FEATURED POST

KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS VERSE-BY-VERSE SA MARK 7:19: "NILINIS NA ANG KARUMALDUMAL NA BABOY O PAGKAIN NG TINAPAY NG HINDI NAHUGASANG KAMAY?"

  “Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nil...

MOST POPULAR POSTS

Saturday, September 30, 2023

ARE NEW COVENANT COMMANDMENTS DIFFERENT?



    Adventists have been taught that wherever the Bible uses the word “commandments”, the word applies to the Decalogue. The Ten Commandments, they argue, are eternal, and what God gave to Israel is also for us today. In fact, Adventists further argue that Jesus came to show us how to keep the law. It is through law-keeping, enabled by power from Jesus and the Holy Spirit, they say, that we can know God and become righteous.

The Bible, though, reveals something different.

Words of the Covenant

Most Adventists don’t realize that Exodus 34:28 explains the Ten Commandments. Here is Exodus 34:27, 28:

Then the LORD said to Moses, “Write down these words, for in accordance with these words I have made a covenant with you and with Israel.” So he was there with the LORD forty days and forty nights; he did not eat bread or drink water. And he wrote on the tablets the words of the covenant, the Ten Commandments (Exodus 34:27-28).

    Notice that this passage identifies the Ten Commandments as the actual words of the old covenant. They are not a stand-alone document that applies to all people for all time. Rather, they are the words God gave Israel on the tablets of stone. They cannot be separated from all of the 613 laws contained in the Old Covenant.

    In fact, the Decalogue may be thought of as the “abstract”, or the summary statement, of the entire old covenant. It outlines the framework of God’s expectations for His people, and the rest of the laws explain how to enforce and support the Ten. Moreover, the old covenant describes the consequences for breaking any one of the commandments: death. The Ten cannot be separated from the death sentence which is the consequence for breaking any command within it.

    To be sure, the Ten Commandments are in God’s eternal word and are part of His revelation for humanity forever, yet this fact does not mean that on this side of the cross, we observe the Ten Commandments as Israel did.

    We now have the risen Lord Jesus as our moral Head. He fulfilled all the shadows of the law (see Col. 2:16, 17, Heb. 1:10), and we now answer to Him. All the commands of the New Testament are for us when we are born again, and His Spirit leads us, guides us, and teaches us to grow in trust and obedience to HIM.
 
Not Like the Old Covenant

    Jeremiah delivered to Israel an amazing promise: He was going to give them a NEW covenant that would not be like the covenant He gave at Sinai. Here is what Jeremiah said:

“Behold, days are coming,” declares the LORD, “when I will make a new covenant with the house of Israel and with the house of Judah, not like the covenant which I made with their fathers in the day I took them by the hand to bring them out of the land of Egypt, My covenant which they broke, although I was a husband to them,” declares the LORD. “But this is the covenant which I will make with the house of Israel after those days,” declares the LORD, “I will put My law within them and on their heart I will write it, and I will be their God, and they shall be My people” (Jer. 31:31-33).

    Did you notice what he said? This new covenant would NOT be like the old one. Instead of an external law, God would put His law within them and on their hearts!

    Adventists say that, of course, this law God would write on their hearts is the Decalogue—but that is not what the passage says. For one thing, the law God gave Israel was not just the Ten Commandments. It consisted of every command God gave Israel, including not mixing fabrics and not cooking a calf in its mother’s milk. These so-called “ceremonial laws” cannot be detached from the Ten Commandments because they were part of the unified law God delivered at Sinai.

    The law God would write on their hearts would be NEW. He would place Himself in their hearts, and they would answer directly to Him. In fact, the New Testament would contain many more commands for believers than the law contained for Israel.

New Commandments

Jesus introduced one of the central new commands of the new covenant when He told His disciples,

“A new commandment I give to you, that you love one another, even as I have loved you, that you also love one another” (John 13:34).

    Jesus Himself stated that He, the One who was inaugurating the new covenant, was giving His disciples a NEW commandment. This passage alone is enough to disprove the Adventists’ belief that the word must mean the Ten Commandments.

    This commandment was not part of the old covenant; the Lord Jesus had not yet come, fulfilled the law, and died and risen from death!

    When Jesus said to love one another as He loved them, He was referring to His sacrificial love that included taking our imputed sin and dying in our place in order to give us life. He was saying that, as His born-again believers, we are to love each other with His love—love that makes us willing to give our lives to Him for the purpose of carrying His gospel to those who need salvation. We are to love one another with a sacrificial love that cares and protects and delivers hope and reconciliation through belief in Him.

Why New Commandments?

    Ephesians 2:14–16 reveals why Jesus gave us new commandments in the new covenant. In Him, He has created a completely new thing: one new man! Here is how Paul says it:

For He Himself is our peace, who made both groups into one and broke down the barrier of the dividing wall, by abolishing in His flesh the enmity, which is the Law of commandments contained in ordinances, so that in Himself He might make the two into one new man, thus establishing peace, and might reconcile them both in one body to God through the cross, by it having put to death the enmity. (Eph. 2:14-16).

    When Jesus took our sins in His body on the cross and took God’s wrath for our sins, He created a completely new creation: born-again people who are alive in Him! We are no longer dead in sin but have been made spiritually alive through Jesus’ blood. We have passed from death to life, as Jesus said.

    We are no longer sinners who need to be made aware of our sins and reminded that we are under a death sentence because we have been made eternally alive.

    We do not need to take those old covenant commands and apply them to those who have already passed from death to life. The death sentence has been taken care of; we are released from it and given eternal life already!

    Now we live under a new law: the law of Christ. He holds us who have been born again to a much higher standard than that to which He held Israel.

    Now we live under a new law: the law of Christ. He holds us who have been born again to a much higher standard than that to which He held Israel. We now have God Himself—the indwelling Holy Spirit—residing in and sealing us, and we answer not to the written law with its shadows and ceremonies but to our Savior Himself! We now live by His life, by His eternal righteousness imputed to us.

    He teaches us to say no to the temptations of our still-mortal flesh, and He convicts us when we sin and brings us to repentance to restore our fellowship with Him.

    Yet our commandments are new. Even though they reflect the same morality that the old covenant commandments articulated, the administration is new. God’s righteous requirements of the law have been met in Him, and He applies His personal righteousness to us who believe (Phil. 3:9). He gives us His wisdom to know and to do His will.

    Just remember this: in the Bible and down through time, there have been many covenants given to many different people with different words. The commandments connected with each covenant have context in those covenants. The new covenant is based on Jesus’ shed blood and finished atonement for our sins, and in Him, we live under a completely new administration with a completely new set of commandments—commandments that would not have been possible for anyone to observe in the old covenant. 





Margie Littell is a retired Clinical Audiologist dual certified in the state of Tennessee as a Speech Therapist who moderates several online former Adventist discussion groups. Her brother and sister-in-law, David and Teresa Littell, have written a book about their experience walking through their son Jonathan’s illness and his death several years later from brain cancer, possibly precipitated by his earlier radiation treatments. For more information about obtaining their book, TRUST IN HIS GLORY, email them at delittell@gmail.com.

Saturday, September 16, 2023

REVELATION 20: ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA MILLENIUM!




    Sinabi sa atin sa Revelation 20 na ang mga Kristiyano ay binuhay-muli mula sa mga patay sa tinatawag na “unang pagkabuhay na mag-uli.” Ang mga Kristiyanong iyon ay namamahala at naghahari kasama ni Hesus sa loob ng 1,000 taon. Ito ay tinatawag na sanlibong taon na paghahari ni Jesus. Paano ba natin uunawain ang millennial reign na ito? At kailan ito magaganap?

Revelation 20: Ang Postmillennial View

    Karamihan sa mga partial preterist, ay pumapanig sa postmillennial view. Ang pananaw na ito ay nakikita ang Apocalipsis 20 bilang isang summary ng naunang 19 na mga chapters ng Revelation. Samakatuwid, nauunawaan ng mga tagapagtaguyod nito na ang millennial na paghahari ni Jesus ay nagsimula 2,000 years na ang nakalilipas nang si Jesus ay umakyat sa langit at umupo sa Kanyang trono. Ibig sabihin, nabubuhay na tayo ngayon sa millennial reign ni Christ. Naniniwala ang mga postmillennialist na babalik si Jesus sa lupa sa pagtatapos ng Kanyang millenial reign. Kaya naman, ang kanilang pananaw ay tinatawag na postmillennialism, na tumutukoy sa pagbabalik ni Jesus pagkatapos (post) ng milenyo.



    Sinasabi sa atin ng Revelation 20 na si Jesus ay maghahari sa loob ng 1,000 taon, ngunit ipinaliwanag ng mga postmillennialist na ang bilang na 1,000 ay hindi nangangahulugang literal na 1,000. Para sa mga taong Hebreo, ang 1,000 ay maaaring tumukoy sa isang hindi tiyak na bilang o maging magpakailanman. Kaya naman, si Jesus ay maaaring maghari hangga't gusto Niya. Sa katunayan, ang mga Hebreo ay hindi itinuturing ang mga bilang na gaya ng 1,000 sa literal na diwa gaya ng ginagawa ng mga Westerners. Gaya ng halimbawa, pag-aari ng Diyos ang mga baka sa 1,000 burol (Awit 50:10), ngunit hindi ito nangangahulugan na pag-aari ng Diyos ang mga baka sa 1,000 burol lamang; Pag-aari niya ang lahat ng mga baka sa lahat ng dako. Sa katulad na paraan, sinabi ng Salmista na isang araw sa bahay ng Diyos ay mas mabuti kaysa 1,000 sa ibang lugar (Awit 84:10); muli nating nakikita ang bilang na 1,000 na ginagamit sa isang di-literal na kahulugan (tingnan din ang Ex. 20:6; Deut. 1:11; Awit 68:17; 90:4). 

    Sinasabi ng mga postmillennialist na ang 1,000 ay isang figure of speech at sa konteksto ng Revelation 20, ito ay tumutukoy sa lahat ng mga taon na nangyari sa pagitan ng unang pagdating ni Jesus at ng Kanyang ikalawang pagdating. Ang pagkaunawang ito sa 1,000 taon bilang isang hindi tiyak na yugto ng panahon ay pinanghawakan ng marami sa Revelation 20: Ang Milenyong Paghahari ni Jesus ay maraming mga dakilang mga pinuno sa kasaysayan ng Church, tulad nina Augustine, Eusebius, John Calvin, John Knox, at John Wesley. [1] Ang postmillennial view ay ang pinakasikat na view ng milenyo sa mga Evangelical Christians noong 1800s.


