Friday, February 28, 2025

ELLEN G. WHITE PROPHESIED JESUS WOULD RETURN IN 1843, 1844, 1845, AND 1851, BUT IT DIDN'T HAPPENED!

SEVENTH-DAY ADVENTISTS HAVE NO POWER TO KEEP THE LAW!

Wednesday, February 26, 2025

SDAs ARE NOT RECONCILED WITH GOD THROUGH THE ATONEMENT OF CHRIST!

Sunday, February 23, 2025

FORMER ADVENTIST PHILIPPINES PODCAST: QUESTION & ANSWER | FEB 16 2025

Saturday, February 22, 2025

THE ADVENTIST SANCTUARY DOCTRINE PROMOTE SALVATION BY WORKS!

Friday, February 21, 2025

SDA SANCTUARY DOCTRINE: SATAN AS THE ADVENTIST SIN BEARER!

KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS VERSE-BY-VERSE SA JUAN 14:15:"KUNG AKO'Y INYONG INIIBIG, AY TUTUPARIN NINYO ANG SAMPUNG UTOS?"

"Kung ako'y inyong iniibig, ay 
tutuparin ninyo ang aking mga utos."
Juan 14:15


CHALLENGE NG MGA SABADISTA:

"Ang mga tunay na Kristiyano ay nagmamahal kay Jesus bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas ay dapat sumunod sa Sampung Utos. Kung hindi ka sumusunod sa Sampung Utos, nangangahulugan ito na hindi mo tunay na mahal si Jesus."

Sagot:

Narito ang dalawang dahilan kung bakit mali ang pananaw ng mga Sabadista sa Juan 14:15 upang ipilit na ang mga Kristiyano ay kailangang sumunod pa rin sa Sampung Utos:

#1.) Ang salitang "utos" na tinukoy ni Jesus sa Juan 14:15 ay hindi tumutukoy sa "Sampung Utos," base sa salitang Griyego na "entole."

Isang karaniwang isyu sa interpretasyon ng Juan 14:15 ng mga Sabadista ay ang maling pag-unawa sa konteksto ng talata. Ang pangunahing pagkakamali ay ang kanilang pagpapalagay na ang "utos" sa bersikulong ito ay eksklusibong tumutukoy sa Sampung Utos. Ang ganitong maling paraan ng pagbibigay-kahulugan ay tinatawag na eisegesis, kung saan ipinapataw ang sariling ideya sa teksto, sa halip na exegesis, na kinukuha ang kahulugan mula mismo sa teksto. Sa madaling salita, gumagamit sila ng paraan ng proof-texting upang iakma ang talata sa kanilang paniniwala, na sinasabing ito ay tumutukoy sa Sampung Utos, na isang maling representasyon ng layunin ng Kasulatan.

Sa Griyegong teksto ng Juan 14:15, sinabi ni Jesus, “Ἐὰν ἀγαπᾶτέ με, τὰς ἐντολὰς τὰς ἐμὰς τηρήσετε” (transliterated: “Ean agapate me, tas entolas tas emas tērēsete”). Ang salitang ginamit para sa “mga utos” ay “ἐντολὰς” (entolas), plural ng 'entole', na hindi partikular na tumutukoy sa Sampung Utos dahil ang mas kilalang termino na kilala ng mga alagad ni Jesus para sa Greek ng Sampung Utos ay "Δέκα Λόγοι" [Deka Logoi=Ten words] o "Δέκα Ρήματα" [Deka Rhemata=Ten Sayings]. Nangangahulugan lamang ito ng “mga utos” o “mga tagubilin.” Kung layunin ni Jesus sa Juan 14:15 na tukuyin ang Sampung Utos, maaaring ginamit ang pariralang "Δέκα Λόγοι" [Deka Logoi=Ten words] o "Δέκα Ρήματα" [Deka Rhemata=Ten Sayings] at hindi "entolas". Gayunpaman, ang ginamit na salitang “entolas” ay mas malawak at maaaring sumaklaw sa iba’t ibang mga utos o tagubilin, hindi limitado sa Sampung Utos.  

Ipinaliliwanag ng Eerdman’s Exegetical Dictionary of the New Testament na sa Juan, ang usapan ay hindi nakasentro sa kautusan ni Moises sa Lumang Tipan; sa halip, ito’y tumutukoy sa banal na utos na tinanggap ni Jesus mula sa Ama at sa mga tiyak na tagubiling Kanyang ibinigay sa Kanyang mga tagasunod.

"Sa kaibahan sa iba pang mga sulatin sa Bagong Tipan, ang salitang ἐντολή ay hindi kailanman ginamit sa mga akda ni Juan upang tumukoy sa Kautusang Mosaiko. Sa halip, ang ἐντολή ay tumutukoy sa atas ng Ama na ibinigay sa Anak (Juan 10:18; 12:49, 50; 15:10) at sa utos ni Cristo para sa kanyang mga alagad (13:34; 14:15, 21; 15:10, 12)."(sa akin ang  pagsasalin sa Filipino) [1]

Ang mga sumusunod na mga talata ay naglalaman ng mga utos o mga tagubilin na ibinigay ni Jesus bilang "entole" sa kanyang mga alagad batay sa konteksto:

"Isang bagong utos [entole] ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa." Juan 13:34

"Kung ako'y inyong iniibig [entole] ay tutuparin ninyo ang aking mga utos." Juan 14:15

"Ang mayroon ng aking mga utos [entole], at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya." Juan 14:21

"Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos [entole], ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig." Juan 15:10

"Ito ang aking utos [entole], na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo." Juan 15:12

#2.) Ayon sa konteksto, ang “mga utos” na binanggit ni Jesus sa Juan 14:15 ay hindi ang “Sampung Utos,” kundi ang tagubilin na “mag-ibigan kayo tulad ng pag-ibig ko sa inyo.”

Ang tanging paraan upang matukoy kung  aling utos ang tinutukoy ni Jesus dito ay basahin at unawain ang agarang konteksto ng Juan 14:15. Ayon sa Handbook of Seventh-Day Adventist Theology (pahina 477), ang Ebanghelyo ni Juan ay gumagamit ng salitang “entole” ng sampung beses sa konteksto mula kabanata 10 hanggang 15. Gayunpaman, hindi ito tahasang nag-uugnay sa Sampung Utos. Sa halip, ang pinakamalapit na pagbanggit ng utos (entole) ay ang “bagong utos” (Juan 13:34) na ibinigay ni Jesus: “Mag-ibigan kayo tulad ng pag-ibig ko sa inyo.”

“Sa pagitan ng mga kabanata 10 at 15, ginamit ni Juan ang salitang *entolē* o “utos” ng sampung beses. Kabilang dito ang “bagong utos” sa Juan 13:34 at dalawang pagbanggit sa pagsunod sa mga utos ni Cristo (Juan 14:15; 15:10). Ang bahaging ito ng Ebanghelyo ay may pagkakapareho sa ilang aspeto ng paggamit ng *entolē* sa mga Epistola ni Juan.”(sa akin ang  pagsasalin sa Filipino)[2]

Ang turo ni Jesus, ayon sa pagkaunawa ng mga alagad, ay “mag-ibigan kayo tulad ng pag-ibig ko sa inyo” (13:34; 15:12; tingnan din sa 1 Juan 4:21; 2 Juan 6). Ayon sa 1 Juan 3:23, ang ἐντολή (entole = utos) ng Diyos ay may dalawang kahulugan: pananampalataya sa Anak, si Jesus Cristo, at ang pagmamahalan ng bawat isa.

"At ito ang kaniyang utos[entole] , na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo, at tayo'y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos [entole]  sa atin." I Juan 3:23

Bagaman hindi tinatalakay ng mga kabanatang ito ang Sampung Utos, ang mga turo ni Jesus ay sumasaklaw sa iba’t ibang tagubilin at mga prinsipyo ng etika. Ang pokus ay nasa pagmamahal, pagtalima, at matapat na pamumuhay. Ang mga utos ni Jesus ay ang mga tagubilin na ibinigay Niya sa atin sa mga Ebanghelyo at sa natitirang bahagi ng Bagong Tipan.

Kaya't ang Sampung Utos ay hindi nagsisilbing sukatan ng ating pag-ibig kay Panginoong Jesus. Ipinahayag mismo ni Jesus na ang Kanyang mga tunay na alagad ay makikilala sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang “bagong utos” na mag-ibigan kayo.

"Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa."Juan 13:34-35.

Thursday, February 20, 2025

THE SDAs SANCTUARY DOCTRINE INSPIRED BY THE DEMONS!!!

Wednesday, February 19, 2025

Today's Topic: "Chapter 20: "Righteousness Beyond the Law"

Tuesday, February 18, 2025

THE ADVENTISTS' SANCTUARY DOCTRINE ARE NOT DERIVED FROM BIBLE STUDY!

KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS VERSE-BY-VERSE SA DANIEL 7:25: "BAKIT HINDI NATUPAD ANG LITTLE HORN SA PAPACY?"


Ang isang dahilan kung bakit komplikado ang interpretasyon ng mga Sabadista sa Daniel 7:25 ay ang kanilang pagtatangkang i-extend ang mga propesiya nito sa panahon ng Kristiyanismo.  Iniinterpret ng mga Sabadista ang literal na mga yugto ng panahon sa Daniel, yung mga prophetic time tulad ng "1,260 days" at "2,300 evening-morning", bilang kumakatawan sa mahahabang panahon ng mga taon na sumasaklaw sa maraming siglo hanggang sa panahon ng Kristiyano. Pero ang totoo, ang Daniel ay isang dokumentong Hudyo, isinulat ng isang Hudyo para sa mga Hudyo, na naghahatid ng mga propesiya ng Diyos tungkol sa Kanyang mga hinirang na bayan (Dan. 9:24). Ang focus ay sa mga kaganapang direktang nakakaapekto sa mga Hudyo at sa bansang Hudyo. Ang huling propesiya sa Daniel, yung propesiya ng "70 weeks", ay nagtatapos sa pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD. Maliban sa mga maiikling pagbanggit sa mga hinaharap na kaganapan (halimbawa, ang pagpupuno ng kaharian ni Kristo sa lupa sa Dan. 2:34-35, at ang pagkabuhay na muli sa Dan. 12:1-3), ang buong aklat ng Daniel ay nakasentro sa bansang Hebreo at ang mga interaksyon nito sa mga kapangyarihang pandaigdig mula sa panahon ng Babilonia hanggang sa huling pagkawasak ng Jerusalem at ang pagtatapos ng Lumang Tipan noong 70 AD sa panahon ng Roman Empire.

Sa ating napag-usapan dati tungkol sa Daniel Kabanata 2, inalala natin yung confusing na panaginip na bumagabag kay Haring Nabucodonosor ng Babilonia. Yung panaginip na 'yon ay tungkol sa isang higanteng estatwa na ang ulo ay ginto, dibdib at braso ay pilak, tiyan at hita ay tanso, at ang binti ay bakal na may paa na bakal at putik. Ang bawat parte ay sumisimbolo sa iba't ibang kaharian na dadaan sa kasaysayan: Babilonia, Medo-Persia, Gresya, at Roma. Tapos, may nangyari na importante—isang bato, na hindi hinawakan ng tao, ang tumama sa estatwa, winasak ito, at kumalat ang mga piraso. Pagkatapos, yung bato ay naging bundok na pumuno sa buong lupa. Ito ay simbolo ng pagtatayo ng kaharian ng Diyos, na sisimulan ng Mesias pagkatapos ng kanyang pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Itong kaharian na pinasimulan ng Mesias ay tatayo magpakailanman at walang makakatalo, na simbolo ng banal na paghahari na hindi masisira o malulupig.

Tututok tayo ngayon sa propesiya ni Daniel sa Daniel 7:25 tungkol sa "maliit na sungay". Para sa kanila, ito ay natupad sa mga ginawa ng Papacy, lalo na sa pagpapalit ng Sabbath sa Linggo at ang tagal ng awtoridad nito sa loob ng 3 1/2 panahon o 1,260 taon mula 538 AD hanggang 1798 AD.

Ginagamit ng Panginoon ang mga propesiya sa Biblia bilang isang pagsubok para malaman kung ang isang mangangaral na gumagamit ng pangalan ng Diyos ay tunay o hindi.

"Nguni't ang propeta na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang propetang yaon. At kung iyong sasabihin sa iyong puso: Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ng Panginoon? Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya." (Deu 18:20-22)

Kung noon pa lang mahalaga na ang babalang ito, mas lalo na ngayon na ang dami-daming mangangaral na magagaling magsalita at magpaliwanag ng Bibliya, kahit na mali-mali naman ang interpretasyon nila, lalo na sa propesiya. Ako mismo ay naging biktima nito nung naimbitahan ako sa isang Daniel & Revelation Seminar na ginanap sa Manila Center Church ng mga Seventh-day Adventist sa Quezon City. Sa mga testimony ko noon bilang isang Seventh-day Adventist, lagi kong ipinagmamalaki na isa sa mga nakakumbinsi sa akin na lumipat mula sa mga Saksi ni Jehova patungong Seventh-day Adventist ay ang kanilang malinaw na paliwanag ng mga propesiya sa Daniel at Apocalipsis.

