Monday, April 6, 2026

INVESTIGATING ADVENTISM LIVE Q&A PODCAST: "ANG SAMPUNG UTOS, SABBATH, AT ANG BAGONG TIPAN" (Video & Outline)



ANG SAMPUNG UTOS, SABBATH, AT ANG BAGONG TIPAN
Isang Punto-por-Punto na Sagot sa Argumento ng SDA


From Ricardo Vinarao Allapitan:

Ang claim dito is: Si Pablo raw, ang inaatake lang niya ay 'yung mga taong gustong maging "righteous" sa pagsunod sa 613 laws ng Old Testament. Sinasabi rin na 'yung 9 out of 10 commandments ay valid pa rin (Romans 13:9), pero 'yung Sabbath, although hindi na literal na inuutos, isinabuhay pa rin daw ni Pablo at binanggit ni Jesus sa Matthew 24:20. In short, hindi pampaligtas ang Ten Commandments, pero "tanda" raw ito ng pag-ibig natin sa Diyos.


Ang 7 Main Claims ng SDA na Himay-himayin Natin:
  1. Inatake lang ni Pablo ay ang justification by 613 laws, hindi ang moral law.
  2. Romans 13:9 proves na umiiral pa ang 10 commandments dahil nabanggit ang 9 na utos.
  3. Isinabuhay ni Pablo ang Sabbath sa Acts, kaya "umiiral" pa ito kahit walang mababasa na iniutos
  4. Matthew 24:20 shows na may value pa rin ang Sabbath kay Jesus kahit nakabalik na siya sa langit.
  5. Tradisyong Mishnah lang ang sinira ni Jesus, hindi ang mismong Sabbath.
  6. Ang Ten Commandments ay "tanda ng love," hindi way of salvation.
  7. Hindi na literal na inutos ang Sabbath, pero "lifestyle" pa rin dapat.

Eto ang rebuttal based sa New Covenant Theology (NCT)

PUNTO 1: "613 laws lang ba ang inaatake ni Pablo?"

The Counter-Point: Gawain ng SDA na i-divide ang Mosaic Law into ceremonial, civil, at moral law. Pero sa Bible, ang nomos (law) ay isang package deal.

Sa Galatians 3:10, sinabi ni Pablo: "Cursed is everyone who does not abide by ALL things written in the Book of the Law." Hindi niya hinati 'yan. 'Yung "Book of the Law" (Torah) ay kasama ang Ten Commandments. Kung kasama ang Sabbath sa "all things" na 'yan, then under the curse ka rin kung 'yan ang ginagawa mong batayan ng righteousness. Hindi pwedeng "pick and choose."


PUNTO 2: "Romans 13:9 and the Missing Commandment"

The Counter-Point: Actually, 'yung Romans 13:9 ay pabor sa NCT. Bakit? Kasi WALA ang Sabbath sa listahan. Sabi ni Pablo, ang mga utos ay "summed up" (anakephalaioutai) sa isang salita: Agape (Love). Sa NCT, ang ethical content ng Decalogue ay ni-reaffirm sa ilalim ng Law of Christ, pero hindi na bilang Mosaic Code. Kung perpetuity ang argument, bakit in-exclude ni Pablo ang Sabbath? Simple lang: Kasi fulfilled na ang Sabbath kay Kristo (Colossians 2:16-17).


PUNTO 3: "Isinabuhay lang ni Pablo?"

The Counter-Point: Pumupunta si Pablo sa sinagoga tuwing Sabbath (Acts 13, 16, 17, 18) hindi dahil "religious obligation" niya 'yun, kundi dahil 'yun ang missionary strategy niya. Doon nagtitipon ang mga Judio, kaya doon siya nag-preach.

Look at Acts 20:7: Common hirit ng mga SDA na mali raw ang "Sunday-keepers" kasi wala naman daw explicit command sa New Testament (NT) na "ipangilin" ang Linggo. Pero teka, logic check lang: Sinasabi nila na 'yung 4th commandment (Sabbath) ay valid pa rin kasi "isinabuhay" (practiced) daw ito ni Pablo at ng mga unang Christians sa aklat ng Gawa—kahit pa aminin nilang walang bagong utos sa NT tungkol dito.

