Introduction
Nire-reinterpret ng Seventh-day Adventist (SDA) Church ang Sola Fide sa pamamagitan ng pag-blend ng faith at law-keeping. Ang ending? Ang solid na pundasyon ng Reformation ay naging isang conditional process ng obedience.
Ang doctrine ng Sola Fide (justification by faith alone) ng Protestant Reformation ay hindi lang basta isang theological slogan. Ito ang pinakapuso ng protesta ni Martin Luther laban sa Roma. Malinaw ang message: ang mga makasalanan ay idinedeklarang matuwid sa harap ng Diyos solely sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hiwalay sa anumang gawa o pagtupad sa kautusan.
Pero ang SDA Church, kahit sinasabi nilang pinagpapatuloy nila ang Reformation legacy na ito, ay patago ngunit seryosong binago ang kahulugan ng Sola Fide. Sa theology ng Adventism, ang justification ay hindi isang once-for-all forensic declaration na nakabase lang sa finished work ni Cristo. Sa halip, naging isang conditional at ongoing process ito na nakadepende sa obedience ng believer (na tinutulungan daw ng Holy Spirit)—partikular na sa Sampung Utos at sa Sabbath law, ayon sa interpretation ni Ellen G. White at ng SDA tradition. Ang shift na ito ay hindi lang usapang semantics; it’s a total theological overhaul na naglalagay sa focus ng justification sa human response sa halip na sa divine accomplishment.
Habang ginagamit ng mga Adventists ang phrase na "righteousness by faith," madalas nilang isinasama ang sanctification bilang isang necessary component ng justification. Dahil dito, nagugulo ang malinaw na linyang ipinaglalaban ng mga Reformers sa pagitan ng dalawa. Ang mga sulat ni Ellen White ay nagpapatibay sa fusion na ito, kung saan itinuturo niya na ang obedience ang mismong condition para makatanggap ng eternal life, at ang righteousness ni Cristo ay ibinibigay lang sa mga gumagawa ng "lahat ng kanilang makakaya" para sumunod sa kautusan ng Diyos. This introduces a synergistic model kung saan kailangang patunayan ang faith sa pamamagitan ng law-keeping (lalo na ang Sabbath observance) para ma-maintain ang iyong justified status. In contrast, seryoso ang mga Reformers na ang good works ay dumadaloy mula sa justification, hindi papunta rito na ang obedience ay bunga (fruit), hindi ang ugat (root) ng salvation.
Kaya naman, ang SDA reinterpretation ng Sola Fide ay parang ginawa itong Fides et Opera faith and works. Dahil sa theological pivot na ito, ang Adventism ay lumalabas na sa hangganan ng historic Protestantism, kahit pa mahilig silang gumamit ng mga Reformation keywords. Para sa mga Reformers, ang setup na ito ay pagbabalik sa mismong mga maling aral na ipinaglaban nila noon isang ebanghelyo na kinukulong ang budhi sa kautusan sa halip na palayain ito sa pamamagitan ng biyaya. Sa madaling salita, ang bersyon ng SDA sa Sola Fide ay hindi isang preservation, kundi isang mutation na binabago ang mismong core ng gospel.
Hihimayin ng sanaysay na ito ang classical Protestant doctrine, ituturo kung saan nag-deviate ang SDA system, at ipakikita kung paano binaluktot ng mga deviation na ito ang Sola Fide sa isang bagay na siguradong ire-reject ng mga Reformers.
Definition of Sola Fide
Ang doctrine ng Sola Fide (faith alone) ang pinaka-cornerstone ng Reformation soteriology (theology of salvation). Sinasabi nito na ang mga makasalanan ay justified sa harap ng Diyos hindi dahil sa anumang intrinsic merit, moral transformation, o pagsunod sa kautusan, kundi sa pamamagitan lang ng pagtitiwala sa finished work ni Jesus Christ. Sa framework na ito, ang faith ay hindi isang meritorious act o spiritual achievement; ito ay ang "empty hand" na tumatanggap sa righteousness ni Cristo, isang katuwiran na ibinibilang (imputed) at legal na ipinagkakaloob sa believer apart from works.
