Friday, September 15, 2023

REVELATION 13: ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA "MARK OF THE BEAST"!


    Nagsisimula ang Chapter 13 sa dragon—ang masamang puwersa sa likod ng Roman Empire—na nakatayo sa buhangin ng dalampasigan. Sa katunayan, ang Roman Empire ay tila bumangon mula sa Mediterranean Sea sa peninsula ng Italya. Dapat din nating isaalang-alang kung paano ang dagat sa propetikong wika kung minsan ay kumakatawan sa sangkatauhan (Rev. 17:15). Kaya naman, nalalaman natin ang Roman Empire ay nagmula sa "dagat" ng sangkatauhan.

Pagkatapos ay inilarawan ni Juan ang Beast:

“At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.” (Revelation 13:1, Tagalog AB)

Sino ang Beast na ito?

     Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Juan na ibinigay ng dragon sa Beast ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.(Apoc. 13:2). Dahil ang mga Beast ay madalas na tumutukoy sa mga pinuno, makikita natin ang Beast na ito bilang isa sa mga pinuno ng Roman Empire.

    Kapag pinag-aaralan natin ang mga pangyayari sa kasaysayan, kamangha-mangha kung gaano kalinaw na tumutugma kay Emperador Nero ang paglalarawang ito at kung paano siya namuhay alinsunod sa mga pangitain na inilarawan ni Juan sa mga talata sa aklat ng Revelation. Inilarawan ni Juan kung paano nilapastangan ng pinunong ito ang Diyos at talagang napakasama nito (Rev. 13:5-7). Sa katunayan, mahirap isipin kung mayroon pang ibang pinuno na mas higit na masama pa kaysa kay Nero. Palibhasa'y nasisiyahan sa pagsamba na iniaalok sa kanya ng mga tao, mayroon siyang 120 talampakang taas na imahe ng kanyang sarili na itinayo sa Roma. Sa Efeso, may nakitang mga inskripsiyon na tumatawag kay Nero na “Makapangyarihang Diyos sa lahat” at “Tagapagligtas.” 

    Marami siyang napatay na miyembro ng sarili niyang pamilya, kasama na ang sarili niyang asawa na buntis pa, na sinipa niya hanggang sa mamatay. Lantaran at pampubliko din ang homosexual na aktibidad ni Nero. Pinakasalan niya ang isang batang lalaki sa isang pampublikong seremonya, pagkatapos ay kinapon niya upang ituring siya bilang kanyang asawa. Nagpatuloy din siya sa isang incest na relasyon sa kanyang ina. Kung minsan ay nagbibihis si Nero na parang mabangis na hayop at sinasalakay, ginahasa, at pinatay ang mga bilanggo na lalaki at babae. Nasiyahan siya sa pag-atake sa kanilang mga sekswal na bahagi gamit ang kanyang mga ngipin. Lubos na nasiyahan si Nero na panoorin ang mga taong pinahihirapan at nagdurusa sa pinakakasuklam-suklam na kamatayan. Sa wakas, sa edad na 31, pinatay niya ang sarili.

Ayon kay F.W. Farrar:

"Lahat ng pinakaunang Kristiyanong manunulat sa Revelation, mula kay Irenaeus hanggang sa Victorious of Pettau at Commodian noong ikaapat, at Andreas noong ikalima, at St. Beatus noong ikawalong siglo, ay nag-uugnay kay Nero, o ilang Romanong emperador, sa Beast ng Revelation." [1]

    Karaniwang pinaniniwalaan ng early church na si Nero ang Beast ng Revelation. Tinukoy din si Nero bilang isang Beast ng ilang mga nasa labas ng Kristiyanismo. Halimbawa, sumulat si Apollonius ng Tyrana:

"Sa aking mga paglalakbay, na mas malawak pa kaya nagawa ng ibang tao, nakakita ako ng maraming mababangis na hayop ng Arabia at India; ngunit ang Beast na ito, na karaniwang tinatawag na Tyrant, hindi ko alam kung gaano karaming mga ulo mayroon ito, o kung ito ay may baluktot na kuko at armado ng kakila-kilabot na mga pangil. . . . At tungkol sa mga mabangis na hayop na ito ay hindi mo masasabi na sila ay kilala na kumakain ng kanilang sariling ina, ngunit si Nero ay nabusog sa pagkain na ito."[2]

