FEATURED POST

"PAGLALANTAD SA MGA KASINUNGALIAN NI PASTOR BJORN CAPIENDO AT JOHNSON AMICAN TUNGKOL SA “THREE HOLIEST BEINGS” NI ELLEN G. WHITE!"

Ang live na episode ng 'Katotohanan' sa Hope TV kung saan tinalakay nina Johnson Amican at Pastor Bjorn Capiendo ang konsepto ng Tri...

MOST POPULAR POSTS

Thursday, January 23, 2025

"PAGLALANTAD SA MGA KASINUNGALIAN NI PASTOR BJORN CAPIENDO AT JOHNSON AMICAN TUNGKOL SA “THREE HOLIEST BEINGS” NI ELLEN G. WHITE!"

Ang live na episode ng 'Katotohanan' sa Hope TV kung saan tinalakay nina Johnson Amican at Pastor Bjorn Capiendo ang konsepto ng Trinidad ay nag-udyok sa akin na suriin ang kanilang mga argumento. Habang ang 'Godhead: Three Beings or One Being' ay isang kapana-panabik na paksa, ang kanilang pagtalakay ay tila hindi kumpleto at may mga lohikal na kamalian. Lalo akong nagtaka nang mapansin na ang kanilang mga sagot ay hindi direktang tumatalakay sa mga puntong aking ibinangon sa aking artikulong 'Kasagutan para sa mga Seventh-Day Adventists, Verse-by-Verse sa Mateo 28:19 - "Ama, Anak at Espiritu Santo ay Three Holiest Beings?' Naniniwala ako na ang kanilang pag-iwas na harapin ang mga isyung ito ay nagpapakita ng kanilang kahirapan na magbigay ng matibay na paliwanag para sa kanilang mga paniniwala.

Susuriin ko nang mabuti ang mga pahayag nina Amican at Capiendo tungkol sa Trinidad upang ilantad ang mga kahinaan ng kanilang argumento. Hindi ko hahayaang makaligtas ang kanilang mga pagsisinungaling at pag-iwas sa mga malinaw na ebidensya na sumasalungat sa kanilang paniniwala. Upang matiyak ang katapatan ng aking pagsusuri, ginamit ko ang isang AI video transcriber upang makuha nang eksakto ang kanilang mga sinabi sa loob ng 14 minuto at 26 segundo na talakayan tungkol sa Trinidad. Pagkatapos nito, isa-isa kong susuriin ang bawat punto at ibibigay ang aking mga komento.

#1. JOHNSON AMICAN: "Mula sa viewer po natin sa Facebook. Ang kanyang pangalan ay si Justin Jimenez. Ang sabi po niya, ano ba talaga ang stand ng SDA sa Godhead? Three beings, three persons, or one being, three persons? So, maganda po itong tanong ni kapatid na Justin Jimenez. Malamang ay Adventist siya or di natin alam. So, ito po kasi ay, lalo na, dalawang bagay yung magkikinabang dito, Pastor. Yung issue sa loob ng church na mayroong hindi naniniwala tungkol dun o mayroong pagkakaibang interpretation o pananaw tungkol sa Godhead, makakatulong ito. At the same time, yung nasa labas ng panampalatayang ito ay magkikinabang din sa ating ipaglilingkod. So, pag-usapan natin ito, Pastor, kasi dyan sa beings na yan, ay mayroong kalituhan yan. So, kung paano po ang inyong nakita na kailangan maibigay nating informasyon dito sa nagtatanong sa atin. Sige, Pastor." 

SAGOT:

Tama si Johnson Amican na hindi pa rin nagkakaisa ang mga Seventh-Day Adventists tungkol sa Triniy. Madaling mag-angkin na ikaw ang tunay na church, pero mahirap patunayan. Sa katunayan, maraming internal na problema ang SDA church, at ang doktrina ng Trinity ay isa lamang halimbawa. Naniniwala ako na ang mga turo ni Ellen G. White ang pangunahing dahilan ng mga di-pagkakaisa sa loob ng SDA Church. Kung ang Bibliya lang sana ang kanilang sinusunod, malamang ay mas magkakaisa sila sa mga pangunahing doktrina tulad ng Trinity. Ang mga turo ni Mrs. White na sumasalungat sa tradisyunal na Kristiyanismo, gaya ng kanyang pagtanggi sa Trinity, ay nagdulot ng mga malalaking pagkakahati sa SDA church hanggang ngayon.