Ang justification na ito ay isang forensic declaration ng Diyos, hindi isang internal renewal o sanctification. Habang ang good works ay natural na lalabas bilang bunga ng totoong pananampalataya, wala silang ambag sa pag-secure o pag-maintain ng justified status ng isang tao. Para sa mga Reformers, non-negotiable ang distinction na ito. Sabi nga ni Martin Luther, ang Sola Fide ay “the article by which the church stands or falls,” dahil pinoprotektahan nito ang radical grace ng gospel at ang assurance ng isang believer. Kapag nagpasok ka ng human obedience kahit patago o progressive pa 'yan sa pundasyon ng justification, sinisira mo ang pinakabasihan ng gospel at bumabalik ka sa works-based righteousness na mariing tinanggihan ng mga Reformers. Sa madaling salita, ang Sola Fide ay ang bright line sa pagitan ng gospel at law, ng assurance at uncertainty, ng kasapatan ni Cristo at ng sariling kayod ng tao.
Binibigyang-diin ng doctrine na ito na:
Justification bilang legal declaration: Ito ay isang legal declaration, hindi isang panloob na pagbabagong-moral.
Imputed Righteousness: Ang katuwiran ni Cristo ay imputed (ibinilang o ni-credit) sa believer.
Good works bilang bunga: Sumusunod ang good works sa justification pero walang kontribusyon dito.
Pure Grace: Anumang doktrina na naghahalo ng gawa ng tao sa justification, kahit sa pinaka-banayad na paraan, ay hindi na Sola Fide.
Sola Fide sa Kasulatan at Kasaysayan: Ang Non-Negotiable Line ng Ebanghelyo
Ang biblical case para sa Sola Fide ay hindi lang basta isang manipis na sinulid mula sa iilang bersikulo, o isang malabong theological suggestion na pwedeng i-interpret kahit paano. Ito ang malakas at paulit-ulit na hampas ng tambol sa Bagong Tipan, lalo na sa mga sulat ni Pablo. Ginawa ng apostol ang lahat para isara ang bawat posibleng loophole kung saan pwedeng sumingit ang works-based righteousness pabalik sa ebanghelyo.
Sa Romans 3:28, napakalinaw ni Pablo: “Sapagkat naniniwala tayo na ang tao ay itinuturing na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa pamamagitan ng mga gawa ayon sa Kautusan.” Hindi niya nilagyan ng mga qualifiers na tulad ng “ilang gawa lang,” “ceremonial works,” o “mabuting intensyon.” Sinabi niya apart ibig sabihin, sa labas, hiwalay, at walang koneksyon sa gawa. Pagdating sa Romans 4:5, nagbagsak si Pablo ng isang theological atomic bomb: “Ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa makasalanan (ungodly).” Hindi sa mga taong may moral improvement, hindi sa mga may spiritual potential, at hindi sa mga “halos-nandoon na pero kailangan lang ng kaunting polishing.” Ang ungodly. Ibig sabihin, ang basis ng justification ay walang anumang makikita sa loob ng makasalanan hindi ang kanyang sincerity, obedience, o spiritual progress kundi isang bagay na naganap nang buong-buo sa labas niya: ang perpektong katuwiran ni Cristo na imputed sa kanya sa pamamagitan ng pananampalataya.
Inulit ito sa Galatians 2:16 na may triple emphasis, na parang alam na ni Pablo na dadaan ang mga siglo ng theological debates: “ang tao ay hindi pinatutunayan sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan,” “kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo,” at muli, “hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan.” Hindi nabilaukan si Pablo rito. Hindi niya hinalo ang faith at works para maging isang theological smoothie. Gumuhit siya ng isang maliwanag na pulang linya sa pagitan ng ground ng justification (katuwiran ni Cristo) at ng fruit ng justification (ang ating obedience). Anumang pagtatangka na muling isaksak ang gawa sa ugat ng kaligtasan maging ito ay banayad, progressive, o binalot sa banal na salita ay ang mismong kinokondena ni Pablo bilang “ibang ebanghelyo” sa Galatians 1:6-9. Ang apostolic message ay consistent at walang kompromiso: faith is the empty hand that receives Christ, not the hand that adds to Christ.