Revelation 20: Ang Premillennial View

    Bagama't karamihan sa mga partial preterists ay nakapanig sa postmillennialism, ang ilan ay nanghahawakan sa premillennial view. Ang pananaw na ito ay nakikita ang mga kaganapan sa Revelation 20 kasunod ng mga kaganapan ng Revelation 1 hanggang 19. Samakatuwid, si Jesus ay babalik sa lupa bago (pre) ang Kanyang sanlibong taon na paghahari.

    Mahalagang maunawaan na mayroong dalawang magkaibang pananaw sa premillennial: dispensational premillennialism at historic premillennialism.

    Ang una, dispensational premillennialism, ay pinanghahawakan ng mga futurist ngayon. Gaya ng ipinaliwanag natin, nakikita nila ang mga pangyayari sa Revelation 4 hanggang 18 na mangyayari sa loob ng pitong taong yugto ng kapighatian (7 years tribulation) bago ang ikalawang pagdating ni Jesus. Samakatuwid, naiisip nila ang kanilang end-time scenario (lindol, taggutom, digmaan, antikristo, pagkawasak) bago ang milenyo na paghahari ni Jesus.



    Ang pananaw ng futurist sa milenyo ay tinutukoy bilang "dispensational" dahil iniuugnay ito at binuo mula sa dispensational theology, na hinahati ang kasaysayan sa iba't ibang yugto ng panahon. Ang Scofield Reference Bible ay ang pinaka kilala at nagpasikat ng ganitong pananaw.

    Ang ibang anyo ng premillennialism—historic premillennialism—ay nakikita na si Jesus ay babalik bago ang Kanyang milenyal na paghahari, ngunit ito ay tinutukoy bilang "historic" dahil sa buong Church history ay nakikita natin ang pananaw na ito na lumilitaw sa iba't ibang mga leaders. Halimbawa, ang pananaw na ito ay pinanghahawakan ng marami sa mga unang Church Fathers, kabilang sina Irenaeus, Justin Martyr, Papias, at Tertullian.[2]

  Ang ilang mga kalaban ng historic premillennialism ay nalilito dahil napagkakamalan ito na dispensational premillennialism at ipinapalagay na ang iba't ibang mga end-time scenarios ay ipinahiwatig din sa historic premillennialism. Iyon ay isang misunderstanding. Kapag ang iba't ibang mga leaders sa buong kasaysayan ay tumutukoy sa isang sanlibong taon na paghahari ni Jesus sa hinaharap, ganyan ang palagi nilang iniisip. Ito ay simpleng millenial reign sa hinaharap—walang ng iba pa. Ang millennial na paghahari na iyon ay maaaring literal na 1,000 taon o maaari itong unawain sa isang makasagisag na kahulugan, at samakatuwid, si Jesus ay maaaring maghari kahit gaano pa man ito katagal ayon sa gusto Niya.

    Kapag ang isang partial preterist ay yumakap sa historic premillennialism, isang kawili-wiling pananaw ang kalalabasan. Ang partial preterist ay naniniwala na ang kaharian ng Diyos ay itinatag noong unang pagdating ni Jesus. Ang kaharian ay lumalago sa lupa tulad ng mga binhi sa lupa o tulad ng lebadura sa masa. Ang Bato sa Daniel 2 ay lumalaki at patuloy na lumalago hanggang sa mapuno nito ang buong lupa. Ang kaharian ay narito, at ito ay progresibo sa diwa na patuloy ito sa pagsulong dito sa lupa.

    Ang pagkakaibang ito sa pagitan ng dispensational premillennialism na futurist at ng partial preterist na historic premillennialism ay kritikal. Naniniwala ang mga futurist na ang kaharian ng Diyos ay hindi darating sa lupa o maging available ngayon para sa mga Kristiyano hanggang pagkatapos ng ikalawang pagdating ni Jesus lamang. Sa kabaligtaran, ang mga partial preterists ay naniniwala na ang kaharian ng Diyos ay aktobo na, at lumalago na sa lupa, at napapakinabangan na ng mga Kristiyano sa loob ng 2,000 taon na ang nakalipas.

    Gayunpaman, ang partial preterist ay naglalagay ng pagkakaiba sa pagitan ng kaharian ngayon at ng kaharian sa isang darating na 1,000-taong paghahari. Sa kasalukuyan, ang Diyos Ama ang namamahala sa kaharian. Sa hinaharap na milenyo, si Jesus ang mamamahala sa kaharian.


    Ang pagkaunawang ito ay nagiging malinaw kapag binasa natin ang paliwanag ni Pedro noong araw ng Pentecostes tungkol sa kung paano umakyat si Jesus sa langit at pagkatapos ay kinausap ng Ama ang Kanyang Anak:

“Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko, Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa.” (Acts 2:34-35, Tagalog AB)

    Si Jesus ay nakaupo sa kanang kamay ng Ama sa loob ng 2,000 taon, ngunit ang Ama ang aktibong sumupil sa mga kaaway at nagtatag ng paghahari ng Kanyang Anak.

Sinabi sa atin ni Pablo ang parehong katotohanan:

“Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.” (1 Corinthians 15:25, Tagalog AB)

    Sa mga talatang kasunod nito, kinumpirma ni Pablo na ang Diyos Ama ang nagpapaluhod sa lahat ng bagay kay Jesus (mga talata 27-28).

“Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.” (1 Corinthians 15:27-28, Tagalog AB)

    Ito ay mahalaga para sa partial preterists na yumakap sa historic premillennial view dahil naniniwala sila na ang kaharian ng Diyos ay narito ngayon (pinamumunuan ng Ama) at ito ay lumalago sa lupa. Matapos ipasailalim ng Ama ang lahat sa Anak, pagkatapos ay ibibigay Niya ang kaharian sa Anak na ganap na magpapakita ng kaharian sa lupa. Pagkatapos ay mamamahala si Jesus sa kaharian kasama ang Kanyang Church sa loob ng isang milenyo.


Revelation 20: Ang Two Victorious View

    Ngayon, isantabi natin ang dispensational premillennial view ng futurist at ituon nating ang ating pansin sa dalawang view ng milenyo na pinanghahawakan ng mga partial preterists. Ang parehong partial preterist na pananaw ay victorious. Sila ay parehong naniniwala na ang kaharian ng Diyos ay dumating sa lupa 2,000 taon na ang nakalilipas. Sila ay parehong naniniwala na maaari ng maranasan ngayon ng mga Kristiyano ang kaharian ng Diyos habang tayo ay nabubuhay sa mundong ito.

    Gayunpaman, ang isang pagkakaiba ay may kinalaman sa kung sino ang kasalukuyang may kontrol sa kaharian. Nakikita ng postmillennial partial preterist na tayo ngayon ay nasa milenyal na paghahari ni Jesu-Kristo, samakatuwid, si Jesus ay namamahala na sa kaharian sa loob ng 2,000 taon. Sa kabaligtaran, nakikita ng historic premillennial partial preterist na ang Diyos Ama ang namamahala sa kaharian, at patuloy Niyang gagawin ito hanggang sa gawin Niya ang bawat kaaway na yumukod kay Jesus at pagkatapos ay ibibigay ang kaharian sa Kanyang Anak para sa isang hinaharap. paghahari ng millennial.

  Sa kabilang banda, pansinin kung paano mas matagumpay ang postmillennial view kumpara sa premillennial view. Ito ay totoo para sa dalawang makabuluhang dahilan.

    Una, ang Revelation 20 ay nagsisimula sa pagsasabing si Satanas ay nakagapos sa simula ng milenyal na paghahari (talata 1 at 2). 

“At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,” (Revelation 20:1-2, Tagalog AB)

    Kung ang milenyo na paghahari ni Jesus ay nagsimula 2,000 taon na ang nakalilipas, kung gayon si Satanas ay nakagapos sa loob ng 2,000 taon. Sinasabi ng mga postmillennialist na si Satanas ay hindi ganap na nakagapos, ngunit sa diwa lamang na hindi na "huwag ng magdaya sa mga bansa" (Apoc. 20:3), kaya naman ang ebanghelyo ay malayang naipapangaral sa loob ng 2,000 taon. Itinuturo ng mga postmillennialist kung paano ito tumutugma sa unang pagdating ng ating Panginoon nang igapos Niya ang malakas na tao upang madali nating masamsam ang kanyang bahay

“Nguni't kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas ako ng mga demonio, ay dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios. O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, kung hindi muna gapusin ang malakas? at kung magkagayo'y masasamsaman niya ang kaniyang bahay.” (Matthew 12:28-29, Tagalog AB)

    Ang pagkaalam na si Satanas ay nakagapos na 2,000 taon na ang nakalilipas, sa halip na sa simula ng isang milenyo na paghahari sa hinaharap, ay lumilikha ng higit na pagtitiwala kung saan ang mga Kristiyano ay maaaring maging matatatag ngayon.

    Ang ikalawang dahilan kung bakit ang postmillennial view ay mas matagumpay kaysa sa historic premillennial view ay dahil ang Revelation 20 ay nagsasabi sa atin na ang unang muling pagkabuhay ay nagaganap sa simula ng milenyo na paghahari ni Jesus upang ang mga mananampalataya ay mamuno at maghari kasama ni Jesus.

“At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.” (Revelation 20:4, Tagalog AB)

    Kung ang paghahari ng milenyo ay nagsimula 2,000 taon na ang nakalilipas, kung gayon ang unang pagkabuhay na mag-uli ay naganap 2,000 taon na ang nakalilipas. Paano ito nangyari? Nakikita ng mga postmillennialist na ang unang pagkabuhay na mag-uli ay ang kapangyarihan na pinakawalan nang si Jesus ay bumangon mula sa mga patay. Ang kapangyarihang iyon ay inilalabas sa bawat indibidwal kapag siya ay ipinanganak na muli

    Sa oras na iyon ang buhay ni Jesus ay pinakawalan sa kanilang pagkatao, at sila ay muling nabuhay sa bagong buhay kay Kristo. Kasabay nito, sila ay nakaupo kasama ni Kristo sa makalangit na mga dako. Kaya naman, maaari silang mamahala at magharing kasama ni Kristo ngayon habang sila nabubuhay sa lupa.