#2. BJORN CAPIENDO: "Siguro, Brother Johnson, nais ko pong unahin yung sinasabi po ng ating HandbookSa ating Handbook of Seventh-day Adventist theology na ito po ay nasa page 121. Meron po kasi ganito tayong statement na mabubasa. Sige, pakita natin ito para masunda nila. Paano po natin nagamit yung salitang "being" po dyan. Sabi po dito mga kapatid, Handbook of SDA Adventist Theology, 7th Day Adventist Theology, Volume 12, page 121. Ang sabi po niya dito, "the oneness of God refers to the singleness of His being" Ayan. Di ba? Ng ano. "In other words, the oneness of God refers to the fact that according to the Bible, there is only one God as opposed to more than one. The classical, OT statement about the oneness of God, which is also followed by some in the New Testament, pronounces God to be one. "Hear, O Israel, the Lord our God is one Lord." Moses, however, had already explained that the Lord is God and that there is no other. David heard God's covenant promise renewed. and that there is no other."

Ituloy po natin.

"David heard God's covenant promise renewed to him. He praised God and recognized "that there is no God besides Thee". Through the prophet Isaiah, Yahweh Himself called Israel to recognize that "I am He, Before me, no God was formed, nor shall there be any after me." From this text, it clearly follows that according to the Old Testament, there is only one absolute God for Israel."

So makikita mo dito, Brother Johnson, kung paano ginamit ng ating Handbook ang salitang "Being". Ano? Singleness of his being, then ipinagpatuloy po niya yung paliwanag niya na yung mga statement, tinuloy po niya yung mga pananalita po niya, then ginamit po niya dito yung isang nature ng Diyos. Nangangahulugan, yung being dito, sa gamit niya dito, Brother Johnson, ano ho? Ito'y may kinalaman sa nature or essence ng Panginoon. So kapag ginagamit natin yung singular na being, singleness of His being, ito'y nangangahulugan nature ng atin pong Panginoon. Yung likas, yung essence ng atin pong Panginoon. So ito yung context, Brother Johnson, ng paggamit natin ng salitang "Being" sa ating Handbook

Now, may mga nagpapadala kasi sa atin, Brother Johnson, na may statement daw kasi si Ellen White, na ang gamit niya ay "Three holiest beings". Okay? "Three holiest beings." Which is, talaga namang may statement na ganoon si Ellen White. Kung mapapansin po ninyo, sa Manuscript 95, ito'y noong 1906, sabi dito ni Ellen White, that "Three holiest beings in heaven."

SAGOT:

Ang mga paliwanag nina Capiendo at Amican tungkol sa Trinity ay nagpapakita ng isang malaking pagkalito o sadyang pagtatangkang linlangin ang kanilang mga tagapakinig. Ang kanilang mga pahayag ay hindi lohikal at puno ng mga hindi tumpak na mga sipi mula sa kanilang sariling mga aklat. Kahit na ang mga deboto nilang tagasunod ay maaaring nasisiyahan sa kanilang mga sagot, ang isang masusing pagsusuri ay magpapakita ng mga malalaking kamalian sa kanilang mga argumento.

Pagkalito sa mga salitang "Being" at "Person" tungkol sa paksang Trinity

Nilinaw naman sa Handbook of Seventh-day Adventist Theology ang pagkakaiba ng "Being" at "Person." Batay sa paragraph na paliwanag ni Capiendo ang salitang "Being' ay kumakapit sa kalikasan ng iisang Diyos o Panginoon at hindi sa tatlong persona nito. Pansinin ang mga sumusunod na pangungusap mula sa siniping Handbook at paliwanag ni Bjorn Capiendo:

a. HANDBOOK: "the oneness of God refers to the singleness of His being" ("Being" tumutukoy sa "One God" or "Godhead" hindi sa tatlong persona na Ama, Anak at Espiritu Santo)

b. CAPIENDO: "Singleness of his being . . . isang nature ng Diyos" ("being" at "nature" ay tumutukoy sa "One God" at hindi sa tatlong persona na Ama, Anak at Espiritu Santo)

c. CAPIENDO:  "Singular na being . . . nature at essense ng Panginoon" ("being" at "essence" ng "One Lord" at hindi sa tatlong persona na Ama, Anak at Espiritu Santo)

Samantalang para kay Ellen G. White ay ikinapit niya ang katawagang "being" sa tatlong persona na Ama, Anak at Espiritu Santo:

"Here is where the work of the Holy Ghost comes in, after your baptism. You are baptized in the name of the Father, of the Son, and of the Holy Ghost. You are raised up out of the water to live henceforth in the newness of life—to live a new life. You are born unto God, and you stand under the sanction and the power of the three holiest beings in heaven, who are able to keep you from falling."[1]

Ang simpleng paliwanag ng Trinity bilang 'One God, in Three Persons' ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang konseptong ito. Gayunpaman, ang pagsusuri sa Handbook at sa mga pahayag ni Capiendo ay nagpapakita na ang salitang 'Being' ay may mas tiyak na kahulugan sa loob ng konteksto ng doktrinang ito. Ang 'Being' ay tumutukoy sa kalikasan o esensya ng iisang Diyos, at hindi sa bawat indibidwal na persona ng Trinity. Samakatuwid, ang salitang 'Being' ay eksklusibong ginagamit upang tumukoy sa iisang Diyos bilang isang buo, at hindi ito tumutukoy sa Ama, Anak, o Espiritu Santo nang magkakahiwalay na tulad ng binanggit ni Mrs. White na "three holiest beings".

