Purihin ang Panginoon sa kanyang kayamanan ng biyaya at at inalis niya ang pagkabulag sa aking mga mata ng pananampalataya sa pamamagitan ni Cristo (2 Corinto 3:15-16). Ngayon ay nauunawaan ko na ang katotohanan na nagwakas na ang Kautusan ng Lumang Tipan, at mayroong ipinalit ang Panginoon na mas higit na maluwalhati pa kaysa Sampung Utos. Ito ay walang iba kundi ang ministeryo ng Banal na Espiritu o ang kautusan ng Espiritu, na pinagtibay ng Diyos para sa mga Kristiyano sa ilalim ng Bagong Tipan sa biyaya ni Cristo. Kaya’t hindi totoo ang sinasabi ng ilang mga Seventh-day Adventists (SDAs) na kapag inalis ang Kautusan, magiging masama na ang mga tao at maaari nang gawin ang lahat. Ito ay isang bagay na hindi ko rin naisip noong ako’y SDA pa ngunit by the grace of God ay nauunawaan ko na.
Bakit hindi na mabisa ang mga Kautusan ng Lumang Tipan sa mga Kristiyano na nasa ilalim na ng grace? Narito ang ilang mga biblical na batayan na nagpapatotoo sa atin kung bakit ang mga kautusan ng Lumang Tipan lumipas na :
Colossians 2:16-17 (TLB)
So don’t let anyone criticize you for what you eat or drink, or for not celebrating Jewish holidays and feasts or new moon ceremonies or Sabbaths. For these were only temporary rules that ended when Christ came. They were only shadows of the real thing—of Christ himself.
May koneksyon ang pansamantalang pagkawala ng Kautusan at ang pagdating ni Cristo sa lupa noon. Kung hindi ka kumbinsido sa sinabi ng talata at parang sinabi mo na hindi ka kumbinsido na dumating si Cristo noon dahil siya ang katuparan ng Kautusan na isang simpleng anino lamang.
2 Corinthians 3:6 (TLB)
Malinaw mula sa mga talata na nabasa sa itaas na ang Lumang Tipan na Kautusan ay pansamantala lamang, nagdudulot ng sumpa, kamatayan at pagkakasala at tinanggal na sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo sa krus. Dahil wala nang pagkakasala ang sinumang nasa kay Cristo (Roma 8:1), namatay na rin ang ating kaugnayan sa Lumang Tipan na Kautusan. Kung ipipilit pa ng sinuman na dapat sundin pa rin ang Lumang Tipan na Kautusan kasama na ang Sampung Utos, ito lamang ay magdadala sa iyo sa pagkakasala ng espiritwal na pangangalunya. Ang isang Kristiyano ay "ikinasal" na kay Cristo sa pamamagitan ng Bagong Tipan kaya dapat siya ay malaya na sa pagiging "kasal" sa Lumang Tipan na Kautusan. Kung "kasal" pa ang isa sa Lumang Tipan na Kautusan, hindi siya maaaring "ikasal" kay Cristo sa pamamagitan ng Bagong Tipan dahil magiging espiritwal na mangangalunya siya o salawahan.
Ang mga SDAs ay nagsasabi na hindi nawala ang Kautusan, bagkus ito’y napalitan lamang ng pinagsulatan sa ilalim ng Bagong Tipan ayon sa Hebreo 8:10. Noon sa Old Covenant, ang Sampung Utos ay isinulat ni Moises sa dalawang tapyas na bato, ngunit sa Bagong Tipan, ang Kautusan ay isinulat na ng Panginoon sa puso at isip ng bawat Kristiyano. Sa unang tingin, tila may punto ang mga SDAs, ngunit kung susuriin natin ito batay sa inspired na Salita ng Diyos, ito ay mali. Bakit natin nasabing mali? Totoo na isusulat ng Diyos sa bawat isip at puso ng bawat mananampalataya ang espiritu at intensyon ng Kautusan, ngunit hindi ito ayon sa letra-por-letra o titik ng Lumang Tipan na Kautusan, kundi ang espiritu o prinsipyo ng kabuuang 613 na mga batas na nauuwi sa dalawa, “Ibigin mo ang Diyos” at “Ibigin mo ang iyong kapwa” na ayon mismo sa turo ni Cristo ay ang pinakadakilang kautusan sa lahat ng 613 na mga kautusan ng Lumang Tipan.
“Sir, which is the most important command in the laws of Moses?” Jesus replied, “‘Love the Lord your God with all your heart, soul, and mind.’ This is the first and greatest commandment. The second most important is similar: ‘Love your neighbor as much as you love yourself.’ All the other commandments and all the demands of the prophets stem from these two laws and are fulfilled if you obey them. Keep only these and you will find that you are obeying all the others.”
Kung gayon, maliwanag na hindi ang eksaktong letra ng Sampung Utos ang nakasulat sa puso at isip ng mga Kristiyano sa ilalim ng Bagong Tipan ng biyaya, kundi ang espiritu nito na walang iba kundi ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Nilinaw din ni Apostol Pablo na ang kautusan ng Espiritu ay hindi na nakabase sa “titik” ng Lumang Tipan, kundi sa “Espiritu” nito na pag-ibig.
"[It is He] Who has qualified us [making us to be fit and worthy and sufficient] as ministers and dispensers of a new covenant [of salvation through Christ], not [ministers] of the letter (of legally written code) but of the Spirit; for the code [of the Law] kills, but the [Holy] Spirit makes alive."
Kaya ang Kautusan na isinulat sa puso at isip ng bawat mananampalataya sa ilalim ng Bagong Tipan ay hindi na eksaktong letra-por-letra na salita ng Sampung Utos. Sa kasalukuyang panahon, ang mga Kristiyano ay “ministers and dispensers of a new covenant [of salvation through Christ], not [ministers] of the letter (of legally written code) but of the Spirit;” Oo, may kaluwalhatian ang Sampung Utos noong panahon ni Moises sa ilalim ng Lumang Tipan, ngunit ngayon, ang mga Kristiyano ay mas nagpupuri sa higit na maluwalhating Espiritu na nagbibigay buhay kaysa sa mga letra ng Sampung Utos na nagdudulot ng kamatayan.
"That old agreement had glory. But it really loses its glory when it is compared to the much greater glory of the new agreement."
Si brother Johan Sularte ay hindi na dapat matakot sa katotohanan na ang Sampung Utos ay natapos na at wala nang bisa dahil sa kamatayan ni Cristo sa krus. Ang kanyang alalahanin na “kapag walang utos na sinusunod ang tao they will freely eat and drink whatsoever they want kahit nakakasama sa kalusugan and they will not afraid to do so.” ay walang basehan. Dahil ang titik ng Sampung Utos, na nagdudulot lamang ng sumpa, kamatayan, at condemnation, ay pinalitan na ng kautusan ng Espiritu na nagbibigay buhay dahil sa biyaya ng Panginoon. kautusan ng Espiritu ay mas higit na maluwalhati at walang hanggan, ayon sa turo ni Pablo sa 2 Corinto 3.
Hindi na rin sakop ng mga dietary laws ang mga Kristiyano na “kasal” na kay Cristo, sapagkat si Cristo mismo ang nagturo na hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya, kundi kung ano ang masasamang lumalabas sa kanyang puso.
No comments:
Post a Comment