Ang prayer ko, sana si Bro. Melvin huwag nang tatakbo ulit sa tulong ng ‘Pag-Aralan Natin’ ni Johnson Amican. Diretso na lang sana siyang gumawa ng rebuttal sa akin, para kami lang dalawa ang magpaliwanagan. At kayo na mga bumabasa, kayo ang magpasya base sa bigat ng ebidensiyang ipapakita namin. Maraming salamat.
Q1: Ang dietary laws ba sa Leviticus 11 ay "Ceremonial Law"?
Adventist Argument: Hindi ito ceremonial dahil hindi naman daw ito direktang konektado sa sanctuary services at hindi "contagious" ang paghawak sa buhay na baboy.
Q2: Nilinis ba talaga ni Jesus ang lahat ng pagkain sa Mark 7:19?
Ang hilig i-argue ng mga Adventists na yung Greek word na bromata (food) ay para lang daw sa mga pagkaing "clean" na, at hindi kasama yung mga bawal na hayop sa Leviticus 11. Pero ito yung irony: mismong yung libro nilang SDA Believe book ang kumokontra sa claim nila. Sabi dun:
But What Did Jesus Actually Have in Mind?
"Huwag kayong magpakarumal sa anomang umuusad, o huwag kayong magpakalinis man sa mga iyan, na anopa't huwag kayong mangahawa riyan, Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at kayo'y maging mga banal; sapagka't ako'y banal: ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa." (Lev 11:43-44 Tagalog AB)
'Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao, na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya; datapuwa't ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa tao." (Mar 7:15 Tagalog AB)
Isa sa pinakamalakas na evidence na ang Mark 7:19 ay tungkol talaga sa dietary laws ng Leviticus 11 (at hindi lang basta usapang paghuhugas ng kamay bago kumain ng tinapay) ay yung mismong nangyari kay Apostle Peter sa Acts 10.
"Mark, in his capacity as Peter's interpreter, wrote down accurately everything he recalled of the Lord's words and deeds."
Ang Vision ni Peter
Siyempre, reaction ni Peter: "Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal."(Act 10:14 Tagalog AB)
"At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi." (Act 10:15 Tagalog AB)
1. Ang pag-iwas sa Gentiles ay gawang-tao lang (Rabbinic invention).
2. Pero ang pag-iwas sa "unclean" animals ay galing talaga sa Law ni God.
3. Kaya nung sinabi ng Diyos na, "Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi," ang tinutukoy Niya ay ang dietary laws ng Leviticus 11.
Q3: Dahil ba ang "Clean/Unclean" distinction ay nasa Genesis 7 (Panahon ni Noah), ibig sabihin ba nito ay universal at permanenteng batas ito?
The Biblical Truth: Ito ay isang classic "misdirection." Sa Genesis 7, ang distinction ay para sa sacrifice (Noah offered clean animals after the flood). Ngunit pagdating sa pagkain (diet), tignan natin ang Genesis 9:3:
“All wild animals and birds and fish will be afraid of you,” God told him; “for I have placed them in your power, and they are yours to use for food, in addition to grain and vegetables." Genesis 9:2-3 (TLB)
SDA Contradiction: Ministry magazine (1968)
Ang nakaka-shock dito, yung modern teaching nila ngayon ay salungat na sa dati nilang sariling official position. Kumbaga, "nag-self-destruct" yung argument nila kasi mismong yung records nila ang bumabangga sa tinuturo nila ngayon.
“The distinction between clean and unclean animals mentioned in Genesis 7 has reference to sacrifice, not to food. Noah was commanded to take seven of every clean beast into the ark because they were to be used for burnt offerings after the Flood (Gen. 8:20). The distinction at that time was not dietary, but sacrificial.” (Ministry Magazine, March 1968, p. 22)
Tagalog:
“Yung distinction ng clean at unclean animals sa Genesis 7, hindi tungkol sa pagkain kundi sa sacrifice. Kaya inutusan si Noah na magdala ng seven pairs ng clean beasts sa ark gagamitin kasi sila for burnt offerings after the Flood (Gen. 8:20). So during that time, hindi dietary issue, kundi sacrificial purpose.” (Ministry Magazine, March 1968, p. 22)
Ang point ng article ay simple lang: yung distinction ng clean at unclean noong panahon ni Noah ay para sa worship (sacrifice), hindi para sa diet. Ginamit lang yung label na "clean" para malaman kung ano yung pwedeng ialay sa altar.Yung mga dietary restrictions na nababasa natin sa Leviticus 11 at Deuteronomy 14? Dumating 'yan much later na. Specific instructions na 'yun na ibinigay para lang sa bansang Israel bilang bahagi ng kanilang tipan sa Diyos. Kumbaga, huwag nating ipilit na "health code" na 'yun simula pa nung Creation, kasi clearly, ceremonial function ang focus nito nung una.
Real Talk Reflection
1 Timothy 4:4-5
"For everything created by God is good, and nothing is to be rejected if it is received with thanksgiving, for it is made holy by the word of God and prayer."
Call to Action: Huwag hayaang igapos ka ng mga doktrinang pilit na ibinabalik ang mga anino ng Lumang Tipan. Ang iyong kabanalan ay hindi nasusukat sa laman ng iyong plato, kundi sa biyayang tinanggap mo kay Kristo. Kung gusto mong maging healthy, go ahead! Pero huwag itong gawing basehan ng iyong pagiging "matuwid" sa harap ng Diyos. Mamuhay sa kalayaan ng Bagong Tipan!
Datapuwa't ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios: ni hindi tayo masama, kung tayo'y di magsikain; ni hindi tayo lalong mabuti, kung tayo'y magsikain." (1Co 8:8 Tagalog AB)
FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
Former Adventists Philippines Association, Inc
SEC Registration No: 2025090219381-03
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.
• GCash: 0969-514-3944
• PayPal: paypal.me/formeradventistsph
• Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos

No comments:
Post a Comment