“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.” (John 5:24-25, Tagalog AB)

“Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:” (Ephesians 2:5-6, Tagalog AB)


Revelation 20:7-10: Pinalaya si Satanas

    Pagkatapos ng milenyo, ipinaliwanag ni Juan kung paano “si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan”. Pagkatapos ay tatangkain ni Satanas ang isang huling kudeta sa pamamagitan ng pagtitipon ng maraming mga masasamang tao upang sila ay maghimagsik laban sa ating Panginoon. Gayunpaman, ito ay magreresulta lamang sa pagkilala sa mga laban kay Jesus. Mabilis silang mapupuksa ng apoy na nagmumula sa langit.


Revelation 20:11-15: Ang Great White Throne Judgment

    Pagkatapos ng milenyal na paghahari, uupo si Jesus sa great white throne of judgment. Pagkatapos lahat ng patay, malalaki at maliliit, ay tatayo sa harapan Niya. Ang mga aklat ay bubuksan, kabilang ang Aklat ng Buhay. Pagkatapos ay hahatulan ang mga tao ayon sa mga bagay na nakasulat sa mga aklat.

“At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.” (Revelation 20:15, Tagalog AB)

    Ang final judgment ay hindi magiging arbitraryo o hindi makatarungan, ngunit lahat ng bagay mula sa mga aklat ay titimbangin at ang lahat ay magiging malinaw sa lahat. 


Source:
Harold R. Eberle. “Victorious Eschatology: A Partial Preterist View, Second Edition (2009). ebook. pp. 205-214


Support this Ministry

Gcash# 09695143944

or





Friday, September 15, 2023

FAFP Sabbath School Lesson Commentary 12 | Sept. 15, 2023

REVELATION 13: ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA "MARK OF THE BEAST"!


    Nagsisimula ang Chapter 13 sa dragon—ang masamang puwersa sa likod ng Roman Empire—na nakatayo sa buhangin ng dalampasigan. Sa katunayan, ang Roman Empire ay tila bumangon mula sa Mediterranean Sea sa peninsula ng Italya. Dapat din nating isaalang-alang kung paano ang dagat sa propetikong wika kung minsan ay kumakatawan sa sangkatauhan (Rev. 17:15). Kaya naman, nalalaman natin ang Roman Empire ay nagmula sa "dagat" ng sangkatauhan.

Pagkatapos ay inilarawan ni Juan ang Beast:

“At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.” (Revelation 13:1, Tagalog AB)

Sino ang Beast na ito?

     Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Juan na ibinigay ng dragon sa Beast ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.(Apoc. 13:2). Dahil ang mga Beast ay madalas na tumutukoy sa mga pinuno, makikita natin ang Beast na ito bilang isa sa mga pinuno ng Roman Empire.

    Kapag pinag-aaralan natin ang mga pangyayari sa kasaysayan, kamangha-mangha kung gaano kalinaw na tumutugma kay Emperador Nero ang paglalarawang ito at kung paano siya namuhay alinsunod sa mga pangitain na inilarawan ni Juan sa mga talata sa aklat ng Revelation. Inilarawan ni Juan kung paano nilapastangan ng pinunong ito ang Diyos at talagang napakasama nito (Rev. 13:5-7). Sa katunayan, mahirap isipin kung mayroon pang ibang pinuno na mas higit na masama pa kaysa kay Nero. Palibhasa'y nasisiyahan sa pagsamba na iniaalok sa kanya ng mga tao, mayroon siyang 120 talampakang taas na imahe ng kanyang sarili na itinayo sa Roma. Sa Efeso, may nakitang mga inskripsiyon na tumatawag kay Nero na “Makapangyarihang Diyos sa lahat” at “Tagapagligtas.” 

    Marami siyang napatay na miyembro ng sarili niyang pamilya, kasama na ang sarili niyang asawa na buntis pa, na sinipa niya hanggang sa mamatay. Lantaran at pampubliko din ang homosexual na aktibidad ni Nero. Pinakasalan niya ang isang batang lalaki sa isang pampublikong seremonya, pagkatapos ay kinapon niya upang ituring siya bilang kanyang asawa. Nagpatuloy din siya sa isang incest na relasyon sa kanyang ina. Kung minsan ay nagbibihis si Nero na parang mabangis na hayop at sinasalakay, ginahasa, at pinatay ang mga bilanggo na lalaki at babae. Nasiyahan siya sa pag-atake sa kanilang mga sekswal na bahagi gamit ang kanyang mga ngipin. Lubos na nasiyahan si Nero na panoorin ang mga taong pinahihirapan at nagdurusa sa pinakakasuklam-suklam na kamatayan. Sa wakas, sa edad na 31, pinatay niya ang sarili.

Ayon kay F.W. Farrar:

"Lahat ng pinakaunang Kristiyanong manunulat sa Revelation, mula kay Irenaeus hanggang sa Victorious of Pettau at Commodian noong ikaapat, at Andreas noong ikalima, at St. Beatus noong ikawalong siglo, ay nag-uugnay kay Nero, o ilang Romanong emperador, sa Beast ng Revelation." [1]

    Karaniwang pinaniniwalaan ng early church na si Nero ang Beast ng Revelation. Tinukoy din si Nero bilang isang Beast ng ilang mga nasa labas ng Kristiyanismo. Halimbawa, sumulat si Apollonius ng Tyrana:

"Sa aking mga paglalakbay, na mas malawak pa kaya nagawa ng ibang tao, nakakita ako ng maraming mababangis na hayop ng Arabia at India; ngunit ang Beast na ito, na karaniwang tinatawag na Tyrant, hindi ko alam kung gaano karaming mga ulo mayroon ito, o kung ito ay may baluktot na kuko at armado ng kakila-kilabot na mga pangil. . . . At tungkol sa mga mabangis na hayop na ito ay hindi mo masasabi na sila ay kilala na kumakain ng kanilang sariling ina, ngunit si Nero ay nabusog sa pagkain na ito."[2]

Revelation 13:3: Pinatay at Pinagaling

Sumulat pa si Juan tungkol sa Beast:

“At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa'y nanggilalas sa hayop;” (Revelation 13:3, Tagalog AB)

    Ang malapit-kamatayang karanasang ito ay tumutugma sa panahon kung saan halos nawasak ang Roman Empire. Hindi lamang isang ikatlong bahagi ng Roma ang nasunog noong A.D. 64, ngunit sa mga taon na nakapaligid sa paghahari ni Nero apat na emperador ang napatay, mayroong tatlong digmaang sibil, at maraming digmaang ang sumiklab sa palibot ng imperyo. Isinulat ni Josephus na ang Roma ay malapit na sa “pagkawasak”[3] at “bawat bahagi ng matitirahan na lupa sa ilalim nila ay nasa isang hindi maayos at pagiray-giray na kalagayan.”[4] Inilarawan pa ni Tacitus ang mga kalagayan ng imperyo at isinulat na ito ay halos katapusan na. .[5] Hanggang sa pumalit si Vespasian bilang emperador, naranasan ng Roman Empire ang pagbabalik sa kapayapaan at kaayusan.

Revelation 13:5-8: Pag-uusig sa mga Banal

    Ayon sa ulat ng kasaysayan, si Nero ang emperador na nag-utos ng matinding pag-uusig sa unang mga Kristiyano matapos masunog ang lungsod ng Roma. Ipinaliwanag ni Juan kung paano binigyan ng awtoridad ang Beast sa loob ng 42 buwan, samakatuwid nga, tatlo at kalahating taon, upang lapastanganin at “makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila.” (Apoc. 13:7). Nakapagtataka, ang pag-uusig ni Nero sa mga Kristiyano ay tumagal ng eksaktong 42 buwan, mula sa kalagitnaan ng Nobyembre noong 64 hanggang sa simula ng Hunyo noong 68, nang siya ay nagpakamatay.[6]

    Tamang-tama ito sa paglalarawang ibinigay ni Juan tungkol sa Beast (emperador ng Roma) na binigyan ng kapangyarihan ng dragon (Satanas), inusig ang mga banal sa loob ng 42 buwan, at pinasamba siya ng lahat ng tao (Apoc. 13:8).

    Sinasabi ng ilang salin ng Bibliya na ang lahat ng tao sa buong lupa ay sumasamba sa kaniya, ngunit nararapat na muling ituro na ang salitang “lupa” ay isinalin mula sa salitang Griego na ge, na maaari ding isalin bilang “lupain.” Kaya naman, nauunawaan natin na inilalarawan ni Juan ang naganap sa lupain, at sa kontekstong ito, ito ang lupain ng Roman Empire kung saan ang lahat ng tao ay kinakailangang sumamba sa emperador.

Revelation 13:16-18: Ang Mark of the Beast

    Nagbigay si Juan ng numero upang makilala ang Beast: 666. Ang bilang na ito ay nagdulot ng napakalaking kontrobersya sa maraming mga Kristiyano at ginamit ng mga mangangaral, manunulat, at gumagawa ng pelikula upang magtanim ng takot sa puso ng milyun-milyon. Gayunpaman, dapat nating unawain ito gaya ng pagkakaunawa ng mga unang taong bumasa ng mga isinulat ni Juan.

    Isang laganap na katotohanan na ang pangalan ni Nero ay katumbas ng 666. Totoo ito dahil ang mga titik ng alpabetong Hebreo ay nagtataglay ng mga numerong halaga. Ito ay katulad ng kung paano ginagamit ang ilang mga titik sa alpabetong Romano bilang mga numeral: Ang ibig sabihin ng “I” ay 1; Ang ibig sabihin ng “V” ay 5; Ang ibig sabihin ng “X” ay 10; Ang ibig sabihin ng “L” ay 50; Ang ibig sabihin ng “C” ay 100; at ang ibig sabihin ng “D” ay 500. Samakatuwid, kung makikita natin ang mga sumusunod na letrang Romano, DCLXVI, alam natin na ito ay katumbas ng numero sa 666. Hindi ito mahirap malaman para sa sinumang nakakaunawa ng mga Roman numeral. Hindi rin mahirap para sa sinumang Judiong marunong bumasa at sumulat na basahin ang bilang ng pangalan ni Nero. Ang Hebrew spelling ni Nero Caesar ay NRWN QSR (binibigkas na Neron Kesar). Ang katumbas sa Hebreo ng pangalang ito ay 666.[7]

Ang mga numerong halaga ng mga titik na Hebreo sa Neron Kesar (Nero Caesar) ay:


    Bakit ginamit ni John ang numerong 666 sa halip na gamitin na lamang ang pangalan ni Nero? Si Juan ay sumusulat sa mga Kristiyano na nasa ilalim ng matinding pag-uusig. Ang kanilang mga pamilya at kaibigan ay pinahirapan at pinapatay sa buong imperyo. Kung ang sinumang Kristiyano ay nahuli na may isang libro kung saan si Nero ay inilagay sa masamang paglalarawan, ang Kristiyanong iyon ay maaaring asahan na agad na dalhin sa bilangguan o kaya ipadala sa mga coliseum upang lapain ng mga mababangis na hayop. Ngunit ang mga sinaunang Kristiyano ay pangunahin mga Judiong nakumberte, at samakatuwid ay naiintindihan nila ang kahulugan ng bilang na 666. Para sa kanila ay walang pag-aalinlangan na si Nero ang tinutukoy ni Juan. Siya ang pumatay sa kanilang mga pinuno, kaibigan, at kapamilya.

