Ang mababasa nating talakayan dito ito ay mula sa isang Adventist na nag message sa akin mula sa Facebook messenger. Magalang ko namang sinagot ang katanungan niya. Hindi ko na po nilagay ang pangalan ng aking kausap bilang respeto. Dalangin ko sa Panginoon na gamitin niya ang talakayan na upang makatulong sa ibang mga mananampalatayang Cristiano kung papaano ibahagi ang gospel sa mga kamag-anak at mga kaibigang kaanib sa Seventh-day Adventist church.
SDA:
Pwede po ulit magtanong? Ayaw ko po kasi pa lagpasin ang pag kakataon hehe. Masaya po ako na nakakapag tanong ako sa iyo ng direct. Tanong ko po, ang Law of Christ ba inabolish yung 10 commandments? O still na nanatili?
Christian:
Mas maganda sabihin na inupgrade kaysa inabolish bro 🙂
SDA:
Pwede po paki paliwanag?
Christian:
Parang ganito, noong elementary ka pa lang ang Math na tinuro sa iyo basic lang lng like 1+1 pero ngayong college ka na hindi na ganyan mas malawak at advance ang math.Isa pa, nung bata ka pa pinapalo ka ng parents mo para turuan ng leksyon ngayong matanda kana di na bagay paluin ka kasi alam mo na tama at mali basic yun but now iba na.
SDA:
Ok po basi po sa sinabi mo na upgrade so still nananatili yung 10 utos?
Christian:
Oo pero hindi na letra por letra mo uunawain ito mas malawak pa dyan. Halimbawa, ayon kay Cristo,
“Narinig ninyo na sinabi noong una, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang tumingin lang sa isang babae nang may masamang pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip.” Mateo 5:27-28 ASND
SDA:
So it means it is not wrong to follow the 10 commandments?
Christian:
Matigas na ulo na natin nyan kung ganun, kasi tinuturo na sa atin ng Panginoon na dapat pag aralan mo na pang college textbook pero pilit mo pa din bumalik pag aralan basic alphabet A, B, C, D....?
“Sinabi pa ni Jesus, “Narinig ninyo na sinabi noong una sa ating mga ninuno, ‘Huwag kayong papatay, dahil ang sinumang pumatay ay parurusahan.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang may galit sa kanyang kapatid ay parurusahan din. At ang humamak sa kanyang kapatid at magsabi sa kanya, ‘Wala kang silbi!’ ay dadalhin sa mataas na hukuman. At ang sinumang magsabi ng ‘Ulol ka!’ sa kanyang kapatid ay mapupunta sa apoy ng impyerno.”Mateo 5:21-22 ASND
Matutuwa ba si Jesus sa iyo, halimbawa, doon sa sinabi nya "Huwag mapoot sa kapwa" pero ayaw mo sundin, mas gusto mo pa din sundin ang letra por letra na "Huwag kang papatay"?
SDA:
Correct me if I'm wrong bro is it wrong ba na balik tanawin mo ang basic? To have a review? at saka bro tandaan natin basi na din po sa sinabi mo hindi ka mag kakakapag upgrade ng walang original system.
Christian:
No need to review na bro kasi once na iniibig mo ang kapwa mo, hindi ka na mag iisip ng kahit anong ikakasama ng kapwa mo.
“Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan.”
Maliwanag na sapat na ang ang kautusan ni Cristo na ibigin mo ang iyong kapwa. Hindi mo na kailangang balik-balikan pa ang letra por letra ng 10 utos para malaman kung anu-ano ang dapat mong gawin upang ibigin ang iyong kapwa. Ang mga tunay na mga anak ng Diyos namumuhay ayon sa Holy Spirit ay hindi na dapat utusan pa palagi na sundin ang 10 utos to the letter. Sapat na ang pag-ibig na dahil mas malawak pa ito kaysa sa binabanggit sa lang sa listahan ng 10 utos dahil "Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa" (Roma 13:10).
SDA:
Yes may upgrade tayo like sa sabbath dati pag lumabag ka papatayin ka pero ngayon hindi na.
Christian:
Ang upgrade na tama hindi ganyan brod. Ang upgrade ng 4th commandment ay ganito, dati tuwing 7th day lng Sabbath at physical rest lang kasama pati mga hayop.
“Magtrabaho kayo sa loob ng anim na araw, pero ang ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga ay italaga ninyo para sa akin, ang Panginoon na inyong Dios. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon, pati ang inyong mga anak, mga alipin, mga hayop, o ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo.” Exodus 20:9-10, ASND
Ngunit ngayon ilalim ng New Covenant, araw araw na at "rest of soul" na at hindi na sa literal na araw kundi pamamagitan na ni Jesus.