Ang isa sa mga nakatulong sa akin para magpabautismo bilang Seventh-day Adventist ay ang propesiya ni Daniel tungkol sa "maliit na sungay," na sabi nila ay napatunayan nila mula sa Bibliya at kasaysayan. Kinumbinsi nila ako sa loob ng 24 na taon na ang pagsamba sa Linggo ay imbensyon lang daw ng Papa sa Roma, na walang basehan sa Bibliya at walang blessing ng Diyos. Kaya naman, dahil sa paniniwala ko noon, naging masigasig akong tagapagtanggol at ebanghelista ng Seventh-day Adventist church. Pero sa huli, narealize ko na ang mga presentasyon nila at paghabi ng mga talata ay puro palabas lang, at ang tunay na history ay hindi tumutugma sa mga sinasabi nila. Nakaramdam ako ng pagkakanulo. Sana ang mga kaibigan kong Sabadista ay hindi magpatuloy sa maling samahan na iyon.

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ko napansin ang mga hindi pagkakapare-pareho at mga palihis na paliwanag ng mga Seventh-day Adventist tungkol sa propesiya ni Daniel:

Ang Panaginip ni Daniel

Nung unang taon ng paghahari ni Belsazar bilang hari ng Babilonia noong 555 BC, may bagong storyang nagsimula. Dito, si Daniel na ang bida, nagsasalaysay ng kanyang pangitain at ang interpretasyon nito. Hindi katulad nung Kabanata 2, kung saan si Daniel ang nagpaliwanag ng panaginip ni Nabucodonosor, dito sa Kabanata 7, klarong sinabi niya na ito ay kanyang sariling panaginip. Itinala lang ni Daniel ang mga detalye ng kanyang nakita, at hindi siya nagbigay ng interpretasyon. Pero, malinaw na ang interpretasyon ay tumutugma sa history ng apat na importanteng kaharian na nakasaad sa Kabanata 2.

Si Daniel ay nanaginip at nakakita ng mga pangitain na naglalarawan ng apat na hayop na lumalabas mula sa dagat, na sumisimbolo sa apat na malalakas na kaharian na huhubog sa kasaysayan ng mundo. Ang mga hayop na ito, na iba-iba ang anyo at lakas, ay naimpluwensyahan ng mga hangin ng langit, na gumagalaw sa malawak na dagat ng sangkatauhan.


Ang unang hayop ay parang leon na may pakpak ng agila, na sumisimbolo sa bongga at mabilis na imperyo ng Babilonia. Pero, pinutol ang mga pakpak nito, at tumayo ito sa dalawang paa na parang tao, na nagpapahiwatig ng pagbaba ng kanyang glory at lakas, na posibleng may kasamang kaliwanagan o pagpapakumbaba sa pamamagitan ng Diyos. (v.4)

Ang ikalawang hayop, isang oso na may tatlong tadyang sa bibig nito, ay sumisimbolo sa mabangis at sakim na imperyo ng Medo-Persia. Ang pagiging nakataas sa isang gilid ay nagpapahiwatig ng hindi pantay na lakas sa loob ng imperyo, at ang tatlong tadyang ay maaaring sumagisag sa mga nasakop na probinsiya: Babilonia, Lydia, at Ehipto. (v.5)

Ang ikatlong hayop, isang leopardo na may apat na pakpak at ulo, ay kumakatawan sa mabilis at tuso na imperyo ng Gresya. Ang mga pakpak ay nagpapahiwatig ng bilis, samantalang ang mga ulo ay sumasagisag sa pagkahati ng imperyo pagkatapos ng pagkamatay ni Alexander the Great: Macedonia, Syria, Egypt, at Asia Minor. (v.6)

Ang ikaapat na hayop, nakakatakot na may mga ngiping bakal at sampung sungay, ay sumasagisag sa walang awang imperyo ng Roma, na natatangi at walang kapareho. (vv.7-8):

"Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya'y may sangpung sungay. Aking pinagdilidili ang mga sungay, at, narito, sumibol sa gitna ng mga yaon ang ibang sungay, isang munti, na sa harap niyao'y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat: at, narito, sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata ng tao, at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay."(Dan 7:7-8)

Dito ulit natin makikita yung apat na makapangyarihang kaharian—Babilonia, Medo-Persia, Gresya, at ang Roman Empire.  Parang katulad din ito nung pangitain sa Kabanata 2 pero iba lang ang mga simbolo na ginamit.  Kahit may mga interpretasyon na nagsasabing yung ikaapat na hayop ay tumutukoy sa mga humalili kay Alexander, lalo na yung mga pinuno ng Seleucid at Ptolemaic sa Asia Minor, Syria, at Egypt, ang pangunahing mensahe ng propesiya ni Daniel ay tungkol sa Imperyong Romano nung unang pagparito ni Kristo.


Pagkakakilanlan ng Sampung Sungay

Tama na kinikilala ng mga Sabadista ang ikaapat na hayop bilang ang Imperyong Romano. Pero, hindi tama ang kanilang sinasabi na ang mga sungay na lumilitaw sa ulo ng hayop na 'yon ay kumakatawan sa sampung bansa na sumasalakay at sumasakop dito.

Dahil may sampung sungay sa ulo ng ikaapat na hayop, iginigiit ng mga Sabadista na pareho lang ang ibig sabihin nito at ng sampung daliri sa paa ng imahe sa Daniel 2. Kaya naman, sinasabi nila na ang sampung sungay ay sumisimbolo sa sampung tribo na responsable sa pagsakop sa ikaapat na hayop.  Ilan lang ang sampung ito sa mga tribong gumampan sa pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano.

Si Uriah Smith [1], na isang kilalang Adventist pioneer, ay partikular na kinilala ang sampung tribo—mga Vandal, Ostrogoth, Heruli, Visigoth, Burgundian, Anglo-Saxon, Alamanni, Suevi, Lombard, at Frank—at sinabi na sila ang mga tribong kinakatawan ng sampung sungay. Ayon kay Smith, matagumpay na nasakop ng mga tribong ito ang Roma noong 476 AD. Ang dahilan kung bakit pinili ni Smith ang sampung tribong ito ay hindi malinaw, bukod sa kanyang sinabi na sila ang "pinakamahalaga" sa pagbagsak ng Roma.

Ang interpretasyong ito ay taliwas sa paulit-ulit na mensahe sa Daniel tungkol sa kahulugan ng mga sungay ng hayop. Malinaw na binibigyang diin sa Daniel 7:24 na ang sampung sungay ay hindi kumakatawan sa ibang mga bansa kundi mula sa Roman Empire mismo:

"And the ten horns out of this kingdom are ten kings that shall arise..." (KJV)

The ten horns are ten kings who shall arise from this kingdom... (NKJV)

Its ten horns are ten kings that will rule that empire. (NLT)

The ten horns are ten kings who will come from this kingdom. (NIV)

As for the ten horns, out of this kingdom ten kings shall arise... (ESV)

As for the ten horns, out of this kingdom ten kings will arise... (NASB)

As for the ten horns, out of this kingdom ten kings shall arise... (RSV)

Ang sampung sungay o "hari", ayon kay Daniel, ay magmumula sa loob ng Imperyong Romano. Ito ay kabaligtaran sa turo ng mga Sabadista na ang mga tribo ay nagmula sa labas nito. Hindi kailanman naghari ang mga tribong ito sa Roma; sa halip, sinakop nila ang ilang bahagi nito at doon nagtayo ng kanilang mga kaharian. Malinaw na hindi sila nagmula sa loob, at hindi rin sila namuno sa Imperyong Romano. Maling-mali talaga ang paliwanag ng mga Sabadista sa puntong ito!

Bukod pa rito, malinaw na itinutukoy ng Daniel na ang sampung sungay bilang "mga hari." Ang salitang Aramaic na ginamit, "melek," ay literal na isinasalin bilang "hari" at palaging ganito ang pagkakasalin sa Lumang Tipan, hindi kailanman bilang "bansa" o "kaharian." Sa kabaligtaran, ang sampung tribo ay mga bansa, hindi mga hari. Sa parehong talata, isang natatanging salita, מַלְכוּ"malku," ang ginamit upang tumukoy sa isang "kaharian." 

Halimbawa:

"At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang (מַלְכוּ"malku,") ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari."  (Dan 7:24)

Kung ang sampung sungay ay kumakatawan sa sampung tribo na sumakop sa Imperyong Romano, sana ay ginamit ni Daniel ang salitang מַלְכוּ"malku" (kaharian). Ngunit, sadyang pinili ni Daniel ang מֶ֫לֶךְ "melek" (hari) upang ilarawan ang mga sungay.

May isa pang simbolo sa Daniel na hindi napapansin ng mga Sabadista, ang dalawang binting bakal sa Daniel 2. Nahati ang Imperyong Romano sa dalawa: ang Western Rome, na ang sentro ay sa Roma, at ang Eastern Rome (Byzantine), na ang sentro ay sa Constantinople. Ang mga tribong barbaro ang sumakop sa Western Rome, pero ang Eastern Rome ay tumagal pa ng halos 1,000 taon pagkatapos bumagsak ang Kanluran. Kung ang mga daliri sa paa ay kumakatawan sa mga sumakop, sino sa limang tribo ang sumakop sa Silangang Imperyo? Ang totoo, hindi ang mga barbaro ang sumakop sa Silangang Imperyo kundi ang mga Ottoman Turks noong 1453. Kaya, mali talaga ang teorya ng mga Sabadista na ang sampung daliri ay sampung tribo na sumakop sa Imperyong Romano.

Isa pang problema sa interpretasyon ng mga Seventh-day Adventist ay ang dami ng mga tribong barbaro na sumalakay sa Roma. Sa Wikipedia [2], makikita ang lahat ng labanan ng Imperyong Romano at ng mga tribong ito, pati na ang listahan ng mga tribong kasama. Narito ang isang maikling listahan ng mga tribong nakipaglaban sa Roma:


1. Alamanni
2. Alans
3. Astingi
4. Batavi
5. Bructeri
6. Burgundians
7. Carpians
8. Celts (Irish)
9. Chamavi
10. Chatti
11. Chauci
12. Cherusci
13. Cimbri
14. Costoboci
15. Eburones
16. Franks
17. Frisii
18. Greuthungi
19. Goths
20. Helvetii
21. Heruli
22. Huns
23. Juthungi
24. Langobardi
25. Lacringi
26. Lombards
27. Lugii
28. Marcomanni
29. Marsi
30. Ostrogoths
31. Picts
32. Quadi
33. Rugii
34. Sarmatians
35. Saxons
36. Scirii
37. Scoti
38. Sicambri
39. Suevi
40. Teutones
41. Turcilingi
42. Ubii
43. Vandals
44. Visigoths

Walang basehan ang pagpili ni Uriah Smith ng sampung tribo. Pinili niya lang ang mga sa tingin niya ay importante. Kaya naman, maraming Adventist scholar ang sumalungat sa kanya. Ang totoo, walang dahilan para sa pagpili ng "10" kundi para lokohin ang mga tao na ang sampung sungay ay sampung tribo.

Ang sampung hari ay "mula sa kahariang ito" sabi ni Daniel. Kaya hindi sila dayuhan na sumakop sa Roma. Mula mismo sa loob sila! Ang sampung sungay ay sampung pinuno ng Roma. May sampung Cesar na namuno sa Roma bago nawasak ang Jerusalem, ayon sa kasaysayan. Si Julius Caesar ang una, siya ang nagtapos sa Republika at nagsimula ng Imperyo. Siya rin ang unang Romanong naging diyos, sabi ng Wikipedia.

Narito ang listahan ng sampung Cesar na namuno bago ang pagkawasak ng Jerusalem:

1. Julius Caeser 49-44BC
2. Augustus 31BC-14AD
3. Tiberius (Luke 3:1) 14-37AD
4. Gaius (aka. Caligula) 37-41AD
5. Claudius (Acts 17) 41-54AD
6. Nero 54-68AD
7. Galba 68-69AD
8. Otho 69AD
9. Vitellius 69AD
10. Vespasian 69-79AD

Sino ang tinutukoy na "Maliit na Sungay"?

Para sa mga Sabadista, ang "Papacy" ng Simbahang Katoliko ang "maliit na sungay" sa Daniel 7. Kadalasan nilang ginagamit ang Daniel 7:25 para patunayan ito, dahil sa tingin nila, ang mga nakasulat doon ay nangyari talaga, lalo na yung pag-uusig ng Pope sa mga banal noong Dark Ages. Narito ang Daniel 7:25:

"At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon."  (Dan 7:25)

Ito ang isang sa mga talata na gustong-gusto ng mga Sabadista na ginagamit nila bilang patunay na ang Papa diumano ang magpapalit ng Sabbath tungo sa Linggo, dahil nakasulat doon: "kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan." Ito ay di-umano'y natupad sa pamamagitan ng pagbabago ng Papacy sa kautusan ng Sampung Utos at ang paglipat ng pagdiriwang ng Sabbath mula Sabado patugong Linggo. Ang propetisa ng mga Sabadista, si Ellen White, ay sumulat sa Great Controversy p.446:

"Sabi ni Daniel, tungkol sa maliit na sungay, ang papacy: 'Kaniyang iisipin na baguhin ang mga panahon at ang kautusan.' Daniel 7:25, R.V. ... Tinangka ng papacy na baguhin ang kautusan ng Diyos. Ang ikalawang utos, na nagbabawal sa pagsamba sa mga imahen, ay inalis sa kautusan, at ang ikaapat na utos ay binago upang pahintulutan ang pagdiriwang ng unang araw sa halip na ang ikapitong araw bilang Sabbath." 