    Napakahalagang paglaanan ng panahon na pag-usapan ang walang katapusang talakayan sa gitna ng mga futurist preachers tungkol sa ilang tao sa hinaharap na tutupad ng numerong ito. Ang pinakakaakit-akit na mga kuwento ay nakasentro sa mga aral ng mga futurist na balang araw ay magkakaroon ng isang antikristo na literal na sasakupin ang mga sistema ng ekonomiya ng mundo at pagkatapos ay kokontrolin ang lahat ng gastusin ng sangkatauhan. Magiging posible diumano ang kontrol na ito dahil iuutos ng antikristo na ang bawat tao ay tumanggap ng computerized chip sa kanilang noo o kanang kamay.

    Sa katotohanan, ang salitang “antikristo” ay hindi kailanman binanggit kahit isang beses sa buong aklat ng Revelation. Ang tanging dako kung saan ginamit ang salitang "B" ay sa 1 at 2 Juan. Walang batayan sa Bibliya para itumbas ang Beast ng Revelation sa anticristo na binanggit sa mga sulat ni Juan. 

    Susunod, napakahalaga talagang punahin ang hindi balanseng mga turo ng mga futurist tungkol sa mark of the Beast. Ang isang tao ay maaaring pumunta sa mga Christian bookstores at makahanap ng ilang mga libro na tumatalakay tungkol sa mark of the Beast, bawat libro ay nagbibigay ng interpretasyon ng may-akda ng ilang mga antikristo na lilitaw sa hinaharap. Kasabay nito, makakahanap tayo ng iilang Kristiyanong may-akda na sumulat tungkol sa mark of God. Alam mo ba na ang mark of God, ang tatak ng Diyos, at ang pangalan ng Diyos, na nakasulat sa noo ng Kanyang mga lingkod, ay binanggit sa aklat ng Revelation na eksaktong kapareho ng bilang ng mark of the Beast? Parehong binanggit ito ng pitong beses. Mayroong ibig sabihin it. Ang katotohanan na ang mga futurist ay madalas bumabanggit tungkol sa mark of the Beast at hindi man lang binabanggit ang mark of God ay nagpapatunay lamang sa atin na hindi balanse ang kanilang mga turo. Bilang mga Kristiyano, hindi ba tayo dapat maging mas interesado sa mark of God—na nabubuhay ngayon at aktibo sa ating buhay—kaysa sa mark of the Beast na hindi natin alam kung umiiral pa?

    Higit pa rito, dapat nating maunawaan ang mark of the Beast mula sa isang katulad na balangkas ng pag-iisip ng tulad sa mark of God. Ang ibig nating sabihin ay kung literal na uunawain ang mark of the Beast, dapat din unawain nang literal ang mark of God. Sa kabilang banda, kung tatanggapin natin ang mark of the Beast sa espirituwal na paraan, dapat din nating unawain ang mark of God sa espirituwal na paraan. Iyan ay simpleng katapatan at integridad sa paraan ng pagbibigay natin ng kahulugan sa Kasulatan. Ang dalawang mga marka na ito ay binanggit sa aklat ng Revelation at magkasama pa sa parehong kabanata (kabanata 14).

    Kung gayon bakit ang mga futurist ay naglalagay ng takot sa mga tao sa pamamagitan ng pagtalakay tungkol sa isang computerized chip na ilalagay sa mga noo o kanang kamay ng mga tao? Naniniwala rin ba sila na ang mark of God ay magiging isang computerized chip? Syempre hindi. Iyon ay nagpapahiwatig lamang ng kalokohan ng pagkatakot sa computer chip na pawang kathang isip lamang. Muli, sinasabi natin na kung ang isa ay literal, literal din naman ang isa. Kung ang isa ay espirituwal, ay espirituwal din naman ang isa . Dapat tayong maging consistent sa paraan natin ng paggamit ng Kasulatan.

    Ang mga partial preterists ay naniniwala na ang parehong mga marka ay dapat na unawain sa isang espirituwal na kahulugan. Ang mga taong ibinibigay ang kanilang sarili sa mga gawa ni Satanas ay magkakaroon ng marka ng kasamaan sa kanilang mga pag-iisip at sa mga gawa ng kanilang mga kamay. Yaong mga isinusuko ang kanilang mga sarili sa Diyos ay magkakaroon ng marka ng Diyos sa kanilang mga isipan at mga gawa ng kanilang mga kamay. Ang tatak ng Diyos sa Kanyang mga lingkod ay ang Kanyang Espiritu. Sa katulad na paraan, ang mga nag-alay ng kanilang buhay at puso kay Satanas ay mamarkahan ng espiritu ng kasamaan.

    Gayunpaman, ngayon kailangan nating ibalik ang buong talakayang ito sa konteksto kung saan isinulat ang aklat ng Revelation. Si apostol Juan ay sumusulat sa mga tunay na Kristiyano noon na nagtitiis ng tunay na pag-uusig. Ang pag-uusig na iyon ay isinasagawa sa ilalim ng isang tao na ang pangalan ay katumbas ng 666. Para sa unang-siglong mga Kristiyano, maliwanag ang kahulugan kung sino ito.


Source: Harold R. Eberle. “Victorious Eschatology: A Partial Preterist View, Second Edition (2009). ebook. pp. 165-172

Support this ministry

Gcash# 09695143944

or



Wednesday, September 13, 2023

BAKIT HINDI 10 UTOS ANG “MGA UTOS NG DIYOS” SA APOCALIPSIS 12:17?

"Ang pinaka-lohikal na kahulugan ng "mga utos ng Diyos" sa talatang ito ay ang kabuoan ng mga utos para sa mga Kristiyano na nasa ilalim ng Bagong Tipan dahil ang paksa ng Apocalipsis 12 ay si Jesu-Kristo at ang Kanyang iglesia." 

    Sa Apocalipsis 12:17 natagpuan ng Seventh-day Adventist Church ang dahilan kung bakit sila lumitaw. Sa talatang ito, makikita ang dalawang pagkakakilanlan ng nalalabing iglesia na natupad daw sa kanila. Yung mga pariralang mga "nagsisitupad ng mga utos ng Diyos" at “mga may patotoo ni Jesus,” na “siyang espiritu ng hula” (19:10). Ang “mga utos ng Diyos” (ginamit din sa 14:12 at 22:14) ay sinasabing tumutukoy sa Sampung Utos, at sa isang espesyal na kahulugan ang ikapitong araw na Sabbath, na inaangkin nila na karamihan sa mga Kristiyano ay hindi "ipinapangilin." Nakikita ng Seventh-day Adventist Church ang kanilang sarili bilang ang visible church na ibinangon ng Diyos upang maging instrumento upang anyayahan ang mga Kristiyano, lalo na ang mga sumasamba sa araw ng Linggo, na “ipangilin ang Sabbath."

    Gayunpaman, ang exegetical na pagsusuri sa tekstong ito, kasama na ang pangkalahatang tema ng aklat at ng Bagong Tipan sa pangkalahatan, ay nagpapakita ng ibang kahulugan sa mga nabanggit na mga tanda ng pagkakakilanlan. Napatunayan ko na na ang "nalalabi" sa tekstong ito ay plural at palaging tumutukoy sa karamihan. Susuriin ko ngayon ang pariralang "mga utos ng Diyos" upang makita kung ang interpretasyon at aplikasyon nito ng Adventist Church ay matibay.

Ang mga salitang Griyego na entole vs. nomos

    Ang salitang Griyego para sa "mga utos" sa pariralang "mga utos ng Diyos" ay ĪµĪ½Ļ„ĪæĪ»Ī· (entole). Nangangahulugan ito ng “isang kautusan, isang utos, isang tungkulin, isang tagubilin, isang sansala, isang panuntunan, at isang makapangyarihang hatol.”[321] Ito ay ginagamit sa iba't ibang paraan sa Bagong Tipan at tumutukoy sa iba't ibang bagay. Gayunpaman, hindi ito kailanman ginamit upang tumukoy sa Sampung Utos o sa ikapitong araw na Sabbath. Ang salitang Griyego na palaging tumutukoy sa kautusan ng Lumang Tipan, na binubuo ng 613 mga utos, kabilang na ang Sampung Utos, ay Ī½ĪæĪ¼ĪæĻ‚ (nomos). Hindi ito ginamit sa Apocalipsis 12:17 o sa buong Aklat ng Apocalipsis para sa bagay na iyon. 

