Dito sa Pilipinas, isa ito sa pinaka-common na tanong ng mga believers. Syempre, favorite natin ang "Dinuguan" at sikat na sikat ang street food na Beta Max. Pero maraming Christians ang nakakaramdam ng guilt o confusion. Napapaisip sila, "Kasalanan ba 'to? Diba bawal 'to sa Bible?"
Para masagot natin 'to nang maayos, kailangan natin tingnan gamit ang lens ng New Covenant Theology. Dapat nating maintindihan ang difference ng Shadow (Old Covenant) at ng Substance (Christ).
The Old Covenant Context: Bakit bawal dati?
Sa Old Testament, lalo na sa Leviticus 17:11, very strict ang command ni Lord sa Israel: “Sapagkat ang buhay ng laman ay nasa dugo, at ibinigay ko ito sa inyo sa ibabaw ng dambana upang ipantubos sa inyong mga kaluluwa.”
Under the Old Covenant, sacred ang dugo for a specific reason: Atonement. Ito yung vehicle na ginamit ng Diyos para takpan temporarily ang mga kasalanan ng tao. Dahil nire-represent nito ang buhay na inalay, hindi ito dapat gawing common food o ulam. Reserved ito para sa altar.
The New Covenant Reality: Fulfillment in Jesus
Nung dumating si Jesus Christ, in-establish Niya ang New Covenant. Binuhos Niya ang sarili Niyang dugo once and for all para sa kapatawaran ng kasalanan (Matthew 26:28).
Dahil dumating na ang "Substance" (si Jesus), lumipas na ang "Shadow" (animal sacrifices at yung dietary laws na kaakibat nito). Hindi na tayo nagwi-wisik ng dugo ng hayop sa altar ngayon. Therefore, yung restriction sa pagkain ng dugo na naka-tie sa sacrificial system ay hindi na binding sa mga believers ngayon.
Mismong si Jesus, may revolutionary statement sa Mark 7:18-19:
“Hindi pa rin ba ninyo makuha? Hindi ba ninyo alam na hindi ang pumapasok sa bibig ang nakapagpaparumi sa tao? Sapagkat hindi naman ito pumapasok sa puso, kundi sa tiyan, at idinudumi.” (Sa pagsasabi nito'y ipinahayag ni Jesus na malinis ang lahat ng pagkain.)*
Tinuro ni Jesus na ang spiritual defilement ay nanggagaling sa puso (masasamang isip, pride, hatred), hindi sa sikmura.
Pero paano yung Acts 15?
Ito yung laging ina-argue ng mga nagsasabing "sin" pa rin daw kumain ng dugo. Sa Acts 15, sinabihan ng Jerusalem Council ang mga Gentile believers na umiwas sa "dugo at sa mga binigti."
Pero kailangan nating intindihin ang historical context. Hindi ito utos for eternal salvation; ito ay pastoral instruction para sa table fellowship.
Nung time na 'yon, halo ang Early Church may Jews at may Gentiles. Ang mga Jewish Christians, lumaki silang diring-diri sa dugo. Kung kakain ng Betamax o Dinuguan ang mga Gentile Christians sa harap nila, magiging malaking "stumbling block" 'yon. Hindi sila makakapag-join sa "Love Feasts" nang magkasama.
Yung restriction sa Acts 15 ay para sa love and unity, hindi moral law. Temporary measure 'yon para mapanatili ang peace sa pagitan ng Jewish at Gentile believers. Gaya ng sinabi ni Paul later on: "Ang Kaharian ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain at inumin, kundi sa katuwiran, kapayapaan, at kagalakan sa Espiritu Santo" (Romans 14:17).
Paano naman yung nasa Genesis 9:3-4?
Valid point kasi madalas 'yang ginagamit na argument: "Panahon pa ni Noah 'yan, wala pa si Moses, so dapat applicable 'yan sa lahat ng tao forever."
- Animal Sacrifices: Sina Abel, Noah, at Abraham ay nag-alay ng hayop bago pa si Moses (Genesis 4:4; Genesis 8:20). Pero hindi na tayo nag-aalay ng hayop ngayon kasi tapos na ang trabaho ni Jesus.
- Circumcision (Tuli as religious rite): Binigay ito kay Abraham (Genesis 17), bago pa ang Law ni Moses. Pero sa New Testament, sinabi ni Paul na, "Circumcision represents nothing, and uncircumcision represents nothing" (1 Corinthians 7:19).
- Clean and Unclean Animals: Sa panahon ni Noah, may distinction na ang "malinis" at "maruming" hayop nung pumasok sila sa Ark (Genesis 7:2). Pero sa New Testament, dineclare na ng Diyos na lahat ng pagkain ay malinis na (Acts 10:15; 1 Timothy 4:4).
- Ang "Life" na kailangan natin ay wala na sa dugo ng hayop. Ang tunay na buhay ay nasa Dugo ni Jesus (John 6:53-56).
- Nung sinabi ni Jesus na "Eat my flesh and drink my blood" (spiritually speaking), tinapos Niya na ang old symbol. Siya na ang reality.
- Ang Dugo ni Jesus ang tanging sagrado na naglilinis ng kasalanan.
- Ang dugo ng hayop ay naging common food na lang.
- Hindi ang bituka natin ang basehan ng holiness, kundi ang puso natin na nilinis ni Christ.
Ang Final Verdict ni Paul sa Pagkain
Si Apostle Paul, na minister ng New Covenant, ay nagbigay ng malinaw na instruction regarding food:
1 Timothy 4:4: "Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti, at walang dapat tanggihan kung tinatanggap na may pasasalamat."
Colossians 2:16: "Kaya't huwag kayong pasasakop sa anumang hatol tungkol sa pagkain o inumin, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan, o Araw ng Pamamahinga."
Clear si Paul: Walang pagkain na marumi in itself.
Conclusion
So, nagkakasala ba ang Christian pag kumain ng "Dinuguan" o dugo? Biblically, under the New Covenant, ang sagot ay HINDI.
Pero, dapat din nating i-apply ang"Law of Love":
1. Conscience: Kung weak ang conscience mo at feeling mo mali, then para sa'yo, kasalanan 'yon (Romans 14:23). Wag mong pilitin kumain kung hindi kaya ng sikmura o konsensya mo.
2. Stumbling Blocks: Kung may kasama kang "weaker brother" (baka bagong convert galing sa SDA o INC) na tingin nila kasalanan 'yon, mas mabuting 'wag ka na lang kumain sa harap nila para hindi sila matisod.
Pero pagdating sa standing mo kay Lord? You are justified by faith sa dugo ni Jesus, hindi sa pag-iwas sa dugo ng baboy o manok.
"Ang pagkain ay hindi naglalapit sa atin sa Diyos; hindi tayo nababawasan kung hindi tayo kumain, at hindi rin naman tayo nadadagdagan kung tayo'y kumain." — 1 Corinthians 8:8
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
Former Adventists Philippines Association, Inc
SEC Registration No: 2025090219381-03
Help keep this content free for everyone. I am committed to sharing these truths and resources freely. If you have found value in my articles since 2021 and would like to partner with me in this ministry, your support on Ko-fi would be greatly appreciated. It helps cover the costs of maintaining this blog and creating new content.

No comments:
Post a Comment