahil sa pamilya at trabaho, at alam niyang may mga mali sa aral at bulaang propeta si Ellen G. White, maaaring piliin niyang manatili na lang sa SDA Church kahit malabo ang kanyang kaligtasan.
#2. Magpikit-mata: Maaari niyang ipagpatuloy ang pagtanggi sa mga ebidensyang kanyang nakikita para sa kanyang kapayapaan at kaginhawahan. Ngunit sa totoo lang walang kapayapaan sa isang tao na alam niyang may mali ngunit nananatili pa din sa mali.
#3. Umalis sa SDA Church: Dahil sa mga malinaw na ebidensya na may mali sa aral ng mga Sabadista tungkol sa doktrina ng kaligtasan at marami pang hindi na niya sinasangayunan, maaari siyang magpasyang umalis na sa SDA Church dahil para saan pa ang pananatili sa mali. Ito sy isang kasalanan (Sant. 4:17). Una, ang kanilang kinikilalang sugo ay sumasalungat sa aral, lalo na sa napaka importanteng doktrina ng kaligtasan, kaya hindi mula sa Diyos si Mrs. White. Ayon sa Bibliya, ang tunay na simbahan ng Panginoon ay hindi niya papayagang pangunahan ng isang bulaang propeta.
Panawagan:
Para sa mga Pastor at SDA defenders: Na itigil niyo na ang pagpapanggap na kayo ay evangelical Christians dahil napakarami ng former Adventists na tulad ko na kabisado na ang mga propaganda niyo para lamang makarami ng mga aanib sa inyo. Tunay nga na sapul kayo sa babala ni Cristo na kayo ay nag dadamit tupa para kunwari at totoong Christians kayo at hindi kulto kaya gumagamit kayo ng mga Christian terms tulad ng "salvation by faith", "saved by grace" "keeping the law as fruit of salvation" para lag mapaniwala niyo ang mga walang malay na mga tao.
"Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila." (Mat 7:15)
Para sa mga nagpaplano pa at Bible students ng SDA church: Ipanalangin niyo ng taus-puso sa Panginoon na bukod sa mga nakikita nyong mga evidences na sumasalungat sa aral n mga Sabadista, na bigyan kayo ng karunugan ng Diyos upang malabanan ang deception ng SDA church na nanlilinlang ng nga walang malay na tao. At kung ikaw at malapit nang pabaustismuhan sa SDA church ay huwag mo na ituloy hangga't maaga pa dahil bandang huli if maisipan mo din umalis ay baka mahirapan ka na dahil kinain ka na ng sistema ng kultong Sabadistabukod pa sa mga hindi makataong mararanasan mo sa mga pag-uusig na gagawin nila sa iyo.
"Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay." (Rom 16:18)
No comments:
Post a Comment