FEATURED POST

KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS VERSE-BY-VERSE SA GAWA 10:28: "ANG NILINIS NG DIYOS: KARUMALDUMAL NA MGA HAYOP O MGA HENTIL?"

 "At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na makisama lumapit sa isang taga ibang bansa; at gay...

MOST POPULAR POSTS

Friday, November 8, 2024

"KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS, VERSE-BY-VERSE SA MATEO 28:19 - "AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO AY THREE HOLIEST BEINGS?"

 

“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:” (Mat 28:19)


CHALLENGE NG MGA SABADISTA:

"Sino ang nagsabi sa inyo na tatlo ang Diyos ng Seventh-day Adventist church? Hindi yan totoo. Paninira lamang yan sa amin. Kami ay naniniwala sa Trinity at yan ang totoo. Wala kang mababasa sa aming 28 Fundamental Beliefs na tatlo ang Diyos namin o kami ay Tritheists. Ganito ang sinasabi sa aming statement of belief #2: "There is one God: Father, Son and Holy Spirit, a unity of three co-eternal Persons." 

SAGOT:

Ipakita kaagad sa mga Sabadista ang malaking pagkakaiba ng kanilang definition ng Trinity ayon sa kanilang Statement of Belief #2, kumpara sa traditional na definition ng Christianity sa Trinity:
  • SDA Fundamental Belief#2:"There is one God: Father, Son and Holy Spirit, a unity of three co-eternal Persons."
     
  • Traditional Christianity[1]: "There is one God in three persons: the Father, Son, and Holy Spirit."
1.) Ano ang kanilang pagkakaiba?

a.) Traditional Christianity"There is one God in three persons: the Father, Son, and Holy Spirit."

Tagalog: "May isang Diyos sa tatlong persona: ang Ama, Anak, at Espiritu Santo."

  •  Nagbibigay-din sa "Triune" na Kalikasan: Ang pahayag na ito ay nagbibigay-diin sa konsepto ng iisang Diyos na umiiral sa tatlong natatanging persona. Binibigyang-pansin nito ang balanse sa pagiging iisa ng Diyos at ang tatlong persona ng Kanyang pagka-Diyos.

  • Gamit ang "persons" na maliit ang titik: Ang paggamit ng "persons" na maliit ang titik ay sumasalamin sa tradisyunal na paniniwalang tinanggap na ng historical Christianity, na binibigyang-diin ang pagiging iisa ng Diyos at ang pantay ngunit natatanging mga tungkulin ng bawat persona sa loob ng Trinity.

b.) SDA Fundamental Belief#2: "There is one God: Father, Son, and Holy Spirit, a unity of three co-eternal Persons." 

Tagalog: "May isang Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo, isang pagkakaisa ng tatlong magkasamang walang-hanggang Persona."

  • Nagbibigay-diin sa "pagkakaisa" imbis na "pagiging isa" ng tatlong persona: Ang pariralang ito ay nagbibigay-diin sa "pagkakaisa" ng magkakasamang individual ng tatlong Persona (Ama, Anak, at Espiritu Santo).

  • Gamit ang "Persons" na malaking titik: Sa paggamit ng "Persons" na may malaking "P," ayon sa mga pangunahing alituntunin ng Ingles na gramatika, binibigyang-diin nito ang pagkakaiba at natatanging personalidad ng bawat miyembro ng Trinity bilang magkakahiwalay na individual beings, habang pinapanatili ang kanilang pagkakaisa. Sang-ayon ito sa turo ni Ellen G. White na nagkakaisa lamang sila sa isip at layunin (relational one) imbis na maging "iisang being" (numerical one) sa kalikasang Diyos. Sa isang lathalain ng mga Sabadista na pinamagatang The Quest for a Biblical Trinity: Ellen White's "Heavenly Trio" Compared to the Traditional Doctrine, ipinaliwanag ng SDA theologian na si Dr. Jerry Moon, tagapangulo ng Church History Department sa Andrews University, kung paano naiiba ang pagkaunawa ni Ellen G. White sa pagkakaisa ng Diyos kumpara sa traditional Christianity:

"Inilarawan niya ang pagkakaisa ng Ama, Anak, at Espiritu Santo sa paraang relational na unawa kaysa sa ontological. Habang ang tradisyonal na doktrina ay tumutukoy sa pagka-Diyos batay sa “being” o “substance,” nakatuon siya sa mga aspeto ng ugnayan sa kanilang pagkakaisa—isang pagkakaisa sa “layunin, kaisipan, at karakter.”[2]