Sa kasaysayan naman, noong ipinaglaban ng mga Protestant Reformers ang Sola Fide, hindi sila nag-iimbento ng bago; nire-recover lang nila ang apostolic gospel na nabaon sa ilalim ng mga siglo ng sacramentalism at synergism. Binigyang-diin ni Martin Luther na ang justification ay isang forensic declaration: Ang Diyos, bilang Hukom, ay nagdedeklarang matuwid sa makasalanan hindi dahil sa anumang bagay na likas sa kanya, kundi dahil lamang sa katuwiran ni Cristo na ni-credit sa kanya. Para kay Luther, ang justification ay isang legal status, hindi isang spiritual process; nangyayari ito sa courtroom ng Diyos, hindi sa bloodstream ng believer.
Pinatalas naman ni John Calvin ang pagkakaiba ng justification at sanctification. Sabi niya, habang ang dalawang ito ay hindi pwedeng maghiwalay sa buhay ng isang believer, hinding-hindi sila dapat paghaluin sa doktrina. Ang justification ay nakabase sa imputed righteousness ni Cristo; ang sanctification naman ay ang gawa ng Espiritu Santo sa loob natin. Tinawag ni Calvin ang justification na “the hinge on which religion turns,” dahil kapag hinalo mo ito sa sanctification, kino-collapse mo ang grasya para maging performance, at ang assurance ay nagiging anxiety.
Si Philip Melanchthon, ang theological wingman ni Luther, ay naging napakalinaw sa Augsburg Confession: ang righteousness ay imputed, hindi infused. Itinuro ng Roman Catholic view na ginagawa ka muna ng Diyos na matuwid (infused) para ka ma-justify. Pero sinagot sila ng mga Reformers gamit ang Kasulatan: Binibigyang-katwiran ng Diyos ang makasalanan habang siya ay ungodly pa, at pagkatapos ay binabanal (sanctifies) siya pagkatapos nito. Ang pagkakaibang ito sa pagitan ng imputed at infused righteousness ay hindi lang isang maliit na technicality. Ito ang mismong backbone ng Protestant theology at ang tagapagtanggol ng kalinawan ng ebanghelyo.
Mula Wittenberg hanggang Geneva hanggang Strasbourg, nagkakaisa ang mga Reformers sa isang non-negotiable na katotohanan: kahit ano as in absolutely anything na nagiging dahilan para ang pagsunod ng tao ay maging bahagi ng ground, sanhi, o kondisyon ng justification ay dapat itapon sa theological trash bin. Ang obedience ay bunga ng kaligtasan, hindi ang ugat. Hindi ang pundasyon. Hindi ang requirement na tinitimbang ng Diyos bago magdeklara na ang isang tao ay matuwid. Sa sandaling ikabit mo ang gawa sa justification, kahit ang pinakamaliit na pagsunod, hindi mo lang binago ang ebanghelyo pinatay mo ito. Pinalitan mo ang finished work ni Cristo ng human contribution. At sa paggawa nito, ipinagpalit mo ang nagpapalayang biyaya ng ebanghelyo para sa nakakapagod na treadmill ng performance.
Ang Seventh-day Adventist Definition ng Sola Fide
Madalas sabihin ng mga SDA writers na itinuturo din nila ang justification by faith alone, pero ang kanilang doctrinal system ay nagdadagdag ng mga layers na radikal na nagbabago sa kahulugan nito. Narito ang mga key SDA elements:
1. Investigative Judgment (Ang Doktrina ng 1844)
Sa pinakapuso ng Seventh-day Adventist theology ay ang doktrina ng Investigative Judgment isang turo na lumabas pagkatapos ng Millerite disappointment at pormal na binuo noong 1844. Ayon sa doktrinang ito, pumasok si Jesus sa Most Holy Place ng heavenly sanctuary para simulan ang pre-Advent phase ng paghuhukom. Dito, sinusuri Niya ang buhay ng mga nagpapanggap na believers para malaman kung sino ang talagang "karapat-dapat" sa kaligtasan.
Habang pinaninindigan ng mga Adventists na ang faith kay Cristo ang nagpapasimula ng standing ng tao sa harap ng Diyos, iginiit naman nila na ang faith na ito ay dapat mapatunayan ng isang buhay ng obedience, partikular sa Sampung Utos at sa ikapitong-araw na Sabbath. Sa framework na ito, ang justification ay hindi isang once-for-all declaration na nakabase lang sa katuwiran ni Cristo, kundi isang probationary status (naka-probation) na pwedeng i-review at nakadepende sa sanctified performance ng believer.
