Friday, September 12, 2025

“Paano malalaman kung ang Bible verse ay tungkol sa eternal life o Bema judgment?”


Answer:

Salamat kapatid, at happy 6th anniversary din sa ating Former Adventists Philippines ministry! Napaka-gandang tanong ‘yan, kasi madalas nalilito talaga ang mga tao kung alin ba ang tungkol sa eternal life at alin ba ang tungkol sa Bema Judgment.

Kapag binabasa natin ang isang passage, lagi nating tinitingnan kung ano ang immediate context, sino ang kausap ng author, at anong Greek words ang ginamit.


Eternal Life (ζωὴ αἰώνιος / zoē aiōnios)

Sa Greek, ang eternal life ay hindi lang basta buhay na walang hanggan sa haba, kundi quality of life—a life in fellowship with God. Kaya si John 17:3 malinaw: “And this is eternal life, that they may know You, the only true God, and Jesus Christ whom You have sent.”

So, eternal life ay regalo ng Diyos by grace through faith in Christ (Efeso 2:8-9). Hindi ito reward, kundi gift.

Tanong: kung gift ito, may karapatan ba tayong ipagyabang na in-earn natin? Obviously, hindi. Kasi kung pinaghirapan mo, hindi na siya gift, kundi wage. Pero sabi ni Paul sa Roma 6:23, “the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life.”

Bema Judgment (βῆμα / bēma)

Ngayon, ‘yung Bema seat—galing sa Greek na “bēma” na ibig sabihin “judgment seat” or “tribunal platform.” Sa 2 Corinto 5:10 at Roma 14:10–12, ito ay tumutukoy sa paghuhusga ng mga mananampalataya. Hindi ito para hatulan kung saved ka o hindi (kasi settled na ‘yan sa cross). Instead, ito ay evaluation ng works ng believers.

Think of it like Olympics noong time ni Paul. Ang “bēma” seat doon ay kung saan nakaupo ang judge para magbigay ng crowns (stephanos) sa mga nanalo. Hindi ito criminal court na nagdedeklara ng guilty or innocent, kundi awarding platform.

Eternal life is entry into the stadium (free ticket dahil kay Cristo). Pero Bema Judgment is the awarding ceremony pagkatapos ng laban. Ang tanong, tumakbo ka ba nang may katapatan?


Paano malalaman kung eternal life or Bema ang tinutukoy ng verse?

Simple principle:

  • Kung ang passage ay tungkol sa justification, grace, faith in Christ, gift, or salvation from sin/death, iyon ay eternal life.

  • Kung ang passage ay tungkol sa accountability, giving an account, rewards, crowns, fire-testing of works, iyon ay Bema Judgment.

Example:

  • John 5:24 → eternal life (“whoever hears my word and believes…has eternal life”).

  • 1 Corinto 3:12-15 → Bema Judgment (“the fire will test what sort of work each one has done”).


Sa New Covenant, eternal life is secured once and for all through Christ’s perfect obedience and sacrifice. Wala nang old covenant works-righteousness. Pero dahil saved ka na, ikaw ay tinawag para sa good works (Efeso 2:10). Dito pumapasok ang Bema—rewarding of faithfulness, not determining salvation.

Ang Bema Judgment sa context ng NT ay hindi lang future, kundi may immediate relevance din sa unang siglo. The destruction of Jerusalem AD 70 ay isang covenantal judgment. Pero, for the believer, ang final “appearing before Christ” ay eschatological at personal. Kaya hindi ito takot na parang mawawala ka, kundi accountability na parang anak sa ama.

So kapatid, isipin mo ito:

  • Eternal life is about your relationship with God secured in Christ.

  • Bema Judgment is about your responsibility bilang anak ng Diyos na may pananagutan sa ginawa mo sa katawan mo.

Kung magulang ka, tanong ko: kapag minahal mo ang anak mo, conditional ba ang pagmamahal mo? Kapag nagkamali siya, anak pa rin ba siya? Oo. Pero bilang tatay o nanay, may discipline at may reward base sa kanyang pagsunod. Ganoon din ang Diyos.

Kaya kapatid, huwag nating ikalito ang gift ng salvation sa reward ng faithfulness. Eternal life is secured. The Bema seat is serious, pero hindi ito nakakatakot—ito ay opportunity para marinig: “Well done, good and faithful servant.”



For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

Phone: 09695143944






No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

FAP Commentary on SDA Sabbath School Lesson (November 1–7, 2025) Title “The Enemy Within.”

  🧭 Overview This week’s SDA Sabbath School lesson focuses on Achan’s sin in Joshua 7 , where Israel’s defeat at Ai was linked to disobed...

MOST POPULAR POSTS