Monday, January 12, 2026

"Jesus vs. Moses: 25 Bagay na Dapat Mong Malaman Para Hindi Ka 'Confused' Christian"


Mga kapatid, narito ang 25 importanteng theological points na dapat maintindihan ng bawat born again Christian, pastor man o hindi, tungkol sa Ten Commandments. Sulat ito from a New Covenant Theology perspective para matulungan tayong i-distinguish kung ano ang pagkakaiba ng Old Covenant ministry of condemnation sa New Covenant ministry of the Spirit.

The Historical & Covenantal Context

1. Covenant Document Sila

Ang Ten Commandments (o Decalogue) ay summary terms ng Old Covenant na specifically ginawa sa pagitan ni God at ng nation of Israel sa Mount Sinai (Exodus 34:28; Deuteronomy 4:13). Kontrata ito between them.

2. Para sa Israel, Hindi sa Gentiles

Malinaw sa Psalm 147:19-20 at Deuteronomy 5:2-3 na ang specific law code na ito ay binigay sa mga Israelites, hindi sa mga pagan nations sa paligid nila.

3. "Package Deal" Ito

Hindi pwedeng i-separate ang Ten Commandments sa iba pang 613 laws ni Moses. Sabi sa James 2:10, kapag nag-fail ka sa isang point, guilty ka na sa lahat. Isang buong legal system 'yan bawal ang chop-chop.

4. Ito ay "Ministry of Death."

Mabigat ito, pero sa 2 Corinthians 3:7, explicitly tinawag ni Paul ang law na "naka-ukit sa bato" (Ten Commandments) bilang isang "ministry of death."

5. Ito ay "Ministry of Condemnation."

Sa 2 Corinthians 3:9 naman, tinawag itong ministry na nagdadala ng condemnation. Ikinumpara ito sa New Covenant na ministry naman ng righteousness.

6. Artificial lang ang "Moral vs. Ceremonial" distinction

Wala tayong mababasa sa Bible na hinati ang Law of Moses into "moral" (Ten Commandments) at "ceremonial" (ordinances). Man-made theological construct lang 'yan at wala sa text mismo.

7. Ang Law ay isang "Tutor" (Guardian)

Dinescribe sa Galatians 3:24 ang law bilang guardian o tutor para akayin tayo kay Christ. Pero once na dumating na ang faith, wala na tayo sa ilalim ng tutor (Galatians 3:25).


The Fulfillment in Christ

8. Finulfill ni Jesus ang Law

Sa Matthew 5:17, hindi naparito si Jesus para i-destroy ang law kundi para i-fulfill ito. Ang ibig sabihin ng "fulfill" ay kumpletuhin ang purpose nito at dalhin sa kanyang intended goal o telos.

9. Christ is the End of the Law

Dineclare sa Romans 10:4 na si Christ ang "end" (telos) ng law para sa righteousness ng bawat sumasampalataya. Siya ang dulo.

10. Pag Nagbago ang Priesthood, Bago na rin ang Law

Fundamental NCT principle ito sa Hebrews 7:12: "For when the priesthood is changed, the law must be changed also." Wala na tayo sa priesthood ni Aaron (Levi); nasa ilalim na tayo ng Priesthood ni Melchizedek (Christ).

11. Obsolete na ang Old Covenant

Sabi sa Hebrews 8:13, nang tinawag ni God na "bago" ang covenant, ginawa na niyang obsolete ang una (kasama na ang tablets of stone).

12. Tanggal na ang Tabing kay Christ

Ine-explain sa 2 Corinthians 3:14 na ang "old covenant" ay nananatiling may tabing (veiled) para sa mga hindi pa lumalapit kay Christ. Kay Lord lang naaalis ang belong ito.


The Fourth Commandment (Sabbath) Distinction

13. Ang Sabbath ay "Shadow" lang

Sa Colossians 2:16-17, explicitly nilista ang Sabbath kasama ng pagkain, inumin, at festivals bilang "anino ng mga bagay na darating," pero ang substance o katawan ay kay Christ.

