Sunday, October 19, 2025

Question: Pastor Ronald, paano po matutulungan ang mga unbelievers na mawala ang espirituwal na pagkabulag nila at makita ang liwanag ng Ebanghelyo ni Cristo?

 


Question:

Pastor Ronald, paano po matutulungan ang mga unbelievers na mawala ang espirituwal na pagkabulag nila at makita ang liwanag ng Ebanghelyo ni Cristo?

Answer:

Ganda ng tanong mo, kapatid at very biblical!

Sabi nga sa 2 Corinthians 4:4, “The god of this world has blinded the minds of the unbelievers, so that they cannot see the light of the gospel of the glory of Christ.”

Ibig sabihin, hindi lang ito issue ng intelligence o information, kundi spiritual blindness talaga. Kaya hindi sapat ang debate o galing ng paliwanag natin kailangan ng divine intervention.

So paano matatanggal ang pagkabulag na ‘yan?

Una, sa pamamagitan ng prayer. Hindi natin kayang buksan ang mata ng tao, pero kaya ‘yun ng Holy Spirit. Kaya ipag-pray natin na buksan ni Lord ang puso’t isip nila (Acts 16:14).

Pangalawa, sa faithful preaching ng Gospel. Ang Gospel mismo ang “light” na tumatagos sa kadiliman (Romans 10:17). Kahit gaano pa kabulag ang isang tao, kapag ang Gospel ay tapat na ipinahayag, may kapangyarihang magbigay-liwanag (Romans 1:16).

Pangatlo, sa makita nila ang buhay nating totoo at transformed. Minsan hindi nila binabasa ang Bible tayo ang binabasa nila. Kung nakikita nilang may peace, humility, at forgiveness sa atin kahit sa gitna ng problema, doon sila nagtataka: “Bakit ganun siya?” at doon nagbubukas ang pintuan ng Gospel.

So sa madaling salita:

We pray, we proclaim, and we live the Gospel.

Ang Holy Spirit ang nag-aalis ng spiritual blindness, pero tayo ang ginagamit Niya para itutok ang ilaw kay Cristo. 


Former Adventists Philippines

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph












No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

Question: Pastor Ronald, paano po matutulungan ang mga unbelievers na mawala ang espirituwal na pagkabulag nila at makita ang liwanag ng Ebanghelyo ni Cristo?

  Question: Pastor Ronald, paano po matutulungan ang mga unbelievers na mawala ang espirituwal na pagkabulag nila at makita ang liwanag ng E...

MOST POPULAR POSTS