MOST POPULAR POSTS

Wednesday, March 20, 2024

SEVENTH-DAY ADVENTISTS ANSWERED VERSE BY VERSE: MATTHEW 19:16-19 - "KUNG IBIG MONG PUMASOK SA BUHAY, INGATAN MO ANG MGA UTOS?"


“At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos. Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.” (Matthew 19:16-19, Tagalog AB)

SDA ARGUMENT:

"Si Jesus mismo nag utos dito sa New Testament na kung nais ng sinuman na maligtas at makapasok sa buhay na walang hanggan ay ingatan ang mga utos. Maliwanag na Sampung Utos ang tinutukoy ni Jesus dito dahil iniisa-isa niya ang Sampung utos ayon sa verses 18-19."

SAGOT:

Ang tanong ng mayamang binata kay Jesus ay nagpapakita ng kanyang kakulangan ng kaalaman tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ni Jesus at sa tamang paraan ng kaligtasan. Ipinahayag niya si Jesus bilang "Guro," na nagpapahiwatig na itinuturing niya ito sa parehong antas ng iba pang mga dakilang tao. Dinidiin niya ang pagkamit ng buhay na walang hanggan bilang isang reward, hindi bilang isang gift. Malinaw sa aral ng Panginoon na ang kaligtasan ay isang gift at hindi isang reward, ayon sa Efeso 2:8, 9.

Ephesians 2:8-9 (NLT) "God saved you by his grace when you believed. And you can’t take credit for this; it is a gift from God. Salvation is not a reward for the good things we have done, so none of us can boast about it."

Ganito din ang patotoo ng Roma 4:4-5

Romans 4:4-5 (NLT) "When people work, their wages are not a gift, but something they have earned. But people are counted as righteous, not because of their work, but because of their faith in God who forgives sinners."

Upang subukin ang mayamang binata sa daan ng kaligtasan, sinabi ni Jesus, "Kung nais mong pumasok sa buhay, sundin mo ang mga utos." Hindi ibig sabihin ni Jesus na maaaring maligtas ang tao sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kautusan. Sa halip, ginamit niya ang mga utos upang makonsiyensya ang mayamang binata at magpahiwatig na kailangan niyang magsisi sapagkat hindi niya kayang maperpekto ang pagsunod sa mga utos, kaya siya ay isang makasalanan na nangangailangan ng tagapagligtas. Ngunit patuloy pa rin ang mayamang binata sa kanyang maling paniniwala na maaari siyang magmana ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan. 

Ano ba ang tunay na layunin ng kautusan? Ang tunay na layunin ng mga kautusan ay upang ipahayag at idiin na ang tao ay makasalanan at hindi nakaabot sa mataas na pamantayan ng Diyos sa kautusan (Roma 3:23). Ito ang pinatutunayan ng Roma 3:20.

Romans 3:20 (TLB) Now do you see it? No one can ever be made right in God’s sight by doing what the law commands. For the more we know of God’s laws, the clearer it becomes that we aren’t obeying them; his laws serve only to make us see that we are sinners.

Dahil ang layunin ng kautusan ay upang ipakita lamang sa atin na tayo ay mga makasalanan, mali talaga ang paniniwala ng mayamang binata na makakamit niya ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos. Ang pagkakamali ng mayamang binata ay katulad din ng pagkakamali ng karamihan ng mga SDAs ngayon na patuloy na gumagamit ng Mateo 19:17 upang patunayan na kinakailangan ang sampung utos upang makamit ang buhay na walang hanggan. Subalit, ayon sa 2 Corinto 3:6, ang pagpupunyagi na sundin ang sampung utos upang maligtas ay magdudulot lamang ng kamatayan kaysa kaligtasan.

2 Corinthians 3:6 (TLB) "He is the one who has helped us tell others about his new agreement to save them. We do not tell them that they must obey every law of God or die, but we tell them there is life for them from the Holy Spirit. The old way, trying to be saved by keeping the Ten Commandments, ends in death; in the new way, the Holy Spirit gives them life."

Maging ang SDA Bible Commentary ay sumasang-ayon na mali talaga ang paniwala ng rich young ruler tungkol sa kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan. Ganito ang pahayag ng Commentary tungkol sa tanong sa v.17:

"What good thing? This question reflects the typical Pharisaical concept of righteousness by works as a passport to “eternal life” [1]

Kung patuloy pa din na ipagpilitan ng mga SDAs na ayon sa Mateo 19:17 ang sampung utos ay kailangang sundin upang magmana ng buhay na walang hanggan ay nangangahulugan lamang na ang aral nila at katulad ng aral ng mga Pariseo na nagtuturo ng "righteousness by works" at hindi "righteousness by faith." Pinapatunayan lamang dito ng mga SDAs na ang pinapanigan nila ay ang mga false teachers na mga Pariseo imbis na ang Panginoong Jesus. Ganito ang babala ni Jesus sa mga SDAs na naniniwala din sa righteousness ng mga Pariseo:

Matthew 5:20 (NLT) “But I warn you—unless your righteousness is better than the righteousness of the teachers of religious law and the Pharisees, you will never enter the Kingdom of Heaven!

Mahalaga ring tandaan na ang pangyayaring ito ay naganap noong panahon kung saan patuloy pa rin ang bisa ng Lumang Tipan na Batas at hindi pa namatay si Cristo sa krus upang tubusin tayo sa ilalim ng kautusan (Gal. 4:4-5) kaya nauunawaan natin kung bakit ganun ang sagot ni Jesus sa tanong. Tulad ng nabanggit kanina, hindi ibig sabihin ni Jesus na maaaring maligtas ang tao sa pamamagitan ng pagtupad sa mga kautusan, sapagkat ito ay magiging salungat sa mga talata sa Efeso 2:8-9; Roma 3:20, at Roma 4:4-5 at sa kabuoan ng Biblia. Sa halip, ginamit Niya ang mga kautusan upang magdulot ng konsiyensya sa mayamang binata at magpahiwatig na kailangan niyang magsisi sa kasalanan dahil hindi niya kayang maperpekto ang pagsunod sa mga ito, kaya siya ay isang makasalanan na nangangailangan ng tagapagligtas. Ito ang talagang punto ni Jesus kung bakit ganun ang sagot niya sa tanong ng mayamang binata at upang ipakita na mali ang paniwala niya na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng kautusan. Ngunit upang maligtas, kailangang aminin ng isang tao na siya ay nagkasala at hindi umabot sa banal na mga kahilingan ng Diyos. Mayroong mayroon lamang iisang paraan ng kaligtasan—ang pananampalataya sa Panginoon (Gawa 16:30-31).

Footnote:

[1] Francis D. Nichol, Ed., The Seventh-Day Adventist Bible Commentary, (Review and Herald Publishing Association, 1980), 5:457.


No comments:

Post a Comment