Sinusubukan ding patunayan ng mga Sabadista na ang "maliit na sungay" ay tumutukoy sa Papacy sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa paggamit nito ng isang prophetic time period, na tumutukoy sa yugto kung saan isasagawa ng Papacy ang kapangyarihan nito bilang "isang panahon at mga panahon at kalahating panahon."

Kanilang binibigyang kahulugan ang panahon (isang taon), mga panahon (dalawang taon), at kalahati ng panahon na binanggit sa Bibliya bilang kumakatawan sa tatlo at kalahating taon, o 1260 prophetic days.  Sa pamamagitan ng paglalapat ng prinsipyo ng isang araw na katumbas ng isang taon sa propesiya, kinokonvert ng mga Sabadista ang mga araw na ito sa 1260 taon.  Ikinakatwiran nila na ang panahong ito ay nagsimula noong 538 AD nang palayasin ang mga Ostrogoth mula sa Roma.

Pero si Dr. Samuele Bacchiocchi, isang Adventist scholar at historian, ay nagduda kung tama ba talaga ang paniniwala ng SDA tungkol dito. Sa kanyang newsletter, End Time Issues #86, “Islam and the Papacy in Prophecy” noong July 6, 2002, pp. 22-23, sinabi niya:

"Ang tradisyonal na interpretasyon ng mga Adventista na matatagpuan sa SDA Bible Commentary at sa God Cares ni Merwyn Maxwell ay nagsasaad na ang tatlong sungay na inalis ay tumutukoy sa pagkalipol ng mga Heruli noong 493, ng mga Vandal noong 534, at ng mga Ostrogoth noong 538. Ang problema sa interpretasyong ito ay wala sa tatlong tribong Germanic na ito ang talagang nalipol. Bukod pa rito, hindi kailanman nakontrol ng Papacy ang kanilang mga teritoryo. Ang tagumpay ni Justinian laban sa mga Ostrogoth sa Italya ay panandalian lamang. Una, dahil sa ilalim ng kanilang bagong pinuno, si Totila, mabilis na nabawi ng mga Ostrogoth ang karamihan sa kanilang mga nawalang teritoryo. Ikalawa, dahil tatlong taon pagkatapos ng pagkamatay ni Justinian noong 565, isa pang tribong Germanic, ang mga Lombard, ang sumalakay sa peninsula ng Italya at humina ang kapangyarihan ng Papa. Sa madaling salita, hindi talaga inalis ng Papacy ang tatlong kaharian o bansa upang itatag ang kanyang kapangyarihan."

Si Bacchiocchi ay sumama sa hanay ng mga Sabadistang historyador na nagpahayag ng pagdududa tungkol sa katumpakan ng petsang 538 AD. Matagal nang sinubukan ng mga Sabadistang historyador at theologians na maghanap ng katibayan na sumusuporta sa kahalagahan ng 538 AD kaugnay ng Papacy, ngunit sa ngayon, wala pang makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ang natukoy na magpapatunay sa kahalagahan ng tiyak na petsang iyon. Gayunpaman, malinaw na hindi itinatag ang Papacy noong 538.

Itinuturo ni Bacchiocchi ang isa pang isyu sa propetikong panahon mula 538 hanggang 1798, na binibigyang diin na ang pag-uusig sa simbahan ay hindi tumutugma sa mga taong ito:

"Ang pangalawang problema sa tradisyunal na interpretasyon ay ang pagkabigo nitong ipaliwanag ang pangunahing kahulugan ng propetikong panahong ito. Ang pag-uusig at proteksyon ng simbahan ay hindi nagsimula noong 538, ni natapos noong 1798. Ito ay mga realidad na naglalarawan sa buong kasaysayan ng simbahan ng Diyos sa lahat ng mga siglo. Ang ilan sa mga pinakamadugong pag-uusig ng mga emperador ng Roma ay naganap noong unang apat na siglo."[3]

Malinaw na ipinakita ni Bacchiocchi na ang petsang 538 AD ay hindi tumutugma sa anumang makabuluhang pangyayari sa kasaysayan at ang authority ng Papacy ay nagsimula ilang siglo bago pa nito. Ngayon, ano naman ang tungkol sa pagtatapos ng propesiya ng 1260 araw? Nawala ba ang Papacy noong 1798 AD? Kumpara sa taong 538 AD, ang 1798 AD ay mayroong ilang kahalagahan para sa Papacy. Gayunpaman, ang mga pangyayari sa taong iyon ay hindi tiyak na tumuturo sa "pag-aalis" o kahit na sa "pagbagsak" ng Papacy. Noong 1798 AD, nang dalhin ni Heneral Berthier ng Pransya si Pope Pius VI bilang isang bilanggo, ang Papacy ay naharap sa kahihiyan. Ang paglalarawan sa pangyayaring ito bilang "pagbagsak" ng Papacy ay isang malaking panlilinlang. Sa kanyang newsletter, ipinapaliwanag ni Bacchiocchi ang mga pangyayaring naganap pagkatapos ng pagkakadakip sa Papa noong 1798:

"Ang pagkakabilanggo kay Pope Paul VI ay kinondena ng Russia at Austria. Nagpasya ang dalawang bansa na pagsamahin ang kanilang mga puwersa upang ibalik ang Papa sa kanyang trono ng Pontifical sa Roma. Nang harapin ng pamahalaang Pranses ang bagong koalisyong ito at ang mga popular na pag-aalsa, nagpasya itong ilipat ang Papa sa Valence, sa Pransya, kung saan siya namatay 40 araw pagkaraan, noong Agosto 29, 1799."

"Ang pagkamatay ni Pius VI ay hindi maituturing na 'pag-aalis' o 'pagbagsak ng Papacy.' Ito ay simpleng pansamantalang kahihiyan lamang ng prestihiyo ng Papacy. Sa katunayan, nakapagbigay si Pius VI ng mga direktiba para sa paghalal ng kanyang kahalili. Ilang buwan pagkatapos ng kanyang kamatayan, nagpulong ang mga Kardinal sa Venice noong Disyembre 8, 1799, at inihalal si Barnaba Chiaramonti, na kumuha ng pangalang Pious VII, bilang paggalang sa kanyang hinalinhan."

"Ang bagong Papa ay nakipag-negosasyon kay Napoleon para sa Concordat noong 1801 at sa Organic Articles noong 1802. Ang mga kasunduang ito ay nagbalik sa Papa ang ilan sa mga teritoryo ng Estado ng Simbahan at nagsaayos sa saklaw ng awtoridad ng Papa sa Pransya."

"Ang mga sumunod na taon ay minarkahan, hindi ng pagbagsak, kundi ng muling pagkabuhay ng awtoridad ng papa, lalo na sa ilalim ng Pontificate ni Pius IX (1846-1878). Noong 1854, ipinahayag ni Pius IX ang Dogma ng Immaculate Conception ni Maria. ...

"Ang pinakahuling pangyayari sa pontificate ni Pius IX ay ang pagpupulong ng Unang Konseho ng Vatican noong Disyembre 8, 1869. Nagkaroon ito ng napakalaking bilang ng mga dumalo mula sa buong mundo ng Romano at noong Hulyo 18, 1870, ipinahayag ng Konseho ang dogma ng Papal Infallibility. Ang dogmang ito ay lubos na nagpataas sa awtoridad ng Papa, at nagpapawalang bisa sa anumang pagtatangka na iugnay ang pagbagsak ng papacysa 1798."

Sinomang may alam sa history ng Kristiyanismo, masasabi na hindi eksaktong simula at dulo ng kapangyarihan ng Papa ang 538 AD at 1798 AD. Matagal nang nag-iipon ng lakas ang Obispo ng Roma bago pa ang 538 AD, at kahit nagkaroon sila ng problema ang papacy noong 1798 AD, tuloy pa rin ang paglakas ng Simbahang Katoliko.  Pinili ng mga Sabadista ang mga petsang 'yon kasi sakto sa mga paniniwala nila. Mas importante sa kanila na magtugma ang mga petsa sa hula nila kaysa maging tama sa history ng Papacy upang makapanlinlang!

Isa pang bagay na hindi mapatunayan ng mga Sabadista sa history ay yung sinasabing paglipat ng Sabbath sa Linggo nung panahon diumano ng kapangyarihan ng Papa mula 538 hanggang 1798 AD. Matagal ko nang tinatanong ito sa mga tagapagtanggol ng mga Sabadista pero wala pa ring sumasagot:

1. Kung talagang totoo ang sinasabi niyo, ano ang pangalan ng Papa ang nagpalit ng Sabbath sa Linggo pagitan ng 538-1798 AD?

2. Saang ecumenical council ng Simbahang Katoliko opisyal na idineklara ang pagpalit ng Sabbath mula 538 AD hanggang 1798 AD kung nagsasabi kayo ng totoo?

Nakakainip na kasi hanggang ngayon, ni isa sa kanila, pati mga pastor at theologian ng mga Sabadista, walang makasagot. May mga sumubok sumagot, pero puro sila magkakasalungat.  May nagsabi na hindi daw nangyari yung pagpalit ng Sabbath sa Linggo sa pagitan ng 538 AD at 1798 AD, tapos yung isa naman, sabi, dun daw sa pagitan ng 538 at 1798 nangyari!  May isa pang Sabadistang defender na nagsabi na si Pope Sylvester daw ang nagpalit, tapos kinontra naman ng iba, pati mga ordinaryong miyembro, na si Constantine daw ang nagpalit, na nangyari pa bago pa ang 538-1798 AD! Ano ba talaga? Ibig sabihin lang, nagsisinungaling ang mga Sabadista, at walang isa man sa kanila ang nagsasabi ng totoo—isang bagay na dapat pag-isipang mabuti ng bawat isang Sabadista.

Okay, so, pag-usapan naman natin yung "maliit na sungay" sa Daniel 7.  Sa history, si Caesar Nero ang kinikilalang "maliit na sungay" na 'yon.  Ang tunay niyang pangalan ay Lucius, at sa Latin, ang Lucius ay ibig sabihin ay "Tagadala ng Liwanag," parang katunog ng Lucifer.  Nakakatuwa pa, maraming Kristiyano nung mga unang siglo ang tingin kay Nero Caesar ay ang anti-Kristo.  Ang mas nakakaintriga pa, siya lang ang Caesar na ang pangalan sa Hebrew ay katumbas ng 666.

Tingnan mo naman yung mga similarities ni Nero at nung maliit na sungay sa Daniel 7:

"At kaniyang ibabagsak ay tatlong hari." (7:24) - Tatlong Emperador, sina Tiberius, Caligula, at Claudius, ang pinatay para masigurado na si Nero, na wala naman sa linya ng mga susunod na emperador, ang makaupo. Gaya ng nabanggit kanina, sina Uriah Smith at iba pang mga Sabadista ay nagsasabi na ang mga Vandal, Ostrogoth, at Heruli ay winasak ng Papa ng Roma. Ito ay gawa-gawa lang.  Hindi totoo na ang mga tribong ito ay direktang winasak ng Papa.  Sabi ng mga history books, ang mga Heruli ay tinalo ng mga Lombard, at ang mga Vandal at Ostrogoth naman ay bumagsak sa mga Byzantine.  Baka may naitulong ang Papa sa pagkatalo ng mga Vandal at Ostrogoth, pero hindi sigurado kung gaano kalaki ang naitulong niya.

Ang importante, ang mga Heruli ay natalo ng mga Lombard, na si Smith mismo ang nagsabing isa sa sampung sungay.  Kung ituturing ngang mga sungay ang mga tribo, ibig sabihin, ayon na rin kay Smith, isa sa sampung sungay (mga Lombard) ang tumalo sa isa pang sungay (mga Heruli), dalawang sungay ang inalis ng ibang pwersa (mga Byzantine), at yung maliit na sungay mismo ay walang inalis na sungay.  

"At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan"(7:25) -  Si Nero ay nagtaguyod ng pagsamba sa emperador at nagpatayo ng napakalaking estatwa niya sa Roma.  Sa mga nakasulat sa Ephesus, tinawag siya na "Makapangyarihang Diyos" at "Tagapagligtas."

"At lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan (7:25) - Si Nero ang nagsimula ng pag-uusig sa mga Judio at Kristiyano, na sobrang brutal.  Kasama sa mga pinatay na mga banal ang mga importanteng tao tulad ng mga apostol na sina Pablo at Pedro, sa tinawag ng mga historyador na "ang pinakamalupit na pag-uusig."

"At sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon." (7:25) - Ang pag-uusig ni Nero ay nagsimula noong Nobyembre ng 64 AD at natapos sa kanyang kamatayan noong Hunyo ng AD 68, eksaktong 42 buwan (1260 araw). Totoong nag-usig ang mga Katoliko, pero yung timeline na 538 hanggang 1798 ay hindi eksaktong tumutugma sa history.  Nagsimula ang pag-uusig bago pa ang 538 at tumagal pa ng halos kalahating siglo pagkatapos ng 1798.