Kung ang "lifestyle" o practice ni Pablo ang sapat na ebidensya para sa Sabbath, bakit hindi ito pwedeng apply sa Sunday? Sa Acts 20:7, malinaw na ang mga disciples ay nagtipon sa "first day of the week" (Linggo) para mag-break ng bread. Kung "living it out" ang basehan, then tama rin ang mga Christians na mag-worship tuwing Linggo dahil iyon ang nakitang practice sa New Covenant community. Hindi pwedeng "practice" ang basehan niyo sa Sabado, pero "explicit command" naman ang hanap niyo sa Linggo.

"On the first day of the week, when we were gathered together to break bread, Paul talked with them, intending to depart on the next day, and he prolonged his speech until midnight." Acts 20:7 (ESV)

Narito ang malinaw na paliwanag mula sa April 1962 Ministry magazine isang opisyal na lathalain ng SDA Church para sa mga pastor ukol sa tunay na paninindigan ng kanilang church sa Gawa 20:7:

"For many years standard Seventh-day Ad­ventist teaching has been that Paul and the believers at Troas did partake of the Com­munion on the occasion referred to in Acts 20:7-11. For example, the book Sketches From the Life of Paul, penned by Ellen G. White and printed by our publishing houses in 1883, says on page 197:

"They partook of the communion, and then Paul continued his discourse till the dawn of day."

In The Acts of the Apostles, written by the same author and issued by our press in 1911, we are told on page 391:

"They partook of the communion, and then Paul 'talked a long while, even till break of day.' "

The expressions "to break bread" (verse 7), and "had broken bread, and eaten" (verse 11), need not be limited by inter­pretation to mean nothing more than a par­taking of a common meal."

Key Contextual Points

  • Layunin ng Pagtitipon: Binibigyang-diin ni Ellen G. White na ang main reason ng assembly ay religious partikular na ang pag-celebrate ng Lord's Supper at hindi lang basta isang ordinaryong kainan o common meal.

  • Oras ng Pakikibahagi: Sa kanyang narrative, ang communion ay nangyari matapos buhayin si Eutychus mula sa kamatayan at pagkatapos ng unang midnight discourse ni Paul. Ginawa ito bago siya nagpatuloy sa pagtuturo hanggang mag-bukang-liwayway (base sa Acts 20:11).

Eto naman ang mismong pag-amin ng SDA's Andrews Study Bible tungkol sa Gawa 20:7 bilang nag-iisang malinaw na ebidensya na nagtitipon ang mga unang Kristiyano tuwing Linggo:

"This passage mentions the first day of the week, as do several others in the NT. Most of these simply identify the first day as the day of Christ’s resurrection (Matt. 28:1; Mark 16:2, 9; Luke 24:1; John 20:1, 19; see note on 1 Cor. 16:2). This is the only explicit reference in the NT to Christians actually gathering on the first day of the week." (Andrews Study Bible Notes, p.1452)

Key Contextual Points

Narito ang ilang mahahalagang puntos para mas maintindihan natin ang context nito:

  • Admission from an SDA Source: Ang Andrews Study Bible ay lathalain ng Andrews University, na isang kilalang SDA institution. Ang pag-amin nila na ito lang ang "explicit reference" ng gathering sa unang araw ay isang malaking point, lalo na't madalas nilang i-emphasize ang Sabbath (Saturday).

  • Unique Distinction: Iba ang Gawa 20:7 sa mga Gospel accounts. Sa Gospels, binabanggit ang "First Day" para i-report ang Resurrection event; pero sa Acts 20:7, ang context ay Corporate Worship o ang pagtitipon ng iglesya.

  • The New Covenant Reality: Mula sa perspective ng New Covenant Theology, ang pagtitipon na ito ay nagpapakita ng shift. Hindi na ito nakatali sa Old Covenant Sabbath command, kundi nakasentro na sa pagse-celebrate ng muling pagkabuhay ni Hesus at ang "breaking of bread" (Communion) na simbolo ng Bagong Tipan.

  • Breaking of Bread: Ang phrase na "came together to break bread" ay hindi lang basta ordinaryong kainan. Ito ay technical term sa NT para sa Lord’s Supper, na nagpapatunay na ang kanilang gathering ay may spiritual at liturgical purpose.


