Saturday, September 20, 2025

Investigating Ellen G. White #7: Civil War Prophetess? Ellen White at ang “Mga Bulaang Hula”!


Kapag dumadaan ang isang bansa sa krisis, kanino tayo dapat kumapit? Sa Diyos na tunay na nagsasalita sa Kanyang Salita, o sa isang tao na nag-aangking propeta pero hindi naman makapaghayag ng tiyak na pahayag mula sa Panginoon? Sa panahon ng American Civil War (1861–1865), ang mga Adventist ay naghahanap ng direksyon. At syempre, sino pa ba ang inaasahan nila kundi si Ellen G. White. Pero ano nga ba ang ibinigay niyang gabay?

Ellen White at ang Civil War: May Propesiya ba Talaga?

Isipin mo ito: isang bansa ang nahahati, libo-libong buhay ang nakataya, at ang mga Adventist ay desperadong naghahanap ng prophetic voice. Dapat sana, kung tunay na propeta si Ellen White, ito na ang “perfect moment” para ipakita ang kanyang divine inspiration, tama ba? Pero ayon kay H.E. Carver, isang SDA minister na kasamang naglingkod ng mag-asawang White, ang tanging nagawa ni Ellen ay magsulat tungkol sa… haba ng palda ng kababaihan!¹

Paano nangyari na habang duguan ang buong bansa, ang mensahe ng “propeta” ay kung ilang pulgada dapat ang taas ng palda mula sa lupa?² Hindi ba’t nakakatawa kung iisipin?

Ang Malabong Hula

Si D.M. Canright, isa ring SDA minister na nakasama mismo ng mga White, nagpatotoo din na ang mga “revelations” ni Ellen White tungkol sa Civil War ay parang obvious statements lang—walang bago, walang prophetic insight, parang inuulit lang ang mga opinyon ng mga tao noon.² Sino ba naman ang magtitiwala sa ganoong “vision”?

At nang sa wakas, noong 1862, naglabas siya ng “propesiya” tungkol sa Civil War, ano ang sabi niya? Ang gera raw ay hindi para wakasan ang slavery, kundi para preserve ito.³⁴⁵

Wait lang… hindi ba’t kabaligtaran ito ng nangyari? Si Lincoln nga mismo naglabas ng Emancipation Proclamation noong 1862 at tuluyang pinawalang-bisa ang slavery sa 13th Amendment noong 1865.⁶ So mali na naman si Ellen.

Contradictory at Palpak na Hula

At hindi lang iyon. Pagkatapos ng gera, nagpahayag pa siya na ang slavery ay muling babalik sa Southern States.⁷ Pero nangyari ba iyon? Syempre hindi. Isa na namang palpak na hula na tahimik na tinabunan ng SDA movement.

So eto ang tanong: kung totoong propeta si Ellen, bakit wala siyang malinaw na pahayag tungkol sa mga critical na pangyayari gaya ng Sherman’s March, Lee’s surrender sa Appomattox, o assassination ni President Lincoln?¹ Hindi ba’t ito ang inaasahan ng isang tao na nagsasabing “nakakakita ng visions mula sa Diyos”?

Dress Length o Prophetic Voice?

Habang ang bansa ay binabaha ng dugo, habang ang issue ng slavery ay umaalingawngaw sa bawat sulok ng Amerika, ano ang focus ni Ellen White? Dress reform.³⁴ Kung ilang pulgada ang tama para sa palda ng kababaihan. Hindi ba’t parang insulto ito sa panahon ng matinding paghihirap?

Pastoral Reflection

Mga kapatid, hindi ba’t malinaw na walang tunay na prophetic authority si Ellen White? Ang kanyang mga hula ay paulit-ulit na palpak, salungat sa realidad, at madalas nasa mga bagay na trivial. Kung ang tunay na propeta ng Diyos ay laging tumatayo sa gitna ng krisis para magpahayag ng malinaw na kalooban ng Panginoon, bakit si Ellen ay nauwi sa pagdedebate tungkol sa dress length habang ang bansa ay nagdurugo?

Hindi ba’t dapat mas manalig tayo sa malinaw at walang mali na Salita ng Diyos kaysa sa mga “visions” na napatunayang mali sa kasaysayan?


Notes

  1. H.E. Carver, Mrs. E. G. White's Claims to Divine Inspiration Examined (1877).

  2. D.M. Canright, Life of Mrs. E.G. White Seventh-day Adventist Prophet - Her False Claims Refuted, pp. 234-235 (1919).

  3. Ellen White, Testimonies, vol. 1, p. 253.

  4. Ibid., pp. 254, 258.

  5. Ibid., p. 255.

  6. Compton’s Encyclopedia, vol. 5, p. 470 (1987).

  7. Spalding, Magan Collection, p. 21 and Manuscript Releases, vol. 2, #153, p. 300.


For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

Phone: 09695143944






No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

FAP SDA Sabbath School Commentary: Lesson 3 (October 11–17, 2025) titled “Memorials of Grace.”

Title: “Memorials of Grace” — A Biblical Evaluation I. Summary of the Lesson The SDA lesson centers on Joshua 3–4, where Israel crosses th...

MOST POPULAR POSTS