MOST POPULAR POSTS

Monday, March 18, 2024

“NANANATILI PA BA ANG KAUTUSAN DAHIL HINDI PA NATUTUPAD ANG RESURRECTION SA DANIEL 12?”

Romans 5:19 (The Living Bible) Dahil sa pagsuway ni Adam sa Diyos, marami ang naging makasalanan, at dahil sa pagsunod ni Kristo, marami ang naging katanggap-tanggap sa Diyos.

Pansinin na hindi sinabi sa talata na ginawa tayo ni Cristo na maging katanggap-tanggap sa Diyos dahil “tayo” ay sumunod sa mga kahilingan ng Sampung Utos. Sa halip, tayo ay tinanggap ng Diyos "dahil sa pagsunod ni Cristo." Walang duda na ang pagsunod na ito ni Cristo ay isang perpektong pagsunod, at walang tigil mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang kamatayan. Ginawa ito ni Cristo para sa atin, sapagkat hindi natin kayang tuparin ito nang ganap. Kaya’t nasabi ni Apostol Pablo na tinupad na ni Cristo ang kahilingan ng kautusan para sa atin, kasama na ang Sampung Utos.

“Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan: Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.” (Romans 8:3-4, Tagalog AB)

Ang linaw ng sinabi sa talata, matapos matupad ni Cristo ng may kasakdalan ang requirements ng Kautusan "Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin." Matupad SA atin ang sinabi hindi matupad NA natin.

Ang sinasabi ni brother Marte Centeno na propesiya sa Daniel 12 tungkol sa resurrection sa future na hindi pa natupad ay nagpapatunay diumano na ang "Law" (Grk. nomos) ay nanatili pa din ay isang non-sequitur fallacy (begging the question/it does not follow). Ang ibig kong sabihin walang kaugnayan ang magaganap pa lang na future reaurrection sa paglipas ng Old Testment Law of Moses kabilang diyan ang 10 utos. Itinuro na noon ng mga apostol ni Cristo sa New Testament na lumipas na ang Kautusan at ito ay may hangganan nang dumating ang Messiah na Tagapagligtas noon at tinupad niya ang lahat ng mga hula na patungkol sa Kanya kahit alam nilang ang resurrection of the dead ay sa future pa. Narito ang mga halimbawang talata:

Colossians 2:16-17 (The Living Bible) 16 So don’t let anyone criticize you for what you eat or drink, or for not celebrating Jewish holidays and feasts or new moon ceremonies or Sabbaths. 17 For these were only temporary rules that ended when Christ came. They were only shadows of the real thing—of Christ himself.

Tagalog:

Colosas 2:16-17 (TLB) 16 Kaya’t huwag mong hayaang punahin ka ng sinuman sa iyong kinakain o iniinom, o sa hindi mo pagsasagawa ng mga kapistahan at selebrasyon ng mga Hudyo o mga seremonya ng bagong buwan o Sabbath. 17 Ito’y mga pansamantalang alituntunin lamang na nagtapos nang dumating si Cristo. Sila’y mga anino lamang ng tunay na bagay—ng mismong si Cristo.

Napakalinaw ng aral ng Diyos, ang Kautusan, kasama na ang Sampung Utos, ay hindi nilayon ng Diyos na manatili magpakailanman. Ayon sa talata 17, ang Kautusan na naglalaman ng “mga kapistahan at selebrasyon ng mga Hudyo o mga seremonya ng bagong buwan o Sabbath” ay mga pansamantalang alituntunin lamang na nagtapos nang dumating si Cristo. Kung susundan natin ang paniniwala ng mga SDAs, kapag ipinagpilitan pa nila na hanggang ngayon ay nanatili pa rin ang Kautusan o Sampung Utos kasama na ang weekly Sabbath, ay katumbas ito ng pagtanggi na si Cristo ay dumating na noon upang tuparin ito. Wala silang pinagkaiba sa mga modernong Hudyo na hanggang ngayon ay nag-aantay pa rin sa pagdating ng Mesiyas kaya patuloy pa rin nilang sinusunod ang mga kautusan ng Lumang Tipan. Ang mga SDAs ay patuloy pa ring sumusunod sa Sampung Utos ng Lumang Tipan, samantalang ito ay pansamantalang mga utis lamang at natapos na noong mahigit 2000 taon na ang nakalilipas mula nang dumating si Cristo. Sa madaling salita, 2000 taon na ang nakalilipas mula nang wakasan na ng Panginoon ang mga kapistahan at selebrasyon ng mga Hudyo o mga seremonya ng bagong buwan o Sabbath, ngunit ang pagkabuhay-muli ay malinaw na mangyayari pa sa hinaharap. Kaya walang kinalaman ang paglipas ng Kautusan sa hula ni Daniel 12 tungkol sa pagkabuhay-muli.