Revelation 13:3: Pinatay at Pinagaling

Sumulat pa si Juan tungkol sa Beast:

“At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa'y nanggilalas sa hayop;” (Revelation 13:3, Tagalog AB)

    Ang malapit-kamatayang karanasang ito ay tumutugma sa panahon kung saan halos nawasak ang Roman Empire. Hindi lamang isang ikatlong bahagi ng Roma ang nasunog noong A.D. 64, ngunit sa mga taon na nakapaligid sa paghahari ni Nero apat na emperador ang napatay, mayroong tatlong digmaang sibil, at maraming digmaang ang sumiklab sa palibot ng imperyo. Isinulat ni Josephus na ang Roma ay malapit na sa “pagkawasak”[3] at “bawat bahagi ng matitirahan na lupa sa ilalim nila ay nasa isang hindi maayos at pagiray-giray na kalagayan.”[4] Inilarawan pa ni Tacitus ang mga kalagayan ng imperyo at isinulat na ito ay halos katapusan na. .[5] Hanggang sa pumalit si Vespasian bilang emperador, naranasan ng Roman Empire ang pagbabalik sa kapayapaan at kaayusan.

Revelation 13:5-8: Pag-uusig sa mga Banal

    Ayon sa ulat ng kasaysayan, si Nero ang emperador na nag-utos ng matinding pag-uusig sa unang mga Kristiyano matapos masunog ang lungsod ng Roma. Ipinaliwanag ni Juan kung paano binigyan ng awtoridad ang Beast sa loob ng 42 buwan, samakatuwid nga, tatlo at kalahating taon, upang lapastanganin at “makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila.” (Apoc. 13:7). Nakapagtataka, ang pag-uusig ni Nero sa mga Kristiyano ay tumagal ng eksaktong 42 buwan, mula sa kalagitnaan ng Nobyembre noong 64 hanggang sa simula ng Hunyo noong 68, nang siya ay nagpakamatay.[6]

    Tamang-tama ito sa paglalarawang ibinigay ni Juan tungkol sa Beast (emperador ng Roma) na binigyan ng kapangyarihan ng dragon (Satanas), inusig ang mga banal sa loob ng 42 buwan, at pinasamba siya ng lahat ng tao (Apoc. 13:8).

    Sinasabi ng ilang salin ng Bibliya na ang lahat ng tao sa buong lupa ay sumasamba sa kaniya, ngunit nararapat na muling ituro na ang salitang “lupa” ay isinalin mula sa salitang Griego na ge, na maaari ding isalin bilang “lupain.” Kaya naman, nauunawaan natin na inilalarawan ni Juan ang naganap sa lupain, at sa kontekstong ito, ito ang lupain ng Roman Empire kung saan ang lahat ng tao ay kinakailangang sumamba sa emperador.

Revelation 13:16-18: Ang Mark of the Beast

    Nagbigay si Juan ng numero upang makilala ang Beast: 666. Ang bilang na ito ay nagdulot ng napakalaking kontrobersya sa maraming mga Kristiyano at ginamit ng mga mangangaral, manunulat, at gumagawa ng pelikula upang magtanim ng takot sa puso ng milyun-milyon. Gayunpaman, dapat nating unawain ito gaya ng pagkakaunawa ng mga unang taong bumasa ng mga isinulat ni Juan.