PUNTO 4: "Matthew 24:20 and the 70 AD Reality"

The Counter-Point: Gamit na gamit 'to ng SDA, pero, practical warning lang 'to. Noong 70 AD (Fall of Jerusalem), kapag Sabbath, sarado ang mga pinto ng city at limitado ang distansiya to travel ng mga tao.

Warning ni Jesus: "Ipanalangin niyo na hindi tumapat sa Sabbath ang pagtakas niyo," kasi mahihirapan silang lumabas dahil sa Jewish restrictions ng panahon na 'yun. Hindi ito "theological endorsement" ng Sabbath; it's a socio-political reality check.

Ang Synoptic Comparison (Matthew vs. Mark & Luke) Sa usaping ito, kailangang tingnan ang Target Audience ng mga sumulat ng Ebanghelyo. Dito mo makikita na ang pagbanggit sa "Sabbath" ay hindi para sa lahat ng Kristiyano, kundi para lang sa mga nakatira sa loob ng Jerusalem noong 70 AD.

1. Matthew: Isinulat para sa mga Judio

Si Matthew ay sumulat para sa mga Jewish believers. Kaya sa Matthew 24:20, isinama niya ang phrase na "or on a Sabbath." Bakit? Kasi ang mga Judio sa Jerusalem ay may Sabbath restrictions sarado ang mga gate ng lungsod, limitado ang pwedeng lakarin (Sabbath day's journey), at walang transportasyon. Para sa isang Judiong tatakas sa gitna ng giyera, ang "Sabbath" ay isang malaking practical obstacle.

2. Mark at Luke: Isinulat para sa mga Hentil

Dito tayo mag-focus. Sina Mark at Luke ay sumulat para sa mga Gentile (mga hindi Judio) na hindi naman sakop ng Mosaic Law at hindi nag-o-observe ng Sabbath sa kanilang mga lungsod (tulad ng Rome o Antioch).

Mark 13:18: Ang sabi lang niya, "Pray that it may not happen in winter." Tinanggal ang Sabbath.

Luke 21:20-24: Direkta niyang tinukoy ang pagkubkob ng mga hukbo sa Jerusalem, pero walang binanggit tungkol sa Sabbath.

Ang Logic: Kung ang Sabbath observance ay isang "eternal moral law" na dapat sundin ng lahat ng Kristiyano hanggang sa pagbabalik ni Jesus, bakit ito tinanggal nina Mark at Luke? Kung theological requirement ito, napaka-irresponsible naman nina Mark at Luke na hindi ito ituro sa mga Hentil.

Ang katotohanan: Tinanggal nila ito dahil hindi ito applicable sa mga Hentil. Hindi kailangang ipanalangin ng isang Hentil na huwag tumapat sa Sabbath ang pagtakas niya, dahil hindi naman sarado ang mga pinto ng lungsod nila tuwing Sabado. Ito ay patunay na ang Matthew 24:20 ay isang historical, local, at practical warning para sa mga Judio sa Jerusalem noong 70 AD, at hindi isang utos para sa New Covenant church.


PUNTO 5: "Mishnah vs. Actual Sabbath"

The Counter-Point: Sa John 5:18, ang sabi ng Griyego ay elyen to sabbaton ibig sabihin, "loosened" or "dissolved" ang Sabbath. Hindi lang "tradition" ang binasag ni Jesus; claim Niya na Siya ang Lord of the Sabbath. Kung moral law na eternal at "unchangeable" ang Sabbath, bakit may authority si Jesus na baguhin or i-transcend ito? Kasi Siya ang "Rest" natin.


PUNTO 6: "Tanda lang ng Pag-ibig?"

The Counter-Point: Agree tayo na ang obedience ay fruit of salvation. Pero ang tanong: Aling kautusan ba ang susundin? NCT says we follow the Law of Christ. Ang Sabbath sa Old Testament ay isang "shadow" (skia), at ang "substance" (soma) ay si Kristo (Colossians 2:16-17). Bakit mo pa babalikan ang anino kung nandito na ang mismong Katawan?


PUNTO 7: "Hindi na literal na inutos ang Sabbath, pero 'lifestyle' pa rin dapat."

The Counter-Point: Aminado sila na wala nang "Thalt shalt keep the Sabbath" command sa New Testament na katulad ng sa Sinai. Kaya ang ginagawa nilang anggulo: ang Sabbath daw ay hindi na "legalistic requirement" kundi isang lifestyle isang paraan ng pagpapakita ng pag-ibig at pagkilala sa Diyos bilang Creator.

