Isang hamon sa mga SDA ang nagbabadya ng kanilang maling paniniwala na may pagkakaiba ang "Kautusan ni Moses" at "Kautusan ng Diyos," ay ang mga talatang matatagpuan sa Marcos 7:10 at ang kahalintulad nito sa Mateo 15:4. Basahin natin ang mga nabanggit na talata:
“Sapagka't sinabi ni Moises, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala:” (Mark 7:10, Tagalog AB)
Ang Marcos 7:10 at Mateo 15:4 ay nag-uugnay sa iisang pangyayari lamang, na may dalawang ulat mula kina Marcos at Mateo. Ang terminong “synoptic” ay nagmula sa salitang Griyego na “σύνοψις” (synopsis), na nangangahulugang “nakakakita nang magkakasama.” Sa mga aklat ni Mateo, Marcos, at Lucas, makikita ang maraming parehong kuwento, kadalasang nasa magkakatulad na pagkakasunod-sunod at minsan ay gumagamit pa ng parehong mga salita. Ito ay kakaiba sa Ebanghelyo ni Juan, na may iba’t ibang nilalaman.
Nang sabihin ni Marcos, “Sapagka’t sinabi ni Moises, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala” (Marcos 7:10, Tagalog AB), tama naman ang kanyang ulat. Hindi siya nagkamali sa pagbanggit na si Moises ang nagsabi ng “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.” Gayundin, si Mateo sa Mateo 15:4 ay natitiyak natin na hindi rin nagkamali sa pagsulat ng parehong ulat ni Marcos. Sa halip na si Moises ang nagsabi, sinulat ni Mateo na “sinabi ni Diyos” ito, na sa ilalim ng inspirasyon ng Banal na Espiritu.
Makikita natin dito na malaki ang magiging suliranin ng ating mga kaibigang SDA kung pipilitin nilang itama ang mali at gawing mali ang tama. Mas makakabuti sa kanila kung matututo silang magpakumbaba at hayaang ang katotohanan ng Bibliya ang magpabago sa kanilang mga maling paniniwala kaysa baguhin pa nila ang Bibliya para lamang umayon sa kanilang ipinagtatanggol na maling paniniwala. Nawa’y hayaan ng mga SDA na sila ang mabago ng Salita ng Diyos at hindi ang Salita ng Diyos ang mabago ng mga SDA.
Paano dapat unawain ang mga tila magkasalungat na talata sa pananaw ng mga SDA? Una, dapat muna silang sumangguni sa mga opisyal na Bible references na inilathala ng kanilang mga theologians at scholars upang malaman kung ano talaga ang paliwanag ng kanilang mga sariling iskolar ng Bibliya at mga trained theologians. Isa sa mga pangunahing reperensiya na malaki ang tulong sa akin upang ituwid ang mga kamalian at mga imbentong sagot ng mga debater ng SDA ay ang 12-Volume set na Seventh-day Adventist Bible Commentary. Ito ang aking ginagamit na sandata upang salungatin at patahimikin ang mga nagmamagaling na mga debater ng SDA hanggang ngayon. Kung titingnan natin sa kanilang mga awtorisadong tagapag-interpret ng Bibliya, ito ang tunay na posisyon ng SDA church sa Marcos 7:10:
Ayon sa kanilang SDA Bible Commentary, ang mga sinabi ni Jesus sa talatang ito ay nagmula sa dalawang magkahiwalay na talata sa Lumang Tipan. Ang unang sipi ni Jesus, “Sapagka’t sinabi ni Moises, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” ay nagmula sa “ikalimang utos” ng sampung utos (Exo. 20:12; Deut. 5:16). Gayunpaman, may ilang mga debater ng SDA na nagpupumilit na hindi ito “sampung utos” upang mailigtas lamang ang kanilang sarili mula sa kahihiyan. Ngunit nilinaw dito ng kanilang opisyal na Bible Commentary na si Jesus ay nag-quote mula sa sampung utos. Ang ikalawang sipi ni Jesus "Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala”(Exo. 21:17)
Ang malaking suliranin ng mga SDA at ng SDA Bible Commentary ay sinasabi nila na si Moises ang nagsalita ng “ikalimang utos” at hindi ang Diyos, samantalang sa Mateo 15:4, ang Diyos at hindi si Moises ang nagsabi na, “Sapagka’t sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina" na hango mula sa Exodus 21:17. Para sa amin na mga Kristiyano, hindi ito isang problema ng kontradiksyon, sa halip, sa aming pananaw, ang dalawang magkaibang pahayag na ito (“sinabi ni Moises” at “sinabi ng Diyos” na “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina”) ay nagpapatunay lamang na hindi dalawang magkahiwalay ang “Kautusan ni Moises” at “Kaurusan ng Diyos” kundi iisang Kautusan lamang sila.
Nagsasalaysay ang talatang ito ng pangyayari matapos ang pagkaka-bihag ng mga Israelita sa lungsod ng Ai. Si Joshua, ang kanilang lider, ay nag-ukit ng isang kopya ng "Kautusan ni Moses" sa mga bato. Ang mga bato na ito ay nagiging paalala ng mga utos ng Diyos at itinabi sa Bundok Ebal. Ano ang nilalaman ng "Kautusan ni Moises" na iniukit niya sa mga bato sa Ebal? Kapag mga debater ng SDA ang sasagot dito, malamang na kanilang sasabihin na ang iniukit lang ni Joshua ay ang kautusan ni Moises at hindi kasama ang Sampung Utos. Ito na naman ang kanilang palusot na sagot na mahilig sumalig sa sariling opinyon, ngunit tayo ay bibigyan ng linaw gamit ang kanilang opisyal na aklat, ang SDA Bible Commentary. Ayon sa kanilang komentaryo, kasama ba o hindi ang Sampung Utos sa "Kautusan ni Moises" na iniukit ni Josue sa bato? Basahin natin:
Kasama pala ang 10 utos sa mga kautusan ni Moises! Muli nating nakita ang problema ng mga debater ng SDA na laganap sa social media. Hindi kaya napapansin ng kanilang mga miyembro na sila-sila rin ang nagkakasalungatan sa harap pa naman ng publiko? Kailan kaya matututo at magpapakumbaba ang mga SDA sa kanilang mga pagkakamali at kasalanan tulad ng pagsasabi ng hindi katotohanan na ikasiyam na utos pa naman sa 10 utos na ipinagmamalaki ng ilan na naperpekto na nila?
Malinaw sa ating pag-aaral na walang salungatan ang Marcos 7:10 at Mateo 15:4. Ating balikan muli ang dalawang talatang ito:
“Sapagka't sinabi ni Moises, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala:” (Mark 7:10, Tagalog AB)
No comments:
Post a Comment