    Isang laganap na katotohanan na ang pangalan ni Nero ay katumbas ng 666. Totoo ito dahil ang mga titik ng alpabetong Hebreo ay nagtataglay ng mga numerong halaga. Ito ay katulad ng kung paano ginagamit ang ilang mga titik sa alpabetong Romano bilang mga numeral: Ang ibig sabihin ng “I” ay 1; Ang ibig sabihin ng “V” ay 5; Ang ibig sabihin ng “X” ay 10; Ang ibig sabihin ng “L” ay 50; Ang ibig sabihin ng “C” ay 100; at ang ibig sabihin ng “D” ay 500. Samakatuwid, kung makikita natin ang mga sumusunod na letrang Romano, DCLXVI, alam natin na ito ay katumbas ng numero sa 666. Hindi ito mahirap malaman para sa sinumang nakakaunawa ng mga Roman numeral. Hindi rin mahirap para sa sinumang Judiong marunong bumasa at sumulat na basahin ang bilang ng pangalan ni Nero. Ang Hebrew spelling ni Nero Caesar ay NRWN QSR (binibigkas na Neron Kesar). Ang katumbas sa Hebreo ng pangalang ito ay 666.[7]

Ang mga numerong halaga ng mga titik na Hebreo sa Neron Kesar (Nero Caesar) ay:


    Bakit ginamit ni John ang numerong 666 sa halip na gamitin na lamang ang pangalan ni Nero? Si Juan ay sumusulat sa mga Kristiyano na nasa ilalim ng matinding pag-uusig. Ang kanilang mga pamilya at kaibigan ay pinahirapan at pinapatay sa buong imperyo. Kung ang sinumang Kristiyano ay nahuli na may isang libro kung saan si Nero ay inilagay sa masamang paglalarawan, ang Kristiyanong iyon ay maaaring asahan na agad na dalhin sa bilangguan o kaya ipadala sa mga coliseum upang lapain ng mga mababangis na hayop. Ngunit ang mga sinaunang Kristiyano ay pangunahin mga Judiong nakumberte, at samakatuwid ay naiintindihan nila ang kahulugan ng bilang na 666. Para sa kanila ay walang pag-aalinlangan na si Nero ang tinutukoy ni Juan. Siya ang pumatay sa kanilang mga pinuno, kaibigan, at kapamilya.

    Napakahalagang paglaanan ng panahon na pag-usapan ang walang katapusang talakayan sa gitna ng mga futurist preachers tungkol sa ilang tao sa hinaharap na tutupad ng numerong ito. Ang pinakakaakit-akit na mga kuwento ay nakasentro sa mga aral ng mga futurist na balang araw ay magkakaroon ng isang antikristo na literal na sasakupin ang mga sistema ng ekonomiya ng mundo at pagkatapos ay kokontrolin ang lahat ng gastusin ng sangkatauhan. Magiging posible diumano ang kontrol na ito dahil iuutos ng antikristo na ang bawat tao ay tumanggap ng computerized chip sa kanilang noo o kanang kamay.

    Sa katotohanan, ang salitang “antikristo” ay hindi kailanman binanggit kahit isang beses sa buong aklat ng Revelation. Ang tanging dako kung saan ginamit ang salitang "B" ay sa 1 at 2 Juan. Walang batayan sa Bibliya para itumbas ang Beast ng Revelation sa anticristo na binanggit sa mga sulat ni Juan. 

    Susunod, napakahalaga talagang punahin ang hindi balanseng mga turo ng mga futurist tungkol sa mark of the Beast. Ang isang tao ay maaaring pumunta sa mga Christian bookstores at makahanap ng ilang mga libro na tumatalakay tungkol sa mark of the Beast, bawat libro ay nagbibigay ng interpretasyon ng may-akda ng ilang mga antikristo na lilitaw sa hinaharap. Kasabay nito, makakahanap tayo ng iilang Kristiyanong may-akda na sumulat tungkol sa mark of God. Alam mo ba na ang mark of God, ang tatak ng Diyos, at ang pangalan ng Diyos, na nakasulat sa noo ng Kanyang mga lingkod, ay binanggit sa aklat ng Revelation na eksaktong kapareho ng bilang ng mark of the Beast? Parehong binanggit ito ng pitong beses. Mayroong ibig sabihin it. Ang katotohanan na ang mga futurist ay madalas bumabanggit tungkol sa mark of the Beast at hindi man lang binabanggit ang mark of God ay nagpapatunay lamang sa atin na hindi balanse ang kanilang mga turo. Bilang mga Kristiyano, hindi ba tayo dapat maging mas interesado sa mark of God—na nabubuhay ngayon at aktibo sa ating buhay—kaysa sa mark of the Beast na hindi natin alam kung umiiral pa?