Susuriin natin ang mga turo ng early Christians tungkol sa Trinity at ihahambing ito sa mga turo ni Ellen G. White. Makikita natin kung paano nagkakaiba ang kanilang mga pananaw at kung paano sinasalungat ni White ang tradisyunal na Kristiyanong doktrina.

Inaasahan kong ang mga sumusunod na ebidensya mula sa SDA Handbook ay magbibigay ng sapat na basehan upang mapag-aralan muli nina Capiendo at Amican ang kanilang mga posisyon tungkol sa Trinity. Sa pamamagitan ng paghahambing ng kanilang mga pahayag sa opisyal na turo ng kanilang church, malinaw na makikita ang mga pagkakamali sa kanilang mga argumento. Halimbawa, sa pahina 138 ng SDA Handbook, mayroong isang detalyadong paliwanag tungkol sa pagkakaiba ng 'Being' at 'Person' na direktang sumasalungat sa mga sinabi ni Capiendo.

"The direct reference to the Father, Son, and Holy Spirit clearly sets forth the threefold plurality of Divine Persons, while the designations of them all as the “name” of God (in singular) clearly sets forth the oneness of the Divine Being."[2]

Sa SDA Handbook, kailanman ay hindi ginamit ang mga salitang "Being" at "Person" bilang magkapalit na termino dahil hindi ito tama. Salungat ito sa argumento nina Capiendo at Amican na madalas daw ginagamit ang mga ito nang magkasingkahulugan, dahil nagdudulot lamang ito ng mas malaking kalituhan. Tulad ng nabanggit, hindi kailanman inapply ng SDA Handbook, maging ni Bjorn Capiendo, ang salitang "Being" sa Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ginagamit ito exclusively para sa kalikasan ng Diyos hindi ng tatlong persona na Ama, Anak at Espiritu Santo.

Kung susundin ang argumento nina Capiendo at Amican, ang kanilang konsepto ay magiging tulad ng Oneness o Modalism, na naniniwala na iisang persona lamang ang Diyos na siya din ang Ama, Anak, at Espiritu Santo at hindi tatlong persona na magkakahiwalay batay sa sinabi ng SDA Handbook na sinipi ni Capiendo: "the oneness of God refers to the singleness of His being." Dahil ayon sa kanila, magkapareho raw ang kahulugan ng "Being" at "Person," kaya maaari raw gamitin ang mga ito nang magkakapalit. Subalit, kung susundan natin sila na ang "Being" ng "Person" ay iisa lang ang resulta ay magiging ganito: "the oneness of God refers to the singleness of His PERSON." Sa ganitong pananaw, lumalabas na ang Diyos ay iisang persona lamang na nagtuturo na ng oneness theology, na malinaw na salungat sa doktrina ng Trinity.

Makikita ang resulta ng paglaban nila Capiendo at Amican sa katotohanan, sa halip na magpakumbaba na lang at magsabi ng katotohanan ng walang itinatago. Kung ganito ang kanilang pananaw, mas angkop na tawagin ang kanilang programa sa Hope TV Channel na "Kasinungalingan!" sa halip na "Katotohanan."

Narito ang paliwanag mula sa SDA Handbook ukol sa pagkakaiba sa paggamit ng dalawang magkaibang terminong "Being" at "Person" kaugnay ng doktrina ng Trinity na sumasalungat sa mga paliwanag ni Capiendo at Amican. Ganito ang nakasaad sa pahina 138:

"In Scripture, God has revealed His transcendent nature as Trinity, namely three distinct divine Persons who act directly and historically in history and constitute the one divine Trinitarian being."[3]

Ayon sa SDA Handbook, binigyang-diin ng reperensyang ito ang malinaw na pagkakaiba sa paggamit ng mga terminong "being" at "person." Kapag nais ipakita ang plurality ng Diyos, ang angkop na terminong gamitin ay 'persons' na tumutukoy sa Ama, Anak, at Espiritu Santo. Samantalang kapag ang tinutukoy ay ang kalikasan o essence ng Diyos, ang tamang termino ay "being."