Itinuro ni Ellen G. White, ang prophetic authority ng denominasyon, na sa paghuhukom na ito, “character is revealed,” at ang mga nakadaig lang sa kasalanan at nagpakita ng katapatan sa kautusan ng Diyos ang mapapawalang-sala. Ang eschatological scrutiny na ito ay nagpapasok ng matinding theological tension: ang assurance ay hindi kailanman final, at ang justification ay hindi secured hangga't hindi ka nakakapasa sa investigative phase. Ang resulta? Isang ebanghelyo na naglilipat ng focus mula sa finished work ni Cristo patungo sa tuluy-tuloy na pagsunod ng tao effectively transforming Sola Fide into Fides Probata Per Opera (faith proven by works). Kabaligtaran ito sa sinabi ni Pablo na “God justifies the ungodly” (Romans 4:5) at ang justification ay “apart from works of the law” (Romans 3:28).
2. Final Vindication by Works
Kahit sinasabi ng SDA na ang kapatawaran ay nagsisimula sa pananampalataya, ang doktrina nila sa final salvation ay nakadepende sa ipinakitang obedience ng isang believer lalo na ang sinless living (buhay na walang kasalanan) sa end times. Ginagawa nitong kondisyon ang final acceptance ng Diyos sa moral performance ng tao, hindi sa finished work ni Cristo lamang.
Ang konsepto na ito, na tinatawag sa Adventist theology bilang final vindication by works, ay nagtuturo na bagamat ang justification ay pwedeng magsimula sa faith, ito ay tinatapos o kinukumpirma sa pamamagitan ng banal na pamumuhay ng believer. Paulit-ulit na idiniin ni Ellen G. White na ang mga believers ay dapat “maka-overcome sa kasalanan” at umabot sa isang estado ng moral maturity upang makatayo sa harap ng isang banal na Diyos nang walang tagapamagitan (mediator) sa huling bahagi ng investigative judgment. Sa kanyang librong The Great Controversy, isinulat niya:
“Those who are living upon the earth when the intercession of Christ shall cease in the sanctuary above are to stand in the sight of a holy God without a mediator. Their robes must be spotless, their characters must be purified from sin by the blood of sprinkling.”
Ang turong ito ay isang malaking theological shift: ang kaligtasan ay hindi na naka-angkla lang sa katuwiran ni Cristo na ibinilang sa makasalanan (Romans 4:5), kundi sa kakayahan ng tao na maabot ang isang antas ng obedience na sapat para makapasa sa banal na pagsusuri.
Dahil dito, tuluyang nababago ang assurance ng ebanghelyo. Sa halip na magpahinga sa finished work ni Cristo, ang believer ay naiiwang nagpupursigi sa isang hinaharap na estado ng sinless perfection, habang may laging banta na kapag nabigo kang mag-overcome sa kasalanan, pwede kang mawalan ng eternal life. Kahit sabihin pa ng mga Adventist apologists na ang obedience na ito ay enabled ng Holy Spirit at hindi meritorious, ang praktikal na resulta ay isang system kung saan ang final justification ay may kondisyon sa performance ng tao. Malayo ito sa paninindigan ng Reformation na ang justification ay isang once-for-all forensic declaration base sa katuwiran ni Cristo lamang. Sa Adventist model, ang linya sa pagiyan ng justification at sanctification ay lumabo, at ang assurance ng tao ay nakatali hindi sa krus, kundi sa sarili nilang progreso sa kabanalan.
3. Fusion ng Justification at Sanctification
Isa sa pinaka-kritikal na paglayo ng SDA theology mula sa historic Protestantism ay ang patuloy nitong paghahalo (fusion) ng justification at sanctification dalawang doktrina na pinag-aralan ng mga Reformers na ihiwalay nang may surgical precision. Sa classic Reformation theology, ang justification ay isang forensic act: idinedeklara ng Diyos na matuwid ang makasalanan batay lamang sa imputed righteousness ni Cristo na tinanggap sa pamamagitan ng faith alone. Ang sanctification naman ay ang panloob at gawa ng Espiritu Santo na pagbabagong-moral na sumusunod bilang bunga (fruit), hindi sanhi (cause), ng justification.