Ginamit din ni Ellen G. White ang paglalarawan ng pagkakaisa ng mga alagad ni Jesus upang ipaliwanag kung papaano pagkakaisa ni Jesus at ng Diyos Ama. Narito ang paliwanag ni Dr. Jerry Moon:

"Ang konsepto ng pagkakaroon ng maraming persona sa pagkakaisa ng relasyon ay nagiging mas malinaw sa Bagong Tipan. Halimbawa, nanalangin si Cristo na ang mga naniniwala sa Kanya ay maging “iisa” gaya Niya at ng Ama na “iisa” (Juan 17:20–22). Sinasabi ni Ellen White ang sipi na ito bilang patunay ng “personality ng Ama at ng Anak,” at bilang paliwanag ng “pagkakaisa na umiiral sa pagitan Nila.” Sumulat siya: “Ang pagkakaisa na umiiral sa pagitan ni Cristo at ng Kanyang mga alagad ay hindi sumisira sa personalidad ng bawat isa. Sila ay nagkakaisa sa layunin, sa pag-iisip, sa karakter, ngunit hindi sa persona. Ganito rin ang pagkakaisa ng Diyos at ni Cristo.”[3] 

Ang mga paliwanag ni Ellen G. White tungkol sa pagkakaisa ng Ama, Anak, at Espiritu Santo ang pangunahing dahilan kung bakit kahit minsan ay hindi niya ginamit ang salitang "Trinity" sa lahat ng kanyang mga isinulat. Alam niya na ang konsepto niya ng Godhead (Trinity) ay ibang-iba kumpara sa tradisyonal na Kristiyanismo. Tinawag din ni Ellen G. White ang Ama, Anak at Espiritu na "three holiest beings."

"Here is where the work of the Holy Ghost comes in, after your baptism. You are baptized in the name of the Father, of the Son, and of the Holy Ghost. You are raised up out of the water to live henceforth in the newness of life—to live a new life. You are born unto God, and you stand under the sanction and the power of the three holiest beings in heaven, who are able to keep you from falling."[4]

Hindi na nakapagtataka kung bakit tinawag niyang "three holiest beings" ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, dahil naaayon ito sa kanyang paliwanag tungkol sa "pagkakaisa" ng tatlong magkakahiwalay na indibidwal na persona na may sariling katawan na nahahawakan at may mga bahagi. Para kay Ellen G. White, si Cristo at ang Ama ay “dalawang magkahiwalay, literal, at nahahawakang persona” na may literal na mga bahagi ng katawan. Malaki ang naging impluwensya mula sa kanyang asawa na si James White sa naging pananaw ni Ellen G. White tungkol sa anyo ng Diyos. Ganito ang inamin ng aklat ng mga Sabadista na "The Trinity":

"Sa ganitong paraan, nakatanggap siya ng patunay sa pamamagitan ng mga pangitain sa isinulat ng kanyang asawa ilang taon na ang nakalipas sa isang pahayagan ng mga Millerite. Ipinaliwanag ni James White ang Judas 4, tungkol sa mga 'nagkakaila sa tanging Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesucristo,' at sinabi niya na 'ang uring ito ay walang iba kundi yaong mga ginagawang espirituwal ang pag-iral ng Ama at ng Anak bilang dalawang magkahiwalay, literal, at nahahawakang persona. . . . Ang paraan kung paano ginawang espirituwal ng iba ang tanging Panginoong Diyos at ang ating Panginoong Jesucristo ay sa pamamagitan ng paggamit ng matandang hindi maka-Kasulatang trinitarianong kredo’ (James White, sa Day-Star, Enero 24, 1846). Maliwanag na sumang-ayon si Ellen White sa kanyang asawa na si Cristo at ang Ama ay ‘dalawang natatangi, literal, at nahahawakang persona."[5] 

Ang puntong ito ay isang matibay na ebidensya mula sa mga opisyal na babasahin ng mga Sabadista na hindi alam ng karamihan sa kanila, kabilang ang kanilang mga tagapagtanggol. Hindi kailanman ginamit ng tradisyonal na Kristiyanismo sa buong kasaysayan ng iglesia ang terminong "three beings" para sa tatlong persona. Ang paggamit ng terminong ito ay isang maling representasyon ng biblikal na doktrina ng Trinidad at itinuturing na mauuwi sa heretikong doktrina na "Tritheism" o paniniwala sa tatlong diyos.

2.) Ano ba talaga ang totoong paliwanag ng mga SDA theologians na bumuo ng SDA Statement of Belief #2?