Mula rito, mas mauunawaan natin na kung ang tanong ay tungkol sa what o kung ano ang Diyos, ang sagot ay mayroon lamang isang "being" na Diyos. Ngunit kung ang tanong ay who o sino ang iisang "being" na ito, ang sagot ay ang Ama, Anak, at Espiritu Santo—ang tatlong "persona" ng nag-iisang "being" na Diyos.

Kahit ulit-uliting basahin ang buong artikulo ng SDA Handbook tungkol sa Trinity, walang makikitang bahagi, maging sina Capiendo at Amican, na ginamit ang mga salitang ito nang magkakapalit o interchangeable. Ito ay dahil sa katotohanang magkaiba ang kahulugan ng "being" at "person" pagdating sa doktrina ng Trinity na matagal ng tinanggap ng Christianity sa buong kasaysayan ng Church.

Ang problema sa mga Sabadistang tulad nina Capiendo at Amican ay lumitaw nang linawin mismo ng SDA Handbook ang tamang paggamit ng mga terminong "being" at "person" kaugnay ng Trinity. Ang problema ay ang maling paggamit ni Ellen G. White ng pariralang "Three Holiest Beings." Ang pagkakamali ni Mrs. White ay iniuugnay niya ang terminong "being" sa tatlong persona—ang Ama, Anak, at Espiritu Santo (WHO)—sa halip na sa likas na esensya ng iisang Diyos (WHAT). Narito muli ang eksakto at kumpletong pahayag ni Ellen G. White mula sa kanyang Manuscript 95 noong 1906:

"Here is where the work of the Holy Ghost comes in, after your baptism. You are baptized in the name of the Father, of the Son, and of the Holy Ghost. You are raised up out of the water to live henceforth in the newness of life—to live a new life. You are born unto God, and you stand under the sanction and the power of the three holiest beings in heaven, who are able to keep you from falling."[4]

Malinaw sa pahayag ni Mrs. White na ang tinutukoy niyang "three holiest beings" ay walang iba kundi ang Ama, Anak, at Espiritu Santo. Gayunpaman, batay sa nabasa natin mula sa SDA Handbook, kapag ang terminong "being" ay ginagamit sa anyong isahan, ito ay tumutukoy lamang sa kalikasan ng nag-iisang Diyos. Hindi kailanman ginamit ang anyong maramihan na "beings" sa SDA Handbook, maging ng mga naunang Kristiyano.

Ang early church ay maingat sa malinaw na pagkakaiba ng singular na "being" at plural na "beings." Halimbawa, sa isang sinaunang statement of belief na tinatawag na Athanasian Creed, makikita na noon pa man ay malinaw na ang tamang paggamit ng mga terminong "being" bilang singular at "beings" bilang plural.

We worship one God in trinity and the Trinity in unity, neither confusing the persons nor dividing the divine being. . . For the Father is one person, the Son is another, and the Spirit is still another. But the deity of the Father, Son, and Holy Spirit is one, equal in glory, coeternal in majesty. . . Eternal is the Father; eternal is the Son; eternal is the Spirit: And yet there are not three eternal beings, but one who is eternal; as there are not three uncreated and unlimited beings, but one who is uncreated and unlimited. Almighty is the Father; almighty is the Son; almighty is the Spirit: And yet there are not three almighty beings, but one who is almighty. Thus the Father is God; the Son is God; the Holy Spirit is God: And yet there are not three gods, but one God." [5]

Samakatuwid, ang paniniwala ng mga naunang Kristiyano ay lubos na naiiba sa konsepto ng Godhead na itinuro ni Ellen G. White. Para sa mga early Christians, hindi kailanman ginamit ang terminong "three beings" upang tumukoy sa tunay na Diyos ng Bibliya, dahil ito ay maituturing na pagsamba sa "three gods," tulad ng sa mga paganong paniniwala. Sa pananaw ng mga early Christians, "there are not three gods" o "three beings," kundi "one God" o "one being" God.

Kung tunay na sugo ng Diyos si Ellen G. White, dapat sana ay itinuro niya ang paniniwala ng mga naunang Kristiyano na ang Diyos ay isang "being." Hindi siya maliligaw o magtuturo ng maling doktrina gaya ng "three holiest beings," na naglalagay sa mga Sabadista sa paniniwala sa mga huwad na diyos!

#3. BJORN CAPIENDO: "So, paano yan? Ano ba talaga? Being or beings? Ayan. So, titignan naman natin ngayon mga kaibigan at mga kapatid kung paano ginagamit ni Ellen White. Kung paano niya pinapakilala po ang Diyos sa kanya pong sulatin. Maliwanag kasi Brother Johnson sa sulatin ni Ellen White, nagagamit po niya, "three instrumentalities", "three worthies", at "three persons." Okay? Then, yung ginamit niya kanina na three beings, Brother Johnson. So, ganyan ginagamit ni Ellen White para ipakilala niya yung Diyos na kinikilala natin na masusumpungan sa banal na kasulatan.