Mayroong problema sa argumento ni brother Marte Centeno kung ipipilit niya na ang “Law” (sa Grk. “nomos”) ay kinakailangan pa rin tuparin hanggang sa kasalukuyan. Mahalaga na maunawaan niya na ang salitang Griyego na “nomos” o “Law” ay tumutukoy sa 613 kabuuang Mosaic Law, kabilang na ang sampung utos. Kung tama si Bro. Centeno, bakit ang sampung utos lamang ang kanilang sinusunod mula sa 613 na mga utos? Upang maging lohikal at magkakatugma ang kanyang argumento, nararapat na isama pa rin nila ang iba pang 603 na utos, kasama na ang mga “ceremonial laws” na ayon sa mga SDA ay hindi na dapat sundin dahil sa ating panahon.

Sa pagwawakas, nais kong irekomenda ang aming paninindigan hinggil sa kahulugan ng “Law and the Prophets” ayon sa Mateo 5:17-18. Ayon sa aming pagsusuri, hindi lamang ang Sampung Utos ang itinuturing na bahagi ng “Law and the Prophets,” kundi pati na rin ang mga Old Testament Scriptures na mas nagsasaalang-alang sa kabuuang konteksto at pagkakasuwato ng buong Bibliya.

Recommended to read:
https://formeradventistph.blogspot.com/2024/02/seventh-day-adventists-answered-verse.html



 

2 comments:

  1. Bro. Ronald.
    1. Walang problema sa argumento, dahil sinuportahan yan ng conclusion mo sa paragraph 2 ng answer mo.
    Na walang maalis kahit tuldok o kuwit hanggang maganap ang lahat ng mga bagay. Kasama na ang pagkabuhay na mag uli.
    2. Hindi ito begging the question fallacy, sinusuportahan nito ang truth na ni reveal ni Jesus about nomos (613 laws) sabi mo na hindi mawawala kahit isang tuldok. Hanggat hindi natutupad ang LAHAT ng mga bagay. Take note, LAHAT ng mga bagay, hindi isa o dalawa. Meaning kasama ang Dan 12 na kailangan ma fulfill para lumipas kahit isa sa 613 laws.
    3. Binaggit mo ang col 2.
    Sinasabi sa col 2 anino ng mga bagay na darating, ung time na sinulat sa col ito. Darating palang...
    Example natin si Pablo sa acts 21 eh naglinis at naghandog ayon sa kautusan. Matagal ng nakaakyat si Jesus sa langit .
    Isa pa ayon sa hebreo
    Heb 9:8-10 TAB 8 Na ipinakikilala ng Espiritu Santo, na hindi pa naihahayag ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo; 9 Na yao'y isang talinghaga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain, tungkol sa budhi, na hindi magpapasakdal sa sumasamba, 10 Palibhasa'y palatuntunan lamang na ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).
    a. Ayon sa espiritu di pa naihahayag ang pagpasok sa dakong banal vs. 8 (Nung panahon na sinulat ang hebreo)
    B.Yaon ay talinhaga ng panahong kasalukuyan( naghahandog pa rin sila ng panahon na isinulat ang hebreo)vs.9
    C.palatuntunan na iniatang hanggang panahon ng pagbabago vs 10.(this also demands resurrection as concluded in vs. 28)
    The high priest coming out of the Holy of holies to declare redemption. Ang sa Anino (lev 16) ,substance sa return ni Christ.
    Mat 16:27-28

    ReplyDelete
  2. 4. "Kung tama si Bro. Centeno, bakit ang sampung utos lamang ang kanilang sinusunod mula sa 613 na mga utos? Upang maging lohikal at magkakatugma ang kanyang argumento, nararapat na isama pa rin nila ang iba pang 603 na utos, kasama na ang mga “ceremonial laws” na ayon sa mga SDA ay hindi na dapat sundin dahil sa ating panahon."
    Ito ang malinaw na begging the question fallacy
    Hindi kailangan tama ako. Ang dapat na tanong.
    Kung tama si Jesus, anuman ang ibig sabihin ng "nomos" mananatili ang kaliit liitang utos (nomos) hanggang hindi natutupad LAHAT, kasama jan ang resurrection at agree ka nmn jan sa para graph 2 ng answer mo.
    For information po. Hindi ako SDA.

    ReplyDelete