Saturday, June 20, 2026

INVESTIGATING ADVENTISM DEBUNKING SDAs "BIBLE FACTS": Deuteronomy 5:15: Hindi Crime Scene, Kundi Covenant Sign!


1. Ang Claim ni SDA Bible Facts

Gamit ang mga forensic o CSI analogies tulad ng “fingerprint,” “crime scene,” at “investigation” ina-argue ni SDA Bible Facts na hindi pwedeng maging sole basis o tanging batayan ng Sabbath ang Deuteronomy 5:15. Kasi kung 'yun lang daw ang reason, eh 'di sana hindi saklaw ng utos na ito si Christ, ang mga Apostles, at maging sina Adam at Eve dahil never naman silang naging alipin sa Egypt.

Kaya ang nagiging conclusion nila: ang tunay na foundation ng Sabbath ay naka-ugat sa Genesis 2:1–3 (sa creation), at ginawa raw ito para sa buong sangkatauhan o all of mankind (“anthropos”, Mark 2:27). Para sa kanila, ang Deuteronomy 5:15 ay isa lamang added na “redemptive dimension,” at hindi ito pamalit doon sa creation basis.

Quick Verdict (Mabilis na Sagot)

May point ang SDA sa isang bagay: hindi talaga sa Deuteronomy 5 nag-umpisa ang Sabbath. Pero ang problema, HINDI naman diyan umiikot ang debate. Ang totoong tanong dito ay: SINO ba talaga ang inutusang mag-observe ng Sabbath bilang sign ng covenant?

Dito, parang sinadya nilang i-skip 'yung pinakamalinaw na evidence ang Diyos na mismo ang nagsabi kung KANINO Niya ibinigay ang sign na ito: “sa pagitan Ko at ng mga anak ni Israel magpakailanman” (Exodus 31:17).

"Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan." (Exo 31:17 Tagalog AB)

Iyan ang mismong "fingerprint" na hindi nila isinama sa kanilang "investigation."

2. Punto-by-Punto na Imbestigasyon


A) Ang 'Fingerprint' na Sinadyang I-exclude sa Evidence: Exodus 31:13–17

Kung totoong CSI investigator tayo, dapat nating sundan ang evidence kahit saan pa ito mag-lead kasama na 'yung text na pinaka-explicit sa buong Torah pagdating sa kung SINO ang sakop ng Sabbath bilang isang covenant sign:

"Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo. . . Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan." (Exo 31:13, 17 Tagalog AB)

Pansinin niyo: hindi sinabi ng Diyos na isa itong "sign sa pagitan Ko at ng mankind" o "sign sa pagitan Ko at ni Adam." Malinaw at explicitly Niyang sinabi: "sa pagitan Ko at ng mga ANAK NI ISRAEL." Inulit pa nga ito sa Ezekiel 20:10-12, 20:

"Sa gayo'y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang. At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon. Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila." (Eze 20:10-12 Tagalog AB)

Ang 'kanila' rito ay strictly tumutukoy sa nation of Israel, hindi sa sangkatauhan in general.

I-compare natin ito sa parehong structure ng iba pang covenant signs sa Bible:
  • Ang circumcision (pagtutuli) ay sign ng Abrahamic covenant (Genesis 17:10–11) hindi ito ni-require sa mga Gentiles na wala naman sa tipan na 'yun.
"Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo. At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo." (Gen 17:10-11 Tagalog AB)
  • Ang rainbow naman ay sign ng Noahic covenant (Genesis 9:12–13) isang bagay na IPINAKITA ng Diyos, hindi isang task na ipinag-utos gawin ng tao.
"At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa." (Gen 9:12-13 Tagalog AB)

In the same way, ang Sabbath ay ang tanda (אוֹת, oth) ng Sinaitic Covenant ibinigay sa isang particular na nation, sa isang specific na time, bilang bahagi ng isang particular na covenant administration.