Now, sa statement ni Ellen White, mga kapatid, alalahanin po natin, si Ellen White ay hindi po siya theologian. Yung mga gamit po niyang salita, Brother Johnson, ito yung mga normal na pananalitaKumbaga, yung ginagamit nila sa pang-araw-araw, vernacular. Hindi po theological terms yung ginagamit ni Ellen White na ginagamit ng mga Systematic TheologyHindi po ganun mga kapatid. For example, magbibigay ako ng halimbawa Brother Johnson na may mga salita tayong ginagamit na sa pang-araw-araw natin pamumuhay, pero iba yung meaning niya sa mundo ng pag-aaral ng theology, mas lalo na sa Systematic Theology. For example, yung salitang "Grace". Pag pinag-uusapan natin yan, sa mundo ng theology, mga kapatid, ito yung God's unmerited favor and kindness toward humanity. Pero yung natural meaning nito, kapag nag-uusap tayo sa pang-araw-araw na pamumuhay lang, normal na takbo ng buhay. Halimbawa, sinabi mong, he accepted or she accepted the gift with grace.

SAGOT:

Nang ginamit ni Mrs. White ang terminong "three holiest beings," ginawa ba niya ito bilang bahagi ng isang karaniwang "normal na pananalita" sa "pang-araw-araw na pamumuhay" o "normal na takbo ng buhay"? Ito ang punto na sinusubukang ipalabas ni Capiendo sa kanyang paliwanag upang maiwasan ang impresyon na si Mrs. White ay nagtuturo ng tatlong Diyos. Ngunit ito ba ay katotohanan o kasinungalingan?

Para sa akin, ito ay malinaw na isang hayagang pagsisinungaling ni Capiendo at Amican. Ano ang mga dahilan kung bakit ko nasabing ang programa nila sa Hope Channel Philippines na ito ay mas angkop tawaging "Kasinungalingan" kaysa "Katotohanan"?

Dapat maunawaan nina Capiendo at Amican na nang banggitin ni Mrs. White ang "three holiest beings," ito ay tumutukoy sa Ama, Anak, at Espiritu Santo, at hindi niya ito sinabi sa isang karaniwang araw o sa pang-araw-araw na konteksto ng kanyang buhay. Sa halip, ito ay bahagi ng kanyang sermon sa Oakland Seventh-Day Adventist Church sa Oakland, California, noong araw mismo ng Sabbath, Oktubre 20, 1906 [6].

Samakatuwid, ang pahayag ni Mrs. White tungkol sa "three holiest beings" ay hindi isang "normal na pananalita" sa pang-araw-araw na pamumuhay, kundi isang theological term na ginamit niya sa konteksto ng isang sermon sa araw ng pagsamba ng mga Sabadista. Ang sinasabi ni Capiendo na si Mrs. White ay hindi gumamit ng theological term at nagsalita lamang gamit ang pangkaraniwang wika ay walang katotohanan. Sa halip, ito ay isang kasinungalingan na ipinapasa sa kanilang mga manonood.

Maliwanag na para kay Mrs. White, ang "three holiest beings" ay isang theological term na ginamit niya sa konteksto ng isang sermon tungkol sa papel ng Ama, Anak, at Espiritu Santo sa kaligtasan ng tao—isang napakahalagang theological subject.

#4. BJORN CAPIENDO: "So, nakikita natin dito, yung sa paggamit ni Ellen White, yung salitang "Being". Three holiest beings. Ang being, three holiest beings, ang equivalent ng Brother Johnson ay three holiest persons. . . Kasi may mga pagkakataon kasi na interchangeably ginagamit yung salitang persons. Pwede natin gamitin yung salitang "Being" na nangangahulugan po ay person, Brother Johnson. . . Yung "Beings" naman na gamit ni Ellen White, ang equivalent po nun mga kaibigan at mga kapatid, ay persons. Yung may individuality. Ibig sabihin, hindi tayo pwede mag-conclude pagka nakabasa doon ng sinulat ni Ellen White na plural, ang beings, hindi natin siya bastang mag-ibigyan ng conclusion. "

SAGOT:

Tanging sina Capiendo at Amican lamang ang nagsasabi niyan. Nasagot na natin ito kanina na magkaibang kategorya ang "being" at "person." Ang "being" ay tradisyunal na ginagamit ng mga Kristiyano kapag ang kategorya ay "WHAT", o tumutukoy sa kalikasan ng Diyos. Samantalang kapag ang kategorya ay "WHO", o ang pagkakakilanlan kung sino ang Diyos, ang sagot ay ang tatlong persona ng isang Diyos—ang Ama, Anak, at Espiritu Santo.