    Higit pa rito, dapat nating maunawaan ang mark of the Beast mula sa isang katulad na balangkas ng pag-iisip ng tulad sa mark of God. Ang ibig nating sabihin ay kung literal na uunawain ang mark of the Beast, dapat din unawain nang literal ang mark of God. Sa kabilang banda, kung tatanggapin natin ang mark of the Beast sa espirituwal na paraan, dapat din nating unawain ang mark of God sa espirituwal na paraan. Iyan ay simpleng katapatan at integridad sa paraan ng pagbibigay natin ng kahulugan sa Kasulatan. Ang dalawang mga marka na ito ay binanggit sa aklat ng Revelation at magkasama pa sa parehong kabanata (kabanata 14).

    Kung gayon bakit ang mga futurist ay naglalagay ng takot sa mga tao sa pamamagitan ng pagtalakay tungkol sa isang computerized chip na ilalagay sa mga noo o kanang kamay ng mga tao? Naniniwala rin ba sila na ang mark of God ay magiging isang computerized chip? Syempre hindi. Iyon ay nagpapahiwatig lamang ng kalokohan ng pagkatakot sa computer chip na pawang kathang isip lamang. Muli, sinasabi natin na kung ang isa ay literal, literal din naman ang isa. Kung ang isa ay espirituwal, ay espirituwal din naman ang isa . Dapat tayong maging consistent sa paraan natin ng paggamit ng Kasulatan.

    Ang mga partial preterists ay naniniwala na ang parehong mga marka ay dapat na unawain sa isang espirituwal na kahulugan. Ang mga taong ibinibigay ang kanilang sarili sa mga gawa ni Satanas ay magkakaroon ng marka ng kasamaan sa kanilang mga pag-iisip at sa mga gawa ng kanilang mga kamay. Yaong mga isinusuko ang kanilang mga sarili sa Diyos ay magkakaroon ng marka ng Diyos sa kanilang mga isipan at mga gawa ng kanilang mga kamay. Ang tatak ng Diyos sa Kanyang mga lingkod ay ang Kanyang Espiritu. Sa katulad na paraan, ang mga nag-alay ng kanilang buhay at puso kay Satanas ay mamarkahan ng espiritu ng kasamaan.

    Gayunpaman, ngayon kailangan nating ibalik ang buong talakayang ito sa konteksto kung saan isinulat ang aklat ng Revelation. Si apostol Juan ay sumusulat sa mga tunay na Kristiyano noon na nagtitiis ng tunay na pag-uusig. Ang pag-uusig na iyon ay isinasagawa sa ilalim ng isang tao na ang pangalan ay katumbas ng 666. Para sa unang-siglong mga Kristiyano, maliwanag ang kahulugan kung sino ito.


Source: Harold R. Eberle. “Victorious Eschatology: A Partial Preterist View, Second Edition (2009). ebook. pp. 165-172

Support this ministry

Gcash# 09695143944

or



Footnote:

[1] The Early Days of Christianity, 1884, p. 541

[2] Philostratus, Life of Apollonius, cited in John T. Robinson, Redating the New Testament (Philadelphia, PN: Westminster, 1976) p. 235. 180

[3] Flavius Josephus, The Wars of the Jews, iv:xi:5

[4] Ibid., vii:iv:2.

[5] Cornelius Tacitus, Histories, 1.11.

[6] David Chilton, Paradise Restored (Tyler, TX: Dominion Press, 1994), p. 179. 181

[7] Kurt Simmons, The Consummation of the Ages (Carlsbad, NM: Bimillennial Preterist Association, 2003), p. 268; R. C. Sproul, The Last Days According to Jesus (Grand Rapids, MI: Baker Books, 1998), pp. 186-188.
















No comments:

Post a Comment