“Araw-araw, nagtitipon sila sa templo at naghahati-hati ng tinapay sa kanilang mga bahay. Lubos ang kagalakan nila sa kanilang pakikibahagi sa pagkain, at palagi silang nagpupuri sa Dios. Nagustuhan sila ng lahat ng tao. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas.” Gawa 2:46-47, ASND
SDA:
Sinasabi mo po ba bro na mali ang hindi ka mangalunya? O baka bro ibig mo sabihin Jesus is saying to us na not just by getting to another relationship, kahit na may kasama ka na you commit adultery and also you can commit adultery by just seeing a person by lustful way?
Christian:
Given yan bro na sa utos na "Huwag kang mangangalunya" kasama dyan syempre ang aktuwal na pangagalunya ay lust of the eyes. Ipinapakita lang ni Cristo na mas malawak ang ang diwa o espiritu ng kautusan sa ilalim ng New Covenant kumpara sa Old covenant with Israel. Kaya ang mga Cristiano ay iniinterpret nila ang Old Covenant laws, including the 10 commandments, ayon sa liwanag ng aral ni Cristo at ng mga apostol. Pinatotohanan ito ng mga sumusunod na mga talata:
“Kaya nga, huwag na kayong padadala sa mga tao na nagsasabi sa inyo kung ano ang hindi dapat kainin o inumin, o kung ano ang dapat gawin tuwing kapistahan, Pista ng Pagsisimula ng Buwan, o Araw ng Pamamahinga. Anino lang ang mga ito ng inaasahan noon na darating, at si Cristo ang katuparan nito.” Colosas 2:16-17, ASND
“Ang Kautusan ay anino lang ng mabubuting bagay na darating. Kailanman ay hindi ito nakakapagpabanal sa mga taong lumalapit sa Dios sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay nila taun-taon.” Hebreo 10:1, ASND
“At ngayong may pananampalataya na, wala na tayo sa patnubay ng Kautusan na tagapag-alaga. Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Cristo, para sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid.” Galacia 3:24-25, ASND
“Itoʼy sa dahilang hindi nila alam kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang isang tao. Nagsikap silang gumawa ng sariling pamamaraan sa halip na sundin nila ang pamamaraan ng Dios. Sapagkat hindi nila alam na si Cristo ang hangganan ng Kautusan. Dahil sa kanyang ginawa, ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay itinuturing ng Dios na matuwid.” Roma 10:3-4, ASND
SDA:
Tignan po natin ung Matthew 22:36-40
36 “Teacher, which is the great commandment in the Law?” 37 And He said to him, “‘You shall love the Lord your God with all your heart, and with all your soul, and with all your mind.’ 38 This is the great and [a]foremost commandment. 39 The second is like it, ‘You shall love your neighbor as yourself.’ 40 Upon these two commandments [b]hang the whole Law and the Prophets.”
Christian:
Sinabi ba dyan ni Cristo na Sabbath ang the GREATEST COMMANDENT?
SDA:
Hindi dyan bro but in that to "all the law and the prophets hang in that two commandments", kasama ang 10 utos. Ang point ko bro hindi lang pananatili ng sabbath but the moral law its self.
Christian:
Pero ayon kay Cristo ano daw ang GREATEST commandments na foundation o basis ng Sabbath at 10 comm? Ano ba para sau ang ibig sabihin ng GREATEST COMMANDMENT?
SDA:
Above the normal commandment.
Christian:
Ano nga daw yun bro na above pa sa 10 utos at Sabbath?
SDA:
You shall love the Lord your God with all your heart, and with all your soul, and with all your mind.
Christian:
Iyan daw ang 1st and the GREATEST at ano yung 2nd?
SDA:
"You shall love your neighbor as yourself"
Christian:
Tama, so alin ang mas mahalaga kay Jesus? Yung commandment to love ba o letters of the 10 utos?
SDA:
love po
Christian:
Kung ang law of love ni Christ ay above pa sa 10 utos at Sabbath, bakit ka pa babalik sa 10 utos?Kaya sa ilalim ng New Covenant mas dinidiin ni Cristo at mga apostol ang law of love kaysa sa 10 utos.
“Ito ang aking utos sa inyo: magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Mga kaibigan ko kayo kung sinusunod nʼyo ang aking mga utos. Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.” Juan 15:12-14, 17 ASND
“Huwag kayong mananatiling may utang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan. Ang mga kautusang, “Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang mag-iimbot,” at ang iba pang mga utos ay napapaloob sa iisang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan.” Roma 13:8-10 ASND
At napansin mo din ba na under the New Covenant ay iniinterpret ni Jesus ang 10 utos in the spirit of Love kaya love na guide natin not the letters:
“Pero ngayon ay malaya na tayo sa Kautusan, dahil namatay na tayo sa Kautusang ito na dating umalipin sa atin. Ang ating paglilingkod ngayon sa Dios ay hindi na ayon sa dating buhay na dulot ng Kautusan kundi sa bagong buhay na dulot ng Banal na Espiritu.” Roma 7:6 ASND
SDA:
Dito po sa Roma 7:6 ang kautusan po ba dito n binabanggit ay Ceremonial Law o Moral Law?