"At kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan" (7:25) - Binago ni Nero ang mga utos at balak niya pang baguhin ang iba pa. Sa Daniel 7:25, ang salitang "kautusan" ay galing sa salitang "dat," na ang ibig sabihin ay "utos," hindi "Torah." Kaya, ang sinasabing pagbabago ng batas ng isang pinuno ay hindi tumutukoy sa Sampung Utos, at siguradong hindi kasama ang Sabbath doon. Nung nagdeklara ng giyera si Nero laban sa Jerusalem, opisyal niyang binago ang kasunduan sa pagitan ng Israel at Roma na matagal nang umiiral simula pa noong 161 BC.  Ipinadala ni Nero si Vespasian para wasakin ang Jerusalem noong Disyembre AD 66, na pormal na sumira sa kasunduan.

Totoo na binago ng Catholic Catechism yung Ten Commandments, pero nagsimula ito kay Augustine, nauna pa bago pa yung sinasabi ng mga Sabadista na simula ng "maliit na sungay" at ng kapangyarihan ng Papa. Kaya, mahirap na iugnay ang mga pagbabago ng kautusan sa Catechism na kagagawan ng Papacy.

Si Samuele Bacchiocchi, isang theologian ng Seventh-day Adventist church, na nakapasok pa sa Vatican vaults, ay nag-aral ng mga pinakamatandang dokumento tungkol sa Sabbath.  Ang naging conclusion niya, matagal na palang nangingibabaw ang Sunday-keeping bago pa lumitaw ang unang Papa.

"Hindi ako sumasang-ayon kay Ellen White, halimbawa, tungkol sa pinagmulan ng Linggo. Itinuturo niya na noong mga unang siglo, lahat ng mga Kristiyano ay nag-ingat ng Sabbath at higit sa lahat ay sa pamamagitan ng mga pagsisikap ni Constantine kaya't ang pag-iingat ng Linggo ay pinagtibay ng maraming mga Kristiyano noong ika-apat na siglo. Iba ang ipinapakita ng aking pananaliksik. Kung babasahin mo ang aking sanaysay na PAANO NAGSIMULA ANG PAG-IINGAT NG LINGGO? na nagbubuod sa aking disertasyon, mapapansin mo na inilalagay ko ang pinagmulan ng pag-iingat ng Linggo sa panahon ni Emperador Hadrian, noong A.D. 135."[4]

"At kanilang aalisin ang kaniyang kapangyarihan(7:26) -  Sa huli, ibinoto ng Senado ng Roma ang pagpatay kay Nero, na talagang nag-alis sa kanya ng kanyang kapangyarihan.

"Mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan: ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian" (7:27) - Ang talatang ito ay hindi tumutukoy sa walang hanggang kaharian ng Diyos sa hinaharap kundi sa Kanyang espirituwal na kaharian na itinatag mula pa noong 30 AD.  Unti-unti itong lumawak, hanggang sa naging dominanteng relihiyon ang Kristiyanismo sa Imperyo ng Roma.

Lahat ng detalye sa Daniel 7 ay nangyari exactly gaya ng inihula.  Sobrang precise nito kaya yung mga atheist at agnostic, dati, ay nagsasabing ang aklat ni Daniel ay sinulat daw pagkatapos mamatay ni Nero.  Sinabi nila ito nung ang pinakamatandang kopya daw ng Daniel ay isang libong taon after Christ. Pero, natahimik sila nung natuklasan ang aklat ni Daniel sa Dead Sea Scrolls.  Walong kopya ang natagpuan, at ang pinakamatanda ay carbon-dated sa 165 BC—matagal pa bago pa si Nero at kahit sino sa sampung Caesar. Ang komplikadong kaalaman tungkol sa mangyayari sa Imperyo ng Roma, ilang siglo pa ang hinaharap, ay patunay talaga ng divine insight. Purihin ang Diyos!

Monday, February 17, 2025

SDAs SANCTUARY DOCTRINE: A PRODUCT OF HIRAM EDSON'S DELUSION, NOT BIBLICAL EXEGESIS!

Friday, February 14, 2025

ANG KATOTOHANAN KUNG BAKIT CHRISTIAN ANG ORIGIN NG VALENTINE'S DAY?


HAPPY VALENTINE'S DAY! Iyan ang temang umaalingawngaw ngayon saanman tayo magpunta. Maging mahirap man o mayaman, tuwing sumasapit ang Pebrero, sabi nga ng iba, “nangangamoy pag-ibig na.” Nagkakalat sa social media ang mga post na nagpapahiwatig na maraming tao na naman ang “pumapag-ibig.”

Mas pinagtutuunan ng pansin ng karamihan ang mga ganitong kaganapan na matagal nang nakaukit sa kultura, lalo na sa puso ng maraming Pilipino, maging sa ibang bansa. Ngunit kakaunti lamang ang naglalaan ng panahon upang pag-isipan ang tunay na kasaysayan ng Araw ng mga Puso.

Saan, kailan, at paano nga ba ito nagsimula? Sino ba si Valentine, at ano ang mayroon sa kanya upang ipangalan sa kanya ang araw na ito? Bakit nga ba tinatawag itong Valentine’s Day? Ano ang espesyal sa kanyang “araw” at higit sa lahat, bakit “Maligayang” Araw ng mga Puso? Bakit kailangang maging masaya tuwing Pebrero 14? Bakit hindi na lang gawin itong araw-araw?

Isa pang mahalagang tanong: bakit ito nagiging isang kontrobersyal na isyu sa ilang relihiyon? May mga nagsasabing hindi dapat ito ipagdiwang ng mga Kristiyano dahil wala naman ito sa Bibliya. Mas nakalulungkot pa, may mga nagsasabing nagmula ito sa paniniwala ng mga pagano—mga taong hindi naniniwala sa Bibliya at sa Diyos ng mga Kristiyano.

Sa artikulong ito, aking sisikaping sagutin ang mga mahahalagang tanong na ito—hindi lang para sa kasiyahan ng mga mausisa, kundi para sa paghahanap ng katotohanan.

Sino si Valentine?

Sa katunayan, wala talaga sa Bibliya, mula Genesis hanggang Pahayag, ang pangalang Valentine. Mas nakilala ang pangalang ito sa labas ng Kasulatan. Dahil dito, ang tanging batayan natin upang makilala kung sino si Valentine ay hindi ang Bibliya, kundi ang mga tala ng kasaysayan.

May iba't ibang taong nagngangalang Valentine na naitala sa kasaysayan ng Simbahan, na kinilala dahil sa kanilang pagpapakasakit para sa pananampalatayang Kristiyano. Upang matukoy kung aling Valentine ang pinagmulan ng okasyong ito, kailangang hanapin natin ang isa na may kaugnayan sa pag-ibig—partikular na isang taong nagbuwis ng buhay para sa romantikong pag-ibig at may koneksyon sa petsang Pebrero 14. 

Ang tala ng Kasaysayan na makakatulong sa atin upang mahanap ang kaugnayan ng pangalang Valentine, na nauugnay sa romatikong pag-ibig at petsa na February 14 ay walang iba kundi sa listahan ng names ng mga Christians na pinatay o naging martir alang-alang sa kanilang magagandang halimbawa na naging modelo para sa pamumuhay ng mga Christians at paninindigan sa pananampalataya. Ang listahan na ito ay tinatawag na Martyrologium Romanum o Roman Martyrology.

Ang Martyrologium Romanum ay unang inilathala noong 1583 sa ilalim ng awtoridad ni Pope Gregory XIII. Ang edisyong ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na baguhin ang Julian Calendar at likhain ang Gregorian Calendar noong 1582. Simula ng unang paglalathala nito, dumaan na ito sa ilang rebisyon, kabilang ang mahahalagang pagbabago noong 1584, 1630, 1748, at pinakahuli noong 2001.[1]

Narito ang mababasa natin sa edisyon ng Roman Martyrology noong 1961 para sa February 14 na may kaugnayan sa dalawang tao na nagngangalang Valentine:

"At Rome, on the Via Flaminia, the birthday of St. Valentine, Priest and Martyr, who, after many wondrous works of healing and teaching, was scourged with rods and beheaded under Claudius Caesar.

At Terni, St. Valentine, Bishop and Martyr, who, after lengthy ill-treatment was imprisoned; and since he could not be overcome, he was brought out of his prison in the silence of midnight and beheaded, at the command of Placidus, prefect of the city." (The Roman Martyrology, February 14th) [2]

Para sa karagdagang detalye ganito naman ang sinasabi ng Encyclopedia Brittanica tungkol sa sanhi ng kanilang kamatayan:

"Although there were several Christian martyrs named Valentine, the day may have taken its name from a priest who was martyred about 270 CE by the emperor Claudius II Gothicus. According to legend, the priest signed a letter “from your Valentine” to his jailer’s daughter, whom he had befriended and, by some accounts, healed from blindness. Other accounts hold that it was St. Valentine of Terni, a bishop, for whom the holiday was named, though it is possible the two saints were actually one person. Another common legend states that St. Valentine defied the emperor’s orders and secretly married couples to spare their husbands from war. It is for this reason that his feast day is associated with love." [3]

Ayon sa tala ng kasaysayan, may dalawang taong nagngangalang Valentine na parehong naging martir ng pananampalataya noong 270 AD. Pareho rin ang petsa ng kanilang kamatayan, at parehong pinugutan ng ulo noong Pebrero 14.

Dahil sa kanilang pagkakatulad, binanggit din ng Britannica na maaaring ang dalawang Valentine na ito—na parehong namatay noong Pebrero 14, 270 AD—ay iisang tao lamang. Bukod dito, pareho rin ang sanhi ng kanilang kamatayan: pinugutan sila ng ulo.

Ang pinakamahalagang impormasyon na makakatulong sa ating pagsusuri ay ang dahilan ng pagkabilanggo at pagbitay kay Valentine sa Roma—na may kaugnayan sa pag-ibig. Ayon sa tala ng Roman Martyrology na nabanggit kanina, kung iisang tao lamang ang tinutukoy na Valentine, ganito ang maaaring magtugma ang dalawang kuwento mula sa Roman Martyrology:

Ayon sa isang salaysay, ipinagbawal ni Emperador Claudius II ng Roma ang pag-aasawa dahil maraming kabataang lalaki ang umiiwas sa sapilitang pagsali sa hukbo sa pamamagitan ng pagpapakasal (sapagkat tanging mga walang asawa lamang ang maaaring maglingkod sa hukbo). Isang paring Kristiyano na nagngangalang Valentine ang nahuli habang palihim na nagsasagawa ng kasal at hinatulan ng kamatayan. Habang naghihintay ng kanyang pagbitay, dinadalaw siya ng mga magkasintahan na may dalang liham na nagpapatunay na mas mahalaga ang pag-ibig kaysa digmaan. Iniisip ng ilan na ang mga liham na ito ang pinakaunang "Valentine."

Habang nasa bilangguan, umibig siya sa anak ng tagapagbilanggo at nagpapadala ng mga liham na may lagdang "Mula sa iyong Valentine." Sa huli, siya ay pinugutan ng ulo at inilibing sa Via Flaminia. Pinatay si Valentinus noong Pebrero 14, taong 270 AD. Ayon sa ulat, ipinagpatayo ni Papa Julius I ng isang basilika sa kanyang libingan.Noong AD 469, idineklara ni Pope Gelasius ang February14 bilang isang araw na parangal kay Valentine o Valentinus, kapalit ng pagdiriwang para sa paganong diyos na si Lupercus. Tinutuwid din niya ang ilang paganong pagdiriwang ng pag-ibig upang higitan ng pananampalatayang Kristiyano. Halimbawa, sa ritwal ng Juno Februata, sa halip na bunutin ang pangalan ng mga dalaga mula sa kahon, parehong mga binata at dalaga ang pumipili ng pangalan ng isang martir na santo.

Noon lamang panahon ng Renaissance noong ika-14 na siglo muling naging pagdiriwang ng pag-ibig at buhay ang mga kaugalian, sa halip na pananampalataya at kamatayan. Unti-unting kumawala ang mga tao sa ilang limitasyong ipinataw ng Simbahan at nagsimulang yakapin ang maka-sanlibutang pananaw sa kalikasan, lipunan, at indibidwalidad. Parami nang paraming makata at manunulat ang nag-uugnay sa pagsisimula ng tagsibol sa pag-ibig, pagnanasa, at paglikha ng bagong buhay.

Conclusion:

Batay sa mga naitalang kasaysayan, hindi totoo na mula sa paganismo ang pinagmulan ng Araw ng mga Puso, na pormal ding tinatawag na Saint Valentine’s Day o Feast of Saint Valentine. Ayon sa church history, ang pangalang Valentine ay iniuugnay sa mga tapat na martir na Kristiyano na nag-alay ng kanilang buhay para sa pananampalataya kay Cristo—hindi sa anumang paganong diyos-diyosan.

Ang madalas na pag-uugnay nito sa Lupercalia Festival ng mga pagano ay wala ring katotohanan. Ayon sa kasaysayan, noong AD 469, idineklara ni Papa Gelasius ang Pebrero 14 bilang araw ng parangal kay Valentine o Valentinus, kapalit ng pagdiriwang para sa paganong diyos na si Lupercus. Maliwanag na ang Valentine’s Day ay ipinalit sa pistang pagano na Lupercalia—hindi ito pagpapatuloy ng nasabing paganong selebrasyon.