Tulad ng nabanggit natin kanina, ito ay magpapabor sa paniniwala ng mga Oneness Pentecostal o UPC, na nagsasabing ang Diyos ay isang persona lamang at hindi tatlo.

#5. BJORN CAPIENDO: "Ganun natin siya iniintindi. Kapag ginamit yung being sa person, plural siya. Pero ginamit siya sa nature, singular siya. Kasi one being lang, one essence lang yung Father, Son, and Holy Spirit. Pantay-pantay sila. Kaya naman ganun ang pagsagot, gumamit tayo ng writings ng ating kinikilalang messenger, sapagat ang tanong po sa atin ay, ano ba talaga ang stand ng SDA sa Godhead? Kaya dahil yun ang tinatanong, kung ano yung ating posisyon, kaya yun po yung sagot namin. Pero kung ang tanong niya ay, ano ba ang Godhead ayon sa Biblia, ay hindi Biblia gagamitin natin. Kapag yung inaalam tungkol po sa ating panampalataya, the Seventh-day Adventist, kung paano natin i-define yung mga word, ay pinili namin na ganito ang informasyon na may ibigay sapagat mayroon nga pong mga pag-usapin sa loob ng panampalatayang ito na mayroon din nga po silang ibang interpretation pagdating dun sa salita nalilito."

SAGOT:

Maganda sana ang paliwanag na iyon ni Capiendo kung ito talaga ang katotohanan. Sa kasamaang-palad, isa na naman itong kasinungalingan dahil hindi ito ang opisyal na posisyon ng mga iskolar ng SDA, maging ni Ellen G. White, na ang Diyos ay isang "being."

Sa isang artikulo na pinamagatang "The Quest for a Biblical Trinity: Ellen White's 'Heavenly Trio' Compared to the Traditional Doctrine," ipinaliwanag ni Jerry Moon, isang Seventh-Day Adventist scholar at head ng Church History Department sa Andrews University ng SDA Church, kung paano naiiba ang pananaw ni Ellen G. White sa konsepto ng pagkakaisa ng isang Diyos kumpara sa tradisyunal na pag-unawa ng "being" na sumasalungat sa paliwanag ni Capiendo.

"She described the unity of the Father, Son, and Holy Spirit in relational rather than ontological terms (one Being God). While the traditional doctrine defined the divine unity in terms of “being” or “substance,” she focused on the volitional and relational dimensions of Their unity, a unity of “purpose, mind, and character.” [7]

Inilarawan din ni Ellen G. White kung paano nagkakaisa ang mga alagad ni Jesus sa paraang katulad ng pagkakaisa ng Jesus at ng Diyos Ama. Narito ang paliwanag ni Jerry Moon:

"The concept of plurality of persons in the unity of relationship becomes more explicit in the NT. For example, Christ prayed that believers in Him may “all” be “one” as He and the Father “are one” (John 17:20–22). Ellen White quotes this passage as proof of the “personality of the Father and the Son,” and an explanation of “the unity that exists between Them.” She wrote: “The unity that exists between Christ and His disciples does not destroy the personality of either. They are one in purpose, in mind, in character, but not in person. It is thus that God and Christ are one.”[8]

Maliwanag mula sa mga awtoridad ng SDA Church na para kay Ellen G. White, ang pagka-isa ng Diyos ay hindi tungkol sa numerikal na pagiging isang "being," kundi tungkol sa "relationship," at ito rin ang posisyon ng mga SDA scholars na tinututulan nina Bjorn at Johnson. Bakit nga ba para sa mga opisyal na tagapagturo at propeta nila, iba ang konsepto ng pagka-isa ng Diyos? Ito ay dahil sa katotohanan na hindi maiiwasan ng sinumang tapat na Sabadista na aminin na ang Diyos na kinikilala ni Ellen G. White ay "the Father and the Son, as two distinct, literal, tangible persons." Ganito ang patotoo sa aklat ng mga Sabadista na The Trinity: Understanding God's Love, His Plan of Salvation, and Christian Relationships.