    Narito ang ilang paraan ng paggamit ng entole sa Bagong Tipan: 

  • Ito ay ginagamit para sa mga opisyal na decree (Juan 11:57); 
  • ng mga taong may matataas na posisyon na nagbibigay ng mga utos sa mga nasa ilalim ng kanilang awtoridad (ama sa anak - Lucas 15:29; mga apostol sa mga mananampalataya Gawa 17:15; Col. 4:10); 
  • ng mga alamat ng mga Hudyo at mga maling mga turo (Tito 1:14); 
  • ng mga espesipikong utos ng Kautusan sa Lumang Tipan (Lucas 23:56; Rom. 7:8-9; Heb. 7:18; 9:19); 
  • ng mga seremonyal na utos ng Kautusan sa Lumang Tipan (Heb. 7:5, 16, 18); 
  • ang plural form nito ay kadalasang kumakatawan sa kabuuan ng mga legal na ordenansa ng Kautusan sa Lumang Tipan (Mat. 5:19; 19:17; Marcos 10:19; Lucas 18:20); 
  • ng iisang utos ng Lumang Tipan na Batas (Efe. 6:2; Mat. 22:36, 38; Mar. 10:5; Rom. 13:9); 
  • ng mga utos ng Diyos (1 Cor. 7:19; 1 Juan 3:23; 4:21); 
  • ng mga utos ng Diyos kay Kristo (Juan 10:18; 14:31; 15:10); 
  • ng mga utos ni Jesus sa mga mananampalataya (Juan 13:34-35; 14:15, 21; 15:10, 12; 1 Cor. 14:37);
  • at kabuoan, ang buong tuntunin ng Kristiyanismo, ang buong pananampalatayang Kristiyano ay naging isang utos o bagong kautusan (1 Tim. 6:11-14; 2 Ped. 2:20-21; 3:1-2)

    Dahil sa iba't ibang gamit ng entole sa Bagong Tipan, hindi ito maaaring partikular na tumutukoy sa Kautusan ng Sampung Utos o Sabbath sa Apocalipsis 12:17. Ang pinakalohikal na kahulugan para sa "mga utos ng Diyos" sa tekstong ito ay ang kabuoan ng mga utos para sa mga Kristiyano sa ilalim ng Bagong Tipan dahil, exegetically at contextually, ang paksa ng Apocalipsis 12 ay si Jesu-Kristo at ang pananampalatayang Kristiyano.

    Karagdagan pa, si John ay napaka-espesipiko sa kanyang paggamit ng entole at nomos sa kanyang mga sinulat. Palagi siyang gumagamit ng nomos upang tukuyin ang mga Kautusan sa Lumang Tipan at palaging niyang ginagamit ang entole upang tukuyin ang mga utos at tagubilin sa Bagong Tipan ni Jesu-Kristo, direkta man o hindi direkta sa pamamagitan ng mga apostol. At ang mga utos na iyon sa mga sulat ni Juan ay karaniwang buod ng dalawang utos ni Hesus , na ang sumampalataya sa Diyos at sa Kanya at ibigin ang ating kapwa gaya ng ating sarili (Juan 13:34-35; 14:1; 1 Juan 3:23-24; 4:7-12, 20-21; 5:1-3; 2 Juan 4-6). 

“At ito ang kaniyang utos, na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo, at tayo'y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos sa atin. At ang tumutupad ng kaniyang mga utos ay mananahan sa kaniya, at siya ay sa kaniya. At dito'y nakikilala natin na siya'y nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin.” (1 John 3:23-24, Tagalog AB)

    Si Juan ang tanging may-akda ng Bagong Tipan na palaging gumagawa ng pagkakaibang ito sa kanyang paggamit ng dalawang salitang iyon.


Hindi ang 
Sampung Utos o ang Sabbath ang tinutukoy ni Juan

    Ang isa pang dahilan na ang pariralang "mga utos ng Diyos" sa Apocalipsis 12:17 ay hindi maaaring tumukoy sa Sampung Utos at Sabbath ay dahil sa katotohanan na ang Lumang Tipan, na kinabibilangan ng Sampung Utos, kasama ang pangangasiwa, pagpapala at sumpa, pagpapatupad nito, at ang awtoridad nito ay inalis na. Wala na itong bisa sa mga Kristiyano sa Bagong Tipan. Gayunpaman, upang palalimin pa ang pag-aaral, Bibigyan ko ng maikling buod ang mga katotohanang tungkol sa Lumang Tipan at Sampung Utos na humantong sa konklusyong ito. Ang Sampung Utos ay ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng bansang Israel (Exo. 24:12; 34:27–28; Deut. 4:13; 9:9). Ang tipan na ito ay hindi ginawa sa mga patriyarka at mga bansang Hentil, kundi sa mga Israelita lamang (Deut. 5:2–3; Neh. 9:13–14; Psa. 147:19–20; Roma 9:3–4). 

    Kung nais ng isang Hentil na pumasok at sumunod sa mga kautusan ng Lumang Tipan, kailangan muna siyang magpatuli sa laman (Exo.12:44, 48; Isa. 56:6-7; Eze. 44:9; Juan 7:22-23) . Ang pisikal na pagtutuli, bilang tanda ng pagpasok sa Lumang Tipan, ay inalis na sa Bagong Tipan, dahil dito ay wala ng bisa ang tipan na iyon (Rom. 2:28-29; 1 Cor.7:18-19; Gal. 5: 6; 6:15; Col. 3:11). Ang Kautusan ng Lumang Tipan, noong pumasok na ang Bagong Tipan, ay binubuo ng 613 mga utos, 248 na utos, at 365 na pagbabawal, [322] kung saan kailangang sundin ng lahat ng mga Israelita, kaya kung ipagpipilitan pa ang patuloy na bisa nito sa ngayon ay dapat din na ipatupad lahat ng 613 mga utos sa kabuuan nito (Exo. 19:8; Deut. 17:19; 27:26; 29:29; 31:12; 32:46; 2 Chron. 33:8; Jam. 2:8, 10-11, cf. Lev.19:18; Exo. 20:13-14). Itinuro ng Bagong Tipan na ang Lumang Tipan, ang Kautusan, at ang Sampung Utos ay inalis at ipinako na sa Krus (Rom. 7:1-6; Gal. 4:21-31; 2 Cor. 3; Eph. 2:11 -18; Col. 2:11-17; Heb. 8:6-13). Ang iglesia sa Bagong Tipan ay nasa ilalim na ng Bagong Tipan na may mas mabuting mga itinatakda, kautusan, pangangasiwa, at pagpapatupad kaysa sa Lumang Tipan (Mat. 26:26-28; 2 Cor. 3; Eph. 2:11-19; Phil. 3:1 -11; Heb. 7:22-27; Heb. 8; 10:19-23; Juan 13:34-35; 14:15; 1 Cor. 13; 1 Juan 3:23; 4:7-13, 20 -21; 2 Juan 6-7, atbp.,)

    Sa panghuli, ang LXX ay hindi gumagamit ng “mga utos ng Diyos” (Gk. ĪµĪ½Ļ„ĪæĪ»Ī¬Ļ‚ Ļ„ĪæĻ… ĪøĪµĪæĻ- entolas tou theou) upang tukuyin ang Sampung Utos gaya ng nakikita natin sa Apocalipsis 12:17, 14:12, at 22:14. Sa halip, ito ay gumagamit ng Ī“Ī­ĪŗĪ± Ī»ĻŒĪ³ĪæĻ…Ļ‚ (deka logous) at Ī“Ī­ĪŗĪ± įæ„Ī®Ī¼Ī±Ļ„Ī± (deka rhemata), na nangangahulugang “sampung salita” o “sampung pananalita” (tingnan ang LXX Exo. 34:28; Deut. 4:13; 10:4). Ang dalawang pariralang ito sa Griyego ay isang salin mula sa Hebreong aseret hadevarim na nangangahulugang “sampung salita” o “sampung pananalita.” Ang Aklat ng Apocalipsis ay hindi kailanman gumamit ng deka logous o deka rhemata ni minsan. Dahil sa katotohanang ito, ang pariralang “mga utos ng Diyos” sa Apocalipsis 12:17 ay hindi maaaring tumutukoy sa Sampung Utos o sa ikapitong araw na Sabbath. 


Source

Elce-Junior Lauriston, Hiding in Plain Sight: The False Doctrine of Seventh-day Adventism, Vol. 2,  pp. 373-376

The 3 volumes of this book are available in Ebook (PDF & Epub). Interested buyers just contact Ptr. Ronald Obidos #09695143944.or email us at formeradventist.ph@gmail.com.

Support this ministry

Gcash#09695143944

or scan below


Tuesday, September 12, 2023

"ANG SUMUSUNOD SA SAMPUNG UTOS AY NAGKAKASALA NG ESPIRITUWAL NA PANGANGALUNYA!"



      Kapag may magsabi na ang mga Kristiyano ay kinakailangang sumunod sa mga kautusan ng Lumang Tipan, ang ipinangangaral nila ay ang false gospel na kaligtasan-ayon-sa-gawa na nilalabanan ni Pablo sa karamihan ng kanyang mga sulat sa mga Iglesia. Ito ay isang pagtatakwil kay Jesu-Cristo at sa Bagong Tipan na Kanyang ginawa para sa kanyang iglesia.

    Gumamit si Pablo ng dalawang ilustrasyon upang ipakita na ang mga Kristiyano ay hindi pwedeng magpasakop sa ilalim ng dalawang magkatunggaling tipan, o legal na mga kodigo, nang magkasabay. Isa lang ang pagpipilian sa dalawa, maging tayo ay nasa ilalim ng Lumang Tipan “kautusan ng kasalanan at kamatayan”, o, tayo ay nasa ilalim ng kautusan ng Bagong Tipan ng Espiritung nagbibigay-buhay (Roma 8:2). Ang kautusan ng Lumang Tipan ay hindi kailanman nagbibigay ng tagumpay laban sa kasalanan at kamatayan dahil ang kasalanan ay lalong pinupukaw ng kautusan (Roma 5:20). Ngunit ang mga namatay na kasama ni Kristo ay pinalaya na mula sa kasalanan at sa kapangyarihan ng kautusan na magdadala ng kamatayan.

    Ang unang ilustrasyon na ginamit ni Pablo ay ang kay Hagar at Sarah upang ipakita sa atin na hindi tayo maaaring nasa ilalim ng dalawang tipan nang sabay (Galacia 4:21-31).

Sinasabi sa Galacia 4:21-23:

"Sabihin nga ninyo sa akin, kayong nagnanais mapasailalim ng Kautusan, hindi ba ninyo napapakinggan ang sinasabi sa Kautusan? Sinasabi roon na si Abraham ay nagkaanak ng dalawang lalaki, isa sa alipin at isa sa malaya. Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak sa karaniwang paraan, ngunit ang anak niya sa malaya ay katuparan ng pangako ng Diyos." Mga Taga-Galacia 4:21-23 RTPV

    Hinarap ni Pablo ang mga Judaizer sa Galacia sa pamamagitan ng paggamit ng kuwento ng dalawang anak ni Abraham upang ipakita na ang pagsunod sa kautusan ay pang-aalipin at hindi maaaring haluan ng biyaya. Si Abraham ay may dalawang anak, si Ismael, na isinilang sa pamamagitan ng "karaniwang paraan", at si Isaac, na isinilang bilang katuparan ng pangako ng Diyos (Genesis 15-21). Si Hagar, ang aliping babae ay ina ni Ismael, at si Sarah ay ang ina ni Isaac, ang tunay na asawa ni Abraham.