Dapat bang ipagdiwang ito ng mga Christians? Hindi naman cumpolsary na ipqagdiwang ito ng mga Christians at hindi din makakasama kung hindi ito ipagdiwang at ituring lamang na isasng ordinarong araw. Kung ikaw ay isang Christian na tinuruan ng Panginoong Jesus na ibigin mo ang iyong kapwa ay mas maganda na gawin mo ito araw-araw hindi lang tuwing February 14. Kung ikaw ay isang Christian at gusto mo magdiwang ng Valentines day upang maglaan ng special na araw sa iyong nga mahal sa buhay tulad ng pagbibigay ng bulaklak or regalo na nababagay sa okasyong ito ay hindi ka naman nagkakasala sa Panginoon. Ayon nga sa payo ni apostol Pablo:

"May mga taong naniniwala na mas mahalaga ang isang araw kaysa sa ibang mga araw. May tao namang pare-pareho lang para sa kanya ang lahat ng araw. Ang bawat tao ang bahalang magpasya para sa kanyang sarili tungkol sa bagay na iyan." Roma 14:5

References:

[1]https://en.wikipedia.org/wiki/Roman_Martyrology

[2] https://www.newliturgicalmovement.org/2010/02/st-valentine.html

[3] https://www.britannica.com/topic/Valentines-Day

Wednesday, February 12, 2025

HEBREWS CHAPTERS 3 & 4: "THE REST THAT REMAINS | FAP GOSPEL TRANSFORMATION BIBLE STUDY

SEVENTH-DAY ADVENTISM: KALIGTASAN SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA LAMANG O KALIGTASAN SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA?



Kamakailan lang, nabasa ko sa Facebook ang trending na mga post ng dalawang panig ng mga Sabadista na magkakaiba ang pananaw tungkol sa doktrina ng kaligtasan. Parehong Sabadista at sumusunod sa Sampung Utos ang dalawang grupong ito. Ang hindi nila pinagkakasunduan ay kung paano nga ba inililigtas ng Diyos ang isang makasalanan, ayon sa Bibliya. Ang pagtatalo ng mga Sabadista tungkol sa doktrina ng kaligtasan ay nagsimula pa noong huling bahagi ng dekada '60 at nagpapatuloy hanggang ngayon. Ang dalawang kampong nagtatalo ay sa pagitan ng mga "Tradisyunal na SDA" at "Progresibong SDA."

Ano ang pagkakaiba nila? Ang mga "Tradisyunal na SDA" ay yaong may mga konserbatibong pananaw sa mga itinuro ng mga orihinal na tagapagtatag ng SDA Church noong 1800s, lalo na ang kanilang katapatan at dedikasyon sa lahat ng mga isinulat ni Ellen G. White. Samantala, ang mga "Progresibong SDA" ay hindi na gaanong tapat sa mga isinulat ni Ellen G. White dahil para sa kanila, hindi siya isang inspiradong propeta kundi isa lamang inspirational author tulad ng iba pang mga ordinaryong at kilalang awtor. Kaya't ang doktrina ng kaligtasan ay apektado dahil sa magkaibang pananaw tungkol sa awtoridad ni Ellen G. White.

Mas idinidiin ng mga "Tradisyunal" ang perpektong pagsunod sa Kautusan dahil ito naman talaga ang mababasa sa ibang mga pahayag ni Mrs. White kung saan itinuturo niya na ang perpektong pagsunod sa kautusan ay isang kinakailangan upang maligtas. Narito ang ilan sa mga pahayag ni Mrs. White sa pananaw na ito:

Exhibit 1:



Tagalog: 

"Ang pagsunod sa kautusan ng sampung utos ang siyang kailangan upang maligtas. Ito ang mismong hinihingi ng Diyos." (The Advent Review and Sabbath Herald, May 5, 1898)


Exhibit 2: 




Tagalog:

"Kapag dumating na ang paghuhukom, at ang mga aklat ay ibinuklat, at ang bawat tao ay hahatulan ayon sa mga bagay na nakasulat sa mga aklat, kung gayon ang mga tapyas na bato, na itinago ng Diyos hanggang sa araw na iyon, ay ihaharap sa mundo bilang pamantayan ng katuwiran. Sa oras na iyon, makikita ng mga lalaki at babae na ang kinakailangan para sa kanilang kaligtasan ay ang pagsunod sa perpektong kautusan ng Diyos. Walang sinuman ang makakakita ng dahilan para sa kasalanan. Sa pamamagitan ng mga matuwid na prinsipyo ng kautusang iyon, tatanggapin ng mga tao ang kanilang hatol ng buhay o kamatayan." (The Advent Review and Sabbath Herald, January 28, 1909)

Napakaliwanag ng statements ni Ellen G. White na ang pagsunod sa Sampung Utos ay requirement PARA sa kaligtasan hindi bunga ng kaligtasan na tulad ng ating naririnig nating pagpapanggap ng mga Pastors at layman ngayon sa mha social media. Binabayaran sila ng kanilang mga Conferences sa Pilipinas upang pagtakpan ang cultic doctrine ng kanilang minamahal na propetang si Mrs. White upang magtunog evangelical ang kanilang church pero sa totoo ay hindi naman. Kailangan nilang gumamit ng deception upang tanggapin ng orthodox Christianity na Christians din sila na kailanman ay impossibleng mangyari unless itakwil nila si Ellen G. White at mag repent in public tulad ng ginawa ng Worldwide Church of God noong 1990's kaya sila ngayon ay tanggap na bilang mga evangelical Christians. Napakahalaga din na bigyan ng pansin ng mga nagsusuri ang petsa ng mga statements ni Ellen G. White tungkol sa pananaw na itinuturo niya sa mga Sabadista. Ang mga petsa ng ating sinipi sa itaas ay 1898 at 1909. Ito ang mas later na pahayag ni Mrs. White ilang taon lamang bago siya mamatay noong July 16, 1915. Kung mayroon man sipiin ang mga "Progressive SDAs" na tila papabor sa kanilang view ay dapat muna malaman kung kailan ba sinabi ito: before 1898/1909 o after? Dahil karaniwan na ang mas papaburan ng sinuman ay kung ano ang mas latest na statement kesa yung nauna.

Samantala, ang mga "Progresibong SDA" naman ay pumipili lamang ng mga sipi mula sa mga isinulat ni Mrs. White na papabor sa kanilang pananaw na ang pagsunod sa kautusan ay bunga lamang ng kaligtasan at hindi para maligtas. Itinatago nila ang ibang statements ni Ellen G. White tulad ng mga halimbawa sa itaas upang palabasin na evangelical Christians din sila. Narito ang isas trending na quote na madalas gamitin ng mga Sabadista sa social media upang ikubli na kulto ang kanilang church.

Exhibit 1.


Tagalog:

"Bagamat tayo ay pinapayuhang sumunod, hindi natin dapat isipin na makakamit natin ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa. Ang kaligtasan ay libreng kaloob ng Diyos, at ito ay tatanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay ipinagkaloob para sa nagsisising kaluluwa sa pamamagitan ni Kristo sa dakilang plano ng pagtubos. Ngunit ang patunay ng ating pag-ibig sa kanya, ang katibayan ng ating pananampalataya, ay matatagpuan sa ating pagsunod sa banal na kautusan ng Diyos." (Signs of the Time, May 16, 1895)

Sinubukan kong hanapin sa Adventist Archives website ang original na photo scan copy ng Signs of the Times noong May 16, 1895, pero hindi ko ito makita. Pero nakita ko naman ito sa Ellen G. White apps kaya naniniwala akong legit ang quotation na ito. Pansinin na ang petsa ng mga pahayag na ito ni Ellen G. White ay 1895, mas nauna ng kaunting taon kaysa sa sinipi natin na mga pahayag niya noong 1898 at 1906. Kaya mas latest (1898, 1906) yung naunang sinipi natin na sumasalungat sa ikalawang pahayag ni Mrs. White noong 1895.

So alin ba ang mas paniniwalaan natin sa magkasalungat na mga statements ni Ellen G. White tungkol sa kaligtasan? Yung 1895 na "hindi natin dapat isipin na makakamit natin ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa. Ang kaligtasan ay libreng kaloob ng Diyos, at ito ay tatanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya" o yaong mas latest niyang mga sinabi na "Ang pagsunod sa kautusan ng sampung utos ang siyang kailangan upang maligtas" at "kinakailangan para sa kanilang kaligtasan ay ang pagsunod sa perpektong kautusan ng Diyos." Ang dalawang phrase na ito ay nagpapahiwatig na ang pagsunod sa kautusan ay hindi bunga ng kaligtasan kundi sa halip, ang pagsunod sa kautusan ay "upang maligtas" at "para sa kanilang kaligtasan." Isa pa, pansinin din na sa pahayag na ito ni Mrs. White never niyang sinabi na ""ito ay tatanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya LAMANG" kundi ang sinabi lang niya "ito ay tatanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya." Dahil lamang dito sa simpleng pagkakaiba ng "pananampalataya" versus "pananampalastaya LAMANG" ay marami din sa mga Protestante ang nailigaw ng Roman Catholic church at nag akalang pareho lang ang doktrina ng kaligtasan ng Roman Catholic church at Protestante kaya hindi na nakapagtatakang maraming mga Protestante ang umipat sa Catholic. Kaya ganyan din kung bakit maraming mga born again na nagiging Sabadista dahil sa hindi maingat na pagsasaalang-alang ng mga terminong biblical.


Paano kaya haharapin ito ng mga Sabadista na naghahanap talaga ng katotohanan?

Mayroon akong tatlong mungkahi para makatulong sa mga Sabadistang seryosong naghahanap ng katotohanan at tunay na kaligtasan sa biyaya ng Diyos:


#1. Manatili sa SDA Church: Kahit nahihirapan dahil sa pamilya at trabaho, at alam niyang may mga mali sa aral at bulaang propeta si Ellen G. White, maaaring piliin niyang manatili na lang sa SDA Church kahit malabo ang kanyang kaligtasan.

#2. Magpikit-mata: Maaari niyang ipagpatuloy ang pagtanggi sa mga ebidensyang kanyang nakikita para sa kanyang kapayapaan at kaginhawahan. Ngunit sa totoo lang walang kapayapaan sa isang tao na alam niyang may mali ngunit nananatili pa din sa mali.

#3. Umalis sa SDA Church: Dahil sa mga malinaw na ebidensya na may mali sa aral ng mga Sabadista tungkol sa doktrina ng kaligtasan at marami pang hindi na niya sinasangayunan, maaari siyang magpasyang umalis na sa SDA Church dahil para saan pa ang pananatili sa mali. Ito sy isang kasalanan (Sant. 4:17). Una, ang kanilang kinikilalang sugo ay sumasalungat sa aral, lalo na sa napaka importanteng doktrina ng kaligtasan, kaya hindi mula sa Diyos si Mrs. White. Ayon sa Bibliya, ang tunay na simbahan ng Panginoon ay hindi niya papayagang pangunahan ng isang bulaang propeta.

Panawagan:

Para sa mga Pastor at SDA defenders: Na itigil niyo na ang pagpapanggap na kayo ay evangelical Christians dahil napakarami ng former Adventists na tulad ko na kabisado na ang mga propaganda niyo para lamang makarami ng mga aanib sa inyo. Tunay nga na sapul kayo sa babala ni Cristo na kayo ay nag dadamit tupa para kunwari at totoong Christians kayo at hindi kulto kaya gumagamit kayo ng mga Christian terms tulad ng "salvation by faith", "saved by grace" "keeping the law as fruit of salvation" para lag mapaniwala niyo ang mga walang malay na mga tao.

"Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila." (Mat 7:15)

Para sa mga nagpaplano pa at Bible students ng SDA church: Ipanalangin niyo ng taus-puso sa Panginoon na bukod sa mga nakikita nyong mga evidences na sumasalungat sa aral n mga Sabadista, na bigyan kayo ng karunugan ng Diyos upang malabanan ang deception ng SDA church na nanlilinlang ng nga walang malay na tao. At kung ikaw at malapit nang pabaustismuhan sa SDA church ay huwag mo na ituloy hangga't maaga pa dahil bandang huli if maisipan mo din umalis ay baka mahirapan ka na dahil kinain ka na ng sistema ng kultong Sabadistabukod pa sa mga hindi makataong mararanasan mo sa mga pag-uusig na gagawin nila sa iyo.

"Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay."  (Rom 16:18)



Tuesday, February 11, 2025

KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS VERSE-BY-VERSE SA GAWA 2:17-21: PINATUTUNAYAN BA NG GAWA 2:17-21 NA SI ELLEN WHITE AY PROPETA NG DIYOS SA HULING MGA ARAW?

Gawa 2:17-21
"At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip: Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu; at magsisipanghula sila. At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas, At mga tanda sa lupa sa ibaba, Dugo, at apoy, at singaw ng usok: Ang araw ay magiging kadiliman, At ang buwan ay dugo, Bago dumating ang araw ng Panginoon, Yaong araw na dakila at tangi: At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.

CHALLENGE NG MGA SABADISTA:

Ang mga Sabadista ay naniniwala na ang hula sa Gawa 2:17-18, na mula sa Joel 2:28-32, ay bahagi ng katuparan ng propesiya ni Propeta Joel sa Lumang Tipan tungkol sa pagbuhos ng Espiritu Santo at pagpapanumbalik ng kaloob ng propesiya sa mga huling araw. Ayon sa mga Sabadista, ang Gawa 2 at Joel 2 ay parehong nagpapatunay na ang Seventh-day Adventist church, na hinulaang siyang nalabing iglesia sa huling araw, ay makakaranas ng mas higit na pagpapakita ng kaloob ng propesiya.