Christian:
10 utos ang context niyan brod ituloy mo lang pagbasa sa verse 7:
“Ang ibig ko bang sabihin ay masama ang Kautusan? Aba, hindi! Sapagkat kung walang Kautusan hindi ko malalaman kung ano ang kasalanan. Halimbawa, kung hindi sinabi ng Kautusang, “Huwag kang maging sakim,” hindi ko sana nalaman na masama pala ang pagiging sakim.” Roma 7:7 ASND
So brod yang "Huwag kang magiging sakim" saan mababasang kautusan yan?
SDA:
Ano po ba sa original greek ang kautusan s verse 6 and kautusan s verse 7?
Christian:
Sagutin mo muna brod tanong ko na "Huwag kang magiging sakim" saan mababasang kautusan yan?
SDA:
Agree po ako dyan and sa verse 7. ano po ba ang original Greek ng kautusan sa verse 6?
Christian:
Kahit nomos o entole pa yan sa Greek still bagsak nyan 10 utos pa din ang tinutukoy ni Pablo na hindi na 10 utos ang dulot ng ating paglilingkod bilang Cristiano. Dapat galang natin ang authority ng Bible. Let the Bible interpret itself kahit hindi na tumutugma ang paniwals natin dito. Basahin natin ulit ang kabuoan ng Roma 7:6-7:
“Pero ngayon ay malaya na tayo sa Kautusan, dahil namatay na tayo sa Kautusang ito na dating umalipin sa atin. Ang ating paglilingkod ngayon sa Dios ay hindi na ayon sa dating buhay na dulot ng Kautusan kundi sa bagong buhay na dulot ng Banal na Espiritu. Ang ibig ko bang sabihin ay masama ang Kautusan? Aba, hindi! Sapagkat kung walang Kautusan hindi ko malalaman kung ano ang kasalanan. Halimbawa, kung hindi sinabi ng Kautusang, “Huwag kang maging sakim,” hindi ko sana nalaman na masama pala ang pagiging sakim.” Roma 7:6-7, ASND
Christian:
Bro pinalaya ka na ni Cristo sa 10 utos gaya ng nabasa natin. Nais ni Cristo na ang bagong buhay mo ay dulot na ng Holy Spirit at hindi na ng 10 utos sapagkat Holy Spirit na ang bagong pamamaraan ng paglilingkod ng mga Cristiano,
“Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahan para maipahayag namin ang kanyang bagong pamamaraan para mailapit ang mga tao sa kanya. At ang bagong pamamaraan na ito ay hindi ayon sa isinulat na Kautusan kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay.” 2 Corinto 3:6 ASND
SDA:
Ang sa verse 6 po kasi ay about sa Ceremonial law yan that echoes back to Leviticus. Diyan tayo pinalaya. Ano po ba ang sabi ni Paul about sa Law (10 utos) diba it is good?
Christian:
Out of context ka dyan brod, magkasunod lang ang verse 6 at 7 kaya kung hahayaan mo lang ang Biblia ang magsalita sa iyo, 10 utos ang tinutukoy dyan. Ang sinasabi ng Biblia ang dapat sundin mo hindi ang Biblia ang susunod sa gusto mong paniwalaan. God loves you bro. I know mahirap tanggapin na mali pala ang pinaniniwalaan mo. Nakakagulat talaga yan. Kapag na encounter mo ang katotohanan, wala kang ibang gagawin kundi sundin kung ano ang nakasulat at magpasalamat ka sa Diyos dahil sa Kanyang biyaya, ay binabasag niya ang maling paniniwalang nakagisnan mo. Alam ko na alam mo din sa sarili mo na kuro kuro mo lang ang nangingibabaw ngayon na sadyang hindi natin mababasa batay sa contexto ng Roma 7. I keep you in my prayers brod. God loves you!
SDA:
Salamat po bro sa response. Kaya po bro hinihingi ko po sau ang Greek ng kautusan na nasa verse 6. Mali man ako tatanggapin ko bro Bible Study naman po ang point natin at hindi debate
Christian:
Amen bro maganda yan. Pagpalain ka nawa ng Panginoon na nagmamahal sa iyo. God bless you!
No comments:
Post a Comment