Sinabi ng Galacia 4:24-26:

"Ito'y isang paghahambing. Ang dalawang babae ay larawan ng dalawang kasunduan, ang isa ay ang tipan sa Bundok ng Sinai na kinakatawan ni Hagar at ng kanyang mga anak, na pawang mga alipin. Si Hagar ay kumakatawan sa Bundok ng Sinai na nasa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan. Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina." Mga Taga-Galacia 4:24-26 RTPV

    Inihambing si Hagar sa kautusan ng Lumang Tipan na ibinigay ng Diyos sa Israel sa Bundok Sinai; Inihambing si Sarah sa tipan ng biyaya na walang bayad na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng nagtitiwala kay Kristo. Ang mga inapo ng aliping babae ay ang mga Judaizer; ang mga espirituwal na inapo ng malayang babae ay yaong naligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo lamang.

Sinabi sa Galacia 4:27:

"Ayon sa nasusulat, “Magsaya ka, O babaing hindi magkaanak! Humiyaw ka sa galak, ikaw na hindi pa nakaranas ng hirap sa panganganak! Sapagkat higit na marami ang anak ng babaing nangungulila kaysa babaing may asawa.” Mga Taga-Galacia 4:27 RTPV

    Ang mga Hudyo ay mga anak ni Abraham sa likas na pinagmulan ngunit nabigo silang maging tapat sa Diyos; ang mga Gentil, na naging “mga estranghero sa mga tipan” ngayon ay naging espirituwal na mga supling ni Abraham.

Sinabi sa Galacia 4:28-31:

"Mga kapatid, tulad ni Isaac, tayo'y mga anak ayon sa pangako. Kung noong una, ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay inuusig ng ipinanganak ayon sa karaniwang paraan, gayundin naman ngayon. Ngunit ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Palayasin mo ang babaing alipin at ang kanyang anak, sapagkat ang anak ng alipin ay hindi dapat makibahagi sa mana ng anak ng malaya.” Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo anak ng alipin kundi ng malaya." Mga Taga-Galacia 4:28-31 RTPV

    Inihambing ni Pablo si Ismael sa mga Hudyo na alipin sa ilalim ng pagkaalipin ng kautusan; Inihambing si Isaac sa mga naligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos at napalaya mula sa paghatol ng kautusan. Kung paanong inusig ni Ismael si Isaac, gayon din ang pag-uusig ng mga Hudyo sa ilalim ng kautusan sa bayan ng Diyos na namuhay sa pamamagitan ng biyaya. Ang mga anak ng kautusan at mga anak ng biyaya ay hindi maaaring mamuhay nang magkasama; ang kautusan ng Lumang Tipan ay dapat itapon. Walang lugar para sa pamilya ng Diyos ang pagsunod sa kautusan . Ang false gospel ng pagsunod sa kautusan ay isang lason na nagbabalik sa sinumang magsisikap na mamuhay ayon dito sa ilalim ng “pamatok ng pagkaalipin” na ibinubunga ng kautusan.

"Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli! Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at tinanggihan ninyo ang kagandahang-loob ng Diyos," Mga Taga-Galacia 5:1,4 

    Ang babala ni Pablo sa mga taga-Galacia tungkol sa legalismo ay may kaugnayan din ngayon sa atin gaya noong panahon niya. Nilinaw ni Pablo na ang mga Kristiyano ay wala na sa ilalim ng tipang Mosaico.

Sinabi sa Galacia 4:10-11,

"May itinatangi kayong mga araw, mga buwan, mga panahon at mga taon! Nag-aalala akong baka nasayang lamang ang pagpapagal ko para sa inyo." Mga Taga-Galacia 4:10-11, RTPV 

    Ang mga araw at buwan at panahon at taon ay bahagi lahat ng detalyadong sistema ng pagsamba na ibinigay ng Diyos sa Israel na kinabibilangan ng ikapitong araw na Sabbath, pagdiriwang ng bagong buwan, at lahat ng mga Kapistahan ng Panginoon (Levitico 23). Ang mga taga-Galacia ay nasa panganib na talikuran ang nag-iisang tunay na Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap sa maling ebanghelyo ng legalismo. Hindi kinakailangang sundin ng mga Kristiyano ang alinman sa mga kautusan sa Lumang Tipan o mga banal na araw. Ang paggawa nito ay isang pagtanggi sa ebanghelyo ng pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, sa pamamagitan ni Jesucristo lamang.

    Ang pangalawang ilustrasyon na ginamit ni Pablo ay tungkol sa tipan ng kasal sa pagitan ng isang lalaki at babae upang ipakita sa atin ang likas na katangian ng pamumuhay sa ilalim ng isang tipan sa isang pagkakataon (Roma 7:1-8).

"Mga kapatid, kayo'y nakakaunawa ng batas. Alam ninyong ang isang tao'y nasasakop lamang ng batas habang siya'y nabubuhay. Halimbawa, ayon sa Kautusan, ang isang babae ay nasasakop ng kanyang asawa habang nabubuhay ito. Subalit kung mamatay na ang lalaki, malaya na ang babae sa batas na nagtatali sa kanya sa lalaking iyon. Kaya nga, siya'y magkakasala ng pangangalunya kung makikisama siya sa ibang lalaki habang nabubuhay ang kanyang asawa. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na iyon, at mag-asawa man siya sa ibang lalaki, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya." Mga Taga-Roma 7:1-3 RTPV

Nilinaw ni Pablo ang kanyang punto para sa atin sa mga sumusunod na talata.

Sinasabi sa Roma 7:4, 

"Gayundin naman mga kapatid, namatay na kayo sa Kautusan dahil kayo'y bahagi ng katawan ni Cristo, at ngayon kayo ay kabilang na sa mga nakipag-isa sa kanya na muling binuhay, upang magbunga tayo ng mabubuting gawa para sa Diyos." Mga Taga-Roma 7:4 RTPV

    Nagbigay si Paul ng halimbawa ng isang asawang babae na hindi na nakatali sa kanyang asawa pagkatapos nitong mamatay. Malaya na siyang mag-asawang muli nang hindi lumalabag sa batas. Katulad nito, ang mga na kay Kristo ay namatay na sa kautusan ng Lumang Tipan kaya ang nagbubuklod sa pagitan nila at ng kautusan ay naputol na. Sila ay ibinangon na sa panibagong buhay at ngayon ay kaisa na ni Kristo. Ang mananampalataya ay malaya na ngayong maranasan ang masaganang buhay na iniaalok ni Jesu-Cristo sa lahat ng tumatanggap sa Kanya.

Sinasabi sa Roma 7:5-6,

"Noong tayo'y namumuhay pa ayon sa ating likas na pagkatao, ang ating mga masasamang hilig na pinupukaw ng Kautusan ay nag-uudyok sa atin na gumawa ng mga bagay na hahantong sa kamatayan. Ngunit malaya na tayo ngayon mula sa Kautusan dahil namatay na tayo sa kasalanang dating umaalipin sa atin. Kaya, tayo'y naglilingkod sa Diyos hindi dahil sa lumang batas na nakasulat, kundi dahil sa bagong buhay ng Espiritu." Mga Taga-Roma 7:5-6 RTPV

    Kung higit na ipinagbabawal ng kautusan ang isang bagay, lalo naman itong ninanasa ng puso ng tao; at kapag ang kautusan ay nilabag, ito ay magbubunga lamang ng kamatayan (Roma 5:20; Roma 7:5). Ngayong ang mga tagasunod ni Kristo ay namatay na sa kautusan, maaari na silang magsimulang maglingkod sa Diyos nang may binagong puso. Hindi na nila kailangang mabuhay sa takot, dahil wala na sila sa ilalim ng kautusan na may kapangyarihanng pumatay at sirain ang kanilang buhay.

Sinasabi sa Roma 7:7-8

"Ang ibig bang sabihin nito'y ang Kautusan ay masama? Hinding-hindi! Kaya lamang, kundi dahil sa Kautusan ay hindi ko sana nalaman kung ano ang kasalanan. Hindi ko sana nalaman kung ano ang pag-iimbot kung hindi sinabi ng Kautusan, “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba.” Ngunit dahil sa kautusan, ang loob ko'y pinukaw ng kasalanan sa lahat ng uri ng kasakiman. Sapagkat walang kasalanan kung walang kautusan." Mga Taga-Roma 7:7-8 RTPV

    Idiniin ni Pablo na ang kautusan ay hindi kasalanan. Sa katunayan, ang kautusan ay banal, ngunit tayo ay hindi. Ang kabanalan na ipinahayag sa kautusan ay nagpapakita sa atin kung gaano talaga tayo kasama.

    Sa pagbabalik loob sa Panginoon, ang mananampalataya ay namatay na sa kautusan (Roma 7:4), na ang resulta ay maaari na silang maglingkod sa panibagong buhay (Roma 6:4). Mayroon silang bagong buhay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, hindi sa lumang paraan ng sulat, ang lumang paraan ng pagsisikap na magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan. Malinaw na sinasabi ng talata na hindi na tayo nabubuhay sa "lumang batas na nakasulat." Mula sa Roma 7:1-8, hindi maaaring magkamali na ang kautusan na dapat ay namatay na ang mga Kristiyano, ang "Kautusang nakaukit sa mga tapyas ng bato (2 Corinto 3:2-11, RTPV) ay ang Sampung Utos, kasama ang lahat ng iba pang mga kautusan sa Lumang Tipan. 

Sa Roma 7:6, nilinaw ni Pablo ang kanyang kahulugan, 

"Ngunit malaya na tayo ngayon mula sa Kautusan dahil namatay na tayo sa kasalanang dating umaalipin sa atin. Kaya, tayo'y naglilingkod sa Diyos hindi dahil sa lumang batas na nakasulat, kundi dahil sa bagong buhay ng Espiritu." Mga Taga-Roma 7:6 RTPV

    Ang buong punto ni Pablo sa Roma 7 ay na ang kautusan ay may bisa lamang habang ang taong iyon ay nabubuhay “sa kautusan”. Alam ni Pablo na hindi tayo maaaring mabuhay sa ilalim ng dalawang magkasalungat na tipan o kautusan nang sabay. Ang isang babae ay hindi maaaring ikasal sa dalawang lalaki sa parehong panahon nang hindi nagkasala ng pisikal na pangangalunya, at ang pagsisikap na mamuhay sa ilalim ng dalawang magkasalungat na tipan sa parehong panahon ay nagkakasala ng espirituwal na pangangalunya. 

