“Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.” (Mat 5:17-18)
Paliwanag ng mga Sabadista:
"Bakit ninyo sinasabing lumipas na ang Sampung Utos gayong sinabi ni Jesus na "Huwag ninyong isiping naparito ako upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta kundi upang tuparin ito" at binanggit pa niya na "ni isang kudlit o tuldok ay hindi lilipas sa Kautusan"?
Sagot:
Una sa lahat, dapat muna patunayan na 10 utos ang tinutukoy dito ni Jesus ngunit walang binanggit si Jesus na 10 utos sa Mateo 5:17-28 nasa isip lamang nila ito. Narito ang ilang karagdagang mga puntos na maaari nating isagot sa mga Sabadista:
- ) Itanong sa mga Sabadista kung meron bang binanggit na 10 utos sa Mateo 5:17-18 o wala? Kung wala anyayahan silang alamin kung anong "kautusan" ang binabanggit dito ni Jesus ng dalawang beses.
- )Ang salitang ginamit sa wikang Greek na isinaling "kautusan" sa Mateo 5:17-18 ay "nomos" na karaniwang tumutukoy sa 613 mga individual na mga utos sa kautusan ni Moises sa Lumang Tipan. kasama na dyan ang 10 utos kaya kung tutuusin, ang "kautusan" na hindi sisirain ni Cristo kundi kanyang gaganapin ay ang 613 na mga kautusan na kahit isang kudlit o tuldok ay hindi lilipas. Kung gayon, para kay Cristo, hindi lamang pala ang 10 utos ang hindi lilipas hanggat kanyang ganapin ang lahat kasama na dito ang lahat ng aspeto ng kautusan na pinanniniwalaan ng mga Sabadista na lumipas nang mga "ceremonial law." Magkakaroon ng conflict kung gayon ang argumento ng mga Sabadista dahil sinasabi nila na ang kautusan ay hindi kailan man lilipas ngunit sa kabilang banda sinasabi naman nilang ang 603 na kautusan lamang ang lumipas hindi ang 10 utos na salungat din sa sinabi dto ni Cristo na "ni isang kudlit o tuldok ay hindi lilipas sa Kautusan." Kaya dapat ang buong 613 na bumubuo sa sinasabi ni Cristong "kautusan" ay dapat pa din sundin ng mga Sabadista hindi lamang yung 10 utos kung susundan natin ang takbo ng kanilang argumento,
- Dapat ipaliwanag maigi sa mga Sabadista na ang binabanggit ni Cristo na kanyang hindi sisirain kundi gaganapin dito ay hindi lamang ang kautusan. Ipabasa muli at ipakita sa mga Sabadista na ang nakasulat sa talata ay "ang kautusan o ang mga propeta" hindi kautusan lang.
- Ang phrase na "ang kautusan o ang mga propeta" ay isang technical term na karaniwang ginagamit ng mga Judio sa panahon ni Jesus upang tukuyin ang bumubuo sa buong 39 na aklat ng Old Testament mula Genesis hanggang Malakias sa ating panahon. Narito ang ilang patotoo ni Jesus:
“At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.” (Luk 24:27)
“At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.” (Luk 24:44)
“Nasumpungan ni Felipe si Natanael, at sinabi sa kaniya, Nasumpungan namin yaong isinulat ni Moises sa kautusan, at gayon din ng mga propeta, si Jesus na taga Nazaret, ang anak ni Jose.” (Jhn 1:45)
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.” (Juan 5:39)
- Kung "ang kautusan o ang mga propeta" ay tumutukoy pala sa boong Kasulatan ng Old Testament, kung gayon, ang nais lamang iparating na mensahe ni Jesus sa atin na ang lahat ng mga binabanggit sa kautusan ni Moises sa kanyang limang aklat na isinulat (Genesis, Exodus, Levitico, Bilang at Deuteronomio) kasama na ang sinulat ng lahat ng Propeta tungkol sa mga hula patungkol sa mga kaganapan sa buhay at mission ni Cristo ay kailangan niyang tuparin at kahit tuldok o kudlit nito ay tutuparin niya hanggang sa magwakas ang langit at ang lupa. Ganito din ang diwa ng Andrews Study Bible na published ng SDA's Andrews University Press:
5:17 Law … Prophets. The first five books of the OT and all the rest of the ancient Scripture. Jesus is not here making a distinction between ceremonial, civil, or moral laws. He is affirming all of God’s will as recorded in the Hebrew Scriptures, and showing its continuity. Though the will of God as defined in the OT Scriptures continues, Jesus takes it a step further: He fulfills it; i.e., He “fills it up”—He gives the Scriptures their fuller meaning (as illustrated in the six contrasting statements in 5:21–48; see Jer. 31:33; Ezek. 36:26–27) (Andrews Study Bible Notes on Matthew 5:17. Andrews University Press, 2010, p. 1254.)
