MOST POPULAR POSTS

Thursday, March 21, 2024

"HINDI BA UTOS ANG EIGHT BEATITUDES?"


Matthew 5:19 (ESV) "Therefore whoever relaxes one of the least of these commandments and teaches others to do the same will be called least in the kingdom of heaven, but whoever does them and teaches them will be called great in the kingdom of heaven."

Sagot:

Ang Eight Beatitudes ay hindi nga sinabi sa paraang pautos ngunit ipinapakita ni Jesus na ang mga nakakasunod sa mga prinsipyong ito ay may matatanggap na malaking gantimpala sa kaharian ng langit:

“Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.” (Matthew 5:10, Tagalog AB)

“Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.” (Matthew 5:12, Tagalog AB)

Ang Sermon on the Mount ay hindi ipinahayag sa tulad ng pagsulat sa Sampung Utos, ngunit ipinakita ni Jesus na ang mga sumusunod sa mga prinsipyong ito ay magkakaroon ng malalaking gantimpala sa kaharian ng langit:

  1. Mapagpakumbaba: Ang mga mapagpakumbaba ay magmamana ng kaharian ng langit.
  2. Nagluluksa: Ang mga nagluluksa ay kikilalanin at kikilalanin ng Diyos.
  3. Maaamo: Ang mga maaamo ay magmamana ng lupa.
  4. Nagugutom at nauuhaw sa katuwiran: Ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran ay bubusugin.
  5. Maawain: Ang mga maawain ay pagpapakitaan ng awa.
  6. Malinis ang puso: Ang mga malinis ang puso ay makikita ang Diyos.
  7. Mapagpayapa: Ang mga mapagpayapa ay tatawaging mga anak ng Diyos.
  8. Inuusig dahil sa katuwiran: Ang mga inuusig dahil sa katuwiran ay magmamana ng kaharian ng langit.

Sa ibang salita, ito ay nagpapahiwatig ng isang awtoritatibong tagubilin o gabay. Kahit na hindi tuwirang isinulat sa paraang pautos, ang kahulugan at layunin ng Eight Beatitudes ay maaaring maunawaan bilang isang utos o kalooban ng Diyos. Tinatawag din itong "Sermon on the Mount.

Ang isang sermon ay karaniwang naglalaman ng mga aral at tagubilin kung paano paglilingkuran ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang mga utos o kalooban. Mahalaga rin na isaalang-alang ang dako kung saan naganap ang sermon ni Jesus, ang Bundok na hindi pinangalanan. Ayon sa comment ng Andrews Study Bible na publish ng Andrews University Press ng Seventh-day Adventist church, nais ni Mateo na ipakita si Jesus bilang "bagong Moises" na nagbibigay ng "bagong utos" sa “bagong Sinai.” 

"5:1 Mountain. Matthew continues to parallel Jesus with Moses (see Introduction, “Message”). Matthew wishes to portray Jesus as the new Moses giving the new law on the “new Sinai.” Each author, under the guidance and inspiration of the Holy Spirit, selects his material to reach his audience. Matthew wanted his Jewish audience to read all these parallels and think of Moses."[1]

Kaya’t hindi mali na tawagin ni Jesus ang Eight Beatitudes na “mga utos,” sapagkat kung hindi ito utos, bakit tinatawag ito ng mga SDA theologians at scholars bilang bagong UTOS sa bagong Sinai?

May mga SDA rin na nangangatuwiran na ang “mga utos na ito” sa Mateo 5:19 ay tumutukoy lamang diumano sa Sampung Utos na nabanggit bandang huli sa mga talata 21-47, ngunit nagkakamali sila dito dahil mas nauna nang binanggit ni Jesus ang Eight Beatitudes bago ang conclusion niya sa talata 19 kaysa sa sinasabi nilang Sampung Utos sa talata 21-47. Abangan ang susunod na artikulo tungkol sa maraming ebidensya na hindi ang Sampung Utos ng Old Covenant ang pinapasunod ni Cristo dito kundi ang Espiritu at intention ng kautusan.

Ang salitang "commandments" sa Mateo 5:19 ay salin mula sa salitang Greek na entole. Ayon sa Complete Word Study Bible ang entole ay isang precept[1] na tumutukoy sa isang patakaranutos, o prinsipyo na nagpapahayag ng tamang pag-uugali o kilos. Sa ibang salita, ito ay nagpapakita ng isang may-awtoridad na tagubilin o gabay. Ang Eight Beatitudes ay naglalaman ng mga prinsipyo ng pagpapala o saloobin na naglalarawan sa mga katangian ng mga pinagpala ng Diyos at ito ay nakatuon sa mga saloobin ng puso (halimbawa, kababaang-loob, awa, kalinisan). Binibigyang-diin ng Eight Beatitudes ang panloob na pagbabago ng puso.  Kung gayon, ng salitang “entole” sa wikang Griyego na isinalin sa Mateo 5:19 na "utos" ay maaaring mangahulugang utos, alituntunin, o prinsipyo na nagpapatakbo sa personal na pag-uugali o kilos. 

Kaya ang tinutukoy ni Jesus sa Mateo 5:19 ay ang mga utos na higit pa sa katuwiran ng mga Pariseo, ay ang mga precepts o prinsipyo na itinuro sa Mateo 5:3-11, na mas kilala bilang ang Eight Beatitudes. Nagkakamali ang ilang SDAs sa pagpipilit na ito ay ang Sampung Utos ng Lumang Tipan, dahil kung tama ang kanilang katuwiran, hindi sila magiging higit sa katuwiran ng mga Pariseo na sumusunod din sa Sampung Utos tulad ng mga SDAs. Binabalaan ni Jesus ang mga SDAs na kung hindi nila lalampasan ang katuwiran ng mga Pariseo na naka depende ang righteousness sa pagtupad sa Sampung Utos ng Lumang Tipan, ay tiyak hindi sila magmamana ng kaharian ng Diyos.

“Sinasabi ko sa inyo: Maliban na ang inyong katuwiran ay hihigit sa katuwiran ng mga guro ng kautusan at mga Fariseo, sa anumang paraan ay hindi kayo makakapasok sa paghahari ng langit. Ang Pagpatay ” (Matthew 5:20, ASND)

Kailangan pa talaga mag-aral mabuti ang mga SDAs, lalo na ang kanilang mga debater at mga layman na mahilig mag-imbento ng mga paliwanag na kadalasang salungat sa kanilang mga standard na reperensiyang mga aklat kaya't mas lalong nagiging halata ang kanilang kakulangan sa kaalaman sa Bibliya. Umaasa ako na sa pamamagitan ng article na ito, na magiging bukas ang kanilang isipan at magiging handa silang magpakumbaba, tanggapin ang kanilang mga pagkakamali at maging humble, alinsunod sa mga aral na itinuro sa Sermon sa Bundok.

“Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.” (Matthew 5:3, Tagalog AB)

Footnote:

[1] Jon L. Dybdahl, Ed., Andrews Study Bible Notes, (Berrien Springs, MI: Andrews University Press, 2010), 1254.

No comments:

Post a Comment