FALLACY SPOTTED: Cherry-Picking / Suppressed Evidence

Super ironic: kinaka-call out ng SDA Bible Facts 'yung iba for having a "butas-butas" na investigation, pero sila mismo, they only highlight Genesis 2 at Deuteronomy 5 tapos dini-deadma lang nila completely ang Exodus 31:13–17 at Ezekiel 20:12, 20 the exact verses kung saan God HIMSELF explicitly states kung kanino Niya binigay ang Sabbath as a sign. You can't call it an investigation kung pinipili mo lang 'yung evidence na gusto mong makita.


B) Argument from Silence: Nasaan ang mga Sabbath-Keeping Patriarchs?

Kung totoo na universal creation ordinance ang Sabbath since the time of Adam, we would expect na may record ng Sabbath-keeping sina Abel, Enoch, Noah, Abraham, Isaac, Jacob, at Joseph. Pero wala eh not even once, sa loob ng almost 2,500 years mula kay Adam hanggang Exodus 16. What's worse, sa Hebrews 11 the "Hall of Faith" very detailed 'yung pag-mention sa acts of faith nila, pero WALA ni isang mention about keeping the Sabbath.

Let's compare this sa circumcision: starting from Genesis 17, sunod-sunod 'yung record ng pagsunod nila rito kay Abraham, Isaac, Jacob, down to their whole households. Bakit super careful si God na i-record 'yung circumcision pero ni hindi man lang Niya na-mention ang Sabbath in 2,500 years? The most logical answer: kasi ang circumcision ay nag-exist na as a covenant sign back then, whereas ang Sabbath DID NOT exist yet as a command hanggang dumating 'yung Exodus 16:23–30 the VERY FIRST explicit command sa Bible na "ipangilin" o i-keep ang Sabbath. This was EVEN BEFORE God gave the Ten Commandments sa Exodus 20, and it was clearly directed only to Israel in connection sa manna sa wilderness.


C) Dalawang Rationales, Isang Covenant: Exodus 20:11 versus Deuteronomy 5:15

Let's grant na tama ang SDA: hindi sa Deuteronomy 5:15 nag-originate ang Sabbath al-ken (עַל־כֵּּן) nga ito, meaning "kaya nga" o "therefore." Pero hindi naman 'yan ang real issue. Ang TOTOONG tanong is: bakit may TWO DIFFERENT rationales para sa parehong command, at bakit pareho silang nasa loob ng SINAI COVENANT CONTEXT?

Remember: ang Deuteronomy 5 is literally a covenant renewal address ni Moses para sa new generation, AT VERY CLEAR NIYANG SINABI: ‘Hindi sa ating mga ninuno ginawa ng Lord ang covenant na ito, kundi sa atin, sa ating lahat na buhay dito ngayon’ (Deuteronomy 5:2–3, paraphrase). Ibig sabihin, kahit si God mismo, through Moses, explicitly categorized ang Sabbath-as-command bilang part ng COVENANT NA ITO ang tipan with Israel sa Horeb at hindi ng isang covenant with Adam sa Eden.

Reductio ad absurdum: kung ang Sabbath is a universal moral command mula pa sa creation, bakit kailangan pang i-state ng God nang dalawang beses ang JUSTIFICATION nito first sa Exodus 20:11 (creation), second sa Deuteronomy 5:15 (Exodus mula sa Egypt) sa loob lang ng iisang covenant address sa Sinai? God didn't do this sa marriage (Genesis 2:24), na walang ganitong repetitive na covenant-specific justification clause sa Torah, kasi ang kasal is truly a universal creation ordinance. Meanwhile, ang Sabbath-AS-COMMAND ay isang covenant legislation na kailangang i-justify sa loob ng isang covenant frame.


D) Si Kristo: Creation Ordinance ba, o “Born Under the Law”?

"But when the set time had fully come, sinugo ng God ang Kanyang Anak, born of a woman, born under the law, para matubos Niya ang mga nasa ilalim ng law" (Galatians 4:4–5, paraphrase).

Christ obeyed the WHOLE Torah circumcision noong eight days old Siya (Luke 2:21), Passover, pagbabayad ng temple tax, tzitzit, at yes, maging ang Sabbath bilang isang Jew na pinanganak under the MOSAIC COVENANT. He didn't do this para patunayan na universal creation ordinance ang mga ito.

