FEATURED POST

"PAGLALANTAD SA MGA KASINUNGALIAN NI PASTOR BJORN CAPIENDO AT JOHNSON AMICAN TUNGKOL SA “THREE HOLIEST BEINGS” NI ELLEN G. WHITE!"

Ang live na episode ng 'Katotohanan' sa Hope TV kung saan tinalakay nina Johnson Amican at Pastor Bjorn Capiendo ang konsepto ng Tri...

MOST POPULAR POSTS

Wednesday, February 17, 2021

ANO ANG DAPAT GAWIN UPANG MALIGTAS?


 
Tanong:

“Saan ako pupunta? Alin ang totoo? Taga hanga mo ako sir, nalilito ako, ano ba talaga dapat gawin para maligtas?” From: M.A.,Oriental Mindoro 

Sagot:

Naniniwala ako na ang nagtatanong ay isang dating taga subaybay ng aking programa na Back to the Scriptures sa TV at mga social media noong ako ay mangangaral pa sa Seventh-day Adventist church. Maaaring isa siya sa mga napakaraming SDA members na nakapanood ng aking mga debate sa Youtube kung paano ko ipinagtanggol ang SDA church laban sa iba’t ibang pananampalataya. Damang dama ko na siya ay labis na naapektuhan sa naging pasya ko na kusang umalis sa SDA church noong September 12, 2019. Kung ang SDA church na dati ay aking ipinagtatanggol bilang ang tunay na iglesiang ililigtas ng Diyos sa araw ng paghuhukom bakit iniwaan ko pa ito? Paano na ang aking kaligtasan? Hindi ko siya masisi kung bakit siya nalilito ngayon at magduda sa kanyang kaligtasan kaya nagbangon siya ng tanong kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin upang siya ay maligtas. Sisikapin ko na ang aking magiging sagot sa napakagandang tanong na ito ay maging simple upang madaling maunawaan ng nagtanong at maging mga bumabasa nito. Paalala din sa mga kaibigan kong SDA na umaaasa pang ako ay babalik pa sa SDA church dahil ito daw ang iglesiang nalabi at totoo na mabibigo lamang kayo dahil hindi po ito mangyayari dahil naliwanagan na ang aking isipan na hindi SDA church ang tagapagligtas kundi ang ating personal na relasyon sa Panginoong Jesus. Si Jesus lamang ang DAAN, ang KATOTOHANAN,at ang BUHAY hindi ang Seventh-day Adventist church (Juan 14:6).

Mga mahahalagang puntos na dapat muna maunawaan:

1. Ang kaligtasan ng isang tao ay hindi nakasalalay sa kanyang pag-anib sa Seventh-day Adventist church o alinmang denomination.

a. Wala po tayong mababasang talata sa Biblia na nagsasabing, “kailangang umanib ka muna sa Seventh-day Adventist church upang ikaw ay maligtas at makarating sa langit!.”

b. Hindi din mababasa sa Biblia na pagdating sa langit ay tatanungin pa ng Diyos ang bawat isa kung siya ba ay kaanib ng SDA o hindi.

c. Hindi lahat ng mga tunay na Christians na magmamana ng kaharian ng Diyos sa langit ay SDA members lamang. Ang katotohanang ito ay inamin ng opisyal na aklat ng SDA na Seventh-day Adventist Answer Questions on Doctrines na nilathala noong 1957.

“It is in a spirit of deep humility that we apply this scripture to the Advent Movement and its work, for we recognize the tremendous implications of such an interpretation. While we believe that Revelation 12:17 points to us as a people of prophecy, it is in no spirit of pride that we thus apply the scripture. To us it is the logical conclusion of our system of prophetic interpretation. But the fact that we thus apply this scripture does not imply in any way that we believe we are the only true Christians in the world, or that we are the only ones who will be saved. [SDA Questions on Doctrines, pp. 191-192]

“Seventh-day Adventists firmly believe that God has a precious remnant, a multitude of earnest, sincere believers, in every church, not excepting the Roman Catholic communion, who are living up to all the light God has given them.” [SDA Questions on Doctrines, p.192]

“We fully recognize the heartening fact that a host of true followers of Christ are scattered all through the various churches of Christendom, including the Roman Catholic communion. These God clearly recognizes as His own.” [SDA Questions on Doctrines, p.197]

d. Hindi lahat ng kaanib ng SDA church ay tiyak na makakarating sa langit. Ito ay pinatunayan mismo ni Ellen White:

“It is a solemn statement that I make to the church, that not one in twenty whose names are registered upon the church books are prepared to close their earthly history.” [ChS 41]

“Are we hoping to see the whole church revived? That time will never come. [1SM 122.1]

2. Ang Kaligtasan ng isang tao ay nakasalalay lamang sa pamamagitan ng kanyang pagtanggap kay Jesus bilang kanyang personal na Tagapagligtas at Panginoon.

a. Ang kaligtasan ay isang pang-indibidwal o personal na pagpapasya hindi pag-anib sa isang samahan.

“Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios.” Ezekiel 14:14

Ang taong nagkasala ang siyang dapat mamatay. Hindi dapat parusahan ang anak dahil sa kasalanan ng kanyang ama at ang ama naman ay hindi dapat parusahan dahil sa kasalanan ng kanyang anak. Ang taong matuwid ay gagantimpalaan sa ginawa niyang kabutihan at ang taong masama ay parurusahan dahil sa ginawa niyang kasamaan.” Ezekiel 18:20 ASND

“Na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka. Sapagkat itinuring ng Dios na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niya na siyaʼy sumasampalataya , maliligtas siya.” Roma 10:9-10

b. Bago pa man umanib sa iglesia ang isang tao ay mauuna muna niyang matatanggap ang kapatawaran sa kasalanan at kaligtasan.

“Na nagpupuri sa Diyos, at nagtatamo ng lugod sa lahat ng tao. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas.” Mga Gawa 2:47

3. Ano ba ang kaligtasan? At mula ba saan inililigtas ng Diyos ang tao?

a. Ang kasalanan ay ang pagrerebelde ng tao sa Diyos na banal. Ang kasalanan ang sanhi kung bakit nasira ang relasyon ng tao sa Diyos.

“Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.” I Juan 3:4

“Ngunit pinaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Diyos, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagkubli ng kanyang mukha sa inyo, anupa’t siya’y hindi nakikinig.” Isaias 59:2

b. Kasalanan ang dahilan kung bakit wala ni isa sa atin ang nakaabot sa mataas na pamantayan ng Diyos sa langit.

“Ano ngayon? Tayo bang mga Judio ay nakakalamang? Hindi, kahit na sa anong paraan; sapagkat amin nang napatunayan na ang lahat ng tao, maging mga Judio at mga Griyego, ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan, gaya ng nasusulat, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa; wala ni isang nakakaunawa, wala ni isang humahanap sa Diyos. Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan; walang gumagawa ng mabutiwala, wala kahit isa.” Roma 3:9-12

“Sapagkat walang pagkakaiba, yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” Roma 3:22-23

c. Ang kabayaran ng ating kasalanan ay kamatayan na tinatawag din na ikalawang kamatayan sa dagat-dagatang apoy.

“Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan Roma 6:23

“Ang kamatayan at ang Hades ay itinapon sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, ang lawa ng apoy; at ang sinumang hindi natagpuang nakasulat sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.” Apocalipsis 20:14-15

d. Ang Kaligtasan naman ay ang muling pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos o pagsasauli mula sa nasirang relasyon ng tao sa Diyos. Personal na relasyon ng tao sa Diyos ang naputol hindi relasyon sa pamamagitan ng religious organization.

“Ang lahat ng itoʼy gawa ng Dios na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Cristo. At ibinigay niya sa amin ang tungkuling papanumbalikin ang mga tao sa kanya. At ito nga ang aming ibinabalita: Pinapanumbalik ng Dios ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Cristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaan na magpahayag ng mensaheng ito.” 2 Corinto 5:18-19

“Hindi lang iyan, nagagalak tayo sa relasyon natin sa Dios ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Naibalik na ang magandang relasyon natin sa Dios dahil sa kanya.” Roma 5:11

e. Dati tayo ay itinuturing na kaaway ng Diyos ngunit dahil sa kaligtasang mula sa Diyos tayo ay itinuturing na Kanyang mga anak.

“Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. Lalo pa nga, ngayong itinuturing tayong ganap sa pamamagitan ng kanyang dugo, ay maliligtas tayo sa galit ng Diyos sa pamamagitan niya. Datiʼy kaaway tayo ng Dios, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Cristo. Hindi lang iyan, nagagalak tayo sa relasyon natin sa Dios ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Naibalik na ang magandang relasyon natin sa Dios dahil sa kanya Roma 5:8-11

f. Binabago ng kaligtasan ang katayuan ng tao sa harapan ng Diyos mula sa pagiging patay sa espiritu ngayon ay may buhay na walang hanggan.

“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig ng aking salita at sumasampalataya sa kanya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan, at hindi darating sa kahatulan kundi lumipat na sa buhay mula sa kamatayan.” Juan 5:24

“At ito ang patotoo ng Dios: Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na itoʼy nasa kanyang Anak. Ang sinumang nasa kanya ang Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan . Ngunit ang sinumang wala sa kanya ang Anak ng Dios ay walang buhay na walang hanggan . Isinusulat ko ito sa inyo na mga sumasampalataya sa Anak ng Dios upang malaman ninyong mayroon kayong buhay na walang hanggan.” 1 Juan 5:11-13

“Na nagpapasalamat sa Ama, na ginawa niya tayong karapat-dapat na makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, na sa kanya ay mayroon tayong katubusan, na siyang kapatawaran ng mga kasalanan.” Colosas 1:12-14

Ngayon nga’y wala nang kahatulan sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.” Mga Taga Roma 8:1-2

“Kaya’t kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang; ang mga lumang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago.” II Mga Taga Corinto 5:17

3. Walang kabuluhan ang pagsunod sa kautusan hanggat ang isang tao ay hindi muna naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya.

a. Maliwanag ang sinasabi sa Roma 6:23 na tanging ang “kamatayan” lamang ang pambayad sa ating utang sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan hindi ang pagsunod sa 10 utos.

“Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.” Roma 6:23

“Kaming lahat ay naging parang maruming bagay, at ang lahat ng aming mabubuting gawa ay parang maruming basahan.” Isaias 64:6

b. Ang pagtanggap natin sa kamatayan ni Cristo para sa ating mga kasalanan ay  sapat na upang tayo ay maging matuwid sa paningin ng Diyos kahit hindi mo pa nasusunod ang 10 utos.

“Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. Lalo pa nga, ngayong itinuturing tayong ganap sa pamamagitan ng kanyang dugo, ay maliligtas tayo sa galit ng Diyos sa pamamagitan niya. Datiʼy kaaway tayo ng Dios, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Cristo. Hindi lang iyan, nagagalak tayo sa relasyon natin sa Dios ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Naibalik na ang magandang relasyon natin sa Dios dahil sa kanya Roma 5:8-11

“Na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka. Sapagkat itinuring ng Dios na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niya na siyaʼy sumasampalataya , maliligtas siya.” Roma 10:9-10

“Sapagkat naniniwala tayo na itinuturing ng Dios na matuwid ang tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan.” Roma 3:28

Conclusion

Dahil hindi natin kaya bayaran ang kabayaran sa ating mga kasalanan dito papasok ang “biyaya” ng Diyos o “grace”. So paano binayaran ng Diyos ang ating utang na kasalanan? Ang “biyaya” o “grace” ay ang “hindi sana nararapat na awa ng Diyos” para sa ating mga makasalanan. Tunay nga na hindi tayo karapadapat sa habag ng Diyos dahil sa ating pag rebelde sa kanyang mga kalooban. Lahat tayo ay nararapat sa impierno na tanging bayad natin sa kasalanan. Dahil ang Diyos ay pag ibig, pinili nya at minarapat niya na maawa sa atin

“Nang wala tayong kakayahang makaligtas sa kaparusahan , namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan sa panahong itinakda ng Dios. Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin. At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa  ng Dios dahil kay Cristo. Datiʼy kaaway tayo ng Dios, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Cristo.” Roma 5:6, 8-10

Nalaman natin na ang pag ibig ng Diyos ang pumukaw sa Kanya para malutas ang ating problema sa kasalanan. Inalaan niya ang Kanyang bugtong na Anak upang maging pantubos para sa ating mga kasalanan. Upang maging posible ito, Pinili niyang magkatawang tao sa pamamagitan ng Kanyang kaisa-isang Anak. At bilang ang taong si Cristo Jesus sa lupa, nagpakababa sya at naglingkod. Hanggang isakripisyo nya ang kanyang buhay sa krus.

“Kahit na nasa kanya ang katangian ng Dios, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Dios bilang isang bagay na dapat panghawakan.  Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin. At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.” Filipos 2:6-8 ASND

Kaya ang Diyos na sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesus na ang nagbayad sa ating mga kasalanan. Siya na ang namatay sa krus para sa ating kaligtasan.

Ano ngayon ang dapat mong gawin upang matanggap mo ang kaligtasang kaloob ng Diyos?

“Na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka. Sapagkat itinuring ng Dios na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niya na siyaʼy sumasampalataya , maliligtas siya. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Hindi mabibigo ang sinumang sumasampalataya sa kanya.” Roma 10:9-11 ASND

Manalangin ka ngayon brod ng taos puso. Tanggapin mo ang ginawa ni Jesus para sa kaligtasan mo. Narito ang panalangin ng pagtanggap ng kaligtasang walang bayad.

PANGINOON, Inaamin kong ako’y makasalanan at kailangan ko po ang inyong pagpapatawad.

Naniniwala ako na si CRISTO’Y namatay para sa akim, bilang kabayaran sa aking kasalanan. Nakahanda po akong tumalikod sa aking mga kasalanan. Inaanyayahan po kita PANGINOONG JESUS, na pumasok sa aking puso at buhay, bilang sariling tagapagligtas.

Nakahanda po ako, sa tulong po Ninyo, na sumunod kay CRISTO bilang PANGINOON ng aking Buhay. Sa pangalan ng PANGINOONG JESUCRISTO

“AMEN”

Related videos:

















No comments:

Post a Comment