Para sa mga SDA, walang duda na ang hulang ito, sa kanyang kaganapan, ay natupad sa buhay at ministeryo ni Ellen G. White. Matibay ang kanilang paniniwala na ito ay isang malakas na katibayan na si Ellen G. White ay isang tunay na propeta ng Diyos para sa Iglesiang Seventh-day Adventist bago ang ikalawang pagdating ni Cristo.

Ang pananaw na ito ay pinagtibay ng aklat na A Critique of the Book Prophetess of Health, na inilathala ng Ellen White Estate.

"Espesipikong sinabi ni Joel na 'ang inyong mga anak na lalaki at ang inyong mga anak na babae ay manghuhula' bilang paghahanda sa 'dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon' (Joel 2:28-32). Naniniwala ang mga Seventh-day Adventist na ang kaloob na propetiko ay nahayag sa buhay at ministeryo ni Ellen G. White." (sa akin ang pagsasalin sa Tagalog)[1]

Ang opisyal na aklat ng mga Sabadista, ang Seventh-day Adventist 28 Fundamental Beliefs, #18: The Gift of Prophecy, ay nagpapaliwanag ng kanilang pananaw sa pamamagitan ng mga sumusunod na pahayag:

"Ihinula ni propeta Joel ang isang espesyal na pagbuhos ng kaloob na propesiya bago mismo ang pagbabalik ni Cristo. Sinabi niya, 'At pagkatapos nito ay ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: at ang inyong mga anak na lalaki at ang inyong mga anak na babae ay manghuhula, ang inyong mga matatanda ay mangangarap ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain: At gayon din sa aking mga lingkod na lalaki at sa aking mga lingkod na babae ay ibubuhos ko ang aking Espiritu sa mga araw na yaon. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa mga langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haligi ng usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon' (Joel 2:28-31). Nakita sa unang Pentecostes ang isang kahanga-hangang pagpapakita ng Espiritu. Si Pedro, na sumipi sa hula ni Joel, ay itinuro na ipinangako ng Diyos ang gayong mga pagpapala (Gawa 2:2-21). Gayunpaman, maaari tayong magtanong kung ang hula ni Joel ay umabot sa kanyang sukdulang katuparan sa Pentecostes o kung dapat pa bang magkaroon ng isa pang, mas kumpletong, katuparan. Wala tayong katibayan na ang mga phenomena sa araw at buwan na binanggit ni Joel ay nauna o sumunod sa pagbuhos ng Espiritu na iyon. Ang mga phenomena na ito ay hindi nangyari hanggang sa maraming siglo pagkatapos. Ang kumpleto at huling katuparan ng hula ni Joel ay tumutugma sa huling ulan, na, pagbagsak sa tagsibol, ay nagpahinog sa butil (Joel 2:23). Gayundin, ang huling pagkakaloob ng Espiritu ng Diyos ay magaganap bago mismo ang Ikalawang Pagparito, pagkatapos ng mga hinulang tanda sa araw, buwan, at mga bituin." (cf. Mat. 24:29; Apoc. 6:12-17; Joel 2:31)." (sa akin ang pagsasalin sa Tagalog) [2]

Sa buod, ang interpretasyon ng mga Sabadista sa Joel 2:28-31 ay ang mga sumusunod:

1.) Ang kaloob ng propesiya ay matutupad bago ang ikalawang pagdating ni Cristo.

2.) Ang propesiyang ito ay bahagyang natupad sa unang iglesia noong unang Pentecostes, gaya ng inilarawan sa Gawa 2:2-21.

3.) Ang mga pangyayaring kinasasangkutan ng araw, buwan, at mga bituin na binanggit sa Joel 2:30-31 ay hindi nangyari noong ibuhos ang Espiritu Santo noong unang siglo. Ikinakatwiran nila na ito ay nagpapahiwatig na ang buong katuparan ay nasa hinaharap pa at magaganap sa panahon ng mga Dark Ages. Ang kumpleto at huling katuparan ay magaganap pagkatapos ng mga hinulang tanda sa araw, buwan, at mga bituin, bago ang ikalawang pagdating ni Cristo.

Binibigyang diin pa ng isang SDA theologian na si Frank Holbrook ang kahalagahan ng hinaharap na katuparan ng hula ni Joel, na nagsasabing kung wala ito, ang pagpapakita ng kaloob ng propesiya sa huling panahon ay hindi magaganap.

"Nakita ni apostol Pedro ang katuparan ng hula ni Joel sa pagbuhos ng Espiritu noong Pentecostes na may kaloob na mga wika (Gawa 2). Gayunpaman, ang Pentecostes ay tila naging bahagyang katuparan lamang, sapagkat inilalagay ni Jesus ang mga tanda sa araw at buwan na binanggit ni Joel bilang darating pagkatapos ng Dark Ages ng pag-uusig at mas malapit sa pagdating ng "dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon" (Joel 2:31). Bukod pa rito, partikular na tinutukoy ni Joel ang isang pagpapakita ng kaloob ng propesiya. Kaya't ang isang kumpletong katuparan ng sinaunang hula ni Joel ay mangangailangan ng isang pagpapakita ng kaloob na propetiko sa huling panahon.(sa akin ang pagsasalin sa Tagalog) [3]

Ayon sa pananaw ng mga Sabadista, kailan naganap ang mga Dark Ages?

Sa kanyang aklat na Last Day Tokens, nilinaw ni J.N. Loughborough na ang mga Dark Ages, ang panahon ng malaking kapighatian at pag-uusig, ay naganap sa pagitan ng AD 538 at 1798.

"Ang kapighatian ay dumating sa mga pag-uusig noong "Dark Ages," ngunit ito ay dapat, at talaga ngang pinaikli, kung hindi ay wala sana sa mga hinirang ang natira. Ang panahong ito ng kapighatian ay mula A.D. 538 hanggang 1798." (sa akin ang pagsasalin sa Tagalog) [4]

Kaya, naniniwala ang mga Sabadista na ang mga pangyayari sa langit na kinasasangkutan ng araw, buwan, at mga bituin na binanggit sa hula ni Joel ay natupad noong panahon mula A.D. 538 hanggang 1798, na kilala bilang ang Madilim na Panahon ng 1260 taon.

SAGOT:

Ang katuparan ng hula sa Joel 2:28-32 ay limitado lamang ang buong katuparan sa panahon ni Apostol Pedro noong unang siglo.

Ang mga tanong na kailangang sagutin tungkol sa katuparan ng hula ni propeta Joel sa Joel 2:28-32:

1.) Natupad ba ito nang minsan lamang, partikular na noong unang Pentecostes gaya ng iniulat sa Gawa 2?

2.) O mayroon bang pangalawang katuparan sa hinaharap bago ang ikalawang pagdating ni Jesus, ayon sa paniniwala ng mga SDA?

Ang paghahanap ng tumpak na sagot sa tanong na ito ay mahalaga sapagkat ito ang magpapasya kung si Ellen G. White ay isang tunay na propeta o hindi. Ayon sa aklat ng mga Sabadista na The Biblical Basis for a Modern Prophet,

"Ang isang kumpletong katuparan ng sinaunang hula ni Joel ay mangangailangan ng isang pagpapakita ng kaloob na propetiko sa huling panahon."[5]

Ito ay nangangahulugan na kung ang hula ni Joel ay natupad lamang noong panahon ng mga apostol, gaya ng iniulat sa Gawa 2, at wala nang katuparan sa hinaharap, kung gayon ang pag-angkin ni Ellen G. White sa kaloob ng propesiya ay balewala. Ipapahiwatig nito na ang kanyang kaloob na propesiya ay hindi nauugnay sa kanyang panahon at hindi kinakailangan ang papel niya doon. Dahil dito, si Ellen G. White ay isang huwad na propeta at hindi dapat kilalanin ng mga Sabadista bilang isang propetang mula sa Diyos.

Ang kahulugan ni apostol Pedro ng pariralang "sa mga huling araw"

Una, pansinin na sinipi ni Pedro ang Joel 2 para ilarawan ang kanilang mga himalang nararanasan sa harap ng mga tao noong Pentecostes, at dinagdag dito ni Pedro ang mga salitang"mga huling araw," na isang pariralang hindi ginamit sa Joel 2:28-32. Ano ang ating katibayan mula sa kontexto na ang hula ni Joel sa Joel 2:28-32 ay hindi umabot sa panahon ni Ellen G. White at ng Seventh-day Adventist church? Basahin nating muli ang Gawa 2:16-17 ay saliksikin mabuti.


"Datapuwa't ito'y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel: At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip." (Gawa 2:16-17)


Maraming mga talata sa Bibliya sa Bagong Tipan ang nagpapahiwatig na itinuring ng mga apostol noong unang siglo ang kanilang sarili na nabubuhay sa mga huling araw.

Halimbawa, sa kanyang sermon noong araw ng Pentecostes, sinipi ni Pedro ang aklat ni Joel, gamit ang terminong "mga huling araw" upang ilarawan ang sandali nang ibuhos ang Espiritu Santo sa kanila (Gawa 2:16–17). Nakatitiyak si Pedro na siya ay nabubuhay sa mga huling araw, na nagpapahayag ng gayong paniniwala ng sumipi siya ng isang talata mula kay Joel, na ipinapahayag ang katuparan nito sa kanyang kaarawan noong araw ng Pentecostes.

Sa kanyang unang sulat, ipinahayag din ni Pedro ang kanyang pagkaunawa na siya ay nabubuhay sa mga huling araw:

"Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo." (1Pe 1:20)

Pansinin kung paano tinukoy ni Pedro ang mga huling panahon bilang ang panahon kung saan nagpakita sa kanila si Jesus sa kanilang kapanahunan.

Gumamit din si Pablo ng katulad na pananalita nang ipaliwanag niya ang mga aral na dapat nating matutunan mula sa mga pangyayaring naitala sa Lumang Tipan:

"Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon."  (1Co 10:11)

Mali ba sina Pablo at Pedro sa kanilang pagkaunawa? Nalilito ba sila? Kung susuriin natin ang mga turo ng iba pang mga manunulat ng Bagong Tipan, matutuklasan natin na naniniwala rin sila na sila ay nabubuhay sa mga huling araw.

Ang awtor ng Hebreo ay sumulat ng sumusunod:

"Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan." (Heb 1:1-2)

Nakatitiyak ang awtor na siya ay nabubuhay sa mga huling araw, at kanyang inilarawan ang mga huling araw na ito bilang ang panahon kung kailan nakipag-usap ang Diyos sa pamamagitan ni Jesus noong Kanyang buhay sa lupa. Ang pananaw na ito ay inulit din ni Santiago nang mabasa natin kung paano niya pinayuhan ang ilang mayayamang indibidwal dahil sa kanilang kasakiman, na nagbabala sa kanila ng paparating na pagkawasak na naghihintay sa kanila:

“Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo, at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman. Kayo'y nagtipon ng inyong mga kayamanan sa
mga huling araw.” (Sant. 5:3)

Naniniwala si Santiago na ang "mga huling araw" ay naganap noong panahon niya noong unang siglo, isang tiyak na panahon sa kasaysayan.

Si apostol Juan ay lalong nagpatibay sa paniniwalang ito:

"Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras." (1 Jn 2:18)

Naniniwala si Juan na siya ay nabubuhay sa huling oras dahil naroroon ang mga anticristo. Inaasahan ni Juan na mauunawaan din ito ng kanyang mga tagasunod.

Mali ba ang mga awtor ng Bagong Tipan? Naniniwala ba silang nabubuhay sila sa itinuring nilang mga huling araw, o ang mga araw na iyon ay nasa hinaharap pa? Posible ba na inaasahan ng mga apostol ang mga pangyayari 2,000 taon bago ang mga ito mangyari?

Naniniwala tayo sa literal na mga salita ng mga manunulat ng Bagong Tipan. Hindi nagkamali sina Pedro, Pablo, Santiago, at Juan. Ang kanilang mga isinulat ay kinasihan ng Banal na Espiritu na hindi maaaring magkamali. Ang mga apostol ay nabubuhay sa mga huling araw. Hindi tayo nabubuhay sa mga huling araw o sa mga huling panahon.

Noong unang siglo, ang mga debotong Hudyo ay nakasentro ang kanilang buhay sa pag-asa sa isang darating na Mesias, ang pagtatatag ng isang bagong kaharian, at ang pangako ng Diyos na makipagtipan ng isang bagong tipan sa Kanyang bayan. Ang mga pangakong ito ay napakahalaga kaya't patuloy nilang inaasahan ang katuparan ng mga araw na inihula sa kanila ng mga propeta sa Lumang Tipan.

Ang Kahalagahan ng Terminong "Mga Huling Araw" sa Hula ng Bibliya

Ang terminong "Mga Huling Araw" sa konteksto ng hula ng Bibliya, ay tumutukoy sa huling panahon bago ang katapusan ng dispensasyon ng mga Judio o ang panahon ng mga Judio. Ang panahong ito ay nagmamarka ng pagtatapos ng lumang tipan at ang mga kaugaliang nauugnay dito, na humahantong sa pagkawasak ng Templo noong AD 70.

Narito ang isang maikling paliwanag:

Panahon ng mga Judio o Jewish Age: Ito ay tumutukoy sa panahong ang mga Judio ay nasa ilalim ng lumang tipan na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni Moises, na kinabibilangan ng Kautusan at ang mga kaugalian ng pagsamba sa Templo.

