Marami sa atin, akala natin "Sola Scriptura" ang pinaglalaban natin, pero hindi natin namamalayan na "Solo Scriptura" na pala 'yung vibe and honestly, medyo dangerous 'yung difference nila.
Ano nga ba ang pinagkaiba?
Ano nga ba ang pinagkaiba?
- Sola Scriptura: Ang Bibliya ang supreme and final authority sa lahat ng doktrina at sa buhay natin. Pero hindi natin binabasura ang history. Nirerespeto natin ang mga Church Fathers at ang mga creeds, pero lahat sila dapat mag-submit sa Scripture. The Bible is the "norming norm" siya 'yung ultimate standard.
- Solo Scriptura: Ito 'yung mindset na "Ako lang at ang Bibliya ko." Deadma sa historical Christianity, deadma sa creeds, at deadma sa wisdom ng mga naunang Christians. Bawat isa, kanya-kanyang interpretasyon, walang accountability sa buong Body of Christ across history.
Mga Red Flags na "Solo Scriptura" ang itinuturo:
1) "Wala kang dapat pagkatiwalaan kundi ako at ang Bibliya mo."
Kapag claim ng preacher na siya lang ang nakakaalam ng "totoong" turo, big red flag 'yan. Parang sinasabi niya, "Wala kaming paki sa 2,000 years ng Christian scholarship, sa akin ka lang makinig." That’s not humility, bro arrogance 'yan.
2) Galit o allergic sa mga Creeds at Confessions.
Kapag sinabi nilang, "Ayaw namin ng Nicene Creed o Apostles' Creed, tao lang gumawa n'yan," parang sinabi na rin nila na mas matalino sila sa buong Church na nag-aral at nagdasal over many centuries. Reminder lang: Hindi tayo mas magaling sa lahat ng nauna sa atin.
3) Laging ginagamit ang "Spirit-led" card para makaiwas sa accountability.
Common move 'to: "Hindi ko kailangan ng theologian; Holy Spirit ang nagturo sa akin." Pero kapag sablay ang interpretasyon, bawal mo i-correct kasi "galing daw sa Diyos." In reality, ginagawa lang nilang cover-up 'yan para sa sarili nilang ideya (eisegesis).
4) Ayaw ng "Vibe Check" mula sa labas.
Ang tunay na Sola Scriptura ay may humility. Alam natin na ang Scripture ay binabasa at iniintindihan within the community of faith, hindi sa vacuum. Sabi nga sa 2 Peter 1:20, walang prophecy ang galing sa "private interpretation."
The Practical Test:
The Practical Test:
Subukan mong itanong ito sa preacher o sa group niyo: "Ano ang gagawin niyo kapag ang interpretasyon niyo ay salungat sa halos buong kasaysayan ng Church History?"
- Solo Scriptura vibes: "Wala kaming pakialam sa kanila; kami ay Bible-alone lang."
- Sola Scriptura vibes: "I-check natin ulit sa Scripture, pero sineseryoso namin ang historical consensus bilang isang strong witness."
Ang Sola Scriptura ay hindi nangangahulugang mag-isa ka lang na nagbabasa sa kwarto mo at ikaw lang ang laging tama. It means the Bible is the final judge, pero nakikinig ka rin sa "Cloud of Witnesses" (mga Christians na nauna sa atin) (Hebreo 12:1).
Kaya kapag may preacher na nagsasabing "siya lang ang tama" at wala siyang accountability sa kahit sino, kahit sa history, hindi 'yan Reformation. Rebellion 'yan na binalot lang sa relihiyon.
FORMER ADVENTISTS PHILIPPINES
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
Former Adventists Philippines Association, Inc
SEC Registration No: 2025090219381-03
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
Partner with me in advancing this ministry. Be part of this mission! Your support helps us continue gospel-centered outreach and resources.
• GCash: 0969-514-3944
• PayPal: paypal.me/formeradventistsph
• Ko-Fi: ko-fi.com/ronaldobidos
No comments:
Post a Comment