Sinasabi sa Roma 6:5-7,

"Sapagkat kung nakasama tayo ni Cristo sa isang kamatayang katulad ng kanyang kamatayan, tiyak na tayo ay makakasama rin niya sa muling pagkabuhay na katulad ng kanyang muling pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan." Mga Taga-Roma 6:5-7 RTPV

    Madaling isipin na kung tututukan lamang natin ang pagsunod sa Sampung Utos ay maliligtas tayo, ngunit ang mga Banal na Kasulatan ay nagbabala sa atin na sa tuwing ipinangangaral ang kautusan, isang "talukbong" ang nasa puso ng lahat ng nagsisikap na mamuhay ayon dito. Bilang tagasunod ni Kristo, nararanasan natin ang kalayaan mula sa kautusan sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Kristo lamang para sa ating kaligtasan. Ang Banal na Espiritu, hindi ang pagsunod sa kautusan, ang nagbibigay sa atin ng kalayaan mula sa paghatol ng kautusan, at walang hanggang kamatayan (Filipos 1:6; Roma 8:1-2; 8:12-13; 2 Corinto 3:1-17) .

    Ang kautusan ng Lumang Tipan ay walang awtoridad sa mga na kay Kristo Hesus. Namatay na tayo sa kautusan at hindi na nakatali dito.

Sinasabi sa Colosas 2:14-17, 

"Pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito'y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay. Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito." Mga Taga-Colosas 2:14-17 RTPV

    Ginamit ni Pablo ang salitang “talaan ng utang” upang ipakita ang pagkakautang ng bawat tao sa Diyos dahil sa kasalanan. Kinansela ni Kristo ang utang ng ating kasalanan na inilagay sa atin ng Kautusang Mosaiko sa pamamagitan ng pagpapako nito sa krus. Ang Kanyang kamatayan sa krus ay nagbayad ng buong utang natin.

    Ang lahat ng mga uri at anino ng kautusan sa Lumang Tipan ay natupad kay Kristo at kinumpleto Niya sa pamamagitan ng Bagong Tipan na iniaalok Niya sa atin “sa kanyang laman.

Sinasabi sa Efeso 2:15, 

"Pinawalang-bisa niya ang Kautusang pawang mga utos at alituntunin upang ang mga Judio at mga Hentil ay maging iisang bayan na lamang, at sa ganito'y maghari ang kapayapaan." Mga Taga-Efeso 2:15 RTPV

    Walang inuutusan na sundin ang kautusan ng Lumang Tipan sa Bagong Tipan. Ang mga ito ay magkahiwalay at magkakaibang mga tipan at hindi ka maaaring sumailalim sa pareho tipan nang sabay. Ang tipang Mosaico ay nagsilbing pader na naghahati, o partisyon na nilayon upang paghiwalayin ang Israel mula sa mga hindi sumasampalataya na mga Gentil (Efeso 2:11-15; Juan 7:35; Gawa 14:1, 5; 18:4; Roma 3:9; 3:29; 9:24; 1 Corinto 1:22-24). Inalis ni Kristo ang pader na naghahati sa pamamagitan ng pagtupad nito at inalis ang hatol ng kautusan para sa lahat ng tumatanggap kay Jesus bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas (Mateo 5:17; Roma 8:1; Hebreo 9:11-14; 10:1-10). Kapag tayo ay naglagay ng ating pananampalataya kay Jesu-Kristo, tayo ay nagiging isang bagong tao, tayo ay nagiging bahagi ng isang bagong sangkatauhan na ginawa ayon sa sariling larawan ni Kristo (1 Mga Taga-Corinto 15:45, 49; Efeso 4:24).

Sinabi ni Pablo na siya ay nasa ilalim ng kautusan ng Bagong Tipan ni Kristo sa 1 Mga Taga-Corinto 9.

"Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit nagpaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng mas marami sa Panginoon. Sa piling ng mga Judio, ako'y namumuhay tulad ng isang Judio upang mahikayat ko sila. Kahit na hindi ako saklaw ng Kautusan, nagpailalim ako rito alang-alang sa mga nasa ilalim ng Kautusan, upang mailapit ko sila sa Diyos. Sa piling naman ng mga Hentil, na hindi saklaw ng Kautusan ni Moises, ako'y naging parang Hentil upang sila'y mahikayat ko rin. Subalit hindi ito nangangahulugang hindi ko sinusunod ang mga utos ng Diyos, sapagkat ako'y nasa ilalim ng kautusan ni Cristo. Sa piling ng mahihina sa pananampalataya, ako'y naging parang mahina rin upang mahikayat ko sila. Ako'y nakibagay sa lahat ng tao upang sa lahat ng paraan ay makapagligtas ako ng kahit ilan man lamang. Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Magandang Balita, upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito." 1 Mga Taga-Corinto 9:19-23 RTPV

    Sinabi ni Pablo na wala siya sa ilalim ng kautusan ng Lumang Tipan ng mga Hudyo dahil nasa ilalim siya ng kautusan ni Cristo. Ang kautusan ni Kristo ay hindi ang Lumang Tipan na legal na sistema muli. Ang Bagong Tipan ay may sariling legal na kodigo. Hindi tayo malaya ng magkasala dahil napalaya na tayo sa kautusan ng Lumang Tipan. Sa katunayan, siyam sa Sampung Utos ay kasama at pinalawak sa Bagong Tipan. Ang mga ito ay inilalapat sa mga Kristiyano dahil sila ay iniutos sa Bagong Tipan, hindi dahil sila ay iniutos sa Lumang Tipan.

Kinailangang tanggalin ni Jesus ang kautusan ng Lumang Tipan bago niya maibigay sa atin ang Bagong Tipan.

Sinasabi sa Hebreo 10:9-10, 

"Saka niya idinugtong, “Ako'y narito upang sundin ang iyong kalooban.” Sa ganitong paraan, inalis nga ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Cristo. At dahil sinunod niya ang kalooban ng Diyos, tayo ay ginawang banal ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng minsanan at sapat na paghahandog ng kanyang sarili." Mga Hebreo 10:9-10 RTPV

    Ginawa ni Kristo ang lahat ng ito para sa atin! Ang Kautusan ni Kristo ang tanging kautusan na kailangang sundin ng mga Kristiyano sa ilalim ng Bagong Tipan (Galacia 6:2; Roma 6:14; 1 Corinto 9:20-21; 2 Corinto 3:3-11, 12-18).

Sinasabi ni Hesus sa Juan 17:1-3, 

"Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya. Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak. Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo." Juan 17:1-3 

At sinabi ng 1 Juan 2:25, 

"At ito naman ang ipinangako sa atin ni Cristo, ang buhay na walang hanggan." 1 Juan 2:25 

    Ang kailangan lamang nating gawin ay magtiwala sa ginawa ni Hesukristo para sa atin at maniwala sa pangako na buhay na walang hanggan na ibinigay sa atin ng Diyos. Darating ang pagbabago. Hindi dahil tayo ay nakatuon sa kautusan, kundi dahil tayo ay pinangunahan ng Espiritu (Galacia 5:16-18, 22-23).

    Mayroon na tayong pagpipilian, maaari nating piliin na mamuhay bilang isang alipin sa ilalim ng Lumang Tipan na "kautusan ng kasalanan at kamatayan", o, maaari nating piliin na mamuhay ng may kalayaan sa ilalim ng kautusan ng Bagong Tipan sa pamamagitan ng Espiritung nagbibigay-buhay.

Aling tipan ang gusto mong isabuhay?




Support this Ministry

Gcash# 09695143944

or scan the image below










Saturday, September 2, 2023

"PAANO UUNAWAIN ANG HULA NI CRISTO SA MATEO 24? ANG KAHULUGAN NG "KATAPUSAN NG PANAHON(MUNDO)" (PART 5, Final)



Tanong #3: “Paano naman ang Tungkol sa Katapusan ng Panahon (Mundo)?


    Ang ikatlong tanong na itinanong ng mga disipulo ay patungkol sa katapusan ng panahon (Mat. 24:3). Gaya ng nabanggit natin kanina, ang salitang Griego para sa panahon, (Grk. aion), ay isinalin sa ilang bersiyon ng Bibliya bilang “sanlibutan,” at, maaaring ang mga alagad ay nagtatanong tungkol sa katapusan ng sanlibutan. Sa pagkakataong ito ay gagamitin natin ang terminong “panahon,” ngunit ang katapusan ng kapanahunan ay tiyak na siya din ang katapusan ng mundo gaya ng alam natin.

Sinagot ni Jesus ang Ikatlong Tanong

    Sinagot ni Hesus ang ikatlong tanong ng mga disipulo sa Mateo 24:35-25:46. Mapapansin ng mga Kristiyanong may red-letter edisyon ng Bibliya (iyon ay isang edisyon kung saan ang lahat ng mga salita ni Jesus ay nakalimbag sa pula) na ang Mateo 24:35-25:46 ay pawang mga salita ni Jesus. Ito ay isang mahabang diskurso kung saan sinagot ni Jesus ang tanong tungkol sa katapusan ng panahon.

    Tatalakayin natin isa-isa ang mga talatang ito, ngunit, mahalagang tukuyin muna natin kung paano malalaman na ang Mateo 24:35 ay siyang pasimula ng mga sagot ni Jesus sa ikatlong tanong. Hindi ito basta-basta pinili lang na talata, ito ay bunga ng isang maingat na pagsusuri sa Kasulatan. Hayaan niyong ipaliwanag namin ito.

    Napag-aralan na natin ang Mateo 24:34, kung saan sinabi ni Jesus na iyon ay mangyayari sa henerasyong iyon. Siya ay nagbigay ng isang makatwirang dahilan para makita natin kung paanong ang mga pangyayari sa Mateo 24:34 ay maaaring maganap sa mga susunod na henerasyon.

    Dagdag pa, mapapansin natin ang susunod na talata, kung saan sinimulan ni Jesus na sagutin ang ikatlong tanong:

“Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.” (Matthew 24:35, Tagalog AB)

    Binibigyang-diin ni Jesus kung paanong tiyak na magkakatotoo ang Kanyang mga salita, ngunit gumagawa rin Siya ng pahayag tungkol sa katapusan ng mga bagay—ang langit at lupa ay lumilipas. Iyan ang itinanong ng mga alagad sa kanilang ikatlong tanong: "Paano naman ang Tungkol sa Katapusan ng Panahon (Mundo)?