Ang Rebuttal (NCT Perspective): Ito ang tinatawag nating "Theological Sleight of Hand." Kung sasabihin mong "lifestyle" ito pero ipipilit mo pa rin na dapat itong gawin mula Friday sunset hanggang Saturday sunset, ibinabalik mo lang ang Mosaic Form gamit  ang ibang pangalan. 

1. Ang "Lifestyle" ni Kristo ang ating Pamantayan:

Sa New Covenant Theology (NCT), ang ating lifestyle ay hindi na nakabase sa anino ng Sabado, kundi sa Law of Christ. Ang Sabbath sa Old Testament ay isang "sign" ng Mosaic Covenant (Exodus 31:13). Kung wala na tayo sa Mosaic Covenant, bakit natin dadalhin ang "sign" nito bilang lifestyle? Ang tunay na "Sabbath lifestyle" ng isang Kristiyano ay ang spiritual rest kay Kristo araw-araw (Hebrews 4:9-10). Si Jesus ang ating kapahingahan, hindi ang ika-pitong araw.

2. Ang Irony ng Acts 20:7 at Ellen G. White

Dito nagiging exciting ang usapan. Sabi ng SDA, "lifestyle" nina Pablo ang Sabbath". Pero sa Acts 20:7, makikita ang mga Kristiyano na nagtitipon sa unang araw ng linggo (Linggo) para sa "breaking of bread." 

Nakakatuwa dahil mismong si Ellen G. White, sa kanyang librong The Acts of the Apostles (pahina 391.2), ay umamin na ang pagtitipon na ito sa Troas ay celebration ng Lord's Supper (Communion). Kung ang "breaking of bread" sa Linggo ay ang Banal na Hapunan, ibig sabihin, ang "lifestyle" ng mga unang Kristiyano ay ang pag-celebrate ng tagumpay ni Kristo tuwing Linggo! 

3. Shadow vs. Substance (Colossians 2:16-17)

Hindi mo pwedeng gawing "lifestyle" ang anino kung nandiyan na ang mismong Katawan (Substance). Ang pagsasabi na "lifestyle" ang Sabbath ay parang pagdadala pa rin ng litrato ng girlfriend mo kahit kasama mo na siya sa harap mo. Si Kristo ang katotohanan; ang Sabado ay anino lang. Ang pagpilit sa anino ay pagbalewala sa sapat na gawa ni Jesus.

LOGICAL FALLACY: Equivocation: Ginagamit ang salitang "lifestyle" para magmukhang grace-based ang pagsunod, pero ang totoo, ang definition pa rin nila ng lifestyle ay ang istriktong pagsunod sa ika-apat na utos ng Mosaic Law. It's the same legalism, just wearing a different hat.


TATLONG QUESTIONS PARA SA SDA:
  1. Kung moral obligation ang "9 commandments" sa Romans 13:9, bakit excluded ang Sabbath? Bakit hindi ito explicitly binanggit ni Pablo?
  2. Kung eternal moral law ang Sabbath (like "don't kill"), bakit tinawag itong "anino" (shadow) sa Colossians 2? May "shadow" ba ang pagpatay o pagnanakaw?
  3. Sabi ni Jesus, Siya ang Lord of the Sabbath. Kung may "Lordship" Siya over it, then He has the power to dispose or fulfill it. Kung Siya na ang ating "True Rest" (Matt. 11:28), bakit kailangan pa ng isang literal na araw para maligtas o maging "tanda" ng pag-ibig?

FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

Former Adventists Philippines Association, Inc 

SEC Registration No: 2025090219381-03 


For more inquiries, contact us:


Email: formeradventist.ph@gmail.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph 


Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.


GCash: 0969-514-3944

PayPal: paypal.me/formeradventistsph

Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos

No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

INVESTIGATING ADVENTISM LIVE Q&A PODCAST: "ANG SAMPUNG UTOS, SABBATH, AT ANG BAGONG TIPAN" (Video & Outline)

ANG SAMPUNG UTOS, SABBATH, AT ANG BAGONG TIPAN Isang Punto-por-Punto na Sagot sa Argumento ng SDA From Ricardo Vinarao Allapitan: Ang claim ...

MOST POPULAR POSTS