"Thus she gained visionary confirma­tion of what her husband had written in a Millerite journal a few years earlier. Expounding on Jude 4, about those who “deny the only Lord God and our Lord Jesus Christ,” James White had de­clared that “this class can be no other than those who spiritualize away the existence of the Father and the Son, as two distinct, literal, tangible persons. . . . The way spiritualizes . .. have disposed of or denied the only Lord God and our Lord Jesus Christ is first using the old unscriptural trinitarian creed” (James White, in Day-Star, Jan. 24, 1846). Ellen White evidently agreed with her husband that Christ and the Father were “two distinct, literal, tangible persons,” but we have no record (before the Kellogg crisis of 1905) of her explicitly criticizing any Trinitarian view as did her husband." [9]

Bagaman ang tinutukoy dito ay ang Ama at Anak, malinaw na kasama rin ang Banal na Espiritu sa parehong kalagayan dahil bahagi siya ng "three holiest beings" ni Mrs. White. Dahil dito, hindi maingat sina Capiendo at Amican sa kanilang mga paliwanag sa kanilang programa. Marami silang viewers na maaaring maligaw dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa isyung ito. Kaya minabuti ng inyong lingkod na isulat ang response na ito upang mabisto ang kanilang kasinungalingan. Hinahamon ko ang lahat ng mga Pastors at debaters ng mga Sabadista sa Pilipinas na tutulan nila ang aking mga argumento laban sa mga pagkukunwari nilang sila ay mga tunay na mga Trinitarians at hindi mga Tritheists! 

#6. JOHNSON AMICAN: "So, yun pala naman, kaya medyo malilito ka nga pag hindi mo pinag-aralan mabuti, sapagat katulad nga sinasabi ni Pastor Bjorn, ay tinitingnan dito kung anong settings, anong panahon, at ano ang kalagayan, ano ang senaryo nung isulat o nang banggitin ito ng ating kinikilala na mensahero, Ellen White. So, sana ay naging malinaw po ito. Meron ka pang karagdagan dito, Pastor? 

SAGOT: 

Mas nalilinlang ang mga tao sa mga pagmamarunong nina Capiendo at Amican sa programang ito dahil hindi nila ipinakita ang tunay na katotohanan tungkol sa konsepto ng pagka-isa ng Diyos ayon kay Mrs. White at sa mga iskolar ng SDA church. Hindi nagpapakatotoo sina Capiendo at Amican. Pinipilit nilang pagsamahin ang magkaibang pananaw ni Mrs. White at ang kanilang sariling paliwanag, na malinaw na magkaiba kung sabagay ginagawa lang naman ni Capiendo at Amican ito dahil sila ay mga bayaran at inupahan ng mga sponsors at SDA church para magsinungaling at kailangan nila ito para may ipakain sa kanilang mga pamilya kahit pa galing ito sa kasinungalingan. 

Nalaman natin na ang tunay na pagkaunawa ni Mrs. White sa "three holiest beings" ay tumutukoy sa tatlong hiwalay na indibidwal na mga Diyos, bawat isa ay may literal na katawang nahahawakan at may anyo, na hindi tumutugma sa paliwanag ng mga upahang tulad nina Capiendo at Amican sa TV.

#7. BJORN CAPIENDO: Kaya kung titignan mo, Brother Johnson, doon sa King James Version, doon sa Hebrews chapter 1, 3. Ayan, gagamit na tayo ng talata. Tignan po ninyo sa King James Version, sa Hebrews 1:3, anong sabi po diyan? Aha. Yan. "Image of His person." Then, sa God's Word translation, may binanggit naman diyan, "His Son is the reflection of God's glory and the exact likeness of God's beingSo, yung mga pagkakataon talaga, Brother Johnson, na ginagamit. exact likeness of God's being. So yung mga pagkakataon talaga, Brother Johnson, na ginagamit siya interchangeably. So ibig sabihin, hindi pwede sabihin na, ay magulo pala si Mrs. White. At sa Biblia, parang may gano'n din na pagkakasalita. Kung kaya tignan natin kung paano siya ginagamit Brother Johnson."

SAGOT:

Sa King James Version ng Hebreo 1:3 ay ganito ang nakasulat:

Hebrews 1:3 (KJV) "Who being the brightness of his glory, and the express image of his person, and upholding all things by the word of his power, when he had by himself purged our sins, sat down on the right hand of the Majesty on high."

Ang salitang "person" sa Hebreo 1:3 ay isang maling pagsasalin ng King James Version mula sa Greek na ὑπόστασις (hypóstasis). Ang salitang ito ay hindi nangangahulugang "person." Sa halip, ayon sa Theological Dictionary of the New Testament, ang ibig sabihin nito ay "being, essence, reality."[10]