    Sa wakas, malalaman natin na dito nagsimulang sagutin ni Jesus ang ikatlong tanong dahil nagsimula Siyang magsalita tungkol sa “araw at oras”:

“Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” (Matthew 24:36, Tagalog AB)

    Kapag ginamit ng Bibliya ang terminolohiya na “ang araw at oras,” o “ang Dakilang Araw,” o “ang huling araw,” o sa ilang konteksto “ang araw,” ito ay tumutukoy sa araw ng paghuhukom, at hindi lamang sa anumang araw ng paghuhukom, kundi ang huling dakilang araw ng paghuhukom kung kailan pahaharapin ng Diyos ang lahat ng tao upang managot sa katapusan ng mundo (Matt. 7:22; Luke 10:12; John 6:39; 12:48; Rom. 2:16; 1 Cor. 1:8; 3:13; 5:5; Phil. 1:6; 1:10; 2 Thess. 1:10; 2 Tim. 1:18; 4:8; Heb. 10:25; 2 Pet. 3:10, 12; Jude 1:6).

    Ang huling dakilang araw ng paghuhukom ay ang paksa ng iba pang bahagi ng Mateo 24 at lahat ng Mateo 25. Inihambing ni Jesus ang dakilang araw ng paghuhukom sa paghuhukom sa baha ni Noe (Mat. 24:37-39), dalawang lalaki sa isang bukid (24: 40-41), isang magnanakaw na dumarating sa gabi (24:42-44), isang panginoon na bumalik upang hilingin sa kaniyang mga lingkod na magbigay ng pagsusulit (24:45-51), isang lalaking ikakasal na bumalik para sa kaniyang nobya (25:1-13). ), at isang panginoon na nagbabalik upang tingnan kung paano ginamit ng kaniyang mga lingkod ang kanilang mga talento (25:14-30). Tinapos ni Jesus ang mga dakilang aral ito sa pamamagitan ng pagbanggit tungkol sa pagdating ng Anak ng Tao sa kaluwalhatian kasama ng lahat ng mga anghel, at pagkatapos ay titipunin ang lahat ng mga bansa sa harap Niya (Mat. 25:31-46).

    Susuriin natin ang bawat isa sa mga talatang ito ngunit mapapansin na ang bawat isa sa mga talatang ito ay nagsasalita tungkol sa darating na paghuhukom at ang nagbabalik na Hukom. Kaya naman, naiintindihan natin na sinasagot ni Jesus ang ikatlong tanong tungkol sa katapusan ng panahon (o mundo).


Mateo 24:36: "Walang Nakaaalam Kung Kailan"

“Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” (Matthew 24:36, Tagalog AB)

    Ang pangunahing punto ng talatang ito ay ang araw ng Panginoon ay magiging isang sorpresa. Hindi alam ni Hesus kung kailan ito darating. Hindi alam ng mga anghel. Tanging ang Ama lamang ang nakakaalam. Ipinaliwanag ni Jesus na ito ay darating nang walang babala.

     Pansinin kung gaano kaiba ang sagot ng ating Panginoon sa tanong na ito kaysa sa iba pang dalawang tanong. Tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem, sinabi ni Jesus na magkakaroon pa ng panahon para ipangaral ang ebanghelyo, at pagkatapos ay palilibutan ng mga hukbo ang Jerusalem. Tungkol sa pagdating ng ating Panginoon sa Kanyang kaharian, sinabi ni Jesus na ang pangunahing nakikitang tanda ay ang pagkawasak ng Jerusalem at ng Templo. Gayunpaman, tungkol sa katapusan ng panahon, sinabi ni Jesus, "Walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak."

    Ang nakakagulat na elemento ng katapusan ng panahon ay isang pangunahing tema ng bawat isa sa mga talinghaga na ibinigay ni Jesus sa iba pang bahagi ng Mateo 24 at lahat ng Mateo 25.


Mateo 24:37-39: "Kung Paano ang mga Araw ni Noe"

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” (Matthew 24:37-39, Tagalog AB)

   Nais ni Jesus na itanim sa isipan ng mga disipulo (at sa ating isipan) na ang huling araw ng paghuhukom ay darating bilang isang sorpresa. Gaya noong araw ni Noe, ang mga tao ay nagsisikain at nagsisiinom, nangagaasawa at pinapagaasawa; pagkatapos ay biglang magpapakita si Jesus, at ang araw ng paghuhukom ay darating.

Mateo 24:40-42: "Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake"


“Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan: Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan. Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” (Matthew 24:40-42, Tagalog AB)

    Ang pangunahing punto ng talatang ito ay ang dakilang araw ng paghuhukom ay darating nang biglaan, samakatuwid, ang mga tao ay dapat palaging maging alerto.


Mateo 24:43, 44: "Gaya ng Magnanakaw sa Gabi"

    Sumunod, itinuro ni Jesus ang sorpresang elemento sa pamamagitan ng isang talinghaga ng isang magnanakaw na dumarating sa gabi.

“Datapuwa't ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay. Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.” (Matthew 24:43-44, Tagalog AB)

    Hindi lamang darating ang dakilang araw ng paghuhukom nang walang babala, ngunit darating ito nang hindi natin inaasahan. Kaya't maging handa sa lahat ng oras.

Mateo 24:45-51: "Bilang ang Panginoon na Darating"

“Sino nga baga ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng pagkain sa kapanahunan? Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari. Datapuwa't kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon; At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing; Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya nalalaman, At siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.” (Matthew 24:45-51, Tagalog AB)

    Maraming aral ang makukuha mula sa talatang ito, ngunit ang pinakapangunahing katotohanan ay darating ang araw ng paghuhukom bilang isang sorpresa nang walang babala, at samakatuwid, ang nakikinig ay hinihimok na patuloy na maging masigasig sa paglilingkod at mamuhay nang matwid.

Mateo 25:1-13: "Bilang ang Sampung Birheng Naghihintay"

    Sa susunod na talata, sinabi ni Jesus ang isang talinghaga ng 10 birhen na naghihintay sa pagdating ng kanilang kasintahang lalaki at kunin sila. Ang lima sa mga birhen ay hangal, hindi handa sa pagbabalik ng lalaking ikakasal, habang ang lima pa ay matatalino, na nananatiling handa para sa lalaking ikakasal.

  Ang pinaka-malinaw na aral, muli, ay ang bayan ng Diyos ay dapat maging handa dahil si Jesus ay maaaring bumalik sa anumang oras nang walang babala.

Mateo 25:14-30: "Bilang Mga Lingkod na May Talento"


    Pagkatapos ay nagsabi si Jesus ng isang talinghaga tungkol sa isang taong ipinagkatiwala ang kanyang mga ari-arian sa tatlong alipin. Ang isa ay binigyan niya ng limang talento, ang isa ay dalawa, at ang huling alipin ay isang talento. Nang bumalik ang panginoon, hiniling niya na ang bawat alipin ay magbigay ng ulat kung paano niya ginamit ang mga talento. Pagkatapos ay ginantimpalaan niya ang bawat isa nang sapat.

    Ang pangunahing aral ng darating na paghuhukom ay napakalinaw na hindi na natin kailangang magkomento.

    Ang pangalawang aral ay na magkakaroon ng malaking pagkaantala bago ang pagbabalik ni Kristo. Nakita natin ang pagkaantala na iyon sa verse 19, na nagsasabing:

“Pagkatapos nga ng mahabang panahon, ay dumating ang panginoon ng mga aliping yaon, at nakipaghusay sa kanila.” (Matthew 25:19, Tagalog AB)

Ang pagkaantala na ito ay hindi katulad ng paghatol sa Jerusalem, na mangyayari sa henerasyong iyon.


Mateo 25:31-46: Ang Dakilang Araw ng Paghuhukom

    
    Sa huling bahagi ng Mateo 25, nagbigay si Jesus ng paglalarawan at buod ng darating na dakilang araw ng paghuhukom.

“Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo...' Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan... At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.” (Matthew 25:31-46, Tagalog AB)

Muli, malinaw ang aral: Si Jesus ay babalik upang hatulan ang matuwid at hindi matuwid.

   Ang ikatlong tanong na itinanong ng mga alagad—“Paano naman ang Tungkol sa Katapusan ng Panahon (Mundo)?—malinaw na sinagot ito ni Jesus.


Summary

    Ang partial preterist na pag-unawa sa Mateo 24, na ipinakita namin sa iyo, ay pananaw ng maraming bahagi ng mga Kristiyano sa buong mundo. Ang dahilan kung bakit namin binanggit ito ay upang linawin na hindi kami nagharap ng ilang kakaibang doktrina na hindi pinaniniwalaan ng iba. Libu-libong mga guro ng Bibliya ang nagpapaliwanag sa Mateo 24 na katulad ng kung paano namin ipinaliwanag ito dito.

    Kung tatanggapin mo ang partial preterist na pananaw ng Mateo 24, kung gayon ay yayakapin mo ang maraming ideya na maaaring bago sa iyo, ang pinakamahalagang punto ay na walang mga palatandaan na aabangan tayo bago ang ikalawang pagdating ni Jesus o ang katapusan ng mundo. Si Jesus ay walang alam na anumang tanda, at walang sinuman ang makakaalam nito. Binigyang-diin ni Jesus ang puntong ito, nagbigay siya ng hindi bababa sa anim na iba't ibang talinghaga upang matiyak na mauunawaan ng Kanyang mga tagasunod na ang pagdating ni niya ay magiging ganap na sorpresa sa lahat maliban sa Ama.

    Salungat ito sa sinasabi ng mga futurist na tagapagturo, na gustong lumikha, sa pag-asam ng kanilang mga tagapakinig sa Ikalawang Pagdating, sa pamamagitan ng ng mga kwento tungkol sa dumaraming mga digmaan, taggutom, lindol, huwad na mga pinuno ng relihiyon, at mga taong humiwalay sa pananampalataya. Sa katotohanan, ang lahat ng mga palatandaang ito ay patungkol sa pagkawasak ng Jerusalem noong A.D. 70. Kapag bumalik si Jesus sa isang punto sa hinaharap, ikaw ay kakain at iinom, nagmamaneho ng iyong sasakyan, natutulog sa kama, o nagtatrabaho sa iyong trabaho. Pagkatapos ay biglang magpapakita si Hesukristo sa langit. Walang babala, walang senyales.

- The End of Matthew 24 Series -