Mga Huling Araw: Ang "Mga Huling Araw" ay naiintindihan bilang ang panahon na humahantong sa katapusan ng panahong ito ng mga Judio. Hindi ito tungkol sa katapusan ng mundo kundi sa katapusan ng panahon ng lumang tipan.


Kahalagahan: Ang "Mga Huling Araw" ay nagpapahiwatig ng isang paglipat mula sa lumang tipan patungo sa bagong tipan na itinatag ni Jesus. Ang pagkawasak ng Templo noong AD 70 ay nakikita bilang isang tiyak na wakas sa panahon ng mga Judio, dahil minarkahan nito ang pagtigil ng mga sentral na relihiyosong gawain ng Judaismo sa panahong iyon.


Bagong Tipan: Sa pagdating ni Jesus, isang bagong tipan ang itinatag, na nag-aalok ng kaligtasan sa lahat ng mga naniniwala, Judio at Gentil. Ang bagong tipang ito ay nakikita bilang katuparan ng mga propesiya at ang simula ng isang bagong panahon sa plano ng Diyos.


Sa buod, ang "Mga Huling Araw" ay tumutukoy sa huling panahon ng dispensasyon ng mga Judio, na nagtatapos sa pagkawasak ng Templo noong AD 70, na nagtapos sa panahon ng mga Judio at ganap na nagpasimula sa bagong tipan na itinatag ni Jesus. Sa pagdating ni Jesus, isang bagong tipan ang ipinatupad, at isang bagong kaharian ang itinatag. Ang sinaunang relihiyosong sistema ng mga Judio ay umabot na sa kanyang konklusyon sa pagkawasak ng Templo. Ang "mga huling araw," na minarkahan ang paglipat mula sa luma patungo sa bago, ay natapos noong panahong ito ng unang siglo. Ang panahong ito ng paglipat ay umabot mula sa pagpapahayag ni Jesus bilang ang Mesias hanggang sa pagbagsak ng Templo ng Jerusalem noong AD 70. Tunay nga, tama ang mga apostol sa pagkilala sa kanilang mga panahon bilang 'mga huling araw.' Gayunpaman, ang mga Kristiyano ngayon ay nabubuhay na sa isang bagong panahon na nailalarawan ng isang bagong kaharian at bagong tipan.

Ang ideyang ito ay maaaring nakakagulat at nakakabahala sa ilan, lalo na sa mga Sabadista na naturuan na umasa ng mga bagay sa hinaharap. Kapag una nilang marinig ang katotohanang ito, maaaring mahirap para sa kanila na maunawaan dahil paulit-ulit nilang narinig ang mga pariralang "mga huling panahon" at "mga huling araw" na ginagamit, palaging tungkol sa katapusan ng mundo. Hindi nila maisip na maaaring nagkamali sila tungkol dito. Ngayong naiintindihan na natin na ang "mga huling araw" ay hindi tumutukoy sa ating panahon o sa katapusan ng mundo, ano ang ibig sabihin nito para sa hula ni Joel tungkol sa diumano'y papel ni Ellen G. White bilang isang propeta ng Diyos? Nalaman natin na ang katuparan ng hula sa Joel 2:27-32 ay naganap lamang noong unang siglo sa panahon ni apostol Pedro. Wala itong kaugnayan sa panahon ni Ellen G. White at sa kasaysayan ng Seventh-day Adventist church.

Ang mga Phenomena sa Araw at Buwan at mga Bituin

Ano naman ang argumento ng mga Sabadista tungkol sa mga pangyayari sa langit na kinasasangkutan ng "araw, buwan, at mga bituin"? Muli, babalikan natin ang kanilang pamantayang sangguniang aklat, ang Seventh-day Adventist 28 Fundamental Beliefs:

"Gayunpaman, maaari tayong magtanong kung ang hula ni Joel ay umabot sa kanyang sukdulang katuparan sa Pentecostes o kung dapat pa bang magkaroon ng isa pang, mas kumpletong, katuparan. Wala tayong katibayan na ang mga phenomena sa araw at buwan na binanggit ni Joel ay nauna o sumunod sa pagbuhos ng Espiritu na iyon. Ang mga phenomena na ito ay hindi nangyari hanggang sa maraming siglo pagkatapos." (akin ang pagsasalin sa Tagalog) [5]

Ang pag-angkin ng mga Sabadista na ang hula ni Joel ay hindi lubos na natupad noong panahon ni apostol Pedro ay batay sa isang maling pagkaunawa sa mga phenomena na binanggit tungkol sa Araw, Buwan, at mga Bituin. Kanilang binibigyang kahulugan ang mga pangyayaring ito nang literal, na inaasahan na ang araw ay literal na magdidilim, ang buwan ay literal na titigil sa pagbibigay ng liwanag, at ang mga bituin ay literal na mahuhulog. Tunay nga, hindi ito literal na nangyari noong panahon ni Pedro sa araw ng Pentecostes sa Jerusalem. Noong panahon ni Perdro ang araw ay hindi nagdilim, ang buwan ay hindi tumigil sa pagsikat, at ang mga bituin ay hindi literal na nahulog mula sa langit.

Narito ang detalyadong paliwanag mula sa kanilang opisyal na aklat, ang Seventh-day Adventist 28 Fundamental Beliefs, sa pahina 379, tungkol sa literal na interpretasyon ng hulang ito:

"Bilang katuparan ng propesiyang ito noong Mayo 19, 1780, isang di-pangkaraniwang kadiliman ang bumalot sa hilagang-silangan ng Hilagang Amerika... Ang malaking pag-ulan ng mga meteor noong Nobyembre 13, 1833—ang pinakamalawak na pagpapamalas ng mga nahuhulog na bituin na naitala—ay tumupad sa propesiyang ito." (sa akin ang pagsasalin sa Tagalog) [6]

Kinatigan din ito ni Ellen G. White sa kanyang aklat na The Great Controversy:

"Mayo 19, 1780, ay nakatala sa kasaysayan bilang “Dark Ages.” Simula pa noong panahon ni Moises, wala nang naitalang panahon ng kadiliman na mayroong katumbas na kapal, lawak, at tagal. Ang paglalarawan sa pangyayaring ito, gaya ng ibinigay ng makata at ng historyador, ay isang pag-uulit lamang ng mga salita ng Panginoon, na naitala ni propeta Joel, dalawang libo at limang daang taon bago pa ang katuparan nito: ‘Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon.’ [Joel 2:31.] [6]

Binanggit ni D.A. Delafield, isang awtor at ministro ng Seventh-day Adventist church, na nasaksihan ni Ellen G. White ang pagbagsak ng mga bituin noong Nobyembre 13, 1833, noong siya ay limang taong gulang pa lamang:

"Nang gabing iyon din na siya ay dumating sa Torre Pellice, nasaksihan ni Ellen White ang isang di-pangkaraniwang pangyayari, isang kahanga-hangang pag-ulan ng mga bituin. Siya ay isang batang babae pa lamang na limang taong gulang nang 'mahulog ang mga bituin' noong Nobyembre 13, 1833, at malamang na natulog sa buong pangyayari. Ngunit hindi niya pinalampas ang pag-ulan ng mga bituin na ito noong Nobyembre." [7]

Hanggang sa ngayon, ito pa rin ang paliwanag na ibinibigay ng ilang mga Sabadista tungkol sa mga pangyayaring ito sa langit. Bagamat marami sa kanila ang maaaring hindi nakakaalam nito, maraming mga SDA theologians ang hindi na sumusuporta sa interpretasyong ito.

Halimbawa, sa isyu ng Setyembre 1998 ng The Ministry Magazine, isang internasyonal na journal para sa mga pastor ng mga Sabadista, ipinaliwanag ng isang SDA theologian na si Dr. Hans LaRondelle sa kanyang artikulo, "Viewpoint: The Application of Cosmic Signs in the Adventist Tradition," na:

"Patuloy na itinuring ng mga tagapagpaliwanag ng Adventista ang pagdidilim ng araw at buwan noong 1780 bilang isang supernatural na tanda ng katapusan ng panahon. Gayunpaman, ang mga sumunod na ebidensya ay nagpahiwatig na ang pagdidilim ay maaaring nagmula bilang resulta ng mga sunog sa kagubatan. Ang usok ay tumakip sa araw, na sumasaklaw sa 25,000 square miles sa silangang bahagi ng Hilagang Amerika at Canada. Ang gayong rehiyonal na kaganapan na tumatagal lamang ng ilang oras ay bahagyang karapat-dapat bilang ang kosmikong pangyayari na inihula sa Bagong Tipan. Kinikilala ni C. Mervyn Maxwell at iba pa na ang tinatawag na "madilim na araw" ng Mayo 19, 1780, ay hindi pinasimulan ng isang direktang gawa ng makapangyarihang interbensyon kundi ng mga natural na sanhi... Noong gabi ng Nobyembre 13, 1833, sinabi ng isang tagamasid na "ang mga bituin ay nahuhulog na parang makapal na mga snowflake." Ang mga pagtatantya para sa pagkahulog ay mula 10,000 hanggang higit sa 60,000 meteors bawat oras. Ang taong 1833 ay itinuturing na ngayon bilang ang simula ng meteor astronomy. Napansin ng mga tagamasid na ang lahat ng mga meteor ay tila nagmumula sa konstelasyon ng Leo... Sa harap ng mga katotohanang ito, ang ilang mga konserbatibong tagapagpaliwanag ng Adventista ay kumbinsado na ang tradisyonal na interpretasyon ng Adventista sa mga makasaysayang phenomena na ito ay nawalan ng kanyang nakakakumbinsi na kapangyarihan. Si Samuele Bacchiocchi, sa The Advent Hope for Human Hopelessness (1986), ay hindi kasama ang tradisyonal na pananaw tungkol sa 1755, 1780, at 1833. Ang nagkakaisang tinig ng paniniwala sa Adventismo tungkol sa propetikong kahalagahan ng mga phenomena na ito ay nawala. Nawala ang pakiramdam ng katiyakan na dating kasama ng mga kaganapang ito bilang mga supernatural na tanda."

Samakatuwid, malinaw na ang tradisyonal na interpretasyon ng mga Sabadista sa tinatawag na "mga supernatural na kosmiko na tanda ng katapusan ng panahon" noong Mayo 19, 1780, at Nobyembre 13, 1833, ay mga bunga lamang ng imahinasyon ni Ellen G. White at ng mga Sabadista. Sa kabila ng maraming ebidensyang pang-agham at mga natural na paliwanag mula sa mga eksperto, maraming mga nalinlang na Sabadista ang patuloy na naniniwala sa mga tandang ito hanggang sa ngayon.

Ang pinakamahalagang punto dito ay hindi ang pag-amin ng pagkakamali ng mga SDA theologians, kundi ang kredibilidad ng mga pahayag ni Ellen G. White, na naniwalang siya ay kinasihan ng Espiritu Santo habang isinusulat ang mga kasinungalingang ito sa kanyang aklat, ang The Great Controversy. Kung ikaw, ang mambabasa, ay isang Seventh-day Adventist, paano papayagan ng iyong konsensya na ipamahagi ang isang aklat na naglalaman ng mga kasinungalingang ito sa publiko? Mayroon ka pa bang takot sa Diyos sa iyong puso? Bukod pa rito, paano mo ngayon maaangkin na ang Iglesiang Seventh-day Adventist ay ang tunay na nalabing iglesia ng mga huling araw gayong ang iyong propeta, si Ellen G. White, ay isang huwad na propeta? Mayroon bang tunay na iglesia na pinamumunuan at ginagabayan ng isang huwad na propeta? Ito ang iyong pagkakataon, mahal na kaibigang SDA, na muling isaalang-alang kung mananatili ka sa isang iglesia na may isang huwad na propeta hanggang sa katapusan ng iyong buhay o aalis.

Upang wastong maipakahulugan ang mga pangyayaring ito sa langit, mahalagang maunawaan ang ilang mga idyoma ng mga Judio. Sa kulturang Judio, ang mga pariralang "araw," "buwan," at "mga bituin" ay madalas na ginagamit bilang mga simbolikong representasyon ng mga kapangyarihang namamahala. Halimbawa, isinalaysay ni Jose ang isang panaginip kung saan ang araw, buwan, at mga bituin ay yumukod sa kanya (Genesis 37:9). Nang ibinahagi ni Jose ang panaginip na ito sa kanyang pamilya, hindi nila ito binigyang kahulugan bilang isang literal na pangyayari kung saan ang mga celestial body ay yumukod, kundi naunawaan nila ito na nangangahulugan na si Jose ay tataas sa mga kapangyarihang namamahala.

Sa wika ng Bibliya, madalas ipinapahayag na ang karangalan at katanyagan ng mga dakilang lungsod ay sumisikat na parang mga celestial body. Ang pagkamatay ng gayong lungsod ay inilalarawan bilang ang pagdidilim ng mga ilaw na ito sa langit.

Bilang isang halimbawa, inilalarawan ng aklat ni Ezekiel ang paghuhukom at paparating na pagbagsak ng Ehipto gamit ang parehong mga celestial phenomena.