Ngunit ang pagsasalin ng King James Version ng salitang Griyego na "hypostasis" bilang "person" sa Hebreo 1:3 ay hindi itinuturing na wasto ng mga makabagong iskolar ng Greek NT. Mas malapit ang ibig sabihin nito sa isang pilosopikal na konsepto kaysa sa makabagong ideya ng "person." Ang konsepto ng "person" na ginagamit sa Christian theology (tumutukoy sa tatlong magkakaibang sentro ng kamalayan sa loob ng Trinidad) ay nabuo lamang kalaunan, bilang tugon sa kontrobersiyang Arianism. Nagsimulang gamitin ang "hypostasis" sa ganitong teolohikal na konteksto, ngunit ang paggamit na ito ay hindi pa kilala noong isinulat ang aklat ng Hebreo. Karamihan sa mga makabagong salin ng Bibliya ay isinasalin ang "hypostasis" sa Hebreo 1:3 bilang "substance," "nature," o "being," na mas tumutugma sa orihinal na kahulugan ng salitang Griyego sa konteksto nito. Bagama't may makasaysayang kahalagahan ang pagsasalin ng King James Version, hindi nito lubos na naipapakita ang tunay na kahulugan ng "hypostasis" ayon sa pagkaunawa noong unang siglo. Samakatuwid, nagbatay sina Capiendo at Amican sa maling pagsasalin ng King James Version ng Hebreo 1:3 upang linlangin ang kanilang mga viewers at ipakita na tama ang kanilang mga inimbentong pananaw.


CONCLUSION:

Batay sa ating pagsusuri muli ay napatunayan natin na ang Seventh-day Adventist scholarship at maging si Ellen G. White ay hindi sangayon sa ginagawang pagbabaluktod ng Pastor na si Bjorn Capiendo at sa layman na si Johnson Amican. Nahayag ang kanilang kasinungalingan nilang dalawa  sa kanilang programang "Katotohanan" sa Hope TV Channel Philippines. Ginagawa lamang ni Capiendo at Amican ang kanilang trabaho dahil parehong bayaran o upahan ang dalawang ito upang pagtakpan ang kamalian ng SDA church tungkol sa Trinity at bigyan ang impression ang kanilang mga viewers na naniniwala din naman sila sa orthodox doctrine of the Trinity pero sa totoo lang ay hindi. Sa halip, batay na din sa pag-amin ng kanilang SDA Handbook ay ang talagang version ng Godhead ay mas malapit sa Tritheism o tatlong diyos ng mga pagano. Ganito ang pag amin ng kanilang SDA Handbook:


"Consequently, the indivisibility of God’s works in history is not conceived by Adventists as being determined by the oneness of essence. . . The danger of Tritheism involved in this position becomes real when the oneness of God is reduced to a mere unity conceived in analogy to a human society or a fellowship of action."[11]

Mga kaibigang Sabadista iisa lamang po ang "KATOTOHANAN" ang dapat natin piliin kung sino ang dapat niyong paniwalaan tungkol sa tunay na kahulugan ng "three holiest beings": si Ellen G. White na tatlong diyos o ang kasinungalingan ni Bjorn Capiendo at Johnson Amican na nagsisinungaling?

Sources:

[1] Ellen Gould White, Letters and Manuscripts — Volume 21 (Manuscript 95, 1906), (Ellen G. White Estate, 1906), 1.

[2] Dederen, Raoul. Handbook of Seventh-Day Adventist Theology. Electronic ed., vol. 12, Review and Herald Publishing Association, 2001, p. 138.

[3] Ibid.

[4] Ellen Gould White, Letters and Manuscripts — Volume 21 (Manuscript 95, 1906), (Ellen G. White Estate, 1906), 1.

[5] Augustine, Saint. The Trinity. New City Press 1990. 347

[6] Sermon, Mrs. E. G. White, Congregational Church, temporarily used by Oakland S. D. A. Church, 18th and Market Streets, Oakland, California, on Sabbath afternoon, October 20, 1906. 21LtMs, Ms 95, 1906, par. 1

[7] Moon, Jerry. “The Quest for a Biblical Trinity: Ellen White’s ‘Heavenly Trio’ Compared to the Traditional Doctrine.” Journal of the Adventist Theological Society (JATS)., vol. 17, no. 1, 2006, p. 156.

[8] ibid

[9] Whidden, Woodrow Wilson, Jerry Moon, and John W. Reeve. The Trinity: Understanding God's Love, His Plan of Salvation, and Christian Relationships. Review and Herald Pub Assoc, 2002. 207

[10] Quesnell, Q. (1987). Theological Dictionary of the New Testament. Edited by Gerhard Kittel and Gerhard Friedrich. Translated and abridged in one volume by Geoffrey W. Bromiley. Grand Rapids, MI: Eerdmans, 1985. "Hypostasis"

[11] Moon, Jerry. “The Quest for a Biblical Trinity: Ellen White’s ‘Heavenly Trio’ Compared to the Traditional Doctrine.” Journal of the Adventist Theological Society (JATS)., vol. 17, no. 1, 2006, p. 143-144.







No comments:

Post a Comment