- Malayong malayo ang interpretasyon ng mga Sabadista sa tunay na intention at kahulugan ng Mateo 5:17-18 ayon kay Cristo. Ang diwa ng talatang ito ay ibinigay sa atin upang magtiwala tayo na si Jesus ang siyang ating tunay na tagapagligtas at tanging siya lamang ang kailangan nating sampalatayanan dahil siya lamang ang nakatupad at makakatupad ng 100% sa binabanggit na mga hula sa Lumang Tipan. Bukod dito ay makakaasa tayo na ang lahat ng pangako ng Diyos sa Kasulatan ay mapagkakatiwalaan at ating lubos na maasahan.
Objections ng mga Sabadista:
Ayon sa aklat na ito ng mga Sabadista, ang kautusan daw na binabanggit ni Cristo sa Mateo 5:17-18 ay ang mga kautusang nakaukit sa nga tapyas na bato na walang iba kundi ang 10 utos.
Sagot:
- Ayon sa sulat na ito ni Pablo na kinasihan ng Espiritu Santo, ang "minesteriong lalong marangal" ay ang ministeriong "maging lingkod ng bagong tipan" hindi na ng lumang tipan.
- Ano ba ang pagkakaiba ng ministerio ng lumang tipan at ng bagong tipan ayon na din kay Pablo? Ang ministeryo ng lumang tipan ay "nababatay sa kautusang nakasulat." Saan nakasulat? Ito ay tinawag ni Pablo na "Kautusang nakaukit sa mga tapyas ng bato." Hindi maitatanggi ng mga Sabadista ang katotohanan na ito ang 10 utos na pinakamamahal nila at pinaglilingkuran nila sa pamamagitan ng pagtatanggol dito. Ang pagkakaiba naman ng ministerio ng bagong tipan ay "nababatay sa Espiritu" hindi batay sa kautusang nakaukit sa mga tapyas ng bato o 10 utos.
- Bakit itinuturo ni Pablo na "ministeriong lalong marangal" ang bagong tipan batay sa Espiritu kaysa sa lumang tipan na nakabatay sa kautusang nakasulat sa 10 utos? Dahil ang ang "kautusang nakasulat sa mga tapyas na bato" na 10 utos ay "nagdudulot ng kamatayan" "nagdadala ng kamatayan" "nagdudulot ng hatol ng kamatayan" samantalang ang ministerio ng bagong tipan na mas marangal ay nakabatay sa Espiritung "nagbibigay-buhay" at "nagdudulot ng pagpapawalang-sala." Kaya tayong mga Christians ngayon ay naglilingkod na sa ministeriong lalong marangal at higit na maluwalhati kaysa sa 10 utos na may kakulangan dahil nagdudulot lamang ito ng hatol ng kamatayan kumpara sa kaluwalhatian ng ministerio ng Espiritu na patuloy sa atin na magbibigay buhay dahil ito ay isang paglilingkod na nagdudulot ng pagpapawalang-sala ayon sa pangako ng Panginoon:
"Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan, at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.” Nang sabihin ng Diyos ang tungkol sa bagong kasunduan, pinawalang-bisa na niya ang una. At anumang pinapawalang-bisa at naluluma ay malapit nang mawala." (Mga Hebreo 8:12-13 RTPV)
Dahil sa napakalaking pagkakaiba ng bagong tipan at lumang tipan ipinaliwanag sa atin ni apostol Pablo kung bakit niloob ng Panginoon na palipasin na ang lumang tipan kasama na ang 10 utos sa mga Christians sa ilalim ng bagong tipan.
"Dahil dito, masasabi nating ang dating kaluwalhatian ay wala na, sapagkat napalitan na ito ng higit na maluwalhati. Kung may kaluwalhatian ang lumilipas, lalong higit ang kaluwalhatian ng nananatili magpakailanman." (2 Mga Taga-Corinto 3:10-11 RTPV)
"Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, dahil ang gawain ng Kautusan ay ang ipamukha sa tao na siya'y nagkasala." (Mga Taga-Roma 3:20 RTPV)