Sagot:
Oo, may corruption sa bawat church—walang nagde-deny niyan. Kahit sa New Testament, klaro 'yan. Si Judas, ipinagkanulo si Cristo para sa pera. Sina Ananias at Sapphira, nagsinungaling sa Espiritu. Yung Corinthian church, punong-puno ng pride, immorality, at division. So yes, corruption is real kasi ang church ay binubuo ng mga taong tinubos pero makasalanan pa rin. Diyan tayo nagkakasundo.
Pero ito ang kaibahan: sa biblical at evangelical churches, ang corruption ay nilalabanan, nire-rebuke, at dinidisiplina. Pwedeng pumasok ang hypocrisy, pero hindi ito ang nagde-define ng sistema. Si Peter, nung nag-compromise sa Galatians 2, diretsong nirebuke ni Paul. Sa Corinth, nung lumabas ang immorality, inutos ni Paul ang church discipline. Ipinapakita ng Scripture na ang corruption ay kinakalaban, hindi tinatanggap bilang normal hindi tulad sa Seventh-day Adventist church na normal lang yun at pikit-matang nilulunok at maingat na inililihim pa.
Ngayon, ikumpara mo sa SDA system: paano kung ang corruption ay hindi lang nasa pew level, kundi nasa pulpito at headquarters na? Paano kung ang false prophecies at financial manipulations ay hindi pinagsisihan, kundi pinoprotektahan pa? May mababasa ka ba sa New Testament na ang kasinungalingan ng mga leaders ay naging doktrina—gaya ng mga sablay na vision ni Ellen White? Hindi lang ito “human weakness”—ito ay systemic deception.
Tanungin natin ang mga mahihirap na tanong:
- May corruption ba sa evangelicalism? Oo.
- Pero may evangelical denomination ba na ang founder ay nagsinungaling, nangopya, at paulit-ulit na pumalpak, pero tinataas pa rin bilang “inspired voice of God”?
- May evangelical church ba na nagpapatupad ng Old Covenant laws habang sinasabing sila ay under grace, tapos ginagamit ang takot sa judgment para ikulong ang mga miyembro?
Kapatid, hindi na ito simpleng corruption. Ito ay corruption sa pinaka-ulo—kung saan ang mismong source ng teaching ay lason. Kung bulok ang ugat, ano mangyayari sa bunga (Matt. 7:18)?
Kaya hindi sapat na ituro ang flaws ng evangelicalism para i-excuse ang maling pundasyon ng Adventism. Mahinang apologetics ang sabihing “pare-pareho lang corrupt ang lahat.” Malakas na apologetics ang nagtatanong: Aling church ang humaharap sa corruption ayon sa Biblia, at aling church ang tinatago ito para protektahan ang false prophet at maling sistema?
‘Yan ang totoong issue.
Totoong issue: bulok na ugat, bulok na bunga.
Sabi ni Jesus: “A healthy tree cannot bear bad fruit, nor can a diseased tree bear good fruit” (Matt. 7:18). Kung ang corruption ay galing sa kahinaan ng tao, pwede itong putulin at itama. Pero kung ang corruption ay nasa mismong pundasyon—gaya ng mga maling propesiya ni Ellen White—then compromised ang buong sistema.
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
Phone: 09695143944

No comments:
Post a Comment