14. Sabbath lang ang hindi inulit

Sa New Testament, inulit at pinalalim ang nine out of Ten Commandments. Pero yung command na mangilin ng seventh-day Sabbath? Missing in action 'yan sa mga sulat sa churches.

15. Si Jesus ang ating Sabbath Rest

Turo ng Hebrews 4 na ang physical Sabbath rest ng Old Testament ay tumuturo sa spiritual rest na nahanap natin sa finished work ni Christ.

16. Pantay-pantay na ang turing sa araw

Sa Romans 14:5-6, may freedom na ang Christians pagdating sa araw. May nagpapahalaga sa isang araw, meron namang tumitingin na pare-pareho lang ang bawat araw.


The Christian's Relationship to the Law

17. "Dead to the Law" na tayo

Sabi sa Romans 7:4, ang believers ay "namatay na sa law through the body of Christ" para maging pag-aari na tayo ng iba. Hindi pwedeng kasal ka sa Law at kay Christ nang sabay.

18. "Not under Law but under Grace."

Ito ang banner ng Christian walk natin sa Romans 6:14. Hindi tayo madodominahan ng kasalanan precisely because wala na tayo sa ilalim ng law.

19. Nasa ilalim tayo ng "Law of Christ"

Ang pagiging malaya kay Moses ay hindi ibig sabihin lawless na tayo. Clarified sa 1 Corinthians 9:21 na tayo ay nasa ilalim ng "law of Christ" (Ennomos Christos).

20. Mas Superior ang Law of Christ

Sabi ng Law of Moses: "Mahalin mo ang kapwa gaya ng sarili." Sabi ng Law of Christ: "Mahalin niyo ang isa't isa gaya ng pagmamahal ko sa inyo" (John 13:34). Tinaasan na ang standard from self-love to sacrificial love.

21. Spirit ang pumalit sa Tablets of Stone

Sabi sa 2 Corinthians 3:3, tayo ay mga sulat ni Christ, hindi isinulat ng tinta kundi ng Spirit, hindi sa tablets of stone kundi sa tablets of human hearts.

22. Love fulfills the Law

Turo ng Romans 13:8-10 na kung sino ang nagmamahal ay na-fulfill na ang law. Love is the fulfillment of the law.


Practical Application

23. Mabuti ang Law kung gagamitin nang tama

Paalala ng 1 Timothy 1:8-9, mabuti ang law kung lawfully gagamitin understanding na hindi ito ginawa para sa righteous person kundi para sa mga lawless at rebellious.

24. Historical Mirror lang ang Ten Commandments

Pinapakita nito ang holiness ng Diyos at ang kasalanan ng tao (Romans 3:20). Pinapakita nito na need natin ng Savior, pero wala itong power para iligtas o baguhin tayo.

25. Ang motivation natin ay Grace, hindi Takot

Hindi tayo umiiwas sa murder, adultery, o pagnanakaw dahil takot tayo sa curse ng Law of Moses. Umiiwas tayo dahil buhay sa atin si Christ at tinuturuan tayo ng Grace na humindi sa ungodliness (Titus 2:11-12).

Real Talk Reflection

Verse: "But now we have been released from the law, for we died to it and are no longer captive to its power. Now we can serve God, not in the old way of obeying the letter of the law, but in the new way of living in the Spirit." Romans 7:6 (NLT)

Follow us:

Ronald Obidos Pinoy Apologetics

Help keep this content free for everyone. I am committed to sharing these truths and resources freely. If you have found value in my articles since 2021 and would like to partner with me in this ministry, your support on Ko-fi would be greatly appreciated. It helps cover the costs of maintaining this blog and creating new content.


❤️ Partner with me on Ko-fi or Gcash# 09695143944



No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

"Jesus vs. Moses: 25 Bagay na Dapat Mong Malaman Para Hindi Ka 'Confused' Christian"

Mga kapatid, narito ang 25 importanteng theological points na dapat maintindihan ng bawat born again Christian, pastor man o hindi, tungkol ...

MOST POPULAR POSTS