Sa unang tingin, maaaring magmukhang ang SDA Statement of Belief #2 ay umaayon sa traditional Christian na paliwanag ng doctrine of the Trinity. Ngunit sa katotohanan, ito ay lumilihis mula sa karaniwang tinatanggap na pananaw, kaya't itinuturing itong heresy. Nakasaad dito, "May isang Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo, isang pagkakaisa ng tatlong magkasamang walang-hanggang Persona." Mahalagang pansinin na ang pahayag na ito ay hindi nagsasabing may iisang Diyos sa tatlong persona. Sa halip, inilarawan nito ang "isang Diyos" bilang "isang pagkakaisa ng tatlong magkasamang walang-hanggang Persona." (pansinin ang malaking titik na "P"). Ipinapakita lamang nito na ang kanilang doktrina ng "isang Diyos" ay isang collective group ng "trio" ng tatlong mga banal na individual mga beings. 

Ang konsepto ng "tatlong diyos" na ito ay hindi tinutulan ng mga kasapi ng komite ng mga SDA theologians na naghanda ng Statement of Belief #2, na malinaw na mga tagasuporta ng "tritheism." Suriin natin ang kanilang mga naitalang sesyon at ang mga terminolohiyang ginamit, na walang dudang sumusuporta sa tritheism imbis na Trinitarianism. Hindi ito kayang pasinungalingan ng mga Sabadista.

Ang "Fundamental Beliefs" tungkol sa Diyos ay inaprubahan noong 1980 sa General Conference Session ng SDA Church. Mga sipi mula sa session proceedings ng Seventh business meeting ng Fifty-third General Conference session (Abril 21, 1980, 3:15 P.M.), na itinampok sa isyu ng Adventist Review noong Abril 23, 1980, ang nagbibigay ng ilang konteksto sa mga pahayag ng SDA tungkol sa Diyos. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pangunahing isyung inilabas ng ilang kalahok tungkol sa Trinity, na may maikling komento ko kasunod ng bawat pahayag:

LEIF HANSEN:"Sa pagtalakay na ito tungkol sa Trinity, na laging mahirap talakayin, iniisip ko kung maaring matanggal ang isang tiyak na hindi pagkakaintindihan sa pamamagitan ng pagsasabing 'isang pagkakaisa sa layunin' upang maalis ang usapin ng pisikal na pagkakaisa."

NEAL C. WILSON [6]:"Nakikita ko ang punto mo diyan. Siguro dapat natin gawing isang pagkakaisa sa layunin sa halip na isang pisikal na pagkakaisa."

Iminungkahi ni Leif Hansen na bigyang-diin ang pagkakaisa ng Diyos sa mga layunin ("unity in purpose") upang maiwasan ang mapanlinlang na konsepto ng "pisikal na pagkakaisa" ng tatlong diyos ng mga Sabadista. Isang mahirap na isyu ito para sa mga tritheistic na Sabadista, dahil mahihirapan silang ipaliwanag kung paano maaaring ituring na literal at matematikal na iisa ang tatlong magkakahiwalay na indibidwal na diyos na ang bawat isa ay may sariling literal na katawan at bahagi. Kaya naman, hanggang ngayon sa mga pampublikong pangangaral ng mga Sabadista ay binibigyang-diin nila ang "unity in purpose" sa halip na ang pagiging "one being" ng Diyos. Ang mungkahing ito ay sinang-ayunan ni Neal C. Wilson, ang dating Presidente ng General Conference, na nagsabi, "Dapat nating gawing pagkakaisa sa layunin sa halip na pisikal na pagkakaisa." 

Sa mga pahayag na ito, makikita natin ang panganib ng Tritheism sa SDA church, ayon inihayag sa Handbook of SDA Theology

"Ang panganib ng Tritheism na kasangkot sa posisyong ito ay nagiging totoo kapag ang pagkakaisa ng Diyos ay ibinaba sa isang simpleng pagkakaisa na inihalintulad sa lipunan ng tao o isang samahan ng kilusan."[7]

Ngayon ay ipagpapatuloy natin ang sesyon ng pahayag ng mga paniniwala mula kay J.G. Bennett:

J. G. BENNETT:"Ang pahayag tungkol sa Diyos at Trinity ay patuloy na gumagamit ng pangngalang "Siya". Sa kalaunan, habang tinatalakay ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, gumagamit tayo ng parehong panghalip na "Siya". Kinilala at tinatanggap ko ang Trinity bilang isang kolektibong pagkakaisa, ngunit magkakaroon ako ng kaunting kahirapan sa paggamit ng panghalip na "Siya" para sa Trinity o Diyos."