"At pagka ikaw ay aking nautas, aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag. Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo, at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain, sabi ng Panginoong Dios." (Eze 32:7, 8)

Talagang naranasan ng Ehipto ang kalamidad na inihula ni Ezekiel, ngunit walang tala na nagpapahiwatig na ang araw, buwan, o mga bituin ay literal na nagdilim bilang bahagi ng pangyayaring ito. Pag-isipan kung paano ipinahayag ni Isaias ang pagkawasak sa rehiyon ng Edom, na matatagpuan sa timog ng Israel:

"At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan."  (Isa 34:4, 5)

Sa panahong iyon ng kasaysayan, ang mga hukbo ng langit ay hindi literal na bumaba sa lupa tulad ng mga dahon ng igos, ni ang langit ay tunay na lulukot na parang isang balumbon. Gayunpaman, ang Edom ay talagang nawasak.

Pag-isipan ang paghuhukom na ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Isaias laban sa Babilonia:

"Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag." (Isa 13:10)

Nang panahon ng paghuhukom sa Babilonia, ang mga bituin at mga konstelasyon ay patuloy na sumikat. Ang araw ay sumikat na walang kadiliman, at ang buwan ay nanatiling maliwanag. Gayunpaman, sumapit ang pagkawasak sa Babilonia.

Sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Bibliya na ipakahulugan ang sarili nito, mahihinuha natin na si Jesus ay humuhula ng kalamidad sa pamamagitan ng paggamit ng parehong apocalyptic language. Katulad ng kung paano hinula ng mga propeta tulad nina Isaias at Ezekiel ang mga paghuhukom sa Ehipto, Edom, at Babilonia, hinula rin ni Jesus ang pagkawasak ng Jerusalem.

"Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit." (Mat 24:29)

Upang maunawaan ang kahulugan ng kabanatang ito, mahalagang isaalang-alang ang saklaw ng panahon. Dahil ang kapighatian, na tumutukoy sa pagkawasak ng Jerusalem, ay nangyari noong 70 AD, sumusunod na ang mga pangyayaring ito sa kalangitan ay mangyayari "karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon." Kaya, dapat nating asahan ang katuparan ng talatang ito na mangyari ilang sandali pagkatapos ng 70 AD. Ito ang ating tugon sa argumento ng mga Sabadista na kung ang buong hula ni propeta Joel ay natupad lamang noong panahon ni apostol Pedro, bakit hindi nagdilim ang araw at buwan, at hindi nahulog ang mga bituin noong panahong iyon?  Ang dahilan ay mali ang inaasahan ng mga Sabadista kung paano ito matutupad, dahil naniniwala sila na ang araw, buwan, at mga bituin ay literal na magdidilim at mahuhulog mula sa langit, na, siyempre, ay hindi kailanman nangyari noong panahong iyon!

Gayunpaman, ang mga pangyayari sa kalangitan na inihula ni Joel ay talagang natupad sa isang makasagisag na kahulugan noong unang siglo nang wasakin ang Jerusalem noong 70 AD. Sa Joel 2, dalawang pangunahing pangyayari ang inihula: ang pagbuhos ng Espiritu Santo at ang paghuhukom sa Israel. Kinumpirma ni Pedro na ang hula tungkol sa Espiritu ay natupad na. Inaasahan din ni Pedro ang katuparan ng paghuhukom na inihula ni Joel. Nakita niya ang isang paghuhukom sa Israel na mangyayari kasabay ng pagbuhos ng Espiritu Santo. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ang paghuhukom ay naantala ngunit sa kalaunan ay naganap noong AD 70 sa lubos na pagkawasak ng Jerusalem at ng sistema ng lumang tipan ng mga Judio.

Kailangan ding maunawaan ng mga Sabadista na ang katuparan ng pagbuhos ng Espiritu Santo ay hindi tumutugma sa na natupad sa ministeryo ni Ellen G. White. Una, dahil ang mga tumanggap ng kaloob ng Espiritu Santo ay hindi limitado sa isang indibidwal na tao lamang na tulad ni Ellen G. White. Ayon sa interpretasyon ni Pedro bilang katuparan ng hula ni Joel, hindi lamang isang tao kundi sa napakaraming mga mananampalataya, kapwa lalaki at babae ang tatanggap ng kaloob na ito:

"At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain: At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu." (Joe 2:28-29)

Kaya, isang napakalaking pandaraya para sa mga tao na iugnay ang katuparan ng hulang ito ni Joel kay Ellen G. White lamang. Sa puntong iyon pa lamang, masasabi na natin nang may katiyakan na si Ellen G. White ay isang huwad na propeta dahil dito. Balikan natin ang mapanlinlang na pag-aangkin ng mga Sabadista tungkol sa kanilang nag-iisang propeta na kanilang kinikilala:

"Espesipikong sinabi ni Joel na “ang inyong mga anak na lalaki at ang inyong mga anak na babae ay manghuhula” bilang paghahanda sa “dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon” (Joel 2:28-32). Naniniwala ang mga Seventh-day Adventist na ang kaloob na propetiko ay nahayag sa buhay at ministeryo ni Ellen G. White." [8]

Marami na ang sumubok na humalili kay Ellen G. White bilang propeta pagkatapos ng kanyang kamatayan, ngunit wala sa mga ito ang kinilala ng mga Sabadista bilang tunay, kahit na inaangkin nilang bukas sila sa posibilidad na may humalili sa kanya. Gayunpaman, hindi sila seryoso tungkol dito. Pinatutunayan din nito na ang hula ni propeta Joel ay hindi kailanman natupad sa SDA church dahil ayon kay Joel, lahat ng mga mananampalataya, lalaki at babae, bata at matanda, ay tatanggap ng kaloob ng Espiritu Santo. Ngunit sa kasaysayan ng SDA church, ang kanilang diumano'y propeta ay nag-iisa lamang. Nasaan ang iba? Bakit hindi pinalitan si Ellen G. White ng isa pang propeta? Ang tanging paliwanag ay ang SDA church ay hindi isang tunay na iglesia ng Panginoon dahil ito ay pinamumunuan at ginagabayan ng isang huwad na propeta.

Batay sa ating pagsusuri, napatunayan natin na si Ellen G. White ay isang huwad na propeta dahil sa mga sumusunod na katotohanan:

1.) Ang pag-aangkin na ang hula sa Joel 2:28-32 ay natupad sa pamamagitan niya ay hindi totoo dahil ito ay natupad lamang noong panahon ni Apostol Pedro sa Jerusalem noong Pentecostes, at ang katuparan ng hula ay hindi umabot sa kanyang panahon noong 1800's.

2.) Ang interpretasyon ng SDA church sa literal na kahulugan ng pagdidilim ng Araw, Buwan, at pagbagsak ng mga bituin sa Joel 2:30-31, na diumano'y natupad noong Dark Ages mula 538 AD hanggang 1798 AD, ay mali. Ang mga pangyayari sa langit na binanggit sa Bibliya ay isang makasagisag na wika na tumutukoy sa paghuhukom ng Diyos, at ito ay natupad bilang paghuhukom ng Diyos sa Jerusalem noong 70 AD dahil sa kanilang pagtanggi kay Jesus bilang ang Mesias.

3.) Ayon sa hula sa Joel 2:28-29, ang mga tumanggap ng Espiritu Santo ay ang mga unang Kristiyanong mananampalataya sa Jerusalem, gaya ng ipinangako ng Panginoong Jesus sa kanila (Lucas 24:49; Gawa 1:8). Ang hula ni propeta Joel ay hindi tungkol sa isang babae lamang na matutupad lamang sa Amerika noong 1844 sa pamamagitan ni Ellen Harmon, kundi tungkol sa mga tunay na mananampalataya, kapwa lalaki at babae, na nagtipon sa Jerusalem upang hintayin ang ipinangakong pagbuhos ng Espiritu Santo sa kanila bilang bahagi ng inauguration ng New Testament church sa ilalim ng New Covenant. (Gawa 2:1-4).

Conclusion:

Ang hula sa Joel 2:28-32 ay natupad noong panahon ng mga apostol sa Jerusalem, kasabay ng Pentecostes, na itinuturing ng mga Kristiyano bilang ang lugar ng kapanganakan at kaarawan ng iglesiang Kristiyano.

Simula noon, ang Espiritu Santo ay aktibong tumutupad sa aspetong ito ng hula sa lahat ng mga mananampalataya simula sa 120 disipulo noong Pentecostes. Maaaring itanong ng isang Adventista, "Ito ba ay nangangahulugan na ang lahat ng 120 disipulong naroroon ay tumanggap ng kaloob ng propesiya, na nagpapahiwatig na silang lahat ay naging mga propeta?" Ang sagot ay oo! Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na lahat sila ay naging mga propeta na maaaring magkaroon ng mga pangitain at mga panaginip mula sa Diyos. Hindi lahat ng may mga pangitain at panaginip ay itinuturing na isang propeta. Kahit ang mga SDA theologian ay kinikilala ang katotohanang ito. Gaya ng nakasaad sa aklat ng mga Sabadista, The Gift of Prophecy, p. 52:

"Sa Bagong Tipan, ang paminsan-minsang panghuhula ay nangyayari nang hindi kinakailangang ipinahihiwatig na ang taong kasangkot ay isang propeta." [9]

Kaya, ang 120 disipulo ay tumanggap ng kaloob ng propesiya, kahit na hindi lahat sila ay mga propeta. Kinikilala rin ng mga awtoridad ng mga Sabadista na ang kaloob ng propesiya ay nahayag sa mga 120 disipulo sa pamamagitan ng speaking in tongues o pagsasalita sa iba't ibang wika. Ito ay pinatunayan ng Seventh-day Adventist Bible Commentary:

"Manghuhula. Ang pagkakapit ni Pedro sa hula ni Joel sa kasalukuyang karanasan sa Pentecostes ay tila nag-uugnay sa kaloob ng propesiya sa kaloob ng mga wika (tingnan sa Joel 2:28)." [10]

Maaari nating itanong sa mga Sabadista kung si Ellen G. White ay nakapagsalita na ba sa iba't ibang wika. At bakit naniniwala ang mga Sabadista na ang kaloob ng Espiritu Santo ay nagpapatuloy pa sa ating panahon, ngunit tinatanggihan nila ang kasalukuyang pag-iral ng pagsasalita sa iba't ibang wika? Ibinubunyag nito na kahit ang mga Sabadista mismo ay nalilito tungkol sa kahulugan ng kaloob ng propesiya, dahil ang kanilang mga teorya tungkol dito ay kulang ng suporta sa Biblia.

Ang Joel 2:20-32 ay natupad na noong unang siglo sa araw ng Pentecostes ayon sa ulat ng Gawa kapitulo 2, pagkatapos ng ibuhos ang Espiritu sa mga disipulo ni Cristo, ang mga Judio ay kalaunan ay humarap sa paghuhukom ng Diyos, na sinasagisag ng pagdidilim ng kanilang mga simbolikong celestial bodies—ang araw, buwan, at mga bituin noong 70 AD. Samantala, nagsimulang tumawag ang mga Gentil sa pangalan ng Panginoon at tumanggap ng kaligtasan, bilang katuparan ng Joel 2:32: 

"Ang sinumang tumawag sa pangalan ng PANGINOON ay maliligtas." 

Ang katuparan na ito ay nagpapatuloy hanggang ngayon, maging sa mga Seventh-day Adventist na nagsisisi sa kanilang mga kasalanan at tumatanggap kay Jesus bilang kanilang personal na Panginoon at Tagapagligtas, sa ikaluluwalhati ng Diyos. Amen!

References:

[1] Ellen G. White Estate, A Critique of the Book Prophetess of Health, (Ellen G. White Estate, 1976), 23.

[2] Seventh-day Adventist 28 Fundamental Beliefs. Second Edition, Silver Springs, Michigan, United States of America, Ministerial Association General Conference of Seventh-day Adventists, 2005, 251.

[3] Frank B. Holbrook, The Biblical Basis for a Modern Prophet, (Biblical Research Institute, 1982), 4.

[4] John Norton Loughborough, Last Day Tokens, (Pacific Press Publishing Company, Mountain View, California, 1904), 50.

[5] Frank B. Holbrook, The Biblical Basis for a Modern Prophet, (Biblical Research Institute, 1982), 4.
[5] Seventh-day Adventist 28 Fundamental Beliefs. Second Edition, Silver Springs, Michigan, United States of America, Ministerial Association General Conference of Seventh-day Adventists, 2005, 379.

[6] Seventh-day Adventist 28 Fundamental Beliefs. Second Edition, Silver Springs, Michigan, United States of America, Ministerial Association General Conference of Seventh-day Adventists, 2005, 379.

[6] Ellen Gould White, The Great Controversy (1888 ed.), (Mountain View, CA: Pacific Press Publishing Association, 1888), 308.

[7] D. A. Delafield, Ellen G. White in Europe 1885-1887, (Washington, D.C.: Review and Herald Publishing Association, 1975), 237.

[8] Ellen G. White Estate, A Critique of the Book Prophetess of Health, (Ellen G. White Estate, 1976), 23.

[9] Dr. Alberto Timm & Dwain Esmond, The Gift of Prophecy, (Review and Herald Publishing Association, 2015), 52.

[10] Francis D. Nichol, Ed., The Seventh-Day Adventist Bible Commentary, (Review and Herald Publishing Association, 1980), 6:143.

FEATURED POST

KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS SA MATEO 10:28 VERSE-BY-VERSE: "KAMATAYAN: MAY KALULUWA BANG HUMIHIWALAY O WALA?

  Mateo 10:28 "At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus...

MOST POPULAR POSTS