Subalit sa Adventist theology, madalas malabo ang mga categories na ito. Madalas ilarawan ni Ellen G. White at ng iba pang SDA writers ang justification hindi lang bilang isang legal declaration kundi bilang isang proseso na kasama ang paggawa sa believer na maging matuwid. Halimbawa, isinulat ni White na:
“justification is not a cloak to cover unconfessed and unforsaken sin; it is the work of Christ to make the sinner righteous” (Faith and Works, p. 100).
Ang ganitong pananalita ay sumisira sa pagkakaiba ng imputed (ibinilang) at infused (ipinaloob) na katuwiran, na kaparehong-kapareho ng Roman Catholic view na tinanggihan ng mga Reformers sa Council of Trent.
Sa praktikal na buhay, ang doctrinal fusion na ito ay nangangahulugan na ang justification sa Adventism ay hindi isang permanenteng hatol (settled verdict) kundi isang progressive experience na nakadepende sa pakikipagtulungan ng tao sa biyaya at sa kanyang pagsunod sa kautusan. Ang ending? Isang theological system kung saan ang assurance ay laging provisional (pansamalantala), at ang justification ay hindi kailanman fully secure hangga't ang sanctification ay hindi umaabot sa isang partikular na threshold lalo na kung iisipin ang investigative judgment at ang expectation ng sinless living bago bumalik si Cristo. Sinisira nito ang core insight ng Reformation na ang believer ay sabay na justus et peccator matuwid sa status, ngunit nakikipagbuno pa rin sa kasalanan sa karanasan. Sa pamamagitan ng pag-redefine sa justification para isama ang moral transformation, inililipat ng Adventism ang ground ng salvation mula sa tapos na gawa ni Cristo patungo sa patuloy na performance ng tao.
4. Sabbath bilang Isang Salvational Test
Sa eschatology ng Seventh-day Adventist, ang Sabbath ay itinaas mula sa pagiging isang moral command para maging isang salvational litmus test. Dito, ang huling katapatan sa Diyos ay sinusukat hindi lang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, kundi sa pagtupad sa ikapitong-araw na Sabbath. Ginagawa nitong nakadepende ang kaligtasan sa "calendar obedience" sa halip na sa grasya lamang.
Ang theological framework na ito ay halatang-halata sa mga end-time scenarios ng Adventist, kung saan ang Sabbath ang nagiging dividing line sa pagitan ng ligtas at ng mapapahamak sa huling krisis. Ayon kay Ellen G. White at sa mga opisyal na publikasyon ng SDA, ang huling malaking labanan ay iikot sa worship at law, at ang Sabbath ang magiging pinaka-focal issue. Ang mga nagpapanatili ng ikapitong araw na Sabbath ay inilalarawan bilang tapat sa Diyos, habang ang mga sumasamba sa Linggo (Sunday) ay madalas na iniuugnay sa “mark of the beast” at itinuturing na apostate anuman ang sabihin nilang pananampalataya kay Cristo.
Kinumpirma ni Ángel Manuel Rodríguez, isang nangungunang Adventist theologian, na ang Sabbath ay “magiging isang visible sign ng loyalty sa Diyos” sa cosmic conflict ng mga huling araw. Ang eschatological emphasis na ito ay nagpapalit sa Sabbath observance mula sa pagiging bunga ng sanctification para maging isang kondisyon ng final salvation.
Sa sistemang ito, ang faith alone ay kulang maliban kung sinasamahan ito ng tamang araw ng pagsamba. Ang walang hanggang destinasyon ng believer ay nakasalalay hindi lang sa pagtitiwala kay Cristo, kundi sa pagpasa sa isang divine loyalty test na nakasentro sa Sabbath. Ang redefinition na ito ng gospel fidelity ay nagpapasok ng isang works-based criterion sa mismong puso ng kaligtasan, na ginagawang Fides cum Die Recta faith with the right day ang Sola Fide. Siguradong itatapon ito ng mga Reformers, dahil igigiit nila na ang justification ay nakabatay lamang sa katuwiran ni Cristo, hindi sa kakayahan ng believer na mag-navigate ng prophetic calendars. Sa paggawa sa Sabbath bilang salvific fault line, pinapalitan ng Adventism ang katiyakan ng ebanghelyo (gospel assurance) ng eschatological anxiety.