Kung ang Sabbath-keeping ni Christ is enough proof na creation ordinance ito at required sa lahat, then dapat creation ordinance din ang circumcision, kasi sinunod din Niya 'yun. Pero we all know na ang circumcision ay sign ng Abrahamic covenant, hindi isang creation ordinance.

Same logic applies sa Sabbath:
ang pagsunod ni Christ dito was out of His faithfulness sa Mosaic covenant kung saan Siya pinanganak, at hindi ito proof ng universal applicability nito para sa lahat ng generations at races na wala naman under that specific covenant.


E) Sina Paul, Peter, at John: Observance ba o Missional Accommodation?
  • 1 Corinthians 9:20: “To the Jews I became as a Jew,” clear principle 'yan ng accommodation, hindi forced or obligated na pagsunod sa Torah.

  • Acts 13:14; 17:2: pumunta si Paul sa synagogue "as was his custom" simply because DOON nagtitipon ang mga Jews na gusto niyang ma-reach out it was a missionary strategy, hindi isang doctrinal command.

  • Acts 21:20–26: even though nag-participate si Paul sa Nazirite vow at temple purification rites para lang hindi ma-offend o mabigla 'yung mga Jewish Christians, hindi naman natin ginagawang doctrinal obligation 'yung Nazirite vow ngayon, 'di ba?
Kung gusto talaga nating malaman 'yung REAL doctrinal teaching ni Paul about the Sabbath not based sa kanyang missional practice kundi sa actual letters at turo niya we have to look at Colossians 2:16–17, Romans 14:5–6, at Galatians 4:9–11. At doon, super clear ang posisyon niya.

"Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo." (Col 2:16-17 Tagalog AB)

"May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip. Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios." (Rom 14:5-6 Tagalog AB)

"Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin? Ipinangingilin ninyo ang mga araw, at mga buwan, at mga panahon, at mga taon. Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan." (Gal 4:9-11 Tagalog AB)


F) Colossians 2:16–17 at Hebrews 4: Anino Lang, Hindi ang Substance

"Therefore do not let anyone judge you by what you eat or drink, o patungkol sa mga religious festivals, New Moon celebrations, o mga Sabbath days. These are a shadow ng mga bagay na darating; the reality, however, is found in Christ." (Colossians 2:16–17, paraphrase)

Super explicit dito ni Paul: ang "Sabbath day" ay kabilang sa ANINO (Greek: skia) kung saan ang SUBSTANCE o KATAWAN (Greek: soma) ay walang iba kundi si Christ. Kapag nasa atin na 'yung reality, it doesn't make sense na balikan at yakapin pa natin pabalik 'yung anino. This is the exact same point na sinasabi sa Hebrews 4:9–11 yes, may natitira pang "sabbatismos" (Sabbath-rest) para sa mga tao ng God, pero ang ultimate fulfillment nito is found sa pananampalataya natin kay Christ. It is about resting in His finished work, hindi na sa literal na pag-iwas sa trabaho tuwing seventh day.


G) Mark 2:27: Ano nga ba ang totoong ibig sabihin ng "Anthropos"?

True na ang Greek word na ἄνθρωπος (anthropos) can mean "man" o "tao" in a general sense PERO 'yung scope ng word na ito is always determined by the CONTEXT, hindi ng mismong salita in isolation. For example, sa John 7:22–23, ginamit din ni Jesus the exact same word na anthropos regarding circumcision during the Sabbath: "you circumcise a man (anthropos) on the Sabbath." Wala naman sigurong nag-iisip na it means universal for all humans ang circumcision just because ginamit 'yung word na anthropos.

Sa Mark 2:27, ang main point ni Jesus is NOT about the SCOPE ng Sabbath kundi 'yung PURPOSE nito the Sabbath was made FOR the benefit of man (as opposed sa legalistic view ng mga Pharisees na parang man exists para sa Sabbath). This is a statement about the PRIORITY ng human needs over ritualistic legalism, directed to a Jewish audience na actually UNDER the Sabbath law it's not a statement that establishes a transcultural, universal, eternal law para sa lahat ng generations.