Ayon kay J.G. Bennett, kinikilala at tinatanggap niya ang Trinity bilang isang "kolektibong pagkakaisa" o collective unity. Samakatuwid, ang ating obserbasyon tungkol sa maling pagpapahayag sa kanilang SDA Fundamental Belief #2, na nagsasabing "isang Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo, isang pagkakaisa ng tatlong magkasamang walang-hanggang Persona," kung saan ang tatlong persona ng Ama, Anak, at Espiritu Santo ay nakikita bilang isang collective unity o isang collective/"trio" ng tatlong "banal na mga persona," ay labis na lumalayo mula sa tradisyonal na konsepto ng Trinidad na pinaniniwalaan ng historic Christianity, na "Iisang Diyos sa Tatlong Persona." Ang Tritheistic (tatlong diyos) na mga pangunahing paniniwala ng SDA church ay higit pang pinagtibay pa sa sesyong ito sa pamamagitan ng mga pahayag ni W. R. Lesher. Sinabi niya:

W. R. LESHER: "Ipinapalagay natin na mayroong pagkakaisa sa layunin sa Pagka-Diyos. Gayunpaman, ang Diyos ay isang misteryo. At hindi natin alam kung sa anong mga paraan umiiral ang pagkakaisang iyon bukod pa sa layunin. . . Ang ideya ng tatlong beings na Iisa ay isang misteryo, at para sa akin, hindi natin dapat subukang alisin ang lahat ng misteryong iyon mula sa pahayag."

Paano ito mapapasinungalingan ng ating mga kaibigang Sabadista, na ang mga gumawa ng kanilang SDA Fundamental Belief #2 ay pawang mga tagasuporta ng Tritheism o tatlong kolektibong mga diyos?

Muli, nakita natin ang katotohanan na ang mga bumuo ng SDA Fundamental Belief #2 tungkol sa Trinidad para sa SDA church ay pawang mga tagasuporta ng tritheism. Hindi kataka-taka na ang mga Sabadista sa buong mundo ay nasa kalituhan at pagkakawatak-watak. Sila ay binabagabag ng kalituhan dahil tinanggihan nila ang mga tunay na doktrina ng Trinidad na nakabatay sa Biblia. Bago pa naitatag nila Ellen G. White, James White, at Joseph Bates ang Seventh-day Adventist Church, ang tradisyonal na Kristiyanismo ay pinanghahawakan na ito sa loob ng maraming siglo sa pamamagitan ng mga konseho ng simbahan at mga kredo na ipinagkaloob ng Panginoon upang labanan ang lahat ng maling aral laban sa Trinity mula sa mga maling guro hanggang ngayon ito ay laban pa din sa SDA church at false prophet na si Ellen G. White. Isa lamang ito sa mga buhay na patotoo na ang maling konsepto ng Diyos ay palaging nauuwi sa maling mga doctrina lalo na tungkol sa kaligtasan.

Footnote:

[1] Ang Traditional Christianity ay karaniwang tumutukoy sa pananampalataya at mga gawi na historical na naitatag na at malawakang tinanggap ng mas malawak na komunidad ng mga Christians. Kasama sa terminong ito ang mga pangunahing paniniwala at gawi na pinagkakaisahan ng mga pangunahing sangay ng Christianity: Roman Catholicism, Eastern Orthodox, at Protestantism

[2] Moon, Jerry. “The Quest for a Biblical Trinity: Ellen White’s ‘Heavenly Trio’ Compared to the Traditional Doctrine.” Journal of the Adventist Theological Society (JATS)., vol. 17, no. 1, 2006, p. 156, digitalcommons.andrews.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1188&context=jats.

[3] ibid. 158

[4] Ellen Gould White, Letters and Manuscripts — Volume 21 (Manuscript 95, 1906), (Ellen G. White Estate, 1906), 1.

[5] Whidden, Woodrow Wilson, Jerry Moon, and John W. Reeve. "The Trinity: Understanding God's Love, His Plan of Salvation, and Christian Relationships." Review and Herald Pub Assoc, 2002. 207

[6] Ministerial Association General Conference of Seventh-day Adventists. Seventh-day Adventist Believe: A Biblical Exposition of Fundamental Doctrines. 2005 Second Edition, USA, Pacific Press Publishing Association, 2006. 23 

[7] Dederen, Raoul. Handbook of Seventh-Day Adventist Theology. Electronic ed., vol. 12, Review and Herald Publishing Association, 2001, p. 150.





No comments:

Post a Comment