SDA Divergence mula sa Classical Protestant Principle
Let’s keep it straight: Sabi ng mga Reformers, ang justification ay kumpleto, final, at nakabase lamang sa katuwiran ni Cristo na imputed sa believer. Sabi naman ng SDA system, ang justification ay initial lang, at ang final acceptance ay nakadepende sa law-keeping, pagtatagumpay sa kasalanan, at katapatan ng believer sa panahon ng huling krisis. Hindi iyan isang maliit na edit lang. Para mong ni-rewrite si Luther gamit ang Ellen White filter.
Narito ang mga pangunahing pagkakaiba:
Investigative Judgment vs. Finished Work
Reformers: “Tapos na (It is finished).”
SDA: “Nagsimula ito noong 1844 at ongoing pa rin.”
Imputed Righteousness vs. Character Perfection
Reformers: Sapat na ang katuwiran ni Cristo.
SDA: Kailangan mo ang katuwiran ni Cristo plus isang mapatutunayang moral transformation para makapasa sa huling pagsubok.
Assurance vs. Uncertainty
Reformers: Ang assurance ay nakatapak sa finished work ni Cristo.
SDA: Impossible ang assurance hangga't hindi natatapos ang paghuhukom at hindi mo pa na-o-overcome ang sapat na kasalanan.
Law-Keeping bilang Bunga vs. Law-Keeping bilang Pamantayan
Reformers: Ang good works ay ebidensya ng kaligtasan.
SDA: Ang good works ay tumutulong para madetermina ang final salvation.
Chart: Reformation Sola Fide vs. SDA Redefinition
| Category | Reformation Sola Fide | SDA Redefinition of Sola Fide |
| Nature of Justification | Forensic declaration; external, base sa katuwiran ni Cristo. | Initial forgiveness + panghabang-buhay na moral transformation. |
| Ground of Justification | Imputed righteousness ni Cristo lamang. | Katuwiran ni Cristo + obedience ng believer. |
| Sanctification | Resulta o bunga ng justification. | Hinalo o pinagsama sa justification. |
| Final Judgment | Idinedeklara kung ano ang totoo na kay Cristo. | Investigative Judgment; sinusuri ang believers para magdesisyon sa kaligtasan. |
| Assurance | Sigurado, nakabase sa finished work ni Cristo. | Conditional, nakadepende sa moral performance. |
| Law-Keeping | Ebidensya at prutas ng kaligtasan. | Requirement para sa final vindication (lalo na ang Sabbath). |
| Sabbath | Isang optional conviction o personal na pasya. | Isang essential test ng loyalty at kaligtasan. |
References:
Martin Luther, Lectures on Galatians, in Luther’s Works, vol. 26 (St. Louis: Concordia, 1963), 125–129.
John Calvin, Institutes of the Christian Religion, 3.11.2–5 (Philadelphia: Westminster Press, 1960).
“The Augsburg Confession,” Article IV, in The Book of Concord, ed. Theodore Tappert (Philadelphia: Fortress Press, 1959), 30.
Ellen G. White, The Great Controversy (Mountain View, CA: Pacific Press, 1911), 482–491.
Ellen G. White, Christ’s Object Lessons (Washington, D.C.: Review and Herald, 1941), 69, 312–316.
Seventh-day Adventist Church, Seventh-day Adventists Believe: A Biblical Exposition of Fundamental Doctrines (Silver Spring, MD: Review and Herald, 2005), 147–154.
Hans K. LaRondelle, Perfection and Perfectionism (Berrien Springs, MI: Andrews University Press, 1971), 128–134.
George R. Knight, The Pharisee and the Publican: Adventism’s Anxiety About Assurance (Hagerstown, MD: Review and Herald, 2010), 44–55.
FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
Former Adventists Philippines Association, Inc
SEC Registration No: 2025090219381-03
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.
• GCash: 0969-514-3944
• PayPal: paypal.me/formeradventistsph
• Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos
No comments:
Post a Comment