Friday, October 9, 2026

ANG ILUSYON NG SDA ASSURANCE (O KUNG PAANO NILAGLAG NI THOMPSON ANG SARILI NIYANG PROPETA... ULIT)


Napanood ko yung video kung saan sinubukan ni Richard Thompson na sagutin yung sinabi ko na wala akong assurance of salvation noong nasa loob pa ako ng SDA. Imbes na sagutin yung theology, ginawa niya akong katatawanan. Sabi niya, ang mga tunay na SDA daw ay may assurance of salvation, at kasalanan ko raw na 24 years akong walang assurance dahil nasa kadiliman daw ako.

Himayin natin 'yung mga argumento niya gamit ang basic logic, konting common sense, at ang pinakamatingkad na boomerang, ang mismong mga isinulat ng propeta niyo.

1. Ang "Provided That" Loophole: Probation 'Yan, Hindi Assurance

Lakas ng loob sabihin ni Thompson: "Ang mga tunay na Seventh-day Adventist may assurance of salvation po yan... Provided na lagi kang na kay Kristo... Kinakailangan ay mananatili ka."

Basahin mong mabuti 'yan. "Assurance... provided that." Bro. Richard, ang conditional assurance ay hindi assurance ayon sa Bibliya; ang tawag diyan ay probation. Kung ang kaligtasan mo ay nakasalalay sa walang-mintis mong performance at pag-iingat na huwag magkamali (o 'yung "pananatili"), hindi ka nakapahinga sa tinapos na gawa ni Kristo sa krus, nagtitiwala ka sa sarili mong kakayahan na kumapit sa pamamagitan ng Kautusan, lalo na ang Sabbath.

Ang biblical assurance ay yung alam mong ligtas ka dahil sa ginawa ni Hesus, period (1 Juan 5:13). Kapag nagdagdag ka ng "provided that," ibinabagsak mo ang kaligtasan mo sa pundasyon ng sarili mong works. Kung ang final salvation ko ay nakasalalay sa perpekto kong pagtitiis, wala akong assurance; ang meron ako ay anxiety.

2. Ang Ultimate Boomerang: Pagsagasa kay Ellen White

Dito talaga nakakatawa. Confident na nangangaral si Thompson sa audience niya na i-claim na ligtas na sila ngayon. Pero teka, 'di ba ang laking depensa niya sa nakaraang video na hindi niya idol si Ellen G. White?

Mabuti naman at hindi niya idol, kasi literal niyang nirerebeldehan at nilalabag ang turo ni EGW on live video!

Tingnan natin kung ano ba talaga ang utos ng "propeta" ng SDA sa mga miyembro pagdating sa pag-claim ng kaligtasan:

  • Huwag na huwag sasabihing ligtas ka na: "Those who accept the Saviour, however sincere their conversion, should never be taught to say or to feel that they are saved". (Christ's Object Lessons, p. 155)

  • Hindi mo pwedeng i-claim hanggang dulo: "No man can say, I am saved, until he has endured test and trial..." (Signs of the Times, December 28, 1891, p. 120)

  • Kinukutya pa ni EGW ang mga nag-a-assume: "All those who say, 'I am saved! I am saved!' but do not obey God's commandments, are resting their salvation on a false hope, a false foundation". (Selected Messages, Book 1, p. 314)

Ayon kay Ellen White, ang pagtuturo sa mga tao na sabihin o maramdaman na ligtas sila ay isang panganib at "misleading". Tapos heto si bro. Richard Thompson, nakasigaw sa buong mundo na ang SDA daw ay may assurance of salvation. Manlilinlang talaga, di ba?

Kaya tatanungin kita: bro. Richard, pinalalabas mo bang false teacher si Ellen White sa publiko? Tutal, hindi mo naman siya idol, malaya kang i-reject ang mga babala niya. Pero hindi mo puwedeng ipilit ang dalawang magkasalungat. Hindi mo puwedeng i-claim na siya ang "Spirit of Prophecy" tapos literal mong lalabagin yung utos niya na huwag sabihing ligtas ka na. Ipinangangaral mo yung eksaktong doktrina na kinondena ng propeta mo! Huwag mo nang pabanguhin ang umaalingasaw at bulok na mga doktrina ng mga SDA. Alam ko, alam mo 'yan. Para ka namang politiko nyan eh huli na sa akto ayaw pang umamin!

3. Ang 24-Year Reality Check

Tuwang-tuwa si Thompson at ginawang katatawanan yung 24 years ko sa SDA na walang assurance. "Ako, maramdaman ko isang segundo na wala akong assurance… ba't ako magtatagal?" Tawa pa niya.

Pwes, ipapaliwanag ko kung bakit wala akong assurance sa loob ng 24 years: *Kasi nagbabasa talaga ako ng mga libro ng propeta niyo, bro. Richard. Samantalang ikaw nagpapanggap lang na defender kuno ni Ellen White, pero wala ka namang tiwala sa mga sinusulat niya." 

Wala akong assurance dahil tinuruan ako at ikaw ng 1844 Investigative Judgment, isang doktrina na nagsasabing nasa langit daw si Hesus ngayon, nire-review ang records ko, at kahit isang kasalanan lang na hindi ko nai-confess ay puwedeng maging dahilan para burahin ang pangalan ko sa Book of Life. Paano ka magkakaroon ng absolute assurance kung yung final verdict mo ay naka-pending pa sa isang ongoing na heavenly court case? Hindi ba payabang lang 'yan para magtunog maganda ang aral ng SDA?

Wala akong assurance, hindi dahil nasa dilim ako; wala akong assurance dahil ang teolohiya ng SDA ay idinisenyo talaga para alisan ng assurance ang mga miyembro, para patuloy kayong mag-strive sa sinless perfection. Nang lumabas ako sa anino ni Ellen White at binasa ko ang New Testament sa tamang konteksto, doon ko lang nahanap ang tunay at hindi mayayanig na assurance of salvation kay Kristo lamang. Pasensya na bro. Richard, ikaw ang nadiliman ang isip. It's time for you to repent, bro.


3 Mic-Drop Cross-Examination Questions para kay Thompson

Kung matapos yung sigawan at maupo tayo sa isang matino at seryosong usapan, gusto kong sagutin mo nang direkta ang tatlong simpleng tanong na ito:

Question 1: Pinalalabas mo bang false teacher si Ellen White?

Lakas ng loob mong ituro na may assurance of salvation ang mga SDA at hindi dapat magduda. Pero sabi mismo ni Ellen White, ang mga mananampalataya ay "should never be taught to say or to feel that they are saved". Dahil inamin mo namang hindi mo siya idol, ina-admit mo rin ba sa publiko na mali ang doktrina niya sa kaligtasan, o baka naman ignorante ka lang talaga sa kung ano ang totoong isinulat ng sarili mong propeta?

Question 2: May VIP hacking access ka ba sa Heavenly Sanctuary?

Sabi mo, may absolute assurance of salvation ka na ngayon. Pero ayon sa core doctrine ng SDA na 1844 Investigative Judgment, nire-review pa lang ni Kristo yung records ng mga banal at hindi pa desidido ang final destiny niyo. Paano mo iki-claim na 100% assured na ang kaligtasan mo ngayon kung ongoing pa raw ang trial mo sa langit? May VIP access ka ba sa mga aklat sa langit na hindi ipinaalam sa ibang mga Adventists?

Question 3: Ibig sabihin ba nito na mas naiintindihan ko ang mga doktrina ninyo kaysa sa iyo?

Pinagtawanan mo ako na kasalanan ko raw kung bakit wala akong assurance sa loob ng 24 years. Pero sang-ayon mismo si Ellen White sa naging sitwasyon ko: "No man can say, I am saved, until he has endured test and trial". Kung kasalanan ko yung kawalan ko ng assurance, bakit eksaktong ganoon din ang inuutos na mindset ng propeta niyo? Posible kaya na mas naiintindihan ko lang talaga ang SDA theology kaysa sa'yo, kaya nalaman kong kailangan ko nang umalis?

Bro. Richard, hindi mo puwedeng ipagtanggol ang isang relihiyon habang sabay mong winawasak ang sarili nitong mga doktrina para lang manalo sa isang Facebook argument. Pumili ka ng linya mo.

FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES

​“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.

• GCash: 0969-514-3944

• PayPal: paypal.me/formeradventistsph

• Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos

No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

The Hidden Legalism in the SDA "Call of a Prophet" Lesson #2 Exposed

Welcome to this deep-dive pastoral and theological critique of the Seventh-day Adventist (SDA) Sabbath School lesson for October 3-9, titled...

MOST POPULAR POSTS