Notice din 'yung following verse: "So the Son of Man is Lord even of the Sabbath" (v. 28) it points to the AUTHORITY ni Christ OVER the Sabbath, signaling a coming change, hindi para i-reinforce ito as an eternal moral law.


H) Isaiah 66:23: Prophetic Idiom, Hindi Literal na Blueprint

"At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ng Panginoon." (Isa 66:23 Tagalog AB)

Sa perspective ng Partial Preterism at New Covenant Theology, ang Isaiah 66 uses FAMILIAR covenant-era vocabulary (tulad ng new moons at Sabbath) para i-describe 'yung glory ng coming new covenant church just like how Ezekiel used the imagery ng temple at mga sacrifices (Ezekiel 40–48) o kung paano ginamit ni Zechariah ang Feast of Tabernacles (Zechariah 14) to illustrate new covenant Christian worship.

Wala namang SDA na magke-claim na we should literally bring back animal sacrifices just because of Ezekiel 40–48, 'di ba? Therefore, we should apply the exact same reading method pagdating sa Isaiah 66:23: it is a prophetic idiom of abundance and spiritual rest, hindi isang literal na blueprint para sa continuous obligation ng Sabbath-keeping. Hebrews 8:13 is very clear regarding this: "By calling this covenant 'new,' he has made the first one obsolete; at kung ano ang obsolete at tumatanda na ay malapit nang lumipas."


I) "Blessed at Sanctified" sa Genesis 2:3 ≠ Command kay Adam

Ang pagiging "sanctified" o set apart is NOT automatically equivalent sa "pag-uutos na i-keep ito as a weekly law." God also sanctified ang mga firstborn (Exodus 13:2) at ang mga priests (Leviticus) pero that doesn't mean na everything na "pinabanal" ay may same weekly worship command na imposed on all people.

Besides, si Moses the author of Genesis under inspiration, na nabuhay THOUSANDS OF YEARS after Adam could have easily used retrospective covenant language (na familiar na sa mga Israelite readers of his time) para i-describe 'yung theological significance ng seventh day noong creation. It's not necessarily a literal command for Adam to observe a weekly Sabbath we don't have any record na ginawa niya 'yun, at wala ring record na ginawa ito ng any of his descendants bago mismong i-record ni Moses 'yung actual command sa Exodus 16.


J) Ang Rest para sa mga Servants sa v.14: Charity Provision, Not a Universal Mandate

True, kasama sa pahinga 'yung mga servants at ang “foreigner residing within your gates” (Deuteronomy 5:14). Pero this is PARALLEL sa ibang Sinai-specific charity provisions tulad ng gleaning laws (Leviticus 19:9–10) at Jubilee (Leviticus 25), kung saan nagbe-benefit din 'yung mga "strangers" pero ONLY kung nasa LOOB SILA ng covenant community ng Israel (just like kung paano required na ma-circumcise muna ang isang foreigner before siya makapag-participate sa Passover, Exodus 12:48–49).

This is not evidence na universal ang law OUTSIDE the covenant; rather, it is evidence of the generosity of the covenant code PARA SA MGA NASA LOOB of the covenant community.

3. Hebrew & Greek Exegetical Panel

Salita

Kahulugan

Exegetical Note

עַל־כֵּּן

al-ken

“kaya nga / dahil dito”

Tama ang SDA: hindi origin-marker ito. Pero hindi rin ito ang totoong isyu ang isyu ay SCOPE ng obligasyon, hindi ORIGIN ng konsepto.

אוֹת

oth

“tanda / sign”

Ginamit din sa bahaghari (Genesis 9:12–13, Noahic) at pagtutuli (Genesis 17:11, Abrahamic) parehong covenant-specific markers, hindi universal commands sa labas ng kani-kanilang tipan.

עוּלָם

olam

“magpakailanman / habang panahon”

Ginamit din sa Aaronic priesthood (Exodus 40:15) na malinaw namang PINALITAN na sa Hebreo 7:11–12. Ibig sabihin, ‘olam’ ay madalas nangangahulugang ‘sa buong tagal ng covenant administration,’ hindi literal na walang-hanggan kahit magbago ang covenant.

ἄνθρωπος

anthropos

“tao / sangkatauhan”

Context-dependent ang saklaw nito ginamit din ni Hesus patungkol sa pagtutuli (Juan 7:22–23), na alam nating hindi naman universal. Hindi awtomatikong ‘sangkatauhan sa lahat ng panahon’ ang ibig sabihin tuwing lumalabas ang salitang ito.


4. Tatlong “Mic-Drop” Cross-Examination Questions

Tanong #1

Kung universal creation ordinance ang Sabbath mula pa kay Adan, bakit walang ni isang patriarka na pinuri pa sa Hebreo 11 dahil sa kanilang pananampalataya ang naitalang nag-Sabbath sa loob ng 2,500 taon bago dumating ang Exodus 16?

 

Tanong #2

Kung ang ‘magpakailanman’ (olam) sa Exodus 31:17 ay nangangahulugan ng walang-hanggang obligasyon na hindi nababago kahit anong mangyari sa covenant administration, bakit hindi rin ganito ang turing ng SDA sa ‘walang-hanggang’ (olam) na Aaronic priesthood sa Exodus 40:15, na malinaw namang pinalitan na ayon sa Hebreo 7:11–12?

 

Tanong #3

Kung universal sa lahat ng tao ang Sabbath dahil ginamit ang salitang ‘anthropos’ sa Marcos 2:27, paano ipapaliwanag ng SDA na ginamit din ni Hesus ang parehong salitang ‘anthropos’ sa Juan 7:22–23 patungkol sa pagtutuli na alam nating hindi naman universal sa lahat ng tao?


5. Summary Verdict Table

SDA Claim

Investigating Adventism Verdict

Deut 5:15 hindi nag-o-originate ng Sabbath

Tama pero hindi rin ito ang totoong isyu.

Genesis 2:3 = universal command kay Adan

Walang eksplisitong command doon; ‘sanctified’ ≠ automatikong weekly command.

Mark 2:27 “anthropos” = lahat ng tao sa lahat ng panahon

Equivocation context-dependent ang saklaw (cf. Juan 7:22–23).

Christ/Paul/Peter/John nangilin ng Sabbath kaya universal ito

Sila ay mga Judio sa ilalim ng Torah katapatan sa Mosaic covenant o missional accommodation, hindi patunay ng creation ordinance.

Isaiah 66:23 = walang-hanggang obligasyon ng Sabbath

Prophetic idiom na naglalarawan ng future glory, hindi literal na blueprint (cf. Ezekiel 40–48).

(Hindi binanggit ng SDA) Exodus 31:13–17

Ang mismong Diyos ang nagsasabi: sign ito ‘sa pagitan Ko at ng mga anak ni Israel’ ito ang nawawalang fingerprint.



6. Final Pastoral Word

Sa ating mga minamahal na kapatid na former Adventists: we don't need to embrace the shadow pabalik kung nasa atin na 'yung reality. Ang Sabbath is a beautiful picture ng rest na ipinangako ni God para sa Kanyang bayan pero ang ultimate fulfillment ng picture na 'yan ay walang iba kundi si Christ (Colossians 2:17), na nag-i-invite sa atin: “Come to me, all you who are weary and burdened, at bibigyan ko kayo ng pahinga” (Matthew 11:28). Hindi na natin kailangang balikan ang shadow system ng Sinai covenant para makamit ang true rest it is already found in Him, right now, through faith.

Let's carefully investigate ang buong evidence ng Scripture lahat ng fingerprints, hindi lang 'yung cherry-picked and it will show us clearly: ang Sabbath ay sign ng Sinai covenant para sa Israel, isang shadow na completely fulfilled na kay Christ.

FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph 


Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.

GCash: 0969-514-3944

PayPal: paypal.me/formeradventistsph

Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos


No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

INVESTIGATING ADVENTISM DEBUNKING SDAs "BIBLE FACTS": Deuteronomy 5:15: Hindi Crime Scene, Kundi Covenant Sign!

1. Ang Claim ni SDA Bible Facts Gamit ang mga forensic o CSI analogies tulad ng “fingerprint,” “crime scene,” at “investigation”  ina-argu...

MOST POPULAR POSTS