FEATURED POST

MAY KINALAMAN BA SA HULA NI ELLEN G. WHITE ANG WILDFIRE SA LOS ANGELES CALIFORNIA USA?

Trending ngayon sa balita ang nagaganap na wildfire sa Southern California, kung saan maraming buhay ang nawala at maraming tao ang nawalan ...

MOST POPULAR POSTS

Friday, April 16, 2021

ANG MASAMANG BUNGA NG PANGANGARAL NI WILLIAM MILLER NA AYON KAY ELLEN WHITE AY SUGO NG DIYOS! (Newspaper Articles)


Nagbabala si Jesus, 
"Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng ubas o igos. Ang mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. Ang lahat ng punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo ang mga huwad na propeta sa kanilang mga gawa.”  Mateo 7:15-20, ASND 

Bago na-organize ang Seventh-day Adventist church, si Ellen White ay naging active na kaanib sa grupo ng Millerites movement ni William Miller na buong sipag noon sa pangangaral na darating na si Jesus sa petsang October 22, 1844. Matapos mabigo ang mga Millerites sa kanilang inaasahang pagdating ni Jesus ay patuloy pa din na kumbinsido si Ellen White na ang gawaing ito na pinangunahan ni William Miller, ay binasbasan ng Diyos at naaayon sa Kanyang kalooban sa kabila ng "Great Disappointment" at pag-amin ng pagkakamali ni Miller at pagtanggi niya na maniwala sa iba't-ibang paliwanag ng nagkawatak watak na Millerites movement, kasama na yaong grupo na naging Seventh-day Adventist ngayon. Narito ang mga positibong "prophetic revelaions" ni Ellen White na si William Miller ay isang sugo ng Diyos:

1. Ang mission ni William Miller ay katulad ng kay John the Baptist: Early Writings p. 221

2. Ginabayan ng Diyos si William Miller upang maunawaan ang prophecy: Early Writings p.223

3. Sinamahan ng mga anghel ng Diyos si William Miller sa kanyang mission : Early Writings p. 221, 223


Hindi maitatanggi ng mga Sabadista ang mga patotoo ng kanilang proprtang si Ellen White tungkol sa pagiging sugo ng Diyos ni William Miller. Ngunit tulad ng babala ni Jesus lalo na sa mga huling araw ng ating panahon makikilala ang isang propeta sa kanilang mga bunga. Ang mga sumusunod na mababasa natin ay mga patotoo ng mgataong nakasaksi at nakakita sa mga masamang ibinunga ng mission ni William Miller sa buhay ng kanyang mga followers na magpapatunay lamang na siya ay hindi sugo ng Diyos. Nakasalalay din dito ang patotoo na hindi tunay na propeta ng Diyos si Ellen White dahil puro kasinungalingan ang kanyang mga "visions" na ginagabayan daw ng Diyos ang mission ni William Miller at sinasamahan pa ng mga anghel ng Diyos! Marahil nakalimutan ni Ellen White ang babala ng Galacia 1:8 na hindi lahat ng mga nag-aanking anghel ng Diyos ay nagmula talaga sa Diyos, kundi kay Satanas na "nag-aanyong anghel ng liwanag.

"Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil."  
Gal 1:8 (Tagalog AB)

"At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay
nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan."  

2Co 11:14 (Tagalog AB)

Barre Patriot, Nov. 7, 1845
"Assault in church service"

Berkshire County Whig, Mar. 3, 1847
"30 Millerites in a local insane asylum"


Boston Daily Mail, Feb. 15, 1849
"Millerite "preacher" murders wife"


Daily Eastern Argus, Feb. 26, 1845
"Millerite woman preaches "entirely naked"




Oct. 31, 1844 
"Two Millerite children die from exposure while awaiting the return outside"


Oct. 31, 1844
"Millerite preacher leaves town with people's money"


New Hampshire Sentinel Feb. 18, 1846
"Millerite leaders admit their delusion"


The Pittsfield Sun, Dec. 31, 1857
"Millerite kills entire family"





















No comments:

Post a Comment